LUCAS Point of View What the!? Hindi ako nakahuma sa ginawang pagsuka sa akin ni Michelle. Ni hindi ko nga siya naitulak palayo sa akin dahil sa gulat ko. I also barf when the smell of her vomit reaches my nose. Mahinang itulak ko siya as my hands reach my nose to cover it. Now, hindi lang siya ang kailangan magpalit. Maging ako ay kailangang makaligo at magpalit dahil sa ginawa ni Michelle na pagsuka sa akin. Sinadya niya ba ito? Fùck! Nakangisi siyang tumingala sa akin. Like she's so happy vomiting to me. Mariin at galit ko siyang tinitigan. "What? I will not apologize, Lucas. You deserved that!" angil niya sa akin na para bang inaamin niya na sinadya nga niya ang ginawa. Gusto ko siyang sigawan, but I can't take my hands over my nose. I will barf again if I smell her vomit! "Lucas..." Buti na lang at dumating na si Robert. Nanlaki ang mga mata niya nang madatnan kami sa ganoon ayos ni Michelle. "Take her away!" utos ko na parang nangongongo dahil sa pagkaka-cover ng
MICHELLE'S POINT OF VIEW"Ah!" sigaw ko nang bigla na lang bumukas ang pinto ng kuwartong kinaroroonan ko. Hindi ko pala iyon nai-lock at ngayon nga ay heto, nagkagulatan kami ni Lucas.Kagagaling ko pa lamang sa banyo para magshower. Wala din akong suot na kahit ano dahil kakatanggal ko lamang ang tuwalyang nakabalabal sa katawan ko para sana tuyuin ang buhok ko.Gulat na gulat ako pero maging si Lucas ay alam kong hindi inaasahan na makikita ako sa ganoong ayos. Paano ay parang natulala na siya sa kinatatayuan ni hindi man lamang kumurap."Can you get out!"sigaw ko sa kanya. Nagawang kunin ang tuwalya at bastang itinakip na lang sa harap ko. Niyakap ko iyon dahil wala na akong pagkakataong ibalabal muli iyon.Sa pagsigaw kong iyon ay parang nagising siya. Agad siyang tumalikod pero hindi naman umalis."Did you plan this?" bigla na lamang niyang akusa. Kumunot ang noo ko? Plan what?"Sinadya mong hindi i-lock ang pinto para makita kitang ganyan. Wala ka ba talagang delikadesa, Miche
MICHELLE'S POINT OF VIEWDahil sa aksidente at muling pagkakabuka ng sugat ko sa ulo ay hindi ako pinayagang pumasok muna sa trabaho ng doctor. At dahil amo ko si Lucas sa kompanya at sa mansiyon, imbes na asawa, ay madali lamang na napagdesisyunan iyon. Pero siyempre, hindi madali iyon sa akin. Dahil kahit na pumayag siya ay alam kong hindi iyon bukal sa kanyang kalooban. He wants me to suffer at hindi umaayon iyon sa mga nangyayari ngayon.Dinala nga ni Nanay Susan ang mga damit na hindi na ginagamit ng kapatid ni Lucas kinaumagahan. Kumpleto na iyon. Maging underwear ay meron na rin at mga bago. Halatang mamahalin ang mga iyon dahil branded pa."Huwag kang mag-alala. Walang magagawa si Lucas dahil ako mismo ang nagpaalam kay Sonia na ipamigay na lang ang mga naiwang damit niya dito," sabi ni Nanay Susan nang inaayos niya sa closet ang ilang mga damit. Kaya naman pala. Akala ko ay kusang loob na ibinigay iyon ni Lucas dahil sabi ni Nanay ay ipinakuha iyon ni Lucas. Mukhang napilit
