Isang linggo na ang lumipas nang makabalik si Katie sa kampo, pero ni anino ng loko-loko niyang superior ay hindi niya nakikita. At naiinis siya dahil apektado siya niyon.
Kasalukuyan silang may ensayo sa araw na iyon. Nakasuot siya ng kaniyang umiporme, dala ang kaniyang baril. Iyon ay para raw mahasa pa sila sa paggamit ng armas.Sa pagkakaalam niya, dapat ay nasa kampo lamang siya kasama ang iba pang mga medic. Pero sinabihan siya ng isang kasamahan na maghanda, kaya naroon siya ngayon sa isang malawak na lupain sa may bandang Antipolo kasama ang iba pa.Nilapitan siya ng isa niyang kasamahan. Si Pvt. Leigh Esteban, isa sa magaling na cadet noong nag-tr-training pa sila. “Pvt. de Guzman, willing ka bang maka-one on one? Hindi kasi ako nag-jogging kanina!” mataas ang tinig na wika nito.Kahit medyo kinakabahan ay nagkibit-balikat siya. Isa ito sa mga ka-buddy niya. Masaya at masarap naman itong kasama.“Alright!” Hinubad niya ang uniporme at itinira ang sandong may tatak ng army. Hindi napigilang sumipol ng ilang kalalakihan sa nakita. Tumambad kasi sa mga ito ang makinis niyang mga braso.Ibinaba niya ang baril sa isang gilid, saka pumwesto sa harap ni Esteban. Sa hudyat ng kamay nito, agad itong nagpakawala ng flying kick na naiwasan naman niya. Gumanti siya ng sipa sa tagiliran nito pero madali rin itong nakaiwas. Ang hindi niya inaasahan ay ang mabilis na pagbwelta nito. Nasapol siya sa may tagiliran at bumagsak sa damuhan.Kahit masakit ang natamo, ngumiti siya at bumangon. “Nice one.” Tumango siya rito, kasabay ng pagpapakawala ng sunod-sunod na pag-atake.Hindi niya ito tinantanan hanggang sa mapagod ito. Doon siya bumwelta at binigyan ito ng malakas na spike sa balikat. Mas pinili niya iyon dahil alam niyang makatutulog ito kung mukha ang pupuntiryahin niya.Bumagsak sa damuhan si Esteban. Nang sugurin niya itong muli ay mabilis itong nagtaas ng kamay tanda ng pagsuko.Dumistansya siya rito. Iniabot niya ang isang kamay para tulungan itong makatayo.“Grabe! Lakas mong humataw, buddy. Parang hindi mo na ako bubuhayin, ah!” Tinapik siya nito sa balikat habang patuloy sa paghahabol ng hininga.Inabutan niya ito ng tubig. “Pinagpawisan ka na ba?”“More than that!” Siniko siya nito.Sabay silang nagtawanan. Kasunod niyon ang malakas na palakpakan sa paligid. Paglingon nila ay nakita niya ang grupo ni Mavy na naroon na rin.Natigil siya sa pagtawa at kunot-noong tiningnan ang grupo ng kaibigan. Tingin niya kasi sa mga ito bully. Pero magagaling silang lahat. Wala pa kasi sa natutunan nila ang alam ng mga ito. Well, given na iyon dahil mas nauna ang mga ito sa kanila.Nang lumapit sila ay biglang natahimik ang mga ito, sabay pugay-kamay.Paglingon niya sa likuran ay naroon na ang lalaking laman ng isip niya sa mga nakalipas na araw. Si Lt. General Zach.May pagmamadaling sumaludo rin siya sa lalaki. Nilagpasan siya nito bago nagbigay pugay sa lahat.Gusto nang tumaas ng isang kilay niya. Bakit pakiramdam niya umiiwas sa kaniya ang lalaki? Bakit parang iba ang pakitungo nito sa kaniya ngayon? Hindi na iyon kagaya noong nasa Palawan sila.At affected ka naman? Kastigo ng kabilang bahagi ng isipan niya.Palihim siyang sumimangot, bago nagbigay atensyon sa bagong dating. Nakita niya kung gaano ito kaseryoso sa bawat galaw nito. Mukha namang takot lahat ng naroon sa lalaki.Habang nakatitig siya rito na-i-imagine niya ang mga nakaw na halik na ginawa nito sa kaniya. Ibang-iba iyon sa anyo nito noon. Kung pakiramdam niya ay inaakit siya nito, ngayon naman parang lalamunin sila nito ng buhay.“Laway mo, de Guzman. Malapit nang tumulo. Baka naman matunaw si LG niyan sa iyo,” kantyaw sa kaniya ni Esteban.Inirapan niya ito. “Hindi noh! Wala akong balak na patulan ang lalaking iyan!” may diing bulong niya rito.Humagikhik ito. “Sus, de Guzman! Halata namang gwapong-gwapo ka.” Tumawa itong muli.Mariing nagdikit ang kaniyang mga labi. “Nope!” napalakas niyang sabi dito.Lahat ay napatingin sa kaniya kahit na ang superior nila. Salubong na ang mga kilay nito.“Ang pinakaaayaw ko sa lahat ay iyong hindi nagseseryoso, Pvt. de Guzman,” mababa ngunit makapanginig tuhod na wika nito. “May problema ba kayo ni Pvt. Esteban?” tanong pa nito.Nakita niyang nawalan ng kulay ang mukha ni Esteban. Magsasalita pa sana siya pero muling nagsalita ang lalaki.“Gusto ko kayong makausap lahat! Sa headquarters! Move!” buong-buo ang tinig na utos nito.Nagbago ang ekspresyon ng mukha ng mga kasama niya. Maging si Mavy ay nakakunot din ang noong sumunod sa mga ito. May pagmamadali pa itong naglakad.“Move, soldiers! Move! Kailangan nating makarating sa headquarters before lunch!” sabi ni Mavy at tumingin sa akin.Sumakay ang mga ito sa kaniya-kaniyang mga motor. Sumeniyas si Mavy na rito na siya sumakay. Si Esteban ay nakaangkas na rin sa isa sa mga kasama niya.Wala siyang magawa kundi ang lumapit dito. Akmang sasakay na siya sa likod nito nang may magsalita sa likuran nila.“Here is your helmet. Hop in!” ani Lt. Silva na nakasakay na rin sa magarang motor.Napatingin siya kay Mavy. Ngumiti ito sa kaniya.Inirapan niya ito saka lumingon sa kanilang superior. “Thank you, Sir. Pero kay Sgt. Felipe na ako sasabay,” magalang niyang sagot dito.Ayaw niyang ipahiya ang lalaki hangga’t maaari. Hindi niya rin gustong sungitan ito, dahil kahit papaano, boss niya pa rin ito at kailangan niya ang trabahong iyon.Tumaas ang sulok ng labi ng lalaki at nilagpasan siya ng tingin. “Sgt. Felipe, move! Sa akin siya sasabay!” Kung nakamamatay siguro ang tingin ay kanina pa bumulagta si Mavy.Nakipagsukatan naman si Mavy ng tingin dito, hanggang sa napailing ito. Pinaandar na nito ang motorsiklong sinasakyan at iniwan siya roon.Napaawang ang mga labi niya sa nasaksihan. Hindi siya makapagsalita.At ang loko, iniwan talaga siya sa mas hambog pa rito! The nerve of this men!Naniningkit ang mga matang hinarap niya si Lt. Silva. “Alam mong kay Mavy ako sasabay, pero pati iyon pinigilan mo? At talagang ginagamit mo pa ang katungkulan mo, ha?” inis na sita niya rito.Walang emosyong bumaba ito sa motorsiklo at lumapit sa kaniya. Ito na mismo ang naglagay ng helmet sa ulo niya.Bahagya siyang napaurong dahil napakalapit nila sa isa’t isa. Iba kasi ang pakiramdam niya kapag nasa tabi nito. Parang may mga paruparong nagliliparan sa kaniyang tiyan.Tinangay ng hangin ang amoy ng lalaki papunta sa kaniya. Napakabango nito. Pati hininga ganoon din. Para bang sa isang sanggol.Hindi na niya napigilan ang sarili na pumikit. Ramdam niya ang malakas na pagbayo ng kaniyang dibdib. Para iyong tinatambol sa lakas ng pagtibok.“There is no fairytale, de Guzman. Hop in!” anito. Hindi niya namalayang nakasakay na pala ito sa motor nito.Namula siya lalo na nang makita ang ngising-aso nito. Pero kahit na ganoon hindi naman nabawasan ang kagwapuhan ng lalaki. Mas lalo pa nga itong gumwapo sa paningin niya.Mabilis niyang ipinilig ang ulo. Kung ano-ano kasing agaiw ang pumapasok doon. Nagmumukha tuloy siyang t*nga sa harapan nito.Niyakap niya ang kaniyang uniporme na hinubad kanina at sumampa sa likuran ng motor nito. Mas pinili niyang maglagay ng puwang sa pagitan nila at humawak sa likuran.Bahagya siya nitong nilingon. “If I were you, I wouldn’t do that. Dahil sinisiguro ko sa iyong hindi mo ako magagawang iwasan. So, you better put your hands on my waist or you’ll regret it later,” banta nito.Mariin siyang umiling. “No, I’m okay, Sir. Let’s go!” Umayos pa siya ng pagkakaupo. Mas dumistansya pa siya rito.Ngunit, bigla nitong pinaandar patalon ang motorsiklo. Napabitaw siya sa pagkakahawak sa likuran at napakapit sa mga balikat nito.“I told you, you wouldn’t want to do that!” malakas na wika nito kasabay ng nakalolokong pagtawa.Mas bumilis pa ang sinasakyan nila at hindi mapigilan ni Katie na makadama ng takot. Para kasing nakipagkakarera sila kay kamatayan. At hindi pa niya gustong mamatay sa mga sandaling iyon!Hindi pa!Bigla ang pagbundol ng kaba sa kaniyang dibdib. Sabay silang napalingon dito ni Zach.Nanlaki ang mga mata niya. Si General Santiago!“Naunahan mo akong makipagkita sa kaniya, Lt. General Silva. This all the reports that I need to present to her. But anyway, thank you for inviting me here,” anito.Nakipagkamay ito kay Zach habang nagbeso naman siya rito.“Apat na buwan na mula nang magising ako at nakabawi ng lakas. Almost one and half years ang ginawa ni Jalva sa akin, pero hindi ko iyon pinagsisihan. Dahil kahit sa impyerno susundan ko siya, para lang mailigtas ang mag-ina mo, at sisiguraduhin kong hindi na siya makababalik pa dito sa lupa,” nakangiting wika nito.“I’m sorry, General Santiago. Pati iakw nadamay dito,” napayukong wika niya.Umiling ito. “No! Ramdam ko ang pagnanais mo na mailigtas ang anak mo noon. Salamat sa pagtitiwala sa akin, dahil doon, nakasama ko ang future husband mo sa laban. Ikaw ang tumupad ng usapan namin.” Tumawa ito. “Asan ang triplets?” Iginala nito an
Chapter 77Halos tatlong sunod-sunod na araw na bumisita at natulog si Zach sa bahay nila. Palagi itong hindi nawawalan ng mga dalang pasubong sa triplets. Kung hindi damit, laruan, ay ipinapasyal naman nito ang mga bata na kasama siya. At ngayon nga ay nasa museum sila. May mga replika na helicopter doon at malalaking canyon. Mayroon ding iba’t ibang hugis at laki ng bala ng mesiles. Naka-display din doon ang uniporme ng mga magigiting ng sundalo noong World War II at iba’t iba pang mahahalagang kaganapan sa kasaysayan ng Estados Unidos. Nakita ang excitement sa mukha ng mga anak. Kahit naman siya ay namangha rin sa mga nakita. Sa laki ng museum, tantiya niya, hindi kayang libutin iyon ng maghapon.“Daddy, I’m so excited to ride here. Come on, guys!” si Evan iyon na sumakay sa replikang helicopter. Tila naman kinikilig ang dalawa nina Chase at Asher na sumunod sa kapatid. Nagkagulo pa ang mga ito sa kung sino ang uupo sa driver seat. Napangiti na lang siya at napailing.“How I mis
Walang pagsidlan ng tuwa ang mga anak niya. Halos maghapong kausap at walang kapagurang nakipaglaro sa ama nila.Gumawa siya ng snacks para sa mga ito. Ayaw muna niyang sumingit sa moment ng mag-aama. Tama lang naman iyon, because they had a lot of things to catch up on. Isa pa, noon niya lang nakitang ganoon kasaya ang triplets. Hindi naman niya gustong ipagkait iyon sa mga ito. Iiniwan muna niya sa salas ang mga ito na nakaupo sa carpet. Siya naman ay umupo at tinanaw ang mga ito sa isang sofa malapit sa television at nanood na lang hanggang hindi na niya namalayan na hinila siya nang antok.Yakap ang isang unan naramdaman niya ang mabining haplos sa mukha niya. Pero imbis na magmulat ng mga mata ninamnam niya iyon dahil sa panaginip niya.Nakatayo raw siya sa isang tabi nang biglang may yumakap sa kaniya at hinagkan siya sa batok. Napitlag siya at hindi agad nakapagsalita.“It’s been a year. I missed you.” Tinig iyon mula sa lalaki sa panaginip niya. Mainit ang halik nito sa kani
