Share

Chapter 4

MIREYA'S POV

"Hon," tawag niya sa akin. Tumingin lang ako sa kanya at wala akong ipinakitang emosyon.

"Please, let me explain." aniya sa akin.

"Explain? Para ano? Sabihin mo sa akin ang mga kasinungalingan mo?" Sarcastic na tanong ko sa kanya.

"I'm sorry, pero ikaw talaga ang mahal ko. Inutusan lang ako ni Andrea. Please, honey." Sabi niya sa akin na kinatawa ko.

"Really? Huwag mo akong tawagin ng ganyan. Akala ko pa naman mahal mo ako. But I'm wrong, because you love me only for my MONEY. Hindi naman ako mayaman, ang kayamanan na gusto mo ay pagmamay-ari ng parents ko. So, stop now. Stop acting like you love me. Because you're not. I can't marry you," sabi ko sa kanya at mabilis na tumalikod para lumabas na sa simbahan.

Pipigilan pa sana niya ako pero hindi siya hinayaan ng mga kapatid

kong lalaki. Paglabas ko ay kaagad akong sumakay sa kotse. Doon pa lang ako nakahinga ng maluwag. Kaagad kong hinubad ang suot kong veil.

"Saan po tayo pupunta, Miss?" Tanong sa akin ni Xandro.

I prefer calling him Xandro dahil masyadong mahaba ang Alexandro. I looked at him. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ba dapat ako pumunta ngayon. Alam ko na pag-uusapan ang nangyaring ito pero alam ko rin na kayang gawan ng paraan ng daddy ko ang lahat ng bagay at problema. Gusto ko lang maglie-low at magpahinga. At alam ko na maiintindihan ako ng pamilya ko.

"Kahit saan basta malayo dito." Sagot ko sa kanya habang tinatanggal ang make-up ko.

"Okay lang ba sa 'yo?" He also asked me if it's okay for me na siya na ang mag-decide.

"Kung saan tahimik ay doon mo ako dalhin. Gusto ko munang mag-relax ng walang iniisip." Sagot ko sa kanya.

"Okay," tanging sagot niya sa akin.

"Ahmm.. Xandro," tawag ko sa kanya.

"Yes, Miss?"

"Puwede ba tayong dumaan sa bangko? I need cash, wala kasi akong dalang pera ngayon, only my card."

"May cash naman po ako dito kung sakaling kailangan mo." Sabi pa niya sa akin.

"No, okay lang. I need to buy some clothes na rin. But can I ask you a favor?" Tanong ko sa kanya dahil siya na ang uutusan ko.

Hindi ako puwedeng lumabas sa sasakyan na nakasuot pa ng gown. May dala akong damit pero tanging pamalit ko lang. Kaagad naman siyang lumabas at ako naman ay nagbihis na. Pagbalik niya ay kaagad kaming umalis hanggang sa nakarating kami sa isang isla. Unang sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Gabi na kami nakarating. At tanging hampas ng alon ang naririnig ko. Tumuloy kami sa isang bahay na puwede naming upahan.

"Thank you," pasasalamat ko kay Xandro.

Wala naman itong naging tugon sa akin. Siguro masasanay na lang ako na tahimik lang siya. Minsan ay suplado rin. Sa isang linggo namin dito sa Isla maputi ay naging maayos naman ang lahat. Mababait ang mga tao pero nakakaawa dahil malayo sila sa kabihasnan. Sadyang kay bilis na lumipas ang mga araw at ngayon na ang huling araw namin dito. At masasabi ko na nakakaramdam ako ng lungkot. But I need to go home dahil alam ko na nag-aalala na ang mga magulang ko sa akin. Pero nangako ako na babalik akong muli dito para tulungan sila.

"Miss Mireya, bumalik po kayo ha. Mamimiss po namin kayo." Saad sa akin ng mga bata na tinuturuan ko.

"Opo, babalik ako dito at magdadala ako ng mga gagamitin natin." Nakangiti na sagot ko sa kanila.