LUCAS POINT OF VIEWI was about to go when Nanay Susan saw me. Pababa na siya sa hagdan at parating naman ako. Sa tingin pa lamang niya ay alam kong may gusto na siyang sabihin kaya naman tumigil ako. "Lucas, hindi ko alam kung anong ugnayan mo kay Michelle, pero sana ay maging mabait ka sa kanya. Hindi ka naman ganyan sa iba ah! Bakit ba pakiramdam ko ay ang init-init ng ulo mo sa kanya. Kilala kita, Lucas. Mabait ka at maunawain..."I raised my hand to stop her from talking. Marami na siyang sinabi. I want her to listen to me as well."Nay, you don't know her personally. She's here to pay for what she did..." I told her. Napailing lamang siya. "Alam ko kung paano kumilatis ng tao, Lucas..." pamimilit niya sa kanyang opinyon."Then you're wrong this time, Nanay," sabi kong napabalik. Imbes na magpatuloy paalis naglakad ako patungo sa kuwarto ni Michelle. Sa pag-aakalang naroon lang siya sa loob ay binuksan ko ang pinto without knocking again. I didn't see her right away. Paalis na
Michelle's Point of View"Nay, ako na po ang gagawa nito," ako ang nagkusang gawin ang vegetable salad dahil talagang bored na ako na walang ginagawa. Ulo ko lang ang may sugat at hindi ang mga kamay ko. Hindi ako baldado para hindi makatulong sa kanila. Halos maghapon kong sinubukang tumulong pero lagi nila akong sinasaway. Sabagay, kahit malaki ang mansiyon ay napanatiling malinis iyon kahit silang dalawa lamang ni Lea.Tumingin sa akin si Nanay. "Oh siya, sige at napapagod na akong sawayin ka. Gawin mo iyan, paborito ni Lucas...c Wala naman yatang ibig sabihin si Nanay Susan pero bakit sinabi niyang paborito iyon ni Lucas eh hindi ko naman tinatanong. Si nanay talaga. Hinimay ko ang ilalagay kong lobster para doon. Naka-ready na at na-cut na ang gulay na gagamitin ko kaya madali lang. Ang tanging gagawin ko na lamang ay paghalu-haluin ang mga iyon at lagyan ng dressing. Wala pang sampong minuto ay gawa na. Nang matapos kong gawin iyon ay inilagay ko muna iyon sa ref para fresh
Michelle's Point of ViewNagsinungaling ako kay Nanay Susan na hindi ko alam kung bakit ganoon sa akin si Lucas sa kadahilanang hindi niya puwedeng malaman ang lahat at ang totoong ugnayan namin ni Lucas sa isa't isa. Sa mga mata nila ay isa lang akong babaeng dinala niya doon at tinulungan. Pero, tinulungan nga ba? Kasi, lumalabas ngayon sa mga mata nila na naroon ako para parusahan ni Lucas. Naroon ako sa masiyon para maging alipin dito. And yet walang konkretong dahilan kung bakit.Nakalipas ang isang linggo na iwas ako kay Lucas. Hanggang maaari ay ayaw kong makita niya ako. Lalo pa at nadadamay na sila nanay Susan sa aming dalawa.Buti na lamang at mabilis gumaling ang sugat ko. Dahil na rin siguro sa gamot na binigay ng doctor. At dahil may buhok akong nakatakip doon ay hindi na rin halata. Imbes na ipusod ko na gaya ng dati ay hinayaan ko na lang na nakalugay amg buhok ko para takpan iyon.Ang atakeng pananakit ng ulo ko ay huli na rim noong isang linggo. Dahil na rin siguro s
Michelle's Point of View Dahil may oras pa ako ay minabuti kong bagalan ang paglalakad ko at magmuni-muni. Maaga pa kaya masarap pa ang init ng araw sa balat. Habang naglalakad ay bumubuo na rin ako ng plano para sa buhay ko. Kailangan kong mag-ipon ng pera. Kapag kaya ko na at may sapat na ipon ay aalis ako. Iyon na lang ang paraan para makatakas sa lahat. Kung kailangan kong takasan ang lahat ay gagawin ko. If my disappearance means peace to everyone. I'll disappear on a thin air. To do that, I need money to survive. "Good morning," bati ko kay Nelson na guwardiya namin. Marami sila roon pero si Nelson ang isa sa pinaka-close ko dahil palabiro siya at totoong tao. "Uy, Michelle. Long time no see." Nakangiti niyang bati. "Isang linggo rin kitang hindi nakita ah." "Now you see me..."Nagkatawanan kami. Routine na namin ni Nelson iyon sa umaga kapag dumadating ako. Nagbibiruan kami para umpisahan ang umaga namin ng may ngiti sa mga labi."O siya, aalis na ako...""Ay, sandali nga p
