Halos katatapos ko pa lang magluto nang dumating si Tito Vicente galing sa pamamasada ng tricycle. Kaya nagmadali akong maghanda ng kanilang makakain.
Pagkatapos maghain ay pumunta ako sa kwarto nila. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago nagsalita. “Tita Jocy, Tito Vic, handa na po ang tanghallian.” Imporma ko sa kanila. “Tawagin mo na din si Jovy.” Utos niya paglabas ng kwarto. “Sige po, Tita,” tugon ko sa kaniya na dire-diretso lang sa kusina. “Jovy, kakain na tayo! Pinapatawag ka na ng Mama mo!” Pasigaw na tawag ko sa kaniya. Madalas siyang nakasuot ng earphones kaya nilalakasan ko ang boses sa tuwing tatawagin ko siya lalo na kapag kakain. Maya-maya ay lumabas na siya. Umirap muna siya bago dumiretso sa kusina. Sa tuwing nagkakