Share

Chapter 4

Author: Tin Gonzales
last update Last Updated: 2022-08-29 21:22:41

Naabutan ni Katie na masayang nag-uusap ang mga ito sa harap ng pagkain. Mabilis na tumayo ang kaniyang superior at ipinaghila siya ng upuan. Hindi naman napigilang umikot ang kaniyang mga mata. Akala mo kasi kung sino ito kung makaasta.

“Katie, hindi mo man lang ba ipakilala itong gwapong binata na ito sa amin? Kanina pa kami nag-uusap pero hindi pa namin siya kilala. Saka, sa kwarto mo nga pala ko siya pinatuloy kanina para makapagpahinga. Alam mo namang walang iba pwedeng mapagpapahingahan kundi roon. Kaya mamaya, sa kwarto ka na lang ni Taniya matulog,” tuloy-tuloy na wika ng kaniyang tiyahin.

Napamulagat sya. “Ho!? Tiyang naman. . . Paano kung mandurugas ang lalaking ito at nanganib buhay niyo? Dapat ho hindi kayo nagpapatuloy at nagtitiwala agad-agad.” Tiningnan niya nang masama ang lalaking katabi na para namang hindi apektado ng kaniyang mga sinabi.

Umiling naman ang tiyo niya na hindi pa halos nalulunok ang pagkain sa bibig. “Hindi naman sa ganoon, Katie. At saka, ipinakita niya sa amin ang ID niya. Sundalo siya at may misyon daw kayo,” anito.

Napaubo siya sa sinabi nito. Mabuti na lang at hindi pa siya nakasusubo, dahil malamang, nabulunan na siya.

Malikot ang mga matang hinarap niya ang tyuhin.

“Ah, Tiyo, siya lang ho ang may misyon. Hindi ho ako kasali roon,” mabilis niyang dahilan. Tinitigan niya ang lalaki at sumeniyas na huwag ipaalam ang trabaho niya.

Nakatunog naman agad ang lalaki. Ngumiti pa ito nang nakaloloko sa kaniya.

“Ang totoo po niyan, ako po si Zachary Silva. Ang misyon ko po ay ibalik nang maayos si Dra. de Guzman sa trabaho niya bukas,” paliwanag nito.

Para naman siyang nabunutan ng tinik sa narinig. Nakita niya na napatingin sa kaniya si Taniya habang tumatango-tango. Pinandilatan naman niya ito ng mga mata

“Ay kung ganoon, bodyguard ka ba ng pamangkin ko?” tanong ng tiyo niya.

Tumango ang lalaki, bago muling sumubo ng pagkain.

“Sabagay, hindi rin natin maaalis na nasa panganib ka pa rin, anak. Pero, matagal na iyon. Tinakasan mo ba siya sa Manila?” anag kaniyang tiya. Anak na rin siya kung ituring nito.

Mabilis pa sa alas-kuatrong umiling siya. “Hindi ho. Hindi lang po siya available noong umalis ako,” katwiran niya.

Tumagal ang kwentuhan nila ng ilang oras, bago napagpasyahang magpahinga. Sa kwarto ni Taniya siya natulog, ngunit malalim na ang gabi ay hindi pa rin siya dalawin ng antok.

Samantalang si Taniya ay payapa na sa kaniyang pagtulog.

Bumangon sita at lumabas sa maliit nilang terrace. Huminga siya nang malalim nang maramdaman ang pagdapyo ng panggabing hangin sa kaniyang balat. Tumingala siya.

Maaliwalas ang langit sa mga sandaling iyon. Nagkikislapan ang mga bituin na iba't iba ang hugis dahil sa distansya nila sa planetang kinaroroonan. Iba-iba rin ang kanilang mga kulay.

Napakatahimik ng paligid. Tanging huni ng kuliglig ang maririnig doon. Isa sa mga bagay na ma-m-miss niya pagbalik sa Maynila.

Kung pwede nga lang hindi na siya bumalik sa trabaho, ginawa na niya. Pero sa tuwing maaalala niya ang mga magulang, nag-aalab ang damdamin niyang nais maghiganti sa naging dahilan ng pagkamatay ng mga ito.

Oo, masarap sa pakiramdam kung doon siya magtatrabaho sa kanila bilang isang doctor. Doon, kahit papaano, may pamilya siyang maituturing na kasama. Pero hindi pa iyon napapanahon. At nangangako siya sa sarili na balang araw, matutupad ang nais niya. Ang una niyang pinangarap kasama ang mga magulang.

Muli siyang tumigin sa langit at muling pinagmasdan ang mga bituin. Nagulat pa siya nang bigla na lang may yumakap sa kaniya mula sa likuran.