Michelle's Point of View Hindi na ako nagpaalam pa nang umalis bigla para i-meet si papa. Ang usapan namin ay magkikita na lang kami sa coffee shop na malapit sa kompanya. Naroon na rin naman siya kaya pinahintay ko na lamang siya roon habang pababa ako.I was so happy. Walang pagsidlang ang saya sa loob ko. Nagmamadali pa akong pumasok sa coffee shop para puntahan siya. Nagpalinga linga ako para hanapin siya habang sobrang luwang ng ngiti sabmga labi ko. Sa wakas, pinili ako ni Papa. The way he said he missed me speaks volumes. Mahal niya ako.Kumaway si papa sa akin nang makita niya ako. Nasa gilid siya kung saan malapit sa malaking bintana. Malalaking mga hakbang ang ginawa ko para agad na malapitan siya. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit nang tumayo siya para salubungin ako. "Papa."Napaluha ako. Unang beses iyon mangyari na yakapin niya rin ako pabalik. Simula kasi noong nagdalaga ako ay hindi na niya nagawang gawin iyon. Parang iniwasan niya ako lalo na at naroon na sila
Michelle's Point of View "Salamat Robert. Kita na lang tayo sa kompanya," paalam ko ay Robert nang muli ay bumaba ako bago pa man makarating sa kompanya. Ayaw kong may makakita sa akin na bumababa sa kotseng gamit ni Lucas. Iwas na rin sa mga tsismis na puwedeng mag-umpisa. Sa amin o sa kanino man."Sige, Michelle."Kumaway pa ako sa kanya bago tuluyan na umalis. Laging ganoon ang routine namin kapag sumasabay ko sa kanila. Naroon man si Lucas o wala."Don't speak even if you're hurting..." Napanguso ako nang muling maalala ang sinabi na iyon ni Lucas kanina. Ganoon talaga siya kamuhi sa akin. Akala ko ayos na dahil inalagaan ko siya pero, wala din talaga siyang puso!"Hmmmm." Tumikhim ako. Medyo masakit talaga ang lalamunan ko. Huwag naman sana akong magkasakit. Hindi dapat ako magkasakit. Kaya naman pagdating ko sa kompanya ay agad akong nagpunta sa pantry area sa opisina namin upang magtimpla ng tea. Ginger lemon ang flavor. Makakatulong iyon sa lalamunan kong parang nasusunog
Lucas Point of ViewMay kalituhan sa isip kong nakatitig sa saradong pinto ng banyo. Anong nangyari? Natakot ba siya sa akin? Bigla akong napaubo. Pagkatapos ay parang may kung anong umuugong sa teynga ko. Napahawak ako roon. It's tinnitus again.I know yesterday I felt so sick. Lumulutang ang pakiramdam ko kaya naman maaga akong uuwi. Sana...But Michelle makes us wait! Tapos magte-text lang kay Robert na hindi sasabay sa amin. Did I give her a cellphone just to contact others? Then sana hindi ko na lang siya binigyan.Padarag kong inalis ang kumot sa katawan ko nang maalala ang nangyari kahapon. I am still kinda dizzy and weak. Pero kailangan kong magtrabaho dahil wala akong ibang aasahan magpatakbo sa kompanya kundi ako. Robert's workload is full already. May mga pinapagawa ako sa kanya beyond his jon at the office. Naglakad ako papunta sa banyo. "Are you still not coming out? Michelle?" Kinatok ko ang pinto. Inilagay ko pa ang ulo ko palapit sa pinto upang pakinggan kung anong
