MIREYA'S POV
"What's the meaning of this, Mireya?!" Galit na tanong sa 'kin ni daddy."I'm sorry, Sir. Ako po ang may kasalanan." Biglang sabi ni Xandro."No, dad. Lasing po ako/kami." Nahihiya na sagot ko kay daddy."Magbihis na kayo at hihintayin ko kayo sa baba," seryoso na sabi ni daddy bago lumabas sa silid ko.Tahimik lang na sumunod ang mga kapatid ko palabas. Si mommy naman ay ngumiti sa akin pero alam ko na hindi 'yon ngiti na masaya. Lumabas na silang lahat at kami na lang ni Xandro ang naiwan dito sa silid ko.Ramdam ko pa rin ang sakit ng nasa pagitan ng hita ko. I'm really sore down there. Hindi ko rin matandaan ang mga nangyari sa aming dalawa. Kapwa kami tahimik at walang may nais na magsalita. Hanggang sa tumikhim ako."Xandro, kahit anong mangyari ay huwag kang pumayag sa nais ni daddy." Sabi ko kay Xandro pero hindi siya sumagot.Nang lingunin ko siya ay isang mapusok na halik ang sinalubong niya sa akin. This is my first time na mahalikan ng ganito. Maybe hindi talaga first time dahil nagawa na namin kagabi pero ito ang unang beses na nasa matinong pag-iisip ako. Sa loob ng dalawang taon namin ni Eric noon ay hanggang pisngi lang ang halik niya."Ohhh.." I can't stop myself. May lumalabas na halinghing sa pagitan ng halikan namin.Hindi ko alam pero kakaiba ang epekto sa akin. Alam ko na masakit pa pero I want him. I want to feel him inside me. Ang hindi ko naalala kagabi ay nais kong maranasan ngayon. My body wants to release this heat."I want you," he murmured to my ears."Pero baka hinihintay na nila tayo." Sagot ko sa kanya dahil bigla akong natauhan.I really want him also but we need to fix ourselves dahil hinihintay na kami ng parents ko."Yeah, You're right." Sabi rin niya at mabilis na tumayo.Kaagad akong yumuko dahil ayoko makita ang katawan niya. Medyo nahihiya ako. Narinig ko na pumasok siya sa banyo ko. Iniisip ko ngayon kung ano ang gagawin ngayon ni daddy. Tinatanong ko sa sarili ko kung may pagsisisi ba akong nararamdaman pero wala naman akong nakakapa na pagsisi sa nangyari sa amin ni Xandro. Habang nag-iisip ay nagulat na lang ako nang bigla akong binuhat ni Xandro."W—What are you doing?" Kinakabahan na tanong ko sa kanya."Alam ko na hindi mo pa kayang maglakad kaya binubuhat kita." Nakangiti na sagot niya sa akin."Kaya ko naman, you don't have to do this." Mahina na sabi ko sa kanya."Hayaan mo na lang ako na gawin ito." aniya sa akin.Nanibago ako sa kanya. Hindi ko kasi inaasahan na may ganito siyang side. Ang buong akala ko kasi ay siya ang lalaki na walang pakialam pero nagkamali ako. Nang makapasok na kami sa loob ng banyo ay ibinaba niya ako sa bathtub ko. Napapikit ako dahil biglang guminhawa ang pakiramdam ko sa warm water. It's so relaxing na parang gusto ko na lang magbabad dito buong araw.Nagpaalam sa akin si Xandro na baba na siya kaya pumayag naman ako. After thirty minutes ay umahon na ako. Habang nagbibihis ako ay biglang pumasok ulit si Xandro. Lumapit siya sa akin."Baka ipakasal ka sa akin ni daddy. Tumanggi ka, we both know na isa itong pagkakamali. Ayoko na itali ka nila sa akin dahil dito." Saad ko sa kanya.Hinapit niya ako papunta sa kanya at ikinulong niya ako sa bisig niya. Naaamoy ko ang panlalaki niyang pabango na kay sarap sa ilong. Niyakap ko rin siya ng mahigpit. Simula ng makilala ko si Xandro ay pakiramdam ko safe ako palagi.Hindi na