Pagharap nito ay sumalubong sa kaniya ang nagtatanong nitong mga mata. “Gabi na. Bakit hindi ka pa natutulog? May hinihintay ka ba na manliligaw mo?”

Biglang uminit ang ulo niya. “Sir, pwede ba? Bago pa ako mawalan ng respeto sa inyo, pakawalan niyo na ako. Ayaw kong gumawa ng ano mang ingay, dahil baka magising ang mga tyahin ko.” Itinulak niya ito.

Pero mahigpit ang pagkakayakap sa kaniya ng lalaki. Ngumisi pa ito nang nakaloloko sa kaniya.

Naningkit ang mga maga niya. “Ano ba talagang gusto ninyong palabasin? Tapatin niyo nga ako? Bakit niyo ba ako sinundan dito?” sunod-sunod na tanong niya.

Iba kasi ang inaakto ng lalaki sa inakto nito noong unang magkita sila. Kapag nasa kampo ito, akala mo kung sinong hari na walang sinasanto. Kapag naman nandito sa labas, puro yata kalokohan ang alam.

Nagkibit-balikat ito. “Wala lang. Gusto ko lang.”

Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. “Gusto niyo lang? Ganoon na ba ang mga superior ngayon sa organisasyon? Ginagamit ang—” Napigil ang iba pa niyang sasabihin ng ilapat nito ang isang daliri sa mga labi niya.

“Akala ko ba ayaw mo silang magising? At akala ko ba ayaw mong malaman nila kung ano talaga ang trabaho mo? Bakit ngayon ang dami mong tanong?”

Inis na iwinaksi niya ang kamay nito. “Dahil hindi kayo marunong sumagot nang matino.”

“Bakit? Hindi ba matino ang sagot ko?” nakalolokong sagot nito.

“Saan ba kayo nakakitang dahil gusto niyo lang, kaya kayo naririto?”

Napailing ito. “You’re just thinking too much, that’s why.”

“Eh—”

“Eh, kung hindi ka titigil, sasabihin ko na lang sa kanila ang totoo para manatili ka lang dito, for good!” may diing wika nito.

Nawalan siya ng imik. Hindi niya alam kung ano ang iisipin sa mga sandaling iyon. Nalaman niya kay Mavy na palikero ang lalaki, at hindi mawala sa isip niya na baka isa siya sa babaeng gusto nitong mapabilang sa mahaba nitong listahan.

Sa naisip ay muli niya itong itinulak na wala namang epekto rito. Dahil nananatiling nakapulupot ang mga braso nito sa kaniya.

“I like your smell, sweetie. I really like it. Kaya ayokong nakikita kang dumidikit kay Felipe. Bukod sa hindi magandang tingnan, malilipat din sa iyo ang amoy barako niya,” bulong nito.

Sa narinig ay buong pwersa niyang inalis ang mga braso nitong nakapulupot sa kaniya.

Nagtagumpay siya.

“That’s none of your business, Sir!” mabalasik niyang sagot.

Ano bang gusto nitong palabasin? Na maharot siya? Na siya ang tipo ng babaeng madaling makuha? Hah! Nagkakamali ito.

Tama na maraming nanligaw sa kaniya sa kampo at isa na roon si Mavy. Pero tinapat miya agad ito na pagtinging kapatid lang ang maigaganti niya rito. Naunawaan naman iyon ni Mavy na hindi katagalan ay nakakita ng babaeng nais nitong pakasalan. At natutuwa siya sa bagay na iyon.

Tapos ngayon, heto ang lalaking kaharap niya na akala mo pagmamay-ari siya? Nasisiraan na yata ito ng bait!

Sinalubong ni Zach ng nag-aapoy na tingin ang kaniyang mga mata. “Hindi nga ba? Because as far as I know, you are now under my command. And you will obey everything that I say starting from now on!” At pagkasabi niyon ay sinunggaban siya nito ng mapagparusang halik. Nanlaki ang mga mata niya at hindi makagalaw habang patuloy na nananalasa ang mga labi nito sa kaniya.

Nang maramdaman nito iyon, unti-unti nitong binago ang estilo ng paghalik. Naging masuyo iyon. Mapang-akit. At hindi niya napigilan ang unti-unting pagkabuhay ng init sa kaniyang buong katawan. Bawat galaw ng mga labi nito ay para siyang tinatangay sa kung saan. Nakababaliw. Nakadadarang.

Maya-maya pa, naramdaman ni Katie ang pangahas na kamay ng lalaki sa loob ng damit niya. Masuyo nitong dinama ang kaniyang dibdib na nagbigay ng nakakikilabot na sensasyon sa buo niyang katawan.