Michelle's Point of ViewAng hirap magkasakit. Pero mas mahirap mag-alaga ng may sakit na ayaw magpadala sa hospital.Pagkatapos akong aluin ni Lea ay biglang bumaba sila Nana at Papa Val sa kusina. Buti na lamang at tapos na akong umiyak. Kita nilang mugto ang mga mata ko kaya naawa sila sa akin. "Pinapahirapan ka ba ni Lucas, Michelle?" tanong ni Nana. Nakaupo kami sa may dining area. May tea sa harapan nila at gatas naman sa akin.Umiling ako kahit ang totoo, oo. Nahihirapan ako kay Lucas. Sa maraming bagay. Hindi lamang sa pagkakasakit nito. Ginagap ni Nana ang kamay kong nakapatong sa mesa. May ngiti sa mga labi niya nang huliin niya ang mga mata ko. "Thank you for being by his side. Huwag mo sana siyang iwanan Michelle. Ikaw ang kailangan niya sa pagkakataong ito ng buhay niya," aniya. May tipid na ngiti sa mga labi. Hindi ako nakasagot. Gusto kong manatili sa tabi niya. Pero si Lucas pa rin ang masusunod kung gusto ba niya akong manatili. Dahil pagbabatayan ang ngayon, ala
MICHELLE'S POINT OF VIEW Olivia?He was hallucinating. Pinagkamalan niya akong si Olivia. Siguro nami-miss na niya ang step sister ko. Siguro sobrang nangungulila na siya rito. Ilang linggo na rin na magkalayo ang mga ito. At dahil sa akin kaya hindi sila magkasama ngayon.Nasaktan ako pero hindi na ako nagsalita. As long as he cooperates with me. Napakain ko siya kahit kaunti lamang at napainom na rin ng gamot dahil sa pag-aakala niyang si Olivia ako. Ngayon nga ay natutulog na siyang muli. Nakatitig ako kay Lucas. Hindi ko mapigilang malungkot dahil hanggang ngayon, hindi pa rin niya talaga nakikita ang presensiya ko sa buhay niya. Hindi niya ako napapansin kahit na ang totoo, lagi lang naman akong nasa tabi niya. Nakasubaybay sa kanya noon pa man. Nag-aaral pa kami at wala pang Olivia sa buhay niya.Umangat ang kamay ko pero napatigil ako sa ere. Pahaplos na iyon sa mukha niya nang pigilan ko ang aking sarili. "Alam mo bang noon pa ay mahal na kita, Lucas..." sambit kong kinak
MICHELLE'S POINT OF VIEW Tahimik lahat kami habang binabaybay ang daan pauwi. Dinig ko ang panay-panay na buntong hininga ni Lucas. Nilingon ko siya at parang nagsisi ako dahil mataman siyang nakatingin sa akin na para bang may ginawa na naman akong masama. Salubong ang mga kilay niya at parang kakainin niya ako ng buhay. Kapag ganito siya ay gusto ko na lang talagang umiwas dahil mas maigi na iyon kesa harapin ko ang galit niya.Binawi ko ang tingin ko sa kanya. Buti na lang ang hindi siya nagsalita. Nagulat lang ako bigla nang biglang bumahing ito ng malakas. "Excuse me," aniya ngunit pagkatapos niyon ay muli siya napabahing.Napalabi ako. Mukhang magkakasakit pa yata siya. Iba kasi ang tono ng boses niya noong magsalita. "Did you catch a cold?" Hindi ko maiwasang tanong. Mukha kasing sinisipon talaga siya dahil sumisinghot pa siya. Mula sa gilid ng mga mata ko ay kita ko ang pagkuha niya sa kanyang panyo at pagpunas sa kanyang ilong."Kung hindi ka naman kasi kung saan-saan nagp
Michelle's Point of View "Michelle, okay ka na ba? Musta ang chicken pox mo, hindi na ba nakakahawa?" tanong ni Lorraine sa akin. Hindi ko alam kung sino ang gumagawa ng dahilan kapag umaabsent ako pero hindi na siya kapani-paniwala. Dalawang araw lamang akong hindi pumasok. Chicken pox talaga? Ano ako, si Super Woman? Gumagaling agad?"Allergy lang iyon, Lorraine. Napagkamalang chicken pox," sabi ko na lang. Hirap ipagtanggol ng kung sinong gumagawa ng kuwento kapag absent ako.Sinipat akong mabuti ni Lorraine. Maging ang kutis ko sa kamay. Maging sa leeg ko ay sinilip niya. Pero natigilan siya bigla at humarap sa akin na nagdududa."Ano iyan?" ika niyang may itinuro sa may leeg ko. Bigla akong nag-alala. Hindi kaya nagkaroon na talaga ako ng chicken pox? Huwag naman sana. "It looks like a chikinini!" aniyang agad kong ikinapula ng mukha. What did she say?"Nagkakamali ka," ika kong pinabulaan ang sinasabi niya pero hindi siya tumigil. Kinuha niya ang cellphone niya at ni-pictu
