Share

Chapter 3

One week later..

Nang makalabas ang mag-ina ko sa ospital. Medyo naninibago ako sa kinikilos ng asawa ko, simula ng magka usap sila ni tita Marga, lagi na lang siyang galit. Hindi ko alam bakit nga ba siya nagkakaganyan, kapag tatanungin ko naman ito laging pagod lang raw siya. Kung minsan halos hindi na rin kami nakakapag usap ng maayos. Katulad ngayon tinatanong ko lang naman siya kung kumain na, bigla na lang nagalit.

"Hon, kumain ka na ba?" tanong ko habang nilalapag ang sumbrero na sinusuot ko kapag nasa bukid ako.

"Hmmm! Ano sa tingin mo, mukha ba akong kumain na? Tingan mo nga kung may naka hain sa lamesa?" pag susungit nito.

"Pasensya na.." nakayukong sagot ko. Nakalimutan ko na ubos na pala ang bigas namin at huling takal na lang ang na isaing ko kanina.

"Pasensya, puro na lang pasensya! Ilang taon na akong nagtitiis sayo. Hindi ganitong klaseng buhay ang gusto ko. Ano ba naman MC," sigaw ng asawa kong si Tamara. Miski naman ako, ayoko ng ganitong buhay, pero anong magagawa ko.

Tumayo na ito at iniwan na lang ako basta sa lamesa. Pabagsak nitong binagsaka ang pintuan ng kwarto naming nang pumasok ito sa loob. Nang sundan ko siya hindi ako nakapasok sa loob, sapagkat naka lock na rin ito. Wala na akong nagawa kundi mag hintay sa pag labas niya. Ayoko naman na mag-away pa kaming lalo.

Lumabas na lang ako ng bahay at pumunta sa tindahan ni Aling Susan para mangutang muna ng bigas na isasaing ko. Ganito kahirap ang buhay na meron kami, malayong malayo sa pinangarap ko para sa asawa ko. Kaya hindi ko rin siya masisisi kung nagagalit siya sa'akin ng ganito.

Pag balik ko ng bahay nandito na ang pinsan nito.

"Anong ibig sabihin nito Hon?" tanong ko.

"Doon muna ako sa Palasyo, may sakit ang abuela at hinahanap ako. Kung gusto mong sumunod, sumunod ka na lang," matabang na pananalita nito.

Hindi na ako umimik pa hinayaan ko na lamang siya sa gusto niyang mangyari. Kung pipigilan ko siya mas mag-aaway lang kami, kaya hahayaan ko muna siya sa gusto niyang mangyari.

Bakit pakiramdam ko nag-iba ang pakikitungo ng asawa ko sa'akin buhat nang na ospital ito at naka uwe ng bahay. Hindi ko rin alam kung anong napag usapan nila nang Tita Marga niya at ano ang sinabi nito para tumabang ang pakikitungo ng asawa ko sa'akin nang minsan nakita ko silang nag-uusap. Ayokong mag-isip pa, sana mali ang naiisip ko.

Nang makarating nang Palasyo si Tamara, sinalubong siya kaagad ng kaniyang abuela.

"Abuela, akala ko po ba ay masakit ka?" tanong ko rito.

"Huh? Hija es el único búfalo viejo. (Kalabaw lang ang natanda hija)." nagawang biro pa ng kaniyang abuela.

Kung walang sakit ang kaniyang abuela tila niloko siya ng tita Marga niya.

"Abuela, si Tita Marga po?" tanong ko. Pero bago pa makapag salita ito, lumapit na ang walang hiya kung Tita.

"Oh! Hija, naparito ka ano ang iyong sadya? Nabagot ka na ba sa buhay mong isang kahig at isang tuka." natatawang wika nito.

"Nuestra vida es dura, pero no utilizaremos a las personas. (Mahirap man ang buhay namin, pero hindi kami mang gagamit ng tao)." inis na wika ko. Bastos rin naman ang ugali niya kaya hindi siya karapat dapat sa respeto ko.

"Anong sinabi mo? Minumura mo ba ako? Mama!" sigaw nitong tawag sa abuela ko. Hindi na nahiya talaga. Ang kapal!

"Anong sinabi ng magaling mong apo, Mama?" tanong niyang ulit. Nakalinutan kung mangmang nga pala ang Tita ko sa dialect naming mga aristokrata.

"Maganda ka raw." sagot ni abuela. Ako naman ay lihim na natawa. Mabuti na lang talaga hindi ako binuko nito, kundi tiyak uusok na naman ang ilong ni Tita Marga.

"Mabuti naman hija. Matagal ko nang alam na maganda ako." nakangiting peke nito. Ngiting aso, toxic naman sa isip ko.

"Mauna na ako Mama at hija." sambit niya.

"Es bueno que hayas pensado en irte. He estado irritado contigo desde hace un tiempo. (Mabuti naman naisipan mong umalis na. Kanina pa ako naiirita sayo)." pahabol na sambit ko. Na ikina tawa nang Abuela ko.

"Ang pilya mo talaga, sige ka baka bumalik ang witch!" natatawang biro nito.

"Abuela, salamat. Miss na miss na kita. Alam niyo naman kayo lang ang nakaka unawa sa'akin." paglalambing ko rito.

"Miss ba miss na rin kita apo. Sana nga dito na lang kayo tumira ng asawa mo. Kung ako lang ang masusunod mas gusto kong narito ka at kasama ko. Pero, ikaw naman ang may hawak nang buhay at desisyon mo." ani nito.

"Salamat po, abuela. Hayaan niyo po kapag makumbinsi ko ang asawa ko. Kaso nga lang ayaw naman nila sa asawa ko, bakit po kaya ganoon ang buhay kapag mahirap ka inaalipusta ka na lang ng tao. Hindi talaga pantay ang trato ng lipunan sa Elite at low class." tanong ko sa abuela ko. Marahil dama rin nito ang nararamdaman ko.

"Hihintayin ko ang pag babalik mo hija, hwag muna lang isipin ang tita Marga mo, ma stressed ka lang sa'kaniya. Hindi ko naman siya mapalayas, dahil asawa siya ng namayapa kung anak at kawawa naman ang mga apo ko kung sa labas sila nang Palasyo titira. Kaya bago ka manganak sana bumalik na kayo rito." request nito, ngunit tulad ng sinabi ni abuela, ako naman ang mag dedesisyon kung anong gagawin ko sa buhay ko.

I always choose my husband. I've never replaced it, in material things no matter what. I love him as much as he loves me. Siya lang ang nag mahal at tumanggap sa'akin ng tapat at totoo. Kahit na akala nito ay magka pantay lamang kami. Matyaga niya akong niligawan, hanggang sa mapasagot niya ako sa effort niya.

"Abuela, mauuna na pala ako. Kailangan ko nang bumalik ng bahay. Mag-iingat po kayo lagi." bilin ko habang niyayakap ko siya.

Matapos kung makapag paalam kay abuela, lumabas na ako ng Palasyo. Pinilit akong ihatid nang driver namin, ayoko nga sana dahil walang may alam sa kapit bahay ko na apo ako ng Queen Eliza Wilson. Tinago namin sa lahat ang buhay na meron ako noon. Walang nakaka alam maliban sa mga naging closefriend ko noon..

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status