Share

B2:Kabanata 41

Author: jhowrites12
last update Last Updated: 2025-09-09 03:16:27

Muling sumilay ang nakakakilabot na ngiti sa mga labi ni Vincent nang maalala ang tagumpay sa mga naging plano. Naghiwalay sila Miranda at Emman. Miranda stayed with him dahil nabuntis niya ito sa gabing may nangyari sa kanila. Naging buo ang pantasya niya. Pero ang magandang pamilyang binubuo niya ay unti-unting ginuho nang dumating roon ang kanyang ina.

"Hindi mo siya dapat pakasalan! Hindi ko siya gusto para sa iyo, Vincent! Hindi siya nababagay sa iyo!"

Kumuyom ang kamao niya. Sa lahat ng bagay, naging sunud-sunuran siya sa kanyang ina. Ngayon ay maninindigan siya. Pinanindigan niya si Miranda at ang kagustuhan itong makasama.

"Hindi mo kilala ang pamilya ng babaeng iyan!" galit na galit na saad ng kanyang ina. Idinuro-duro pa siya.

Nagtaka siya. Na tila ba kilala ng kanyang ina ang kanyang asawa. Sa panahon na iyon, kinukuwestiyon na pala ni Miranda kung sino siya. At maging kung sino ito. Dahil maging sa kanya, misteryo ang buhay ni Miranda. Wala itong maipakilalang mga magulan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (8)
goodnovel comment avatar
Honaka Yahagi
sana nga si Miranda si Michelle sana nga di Siya patay baka Ang namatay si Miranda pinagpalit lang sila ni Vincent hoping po talaga sana Buhay si Michelle
goodnovel comment avatar
Jenelyn Capinig
Naku Po nagulo na sinu ka tlaga Miranda
goodnovel comment avatar
Joan Parreno
Hindi siguro namatay si michelle abangan natin ano pang irerevel ni ms.A
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   B2: Kabanata 45

    Sa unang pagkakataon. Sa loob ng maraming taon na nakalipas. Mahimbing ang pagkakatulog ni Lucas. Sa mga labi ay nakapagkit doon ang ngiti. Wala naman nangyari bukod sa halik na pinagsaluhan nila ni Miranda. Pero sapat na iyon para punan ang damdaming kumakain sa kanya. Punan ang pangungulila ng matagal na panahon.Sa umagang iyon, pareho silang halos ayaw gumalaw. Hindi alam kung paano kakausapin ang isa't isa. Paano haharapin ang bukas na hindi naiilang sa nangyari. They both know it was a mistake. Pero ang kamaliang iyon ay nagpatigil sa bagyo sa kanilang kalooban. Sa kanilang paggising, tila payapa ang lahat. "Mi..."Bumangon si Miranda mula sa pagkakahilig sa dibdib niya. Hindi ito makatingin ng tuwid sa kanya. Hinawakan niya ang kamay nito nang akmang aalis ito mula sa kama. Bumangon din siya at napaupo roon."Pinagsisisihan mo ba ang nangyari?" diretsang tanong niya dito. Ramdam niya ang biglang pagkaestatwa nito. Hindi siya nilingon pero sumagot ito. "Hindi. Pero hindi ko

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   B2: Kabanata 44

    Ikinagulat ni Doctor Luigi iyon. Ngunit hindi siya nagpakita ng anumang reaksyon.Lucas Belleza. Taong nakilala niya dahil kay Michelle. Isa din sa dahilan kung bakit hindi na niya magawang balikan ang hospital na pinagtrabahuan ng ilang taon. Because he knew then, Lucas was a good person. It's been five years since then. Limang taon rin niyang dinala sa kunsensiya ang nangyari kay Michelle. But now, unti-unti na siyang nagdududa. Unti-unti ng nalilinawan ang bawat katanungan sa kanyang isipan."You are a doctor, Luigi. It will be easy for you to sneak in and kill him. Pagkatapos niyon ay makakaalis ka na rito at makukuha mo ang bangkay ni Emman..."Napalunok si Luigi. He wants it badly. Walang tunay na pamilya si Emman at tanging siya lang at si Sister Felomina ang meron ito. At ang babaeng minahal nito. He was supposed to introduce it to him. Pero hindi sila nabigyan ng pagkakataon.Lumaki din siya sa Safe Haven. Naging Kuya sa kanya si Emman. Hanggang sa maampon ito ng isang maya

