LOGINThird Person's POV
Hawak ni Quin ang isang baso ng cocktail sa harapan ng bar counter at ng barista sa loob ng maingay at madilim na club, may samu't saring ilaw na iba't iba ang kulay. Lahat umiindak ayon sa mala-bangag na tugtugin habang siya, tahimik na nakatuon sa iniinom, nananatiling misteryosa sa mata ng karamihan. She's wearing her usual style of clothes, but her curve is screaming of sexiness, idagdag pa ang buhok, natural ang pagka-mermaid na pagkakakulot ng maliliit at ang dulo ay tuwid na yumayakap sa maliit niyang baywang. "Another cocktail here," she ordered with a hand sign at the bartender pagkaubos at agad naman siyang ginawan muli. At nang iaabot na sa kanya ang pangalawang order niya nakarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril at bigla na lang naghiyawan at nagkagulo, tumigil na pati tugtog, tanging tilian ang maririnig sa takot at parang mga daga silang hinanap ang daan palabas. Agad siyang naalarma at luminga sa paligid, at nagsunod-sunod pa ang putok ng baril kaya siya napabulong at napamura. "Sh*t." She moved fast away from the bar counter at naghanap ng pwedeng taguan hindi para tumakas kundi nang malaya niya ma-obserbahan at makita kung sinumang mga pangahas ito. Nawala na rin ang mga server pati na ang baristang sanang mag-aabot sa kanya ng inumin niya nauna nang isalba ang mga sarlli. Agad niyang kinuha ang baril sa loob ng denim jacket at mabilis na ikinasa, tahimik niyang pinakiramdaman ang paligid niya at nang silipin niya ang dance floor, nakita niya ang mga armadong lalaki na umakyat sa hagdanan patungong pangalawang palapag. Sinundan ni Quin ng tingin ang mga ito buhat ng mapang-sipat niyang mga mata mula sa pinagtataguan at nakita niyang nakasuot sila ng black corporate attire, maraming tattoos. Not all those who wear corporate are respectable. Most of them are Mafias... T*ng*na hindi naubos-ubos ang mga taong itong nagpapasimuno ng krimen, pananakot sa mga tao. And if they have personal business with someone here, harm that peson. Hindi mandadamay pa ng marami! She went here to unwind and drink, gusto niyang manahimik ang isip niya nang para pag-uwi tulog siya kaagad pero ito at isang maling galaw, pwede siyang mapalaban sa mga taong wala siyang kinalaman. Nanatili ang tingin niya sa grupo at mula rito sa kinaroroonan tanaw niya ang dulo ng VIP table ng pangalawang palapag at nakitang may lalaking nakaupo roon na may kasama rin mga tauhan na mukang hindi naalarma at inaasahan nang ganito ang mangyayari. Pasinghal siyang natawa pero walang tuwa pero agad din natigilan nang mapagmasdan niya ang lalaking sinadya ng masasamang mga taong ito... Small world. She suddenly feels displeased. This is the second time she saw him, nasa iisang lugar lang pala sila kanina pa. Humalukipkip siya at unti-unti huminahon mula sa kinaroroonan, tahimik na ang paligid nagsi-alisan nang lahat, at siya na lang ang naiwang matapang na nanunuod sa kung anuman magiging usapan sa pagitan ng dalawang lalaki. Si Henrick na tila walang kakaba-kaba sa katawan, at ang tila boss ng nanggulong grupo. Tumaas ang isang sulok ng labi ni Quin. "So... this is the reason why you need protection, huh?" she whispered with sarcasm. "At sa Falcon Military pa talaga napili mo..." Hindi niya alam kung matatawa siya o ano. Tough outside, Mister? Pero naghahanap ng mas bihasa pa sa pakikipag-laban because what? Hindi kayang ipagtanggol ang sarili? Muli pa siyang hilaw na natawa dahil nakakatawa isiping siya na babae kayang patulugin ang mga ito kung gugustuhin niya. Tapos ang lakas ng loob mang-insulto ng kababaihan? She stood coolly and crossed her arms again. She wants to watch how far he can handle this situation with criminals, at anong kayang gagawin nito laban sa kanila. Saka niya pa lang pagiisipan kung makikialam siya. She knows it's not her business, but... it's kinda thrilling. She chuckled thinking men's