"Talaga po? Maraming salamat po," niyakap nila ako kaya ganun din ako sa kanila.

Masaya ang puso ko na makitang masaya sila. Ayoko na malungkot sila sa pag-alis ko. Dahil babalik pa ako, kailangan ko lang umuwi sa ngayon. Maaga kaming bumiyahe ni Xandro. Habang nasa biyahe ay tahimik pa rin ito.

"Xandro, thank you. Masaya ako na doon mo ako dinala." Nakangiti na pasasalamat ko sa kanya.

"You're welcome, Miss. Masaya ako na okay kana," sagot niya sa akin.

Napangiti ako dahil hindi na siya seryoso.

"Mas bagay sa 'yo ang nakangiti." Sabi ko sa kanya pero natawa ako dahil bigla na lang siyang naging seryoso ulit.

Hinayaan ko na lang siya dahil may allergy yata ito sa babae. Hindi rin kasi ito madalas makipag-usap. Napansin ko na noong nasa isla pa kami ay maraming babae ang may paghanga sa kanya pero hindi siya nagsasalita o nakikipag-usap sa mga ito. Palagi siyang nagsusungit sa mga babaeng nakakausap niya. Sa akin lang siya sumasagot ng maayos dahil na rin siguro sa boss niya ako.

"Xandro, may girlfriend ka ba?" Tanong ko bigla sa kanya dahil nabibingi ako sa katahimikan.

"Wala," matipid na sagot niya sa akin.

"Ano ba ang gusto mo sa babae?" Gusto ko kutusan ang sarili ko sa mga tinatanong ko sa kanya.

"Simple at tahimik." Mabilis na sagot niya sa akin.

"Kaya pala wala kang nagustuhan sa mga babae sa isla dahil maingay sila. Baka magustuhan mo ang Tita Prexie ko. Mabait 'yon, simple at tahimik." Sabi ko sa kanya. Sa tingin ko kasi ay mabait siya at bagay siya sa tita kong mabait.

"Hindi ko siya type, katunayan ay may nagugustuhan na akong babae. Pero hindi ko siya kayang abutin."

"Paanong hindi kayang abutin?"

"Mayaman siya at hindi ako nababagay sa mundo nila."

"Alam mo wala naman 'yan sa estado sa buhay. Kung mahal mo ipaglaban mo at patunayan mo na karapat-dapat ka sa kanya. Mas okay pa ang taong hindi mayaman pero malinis ang intensyon." Sabi ko sa kanya.

"Sana lahat katulad mo," sabi niya sa akin.

"Ayokong maging katulad nila ako. Hahaha! Dahil madalas akong naloloko," pabiro na sagot ko sa kanya.

"Pero mabuti na lang at hindi ka naikasal doon sa lalaking 'yon."

"Kaya nga, nagpapasalamat ako sa guardian angel ko dahil binabantayan niya ako. Tadhana na ang gumawa ng paraan para hindi ako mapunta sa maling tao." Sagot ko sa kanya.

Hindi na siya sumagot at nagdrive na lang ulit. Malayo pa daw kami kaya natulog na muna ako. Nag-papatugtog siya kaya nakakaramdam ako ng antok. Nang nakarating na kami sa bahay ay ginising na niya ako. Nakangiti naman akong sinalubong ni mommy.

"Sorry, mom." Sabi ko sa kanya dahil alam ko na nag-alala siya sa akin.

"It's okay, anak. Ang mahalaga ay okay ka na." Nakangiti na sagot niya sa akin.

"Alam ko na ang gusto kong gawin, mom. Gusto kong pumunta sa mga liblib na lugar at tumulong sa kanila."

"I'm so proud of you, basta siguraduhin mo lang na maging maayos at ligtas ka palagi. Nag-aalala ang daddy mo sa 'yo. Ikaw ang palagi niyang bukambibig."

"Ganyan naman po palagi si Daddy." Natatawa na sagot ko kay mommy.

"Normal lang dahil ikaw ang prinsesa niya." Malambing na sabi sa akin ni mommy.