LUCAS POINT OF VIEW Nase-sense ko na hindi palagay si Michelle na nasa kuwarto niya ako. Ako din naman. Iyong pagsamahin kami sa iisang silid, it's a big no for me. She's on the other side of the bed. Sobrang nasa gilid. Ako naman ay nasa paanan ng kama niya. Nakaupo lamang doon. Waiting for perfect timing to move to my room. Hinihintay ko lang na makatulog sila Nana para makaalis na ako.Tahimik siya. Tahimik ako. Parehong nakikiramdam sa isa't isa. Galaw lamang siya ng galaw kaya nairita ako. "Can you stop moving!" Napalingon ako sa kanya. Nakabaluktot siyang patagilid. Pagkatapos ay babaliktad na naman siya sa kabila. Nakakahilo ang ginagawa niya. "Puwede bang umalis ka na kasi sa kuwarto ko," sabi niyang napaupo na sa kama. Nakasandig ang likod niya sa headrest.Tinaasan ko siya ng kilay. "Why? Are you afraid something might happen again? Don't worry, nasa matinong pag-iisip na ako. Hindi na ako papatol o papatulan ang cheap trick mo!"sabi kong tumayo na. It's already ten in
LUCAS POINT OF VIEW I went out of my office. Wala pang segundo iyon simula noong umalis si Michelle. Mabilis akong bumaba at nang makita ko sila sa sala ay agad akong lumapit. Nakatayo si Michelle sa harapan ni Nana. Ang kamay niyang napaso ay nakalagay sa likod na para bang itinatago niya iyon sa matatanda. "Lucas, narito ka pala. Inutusan mo pa si Michelle na siyang magpasalamat sa akin," sermon ni Nana na ipinagtaka ko. So hindi nagsumbong si Michelle. Means kaya nasa likuran ang mga kamay niya ay talaga ngang itinatago niya iyon para hindi makita. At nagawa pa niyang magpasalamat in behalf of me. I don't need it!Napasilip ako sa kamay niya nnang tumabi ako sa kanya. Namumula na iyon ng husto.Imbes na magpasalamat kay Nana ay hinawakan ko sa kamay si Michelle. "Aray!" "Lucas. Be gentle to your wife..." babala ni Nana at pinandilatan ako ng mga mata nang biglang mapasigaw si Michelle. Nasaktan ko ang masakit na niyang kamay dahil sa paso.Nabigla lang ako. Nang hilahin ko s
LUCAS POINT OF VIEW Pabalik-balik ako sa paglalakad sa kuwarto ko. Calming myself bago ko harapin muli sila Nana. Hinayaan kong kainin ako ng aking emosyon kung kaya ay nasagot ko siya. Which is so disrespectful to her. Alam kong inaalala lamang niya ako at nagawa ko pa siyang sagutin ng ganoon.I get that. Kapakanan ko ang iniisp nila. I just really don't get why they need to bring the past. Tapos na iyon. Whether I moved on to that or not, it's my choice. It is also my choice if I want to continue doing what I am doing right now. Ang hindi magpapaapekto sa nakaraan na iyon. "Lucas, pinapatawag ka na sa baba," tawag ni Nanay Susan. Kumatok pa siya sa pinto ko. "Kakain na. Ikaw na lang ang hinihintay."Muli akong humugot ng malalim na hininga. Paulit-ulit hanggang sa kumalma kahit kaunti ang pakiramdam ko."Lucas...""Coming, Nay..." I said as I walked to the door. "I just need to change," dagdag ko. "Bilisan mo na diyan..." sabi niya bago umalis.Hinintay ko munang makalayo ang m