Pinilit ni Katie na kumawala sa mga bisig ni Zach, ngunit malakas ito.“Ano ba?! Bakit mo ba ito ginagawa, ha? Bakit ba naririto ka? Hindi ba dapat kasama mo ang girlfriend mo?” singhal niya rito, ngunit bigla ring natigilan.Nakita niyang ngumisi ito. “Jealous?” Hinawakan nito ang pisngi niya pero mabilis siyang nag-iwas ng mukha.“Wala akong pakialam kung makipagrelasyon ka sa iba. Tapos na tayo, hindi ba? Iniwana na kita, bakit pa ako magseselos?” taas-noong wika niya.“Tsk! You can’t hide what you really feel for me, Katie. I knew you well.” Masuyong pinaraanan nito ng daliri ang mga labi niya. Napalunok naman, lalo na at may hatid iyong kakaibang init sa buo niyang pagkatao.“S-stop it. . .” mabuway na saway niya rito.Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa kaniya. “I won’t. Not unless you tell me that it was your fault.”Bigla siyang natauhan sa narinig. Tumigas ang kaniyang anyo. “Oo na! Kasalanan ko na! Masaya ka na?” nanunuyang wika niya bago ito itinulak. “Kung iyon lang a
Chapter 74Ilang beses na napakurap si Katie. Kahit pagod sa mga naganap kanina, hindi pa rin niya magawang makatulog. Naglalakbay ang diwa niya sa kung saan.She looked at Zach. Himbing na ang tulog nito pero nananatiling nakapulupot sa kaniya ang mga braso nito. Para bang ayaw talaga siyang pakawalan.Dahan-dahan niyang iniangat ang braso nito nang bigla itong gumalaw. “Sleep, sweetie. . .” bulong nito na ikinagulat niya.Napalingon siya rito. Nananatili pa rin itong nakapikit. Huminga siya nang malalim. Lasing, pagod at antok ito pero parang balewala ang mga iyon. Malakas pa rin ang pakiramdam nito.Matagal siyang napatitig sa kisame. Ni hindi niya maigalaw ang katawan kahit nangangawit na siya. Ayaw niyang tuluyang magising ang lalaki. Baka lalong hindi siya makaalis.Hindi tama na naroroon siya. Alam niyang may iba ng kasintahan ang lalaki at ataw naman niyang maging dahilan ng pagkasira ng relasyon nito. What happened to them is wrong. Nadala lang sila pareho ng bugso ng kani
Chapter 73Napaigtad si Katie nang biglang tumunog ang cellphone niya. Hinanap niya kung nasaan iyon dahil wala sa kama ang bag niya.Sabay silang napatingin sa center table. Mabilis siyang humakbang palapit doon. Baka kasi si Dr. Smith o Camila ang tumatawag sa kaniya. Alas-otso ang sinasabi ng orasan na nasa dingding, baka nag-iintay na ang mga anak niya.Bago pa niya mahawakan ang cell phone, nakuha na iyon ng lalaki. Mas lalong nagngalit ang mga bagang nito.“Michael, huh! Is he your lover?”Mabilis niyang kinuha ang cell phone sa kamay ng lalaki. Alam niyang si Camila ang tumatawag. Baka biglang mag-aalala ito kung sasagutin niya at marinig ang boses ni Zach.“Ibigay mo sa akin iyan! Tumatawag na siya, hindi ba’t iyan naman ang gusto mo? Ang kausapin ko siya?” Matalim niya itong tinitigan. “Naipaliwanag ko na ang side ko kung bakit ako umalis, kaya please. . . pakawalan mo na ako. Huwag mo na lang sabihin sa iba na nagkita tayo, dahil baka nasa paligid lang ang spy ni Bran—” Nati