“Sir Zach,” hindi na napigilang sambit niya. Gustong-gusto niya ang ginagawa nito. Ayaw na niyang patagilin ito. He was drowning her in his unstoppable escapades in her body.

Sandali siyang nagmulat ng mga mata. Nakita niyang nakapikit ito habang patuloy sa paghalik sa kaniya. Ang gwapo nitong mukha ay mas lalo pa yatang gumwapo sa paningin sa mga oras na iyon.

Muli siyang pumikit at ninamnam ang mga halik nito. Pero bigla itong tumigil sa pagtataka niya.

“Go to your room now, Katie, bago pa ako makalimot.” Tumalikod ito pero bigla ring humarap sa kaniya. Mabilis nitong kinintalan ng halik ang kaniyang mga labi.

“Good night, sweetie. . .” Saka siya nito iniwan doon at tumuloy sa kaniyang silid na ginagamit nito.

Wala sa sariling pumasok siya sa loob ng kwarto ni Taniya. Nahiga siya sa kama. Tulalang tumitig sa kisame habang dinadama ang namamaga pang mga labi.

Ano nga bang nangyayari? Bakit napasusunod siya ng lalaki nang gano-ganoon na lang? Bakit pakiramdam niya may kung anong damdaming binubuhay ito sa kaniyang pagkatao?

Ipinilig niya ang ulo.

Hindi siya pwedeng magkaroon ng pagtingin dito. May misyon pa siya. Isa pa, kung paglalaanan niya ng panahon ang lalaki, isa lang ang ibig sabihin niyon, mapabibilang siya sa napakahabang listahan ng mga babaeng napaikot nito.

At iyon ang huling bagay na nanaisin niyang mangyari!

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Julie F.Abenes
Zachary grabe na Yan
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • MILITARY LOVE   Chapter 78

    Bigla ang pagbundol ng kaba sa kaniyang dibdib. Sabay silang napalingon dito ni Zach.Nanlaki ang mga mata niya. Si General Santiago!“Naunahan mo akong makipagkita sa kaniya, Lt. General Silva. This all the reports that I need to present to her. But anyway, thank you for inviting me here,” anito.Nakipagkamay ito kay Zach habang nagbeso naman siya rito.“Apat na buwan na mula nang magising ako at nakabawi ng lakas. Almost one and half years ang ginawa ni Jalva sa akin, pero hindi ko iyon pinagsisihan. Dahil kahit sa impyerno susundan ko siya, para lang mailigtas ang mag-ina mo, at sisiguraduhin kong hindi na siya makababalik pa dito sa lupa,” nakangiting wika nito.“I’m sorry, General Santiago. Pati iakw nadamay dito,” napayukong wika niya.Umiling ito. “No! Ramdam ko ang pagnanais mo na mailigtas ang anak mo noon. Salamat sa pagtitiwala sa akin, dahil doon, nakasama ko ang future husband mo sa laban. Ikaw ang tumupad ng usapan namin.” Tumawa ito. “Asan ang triplets?” Iginala nito an

  • MILITARY LOVE   Chapter 77

    Chapter 77Halos tatlong sunod-sunod na araw na bumisita at natulog si Zach sa bahay nila. Palagi itong hindi nawawalan ng mga dalang pasubong sa triplets. Kung hindi damit, laruan, ay ipinapasyal naman nito ang mga bata na kasama siya. At ngayon nga ay nasa museum sila. May mga replika na helicopter doon at malalaking canyon. Mayroon ding iba’t ibang hugis at laki ng bala ng mesiles. Naka-display din doon ang uniporme ng mga magigiting ng sundalo noong World War II at iba’t iba pang mahahalagang kaganapan sa kasaysayan ng Estados Unidos. Nakita ang excitement sa mukha ng mga anak. Kahit naman siya ay namangha rin sa mga nakita. Sa laki ng museum, tantiya niya, hindi kayang libutin iyon ng maghapon.“Daddy, I’m so excited to ride here. Come on, guys!” si Evan iyon na sumakay sa replikang helicopter. Tila naman kinikilig ang dalawa nina Chase at Asher na sumunod sa kapatid. Nagkagulo pa ang mga ito sa kung sino ang uupo sa driver seat. Napangiti na lang siya at napailing.“How I mis