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   B2:Kabanata 43

    "Fùck! Mga inutil talaga kayo! Mga walang silbi!"Putok ng baril ang pumailanglang sa paligid. Bumagsak ang isang katawan na siyang naging dahilan ng gulantang at takot sa ibang tauhan na naroon. Maraming dugo ang umagos sa sahig dahil sa pagkakabaril ng isang tauhan. Nangisay ito roon at tuluyang nalagutan ng hininga."Boss..." Halos sabay-sabay na sumamo ng lima pang tauhan na nakaluhod sa harapan niya.Muling pumaibabaw ang putok ng baril. This time wala naman tinamaan pero ang tauhan na nangahas na kausapin si Vincent ay natumba dahil sa takot. Napaihi pa ito sa sariling pantalon dahil sa pag-aakalang mamamatay na siya."Paanong nakawala ang Madre na iyon? Matanda na nga lamang, hindi niyo pa magawang makuha!""Boss...May nakauna sa amin. Sinubukan naman namin na makuha..." nanginginig na sagot ng tauhan niya. Takot na baka ito na ang isunod niya na papatayin. "Sino? Tauhan ni Lucas? Hindi ba at nasa kritikal silang kalagayan! Nagawa pa nilang iligtas ang Madre na iyon!""Boss..

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   B2:Kabanata 42

    Nangilid ang luha sa mga mata ni Vincent. Nagulat na lang siya nang dumaloy iyon. Napapahid siya sa mainit na likidong dumadaloy sa kanyang pisngi. Fùck! Bakit siya umiiyak? Kahinaan ang pag-iyak kaya hindi niya gagawin iyon! Hindi dapat siya lumuluha.Pinahid niya nang pinahid ang luha sa mga mata niya. Ngunit mas lalong umalpas iyon. Buti na lang at wala na siyang kasama doon. Ang ibang tauhan niya ay nasa labas ng silid na kinaroroonan niya. Naalala niyang muli si Miranda at ang sinabi ni Emman.Nagkamali nga siguro talaga siyang lumabas sa islang iyon at ipakitang muli sa mundo si Miranda. Dahil doon ay nagkaletse-letse ang lahat. It was his ambition that made him do that. Pati na rin ang patunayan sa ina niya na kaya niya kahit wala ang tulong nito. Basta mayroon ang kayamanang tinatamasa niya.Mapait siyang napangiti. Nagawa niyang makuha sa ina ang isla at mailagay iyon sa pangalan niya. Because that island... nalaman niyang originally ay hindi sa kanila kundi sa magulang ni M

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   B2:Kabanata 41

    Muling sumilay ang nakakakilabot na ngiti sa mga labi ni Vincent nang maalala ang tagumpay sa mga naging plano. Naghiwalay sila Miranda at Emman. Miranda stayed with him dahil nabuntis niya ito sa gabing may nangyari sa kanila. Naging buo ang pantasya niya. Pero ang magandang pamilyang binubuo niya ay unti-unting ginuho nang dumating roon ang kanyang ina. "Hindi mo siya dapat pakasalan! Hindi ko siya gusto para sa iyo, Vincent! Hindi siya nababagay sa iyo!"Kumuyom ang kamao niya. Sa lahat ng bagay, naging sunud-sunuran siya sa kanyang ina. Ngayon ay maninindigan siya. Pinanindigan niya si Miranda at ang kagustuhan itong makasama."Hindi mo kilala ang pamilya ng babaeng iyan!" galit na galit na saad ng kanyang ina. Idinuro-duro pa siya.Nagtaka siya. Na tila ba kilala ng kanyang ina ang kanyang asawa. Sa panahon na iyon, kinukuwestiyon na pala ni Miranda kung sino siya. At maging kung sino ito. Dahil maging sa kanya, misteryo ang buhay ni Miranda. Wala itong maipakilalang mga magulan

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   B2:Kabanata 40

    'Malubhang nasugatan ang isang negosyante at kasama nito sa pamamaril alas sais ng gabi kahapon. Ayon sa balita, binabaybay ng sasakyang ng naturang negosyante ang daan pauwi nang gitgitin ito ng dalawang motorsiklo at pinagbabaril. Ayon sa nakalap na balita, nasa kritikal na kalagayan ang dalawa dahil sa natamong sugat sa bala ng baril at sugat mula sa pagkakabangga. Minabuti ng pulisya na ilihim ang pagkakakilanlan ng negosyante at kasama nito dahil sa kagustuhan ng pamilya...'Humalakhak si Vincent habang pinapanood ang balita. Hindi man ipakita at ilihim man ang pagkakakilanlan ng mga taong involve sa aksidenteng iyon ay kilala niya ang mga ito. Bakit hindi? Siya ang mastermind at tauhan niya ang taong bumaril at gumitgit sa mga ito."Very good! Iyan ang gusto ko, may ipapakitang resulta!" puri niya sa mga tauhang naroon. Pare-parehong mga nakangisi ay nagyayabangan dahil nagawa nang maayos ang inuutos ng kanilang boss. Naupong muli si Vincent sa upuan niya. Biglang sumeryoso. "

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status