screams. Saktong kailangan niya ring mag-release ng frustrations kaya tamang-tama ang mga ito para gawin niyang punching bag. "Kailangan ba natin umabot pa sa ganito, Cassius?" prenteng tanong ni Henrick nang sumandal siya sa itim na L shape couch ng VIP table na kinaroroonan nila. "Just because you can't get what you wanted talagang idinaan mo ako sa dahas," Pagak pa siyang natawa at inabot ng kamay ang baso ng babasaging alak na nasa gilid ng lamesa at inilapit sa bibig. "Sinabi ko naman sa iyo, Montegarde... nakiusap ako ng maayos nang ilang beses..." Dinuro pa siya nito gamit ang dulo ng hawak na baril tila pikang-pika na sa paulit-ulit niya pagtangging makipag-partnership. Natawa pa sa galit. "Pero hindi mo ako pinagbigyan sa negosasyon hinihingi ko!" Tumaas ang boses nito na ikinatawa niya lang kaya lalo itong nangalit. At sa tagong hindi kalayuan ay prente lang ang dalaga habang nakangising nakamata sa mga susunod na mangyayari sa kanila. Nagpakawala si Henrick ng malalim na pag-hinga pero natatawa sa pagiging desperado ng kriminal na ito. "Sinabi ko na rin sa iyo... hinding-hindi ako makikipag-negosasyon dahil napaka-rumi ng kalakaran mo, at idadamay mo pa ang mga kumpanya ko at kung mabubulilyaso ka, damay ang lahat ng pinaghirapan ko." Dito na siya tumayo kaya agad nag-taas ng mga armas ang mga tauhan nito at alerto rin ang mga tauhan niyang tinapatan ang mga ito at pare-parehong nagtutukan. Nagngingitngit sa galit ang mukha ni Cassius habang siya casual at seryoso lang, walang mababakas na takot para dito. Sa dami na rin noon pa na gustong gumamit sa isa sa mga ng shipping line company niya hindi na rin bago pa sa kanya ang humarap sa mga delikadong taong kagaya nito. "Even if you'll kill me now, hinding-hindi mo mapapakinabangan ang cruise shipping line." Nagpamulsa siya at diretso itong tiningnan batid ang matigas niyang pag-hindi at pinal nang desisyon hinding-hindi na magbabago. "I'm not into dirty work, Cassius marami pang shipping lines ang pwede mo gamitin diyan sa mga ilegal mong transaksyon pero hindi kasama roon ang kumpanya ko," dagdag niya pa buhat ng matatas na tono. Nag-dilim ang mukha nito at nag-angat ng kamay rekta siyang tinutukan ng baril sa ulo at si Quin na nakahilig sa tagong hamba at nakapamulsa, nakatingalang nakatingin buhat ng seryoso nang mukha. Walang ngiting kinuha na sa loob ng bulsa ng jacket ang kanyang pistol at kalmadong kinasa sabay sulyap muli sa kinaroroonan nila buhat ng nakatingalang mukha at ipinosisyon na ang sarili sa gagawin... "Are you going to shoot me? For real?' Napangisi si Henrick, totoong wala siya kakaba-kaba, o takot na nararamdaman kahit nanganganib na talaga ang buhay niya sa mga oras na ito. Masyadong desperado ang mga grupo ng mga kriminal na ito na makapasok sa legal niyang shipping lines, na hinding-hindi niya kailan man mapahihintulutan. Matagal na panahon ang ginugol niya para sa mga kumpanyang pagmamayari niya at hindi biro lahat ng sakripisyo niya maitayo lang ang mga ito. Kaya hindi niya basta-bastang hahayaan madungisan dahil lang sa mga personal at sakim na interes ng mga masasamang loob na ito. "Wala ka rin naman magagawa kapag p*tay ka na... hindi ka makuha sa pakiusapan at maling kinalaban mo ang katulad ko, Montegarde..." Ngumisi aso na ito. Anumang oras hindi magdadalawang isip kalabitin ang gatilyo kaya sumulyap siya sa isa sa mga tauhan niya at nagbigay siya ng signal na magsikilos na. At doon niya na mabilis na hinawakan ang kamay ni Cassius at pinilipit ang daliri nitong nasa may gatilyo at mabilis niya siniko ito sa mukha kaya laking gulat nito sa bilis niya at hindi nito akalaing may alam siya sa close combat at parang gusto niyang matawa dahil masyado ata siyang minamaliit ng hayop. Uminda ito nang mapaatras at nabitawan ang baril hawak ang ilong na dumugo at ang mga tao nila sunod-sunod na ang palitan ng putok ng baril sinasabayan din ng