kami nagtagal dahil alam ko na naiinip na ang pamilya ko. Habang pababa kami ay inalalayan ako ni Xandro. Habang masamang tingin naman ang ipinukol ng mga kapatid kong lalaki. At nang makababa na kami ay nagulat ako sa ginawa ni Felix."Fvck you! Sinamantalahan mo ang ate ko!" Sigaw niya kay Xandro na may kasamang suntok."Felix!" Hindi ko maiwasan na magtaas ng boses sa kanya."Bakit ate, kinakampihan mo ba siya?!" Galit na tanong niya sa akin."Bakit mo siya sinuntok? Wala namang ginagawang masama sa 'yo ang tao."Ayoko sa ginawa niya. Dahil hindi naman niya kailangan manapak ng tao. Kung kaya naman madaan sa maayos na usapan. Pero nakalimutan ko rin na he is Felix Ballarta ang bad boy kong kapatid na mahilig sa trouble."Walang ginagawa? Naririnig mo ba ang sarili mo?" Tanong pa ulit sa akin ni Felix."Hindi mo naman kailangan na suntukin—""I said enough!" Dumadagundong ang malakas na boses ni daddy kaya tumahimik kaming lahat.Daddy is the king of this house at alam ko naman na nagkamali ako. Umupo ako katabi si mommy and then nasa kaliwa ko si Xandro. Nag-alala ako sa kanya dahil alam ko na malakas ang sundok ni Felix. Pasimple kong sinulyapan ang pisngi niya."What's your plan now, Santillan?" Kalmado na tanong ni daddy kay Xandro."Papakasalan ko po siya, Sir." Sagot niya na ikinagulat ko kaya lumingon ako sa kanya.Seryoso rin ang gwapo niyang mukha."Kaya mo ba siyang buhayin?" Tanong pa ni daddy."Gagawin ko po ang lahat para mabigyan po siya ng maayos na buhay." Sagot pa niya kay daddy."Dad, hindi naman po niya ito kailangang gawin. Isang pagkakamali lang po ang nangyari sa amin. At ako po ang may kasalanan, ako po ang nagpumilit sa kanya na gawin namin 'yon.""Naririnig mo ba ang sarili mo ngayon, Mireya? At anong pinilit mo siya?" Galit na tanong sa akin ni daddy."Opo at hindi niyo po puwedeng gawin ito. Hindi po namin mahal ng isa't-isa. Pagkakamali lang po ang lahat. And uso naman po ngayon ang one night stand." Sagot ko naman sa daddy ko."Pagkakamali niyo na dalawa kaya panindigan niyo ang consequences ng ginawa niyo. At hindi mo puwedeng i-dahilan sa akin ang one night stand."Ramdam ko ang inis at galit sa boses ng daddy ko. Pero hindi puwede na gagawin niya na lang ito. Ayokong ilagay si Xandro sa sitwasyon na ganito at isipin niya na napikot siya."Pero hindi naman po kasal ang solusyo—""Handa po akong pakasalan siya."Hindi ko na natapos ang nais kong sabihin dahil bigla na lang nagsalita si Xandro."Xandro," tawag ko sa kanya pero ngumiti lang siya sa akin."Hayaan mo akong panagutan ang ginawa ko sa 'yo." Nakangiti na saad niya sa akin."Magpapakasal kayo sa lalong madaling panahon." Sabi ni daddy bago ito tumayo para umalis."Huwag mong sasaktan at lolokohin ang ate ko dahil ako ang makakalaban mo. Hindi lang suntok ang mararanasan mo sa akin." Maangas na sabi ni Felix bago rin umalis."Alagaan mo ang ate ko," 'yon lang ang sinabi ni Zio bago rin siya umalis."No comment," sabi naman ni Gabriel."Magbreakfast na kayo mga anak," nakangiti na sabi sa amin ni mommy."Hindi ka ba galit sa akin, mom?" Tanong ko sa kanya."Bakit naman ako magagalit? Ramdam ko na mabuting tao si Alexandro. Sige na kailangan ko ng pumunta sa grocery," paalam sa akin ni mommy.Kapwa kami tahimik ni Xandro. Pumunta kami sa hapag at kumain na. Kapwa kami tahimik at nagpapakiramdaman. Pagkatapos naming kumain ay umakyat