Masaya ang buong pamilya ko dahil nakabalik na ako. Sa mga sumunod na araw ay may party na mangyayari dahil nalaman namin na engaged na pala si Tita Precious at ngayon lang niya sinabi. Abala ang buong pamilya namin. Ang alam ko ay isang businessman ang boyfriend niya. Hindi man kami ganun ka-close pero isang pamilya pa rin kami.

"Tita Prex, are you okay?" Tanong ko sa kanya. Magkatabi kami ngayon dito sa table. Mabilis lang kasi lumipas ang araw at ngayon na ang party.

"Okay lang ako, akyat muna ako sa silid ko." Sabi niya sa akin.

"Sige po, pahinga ka muna. Gusto mo ba ihatid kita sa taas?" Tanong ko sa kanya.

Tumanggi siya kaya ako naman ay nakihalobilo ba sa mga relatives ko. Binibiro nila ako pero hindi naman ako affected kaya sinasabayan ko na lang sila. Napatingin ako sa mga kapatid ko na lalaki nakita ko na nag-inuman sila kasama si Xandro. Napangiti ako dahil nag gwapo niya ngayon. Nakasuot siya ang suit na talagang bumagay sa kanya ngayon. Ang alam ko ay nasa 30's na siya. Katunayan ay siya ang sentro ng usapan ng mga kamag-anak kong babae.

"Type ko siya, mamaya ay hihingin ko ang number niya."

"Me too," kinikilig na saad nila.

Parang gusto ko sana sabihin na meron ako pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Mas okay na sila na ang humingi kaysa ibigay ko na walang permiso ni Xandro. Kumuha ako ng isang inumin. Nakailang baso na rin ako kaya pakiramdam ko nahihilo na ako. Nagpaalam ako sa kanila na aakyat na ako sa silid ko. Medyo tipsy na ako habang umaakyat ako sa hagdanan namin. Napangiti ako dahil may biglang umalalay sa akin.

"T-Thank you, hek!" Lasing na sabi ko pero hindi naman ito nagsalita pero naamoy ko mabango niyang pabango.

Pagpasok ko sa silid ko ay bigla akong nainitan. Sobra akong naiinitan na hindi ko maintindihan.

"Ahhh! Ang init!" Sabi ko habang hinuhubad ko ang suot kong dress.

"Lalabas na ako," sabi sa akin nung lalaki.

Tumingin ako sa kanya pero malabo ang imahe niya.

"Puwede mo bang i-on ang aircon?" Nakapikit na utos ko sa kanya.

"Naka-on na," sagot niya sa akin.

"Naka-on na pala, hahaha! Pero ang init! Pwede mo ba hubarin ang bra ko? Hindi ko na kasi maabot."

"Fvck! Lalabas na ako."

"Minumura mo ba ako?" Tanong ko sa kanya at hinawakan ko ang pisngi niya.

Ang kinis ng pisngi niya. Ang tangos din ng ilong niya. Pinapalakbay ko ang daliri ko sa buo niyang mukha. Sa tingin ko ay gwapo siya. Tumingkayad ako at hinalikan ko siya sa labi. Napangiti ako dahil ang lambot ng labi niya. Hindi ko inaasahan na hahalikan rin niya ako. Hanggang sa naramdaman ko na lang na binuhat niya ako. Hanggang sa hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari sa akin.

Nagising ako na masakit ang ulo ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko pero napabalikwas ako ng bangon. Dahil nilalamig ako pero nabigla ako dahil biglang kumirot ang nasa pagitan ng mga hita ko hanggang sa napatingin ako sa katabi ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

"Ahhhh!" Sigaw ko dahil sa pagkabigla. At naging dahilan para biglang bumukas ang pintuan ng silid ko at pumasok ang parents ko.

Comments (6)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ang bilis hula ko si xandro ang kasama nya sa kwarto
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
grabe Ka Mireya naibigay mo Ang Sarili Kay Xandro
goodnovel comment avatar
CALLIEYAH
thank you po
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status