Michelle's Point of ViewMalamig na hangin ang dumadampi sa akin balat habang nakatanaw sa labas. Hinayaan kong laruin ng hangin na pumapasok sa bukas na bintana ang buhok ko. Ginusto kong pumuwesto sa puwestong iyon sa bus dahil nalulula ako sa mahabang biyahe. Biyaheng papunta sa lugar na inihanda ni Emman para sa kaligtasan ko.Si Emman...Mabigat pa rin sa akin ang nangyari sa kanya. At sinisisi ko si Lucas. Alam ko, kaya niyang gawin ang ganoong kasamang bagay para saktan ako. Parusahan. Nagawa na niya iyon sa ibang mga nakapaligid sa akin para pasakitan ako. Para takutin. Hindi malayong mangyari na kagagawan niya rin ang nangyari kay Emman. Napakasama ni Lucas.Hindi ko mapigilang muling mapaluha. Ang minahal ko na lalake sa buong buhay ko, kayang pumatay para saktan ang damdamin ko. Nagtagumpay siya. Hindi niya lang pinatay ang taong naging mahalaga na rin sa akin. Pinatay na rin niya ang pagmamahal sa puso ko. Hindi ko mapigilang mapahikbi habang naaalala ang mga pasakit
Robert's Point of ViewBugbog at duguan ang mukha. Lumiit na ang mga mata ko at alam kong nangitim na ang palibot niyon dahil sa malakas na suntok na natamo ko mula kay Lucas. Pero hindi ko inalintana iyon. Maging ang mga tingin sa akin ng mga tao na nadadaanan ko. May ilang mga nurses ang gustong lumapit sa akin ngunit mga nag-atubili dahil sa seryoso at duguan kong mukha.Hindi tuwid ang paglalakad ko. Panaka-naka pa akong napapatigil at napapasandig sa dingding ng hospital dahil nararamdaman ko na nag sakit at pagod sa buong katawan ko. I should stop. Pero ayaw ng ng isipan ko. I can't stop right now. Nakapag-umpisa na ako.Napangisi ako nang sa wakas ay marating ko ang pakay na kuwarto. Muli kong hinila ang mga paa ko papunta roon dahil maging ang mga iyon ay parang nakakadena na sa sahig. Ayaw ng kumilos ng kusa. Padarag kong binuksan ang pinto mh kuwartong pakay. Halos lumagabog iyon dahil sa pagkakabangga sa dingding. Na ikinagulat din ng mga taong naroon."Robert!"Halos sab
Robert Point of View "Magsabi ka ng totoo o babasagin ko ang mukha mo?" Banta ko sa lalaking nakaangat sa pader dahil halos maiangat ko siya sa pagkakakuwelyo sa kanya. Magaling man daw magtago ang isang bubwit, lalabas pa rin para maghanap ng makakain. At iyon ang hinintay ko. Ilang linggo ko rin na ni-trace kung saan siya nagtatago."Sandali...sino ka ba? Wala akong alam sa sinasabi mo..." takot na tanong ng lalake. Lalakeng doctor na tumingin noon kay Olivia. Doctor na siyang naging kasabwat nila ng kanyang ina para paikutin si Lucas. I just need proof. And that proof is coming from his mouth. Dahil hindi niya ako sinagot ay binitiwan ko siya. Pero hindi pa man bumabagsak ang mga paa niya sa lupa ay nasuntok ko na siya sa kanyang mukha. Agad siyang napaigik sa sakit. Humiyaw dahil sa pagkakabasag ng kanyang ilong. "Tinatanong kita!" singhal kong lalo niyang ikinatakot. Inambahan ko siyang muli ng suntok. "Magsasabi na ako ng totoo..." lalong nangatog siya sa takot. Iniamba niy
Lucas Point of View "She left already, Lucas..."Parang bulkan na sumabog ang galit sa sistema ko. Mabilis akong nakalapit kay Robert at sa isang iglap ay hawak ko na ang damit niya at kinuwelyuhan na halos sakalin ko na siya."Anong sabi mo?" Nanginginig ang boses ko sa galit. Na para bang magdidilim ang paningin ko anumang oras. "I make her leave you Lucas—""Why?!" sigaw ko pagkatapos siyang ihagis sa sahig. Agad ko siyang dinamba ng suntok. Hindi ko napigilan ang sarili. Nakalimutan ko kung sino siya sa buhay ko. He should be an ally who supported me. A friend who will always be on my side! "Who told you to make her leave! Wala kang karapatan!" sigaw ko habang pinagsusuntok si Robert. Hindi ko alam kung ilang beses ko siyang sinuntok sa mukha. Kusa na lang akong napatigil dahil hindi siya lumaban. Hinayaan niya akong bugbugin siya. Hilam ng luha ang mga mata kong napasalampak sa sahig. Ang sahig na ang pinagdiskitahan kong suntukin. Ibinuhos doon ang sobrang galit at panibugho
Lucas Point of View"I love her!"Katagang matagal kong kinimkim. Katagang itinago ko at tila ayaw paniwalaan ng sariling damdamin at kaisipan. Damdamin na alam kong nagsusumigaw sa pagkatao ko noon pa man pero hindi ko binigyan ng pansin. Dahil ayaw ko. Dahil hindi ko matanggap sa sarili ko na ang taong nanloko sa akin at gumawa ng mga kasinungalingan para maitali ako sa isang kasal ay ang taong magpaparamdam sa akin ng ganito kalalim na pagmamahal. Ganito kalalim na damdamin. Nag-uumapaw na pagmamahal na itinago ko sa kailaliman ng puso ko. "I love her!"Nasa sasakyan na ako ay paulit-ulit ko pa rin iyong sinasambit na para bang ang sarili ko ang kinukumbinsi sa damdaming umaapaw ngayon."I love Michelle..."At kahit anong tanggi ko sa sarili ko. Alam kong iyon ang mga kasagutan kung bakit ayaw ko siyang pakawalan. Ayaw kong makita siya na kasama ang iba. Because I love her. Hindi niya lang tinunaw ang galit sa puso ko. Mismong puso ko ang natunaw niya. Mahal ko siya sa kabila ng p
Lucas Point of View *Warning SPG*Olivia is awake. But I never get excited. Ang ipinunta ko sa hospital ay dahil gusto kong sagutin niya ang mga katanungan sa isip ko. Hindi lamang doon kundi, kung anong nangyayari sa akin ngayon. Kasagutan kung bakit nahahati ngayon ang isipan at puso ko. Kailangan kong harapin ang katotohanan para lumaya sa kasinungalingan. O kailangan kong harapin ang kasinungalingan para sa katotohanan? Either way, I need to do something because if not, baka magkatotoo ang sinabi ni Michelle. Maging demonyo ako ng tuluyan."Lucas..."Olivia cried as soon as I entered her private hospital room. Her feet are still casted and she still has bruises on her hands and face. Pero mukha na siyang maayos. She looks the same as before. She reached me when I stood still beside her bed. Hindi ako kumilos. Kaya nagtataka siyang tiningala ako. Tears flowing in her eyes instantly."Luke...are you mad?" Mukha siyang nasasaktan sa ginawa kong tila pag-iwas sa kanya. Hindi ko iy