na ako sa silid ko habang si Xandro ay iniwan ko lang sa baba. Dahil sa nangyari ay mabilis na idinaos ang kasal namin ni Xandro dito sa bahay. Ang parents ko lang at ang mga kapatid ko ang narito.Mas pinili namin na itago ang pagpapakasal ko dahil na rin sa nangyari noong nakaraan. Ayaw ko na isipin nila na pagkatapos kong hindi magpakasal kay Eric ay nagpakasal ako kaagad sa driver namin. Ayaw ko na ako pa ang baliktarin nila. Mabilis man ang mga pangyayari ay sisikapin ko na magwork itong relasyon namin."I now pronounce you husband and wife." Pagkasabi ni father ay kaagad akong hinalikan ni Xandro sa labi at hinalikan ko rin siya."Bienvenue en enfer (welcome to hell)," bulong sa akin ni Xandro. Hindi ko maintindihan dahil ibang lengguwahe ang ginamit niya. Ngumiti na lang ako sa kanya at ganun rin siya sa akin.Hello po, kumusta po kayong lahat? Sana po ay nasa maayos kayong kalagayan. Lubos po akong nagpapasalamat sa inyong lahat na kumapit at sumama sa akin sa story na ito. Hindi man po madali ang lahat sa story na ito. Marami man akong pinagdaanan matapos ko lang ito ay masaya po ako na sinamahan niyo ako.Maraming salamat po sa bawat pag-add, pagbigay ng gems at pag-iwan ng comments. Sobrang na-appreciate ko po 'yun. Hindi po ako showy na tao pero sa loob ko ay sobrang nagpapasalamat po ako sa inyo. Kayo po ang dahilan kaya hindi ako sumuko sa story na ito.Sana po sa mga susunod ko pa na story ay samahan niyo pa rin ako. Hiling ko po ang lahat ng mga magagandang bagay sa inyong lahat. Ingat po kayo palagi at God bless you po!Mahal ko po kayo at see you po sa mga susunod kong story. Maraming salamat po! ❤️❤️❤️❤️AXEL & DAHLIA STORY (SECRETLY IN LOVE WITH MY BROTHER)
MIREYA’S POV“Love, isama na lang kaya natin ang mga bata?” Tanong ko sa asawa ko.“Love, three days lang tayo sa hacienda.” Sagot naman niya sa akin.“Okay, pero bawal tayo mag-extend ha.” Saad ko sa kanya.“Opo,” malambing na sagot niya sa akin.Ganito ako kapag hindi ko nakikita ang mga anak ko. Nag-aalala ako sa kanila at hindi talaga ako mapakali. Pero ayoko rin naman kalimutan na isa rin pala akong asawa at kailangan ko itong gampanan. “Naku, anak. Minsan lang ang honeymoon niyo kaya mag-enjoy kayo. Malapit lang naman ang hacienda at anytime puwede kaming pumunta doon.” Saad pa sa akin ni mommy.“Okay, mom and thank you po.” malambing na sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi bago ako sumakay sa kotse ni Xandro.Habang nasa biyahe kami ay masaya kaming nag-uusap ni Xandro. Marami kaming alaala na binabalikan. Lalo na nung nanganak ako. (FLASHBACK)Alam ko na kabuwanan ko na pero gusto ko pa rin na pumunta sa school ni Miracle. Kahit na nahihirapan akong maglakad ay talagang mak
MIREYA’S POV Suot ko ang isang napakagandang puting wedding gown at ngayon ang araw ng kasal naming dalawa ni Xandro. Sa loob ng maraming taon ay natupad rin ang pangarap ko na kasal. Ang kasal sa pagitan ng dalawang taong nagmamahalan. Noong kinasal kami noon ay alam ko sa sarili ko na minahal ko na siya. Hindi ko lang kayang tanggapin sa sarili ko dahil maikling panahon pa lang kami nagkakilala. Pero kahit na nakalimutan siya ng isip ko ay kilala na talaga siya ng puso ko. At ngayon ay dumating na ang araw na maglalakad ako papunta sa harap ng altar. Papalapit sa lalaking mahal ko. Ang lalaking hindi sumuko na mahalin ako. Sa lalaking kayang gawin ang kahit na ano para lang sa akin. Ginagawa ko ang lahat para lang pigilan ang sarili ko na umiyak. Pero sadyang traydor ang mga luha ko. Habang naglalakad ako ay nagsimula ng pumatak ang mga luha ko. Hanggang sa nakarating ako sa harapan niya ay umiiyak ako. Nakita ko rin na tumulo ang mga luha niya, na umiiyak rin siya. “I love you,”