  • MILITARY LOVE   Chapter 76

    Walang pagsidlan ng tuwa ang mga anak niya. Halos maghapong kausap at walang kapagurang nakipaglaro sa ama nila.Gumawa siya ng snacks para sa mga ito. Ayaw muna niyang sumingit sa moment ng mag-aama. Tama lang naman iyon, because they had a lot of things to catch up on. Isa pa, noon niya lang nakitang ganoon kasaya ang triplets. Hindi naman niya gustong ipagkait iyon sa mga ito. Iiniwan muna niya sa salas ang mga ito na nakaupo sa carpet. Siya naman ay umupo at tinanaw ang mga ito sa isang sofa malapit sa television at nanood na lang hanggang hindi na niya namalayan na hinila siya nang antok.Yakap ang isang unan naramdaman niya ang mabining haplos sa mukha niya. Pero imbis na magmulat ng mga mata ninamnam niya iyon dahil sa panaginip niya.Nakatayo raw siya sa isang tabi nang biglang may yumakap sa kaniya at hinagkan siya sa batok. Napitlag siya at hindi agad nakapagsalita.“It’s been a year. I missed you.” Tinig iyon mula sa lalaki sa panaginip niya. Mainit ang halik nito sa kani

  • MILITARY LOVE   Chapter 75

    Pinilit ni Katie na kumawala sa mga bisig ni Zach, ngunit malakas ito.“Ano ba?! Bakit mo ba ito ginagawa, ha? Bakit ba naririto ka? Hindi ba dapat kasama mo ang girlfriend mo?” singhal niya rito, ngunit bigla ring natigilan.Nakita niyang ngumisi ito. “Jealous?” Hinawakan nito ang pisngi niya pero mabilis siyang nag-iwas ng mukha.“Wala akong pakialam kung makipagrelasyon ka sa iba. Tapos na tayo, hindi ba? Iniwana na kita, bakit pa ako magseselos?” taas-noong wika niya.“Tsk! You can’t hide what you really feel for me, Katie. I knew you well.” Masuyong pinaraanan nito ng daliri ang mga labi niya. Napalunok naman, lalo na at may hatid iyong kakaibang init sa buo niyang pagkatao.“S-stop it. . .” mabuway na saway niya rito.Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa kaniya. “I won’t. Not unless you tell me that it was your fault.”Bigla siyang natauhan sa narinig. Tumigas ang kaniyang anyo. “Oo na! Kasalanan ko na! Masaya ka na?” nanunuyang wika niya bago ito itinulak. “Kung iyon lang a

  • MILITARY LOVE   Chapter 74

    Chapter 74Ilang beses na napakurap si Katie. Kahit pagod sa mga naganap kanina, hindi pa rin niya magawang makatulog. Naglalakbay ang diwa niya sa kung saan.She looked at Zach. Himbing na ang tulog nito pero nananatiling nakapulupot sa kaniya ang mga braso nito. Para bang ayaw talaga siyang pakawalan.Dahan-dahan niyang iniangat ang braso nito nang bigla itong gumalaw. “Sleep, sweetie. . .” bulong nito na ikinagulat niya.Napalingon siya rito. Nananatili pa rin itong nakapikit. Huminga siya nang malalim. Lasing, pagod at antok ito pero parang balewala ang mga iyon. Malakas pa rin ang pakiramdam nito.Matagal siyang napatitig sa kisame. Ni hindi niya maigalaw ang katawan kahit nangangawit na siya. Ayaw niyang tuluyang magising ang lalaki. Baka lalong hindi siya makaalis.Hindi tama na naroroon siya. Alam niyang may iba ng kasintahan ang lalaki at ataw naman niyang maging dahilan ng pagkasira ng relasyon nito. What happened to them is wrong. Nadala lang sila pareho ng bugso ng kani

  • MILITARY LOVE   Chapter 73

    Chapter 73Napaigtad si Katie nang biglang tumunog ang cellphone niya. Hinanap niya kung nasaan iyon dahil wala sa kama ang bag niya.Sabay silang napatingin sa center table. Mabilis siyang humakbang palapit doon. Baka kasi si Dr. Smith o Camila ang tumatawag sa kaniya. Alas-otso ang sinasabi ng orasan na nasa dingding, baka nag-iintay na ang mga anak niya.Bago pa niya mahawakan ang cell phone, nakuha na iyon ng lalaki. Mas lalong nagngalit ang mga bagang nito.“Michael, huh! Is he your lover?”Mabilis niyang kinuha ang cell phone sa kamay ng lalaki. Alam niyang si Camila ang tumatawag. Baka biglang mag-aalala ito kung sasagutin niya at marinig ang boses ni Zach.“Ibigay mo sa akin iyan! Tumatawag na siya, hindi ba’t iyan naman ang gusto mo? Ang kausapin ko siya?” Matalim niya itong tinitigan. “Naipaliwanag ko na ang side ko kung bakit ako umalis, kaya please. . . pakawalan mo na ako. Huwag mo na lang sabihin sa iba na nagkita tayo, dahil baka nasa paligid lang ang spy ni Bran—” Nati

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status