pisikal na pakikipaglaban habang sila, nakatuon sa isa't isa. Sumipol naman ng mahina ang dalaga habang nanunuod sa naging eksena sa itaas, at napabulong. "Not bad..." At tumaas ang isang sulok ng labi pero nang nakita ni Quin muling tinutukan si Henrick ng baril alam niyang kakalabitin na, sasabog na ang ulo nito. Kaya doon na niya ipinikit ang isang mata, asintadong itinutok ng rekta dulo ng pistol niya sa direksyon nila, kahit na hindi pang long range ang baril niya, aabot ang bala nito sa target. At nang kakalabitin na ni Cassius akmang mabilis na kikilos si Henrick para umiwas pero laking gulat nila nang napahiyaw ito bigla sa sakit nang may ligaw na balang tumama sa kamay nito kaya nabitawan na ang baril at nasapo ang pulsuhan at napayuko sa hustong sakit ng nagdurugo nang kamay. "F*ck!! Who was that?! Who sh*t me??" galit nitong sigaw, gustong mag-wala dahil alam nilang hindi galing sa mga tao nila ang bala kundi sa malayong distansya... At dito napangisi si Quin. "Gotcha." Wala pa rin talaga siyang kupas. Mabilis at desperado naman hinanap at nilibot ng tingin ni Henrick ang pinanggalingan ng bala. Nang biglang tumigil ang mga mata niya sa kinaroroonan ng isang dalagang prenteng nakaposisyon at patagilid na nakahilig sa tagong sulok na kung titingnan walang kahirap-hirap sa pag-asinta. Natatakpan pa ang mga mata nito ng hibla ng maiksing buhok na nagpahanga sa kanya ng husto lalo at kitang-kita niya ang simple pero sobrang angas at ganda ng postura nito umasinta habang nakahilig lang sa tila hamba na nakataas ang kamay hawak ang isang silver... na pistol. The bullet from nowhere came from that direction... tila biglang tumigil ang mundo ni Henrick at napatulala siya sa hustong gulat. It's her... the woman that night. The girl he wrongly messed with. But what is she... doing here? And holding a gun?QUEEN DELLA Nagpalakad-lakad ako suot ng racer back at baggy pants and my usual boots. Wala man ako sa actual na mission nila handa ako sa anumang oras sa paparating na panganib. Iniisip-isip ko lalo si Henrick kanina pa... kung kamusta na at napaano na kaya, ganun din sina Papa... at ang mga ibang kasamahan. Kapag naubos sila, paano na? Pero nananatili akong positibo, magagaling ang Falcon Militar at hindi sila padadaig, at magkamatayan man ay hinding-hindi sila papayag na mapatumba na lang basta. Naupo ako sandali, kagat-kagat ang hinlalaki ko, nang tumayo ako at nag-tungo sa tactical tech room aakyat sana ng hagdanan ngunit nagulat ako nang makasalubong ko si Mama... laking gulat ko sa itsura. D*mn... is she my Mom who loves in the kitchen? She's now wearing a black flitted long sleeves, baggy military black pants at combat boots. Ngayon ko lang siya nakitang nag-suot nito, and she never talked about her background, even Papa never mentioned to me who she was before they go
Third Person's POV"YOU. KNOW. NOTHING." Buo at nangangalit na sinabi ni Semion at kinalabit ang gatilyo nakaiwas si Raheen pero nadaplisan sa braso pero hindi nakitaan ng pag-inda."RAHEEN!" sigaw ni Zaldivar na labis ang pagaalala sa kanya pero ngumiti lang siya rito."I'm fine, I'm fine!" Nagawa pa niyang tumawa kaya ang hayup na si Semion napahalakhak habang nakita siyang natamaan."Magaling ka sa lahat ng larangan pero mukang hindi sa pag-ilag..." Ngiting-ngiting ito na para bang nasisiyahan sa paghaharap nila.Natawa na lang siya na hindi man lang hinawakan ang braso na may tama nang tanungin niya ito."Malaki ang pinagbago mo, Semion dala ng kasakiman mo pero sira ulo ka pa rin talaga. Laro na talaga gusto mo?" Sabay kalabit ng baril niya ng isang putok lang na hindi nito inaasahan at tinamaan niya sa binti.Napahawak ito rito, at napasagitsit ngunit hindi rin maman ininda at sa halip tumawa pa at sumenyas sa mga tauhan wag silang makikialam dahil itinutok ang mga hawak sa kany
Third Person's POVMatagal na nakatutok kay Zaldivar ang hawak na baril ni Semion na natigilan nang sanang kakalabitin na ng gatilyo nang bigla marinig ang pamilyar na boses ng isa pang dating kaibigan..."Iputok mo at kakalabitin ko," matigas at may tatas na sigaw ni Raheen, na nagawa nang makasapok sa basement niya na ikinabigla nito.Papaanong? Tanging nasambit niya na lang sa isip. Nakapasok sila, napatumba ng ganun lang ang mga tauhan niya?Nang bigla siyang napahalakhak nang maibaba niya ang hawak, at ang mga tauhan niyang naririto kasama niya ay nakipagtapatan sa grupo militar.Si Raheen, kaya mabilis na nakapasok kasama ang iba pa, si Henrick ang ngayo'y nakikipaglaban sa mga tauhan ni Semion sa entrada ng mansion, kaya sila nakapasok.Nakatutok ang baril niya sa direksyon ni Semion, they are all wearing dark green, hawak ang kani-kanilang baril.Nakipagtutukan, nakipagtapatan."Long time no see, my friend!" bulalas nito nang itaas pa ang dalawang kamay, batid na nasaan kunwar
Third Person's POVNagagawa pang ngumisi ni Zaldivar kaharap ang taong matagal na rin niyang gustong makaharap.Nakaupo siya sa isang silya habang nakatali ang katawan sa sandalan, mahigpit and they made sure he couldn't escape.At sa tutok niya may bumbilyang nag-iisang silbing ilaw. Nang tumawa siya kaya ang mga tauhan nito napatingn sa kanya, ganoon din ito.Nakaupo sa silyang katapat niya, at may hawak na tobacco-ng umuusok usok pa, nakatingin lang ito sa kanya at tahimik siyang pinanunuod.Bunsong anak lang din naman pala nito ang makakapagpalabas sa kanya sana ay noon pa niya ginawa. Ang kaso... nito niya lang din nalaman na Alta si Quin. Nakakagulat pero hindi na rin nakakapagtaka. Sa galing ng bata, alam kaagad kung kanino nagmana.Semion was his schoolmate back in college, kasa-kasama niya na rin noon si Busco at Raheen... tingnan mo nga naman kung gaano kaliit ang mundo.Talagang anak pa nito ang napunta sa kaibigan niya, na kung sino pang ibang tao, iyun pa talaga ang nagp
QUIN DELLAWalang sabi-sabing pumasok ako sa silid kung saan nag-mi-meeting sina Papa at ang buong samahan na halos mamuno, narito na ang lahat upang iligtas ang taong bumuo ng grupo kung ba't kami magkakasama ngayon.Nagulat pa si Papa. "Quin, I told you not to—""I'm here for Henrick." Hinawakan ko ang magiging asawa ko sa braso at iniharap kay Papa. "Itong mamanugangin niyo, gusto niya mag-volunteer. He's going to be my reliver."Bumalatay ang gulat sa mga mukha ng kasamahan ko, at si Papa napatingin kay Henrick na seryoso ang mukha, buo ang loob...That's my man.Kahit kinabakahan ako sa trip niya."Ayaw paawat eh, hala sige siya raw ang makikipag-bakbakan." Tinapik-tapik ko pa ang balikat niya batid na ipinagtutulakan ko na.Natawa si Papa. "Are you sure, young man?" Humalukipkip pa ito. "You've never been into a mission. Mapanganib ito kaya mabuti pang samahan mo na lang ang asawa mo rito—""I know it's dangerous," Henrick immediately said he didn't let him finish his sentence.
QUIN DELLAKagat-kagat ko ang hinlalaki ko habang nakaupong lalaking mag-isa rito sa living room nang iakyat si Commander sa guest room nang makapag-pahinga na, at meron na rin Doctor ang dumating at sinabing nasa maayos na itong kalagayan at ligtas na.Makakahing na sana ng maluwag ang lahat, ngunit hindi pa kaya.... Ang founder, hawak ngayon ni Daddy... ano bang gusto niya?Mukang iisa-isahin ko sa isip ang mga posibleng dahilan dahil kung Falcon lang din naman dapat noon pa nga niya ginawa dati pa man hadlang na ang grupo sa mga aktibidad niya...Pero hindi niya ginalaw ang organisasyon sa loob ng mga lumipas na maraming taon, na bukod tanging ngayon lang.Imposible rin na ibinabawi niya si Connar Magonda sa pagkakahuli ng autoridad dito because this old man is nothing to him, some a piece of useless trash now that he's old... so my biological father surely won't. Mataas ang kompiyansa ni Semion na hinding-hindi siya mahuhuli ng kahit sino pang autoridad sa lawak ng impluwensya ni