XANDRO'S POVHindi ako makapaniwala kay Mireya. Medyo nahiya ako dahil gusto na pala niyang magpakasal. Pero may balak naman ako. "You're fired!" Galit na sabi ko sa secretary ko."Sir, wala naman po talaga akong ginagawang masama. Masyado lang pong masama ang ugali ng ex-wife niyo." Saad niya sa akin."Lumabas kana bago pa dumilim ang paningin ko at masaktan kita. Tigilan mo na ang kakasabi ng ex-wife dahil puputulin ko na 'yang dila mo!""S-Sir, diba type mo ako?" Tanong niya sa akin na ikina-init pa lalo ng ulo ko."What?! I don't like you!" hindi ko mapigilan ang sarili ko na sigawan siya."Sinasabi mo lang 'yan dahil sa Mireya na 'yun.""Kahit wala pa si Mireya ay hindi ako magkakagusto sa babaeng nagkukunwaring mahinhin pero haliparot.""Arghhh! I hate you!""Hate me all you want. I don't care! Now get out of my office!"Mabilis naman siyang lumabas. Kaagad akong tumawag kay mama. Dahil siya ang reason kaya hindi pa ako nagpo-prose kay Mireya. Gusto ko kasi na kumpleto ang pamil
MIREYA'S POV"Love, wake up na po. Dinner is ready." Naririnig ko ang bulong ni Xandro pero nagkukunwari pa rin akong tulog.Kahit na gaano pa siya ka-sweet sa akin ay wala akong pakialam. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa kanya. Naramdaman ko ang malikot niyang kamay na ngayon ay nasa dibdib ko. Pero hinayaan ko lang siya."Love, alam ko na gising kana. Kapag hindi ka pa bumangon ay aangkinin talaga kita at sisiguraduhin ko na hindi ka makakalakad bukas."Pinagbabantaan pa talaga ako. Akala niya siguro ay natatakot ako sa kanya. Nakakainis dahil sa pag-angkin sa akin lang siya magaling. Pero sa pag-alok ng kasal ay hindi. Puro na lang kami gawa ng bata nito."Love, wake up ka na. Kanina pa tayo hinihintay nila mommy sa bab—""Nasa baba sila? Bakit ngayon mo lang sinabi?" Naiinis na tanong ko sa kanya at mabilis akong bumangon para pumasok sa banyo."Nandito pala sila pero hindi mo man lang sinabi. Nakakainis ka. Buong araw na akong naiinis sa 'yo! Sarap mong hiwalayan." Sa sobr
MIREYA’S POV Kahit na pagod ang asawa ko ay lumabas pa rin kami para sa family day namin. Pumunta kami sa isang park. Dumaan rin kami sa Griffin’s Diner para bumili ng pagkain wala na rin kasi kaming time pa na magluto kanina dahil nga sa biglaan lang. Balak kasi namin na magpicnic doon. Habang pinapanood ang dancing fountain. Sa aming lahat ay si Miracle talaga ang sobrang natutuwa. Kaya napapangiti na lang kami ni Xandro.Habang nakatingin ako sa mga anak ko ay palagi kong ipinadarasal na maging malusog sila. Na maging mabait at mabuting tao sila. Hiling ko rin na maging matapang sila. Marami silang pagdadaanan kapag lumaki na sila. At gusto ko na maging matibay silang magkapatid.“Are you okay, love?” biglang tanong sa akin ni Xandro.“Yeah, I’m fine. Hindi lang kasi ako makapaniwala ang bilis ng panahon. Binata na si Alec at si Miracle malaki na rin. Gustong-gusto ko na maalala ang lahat. Ang mga alaala na nakalimutan ko. Alam ko na maraming masakit na alaala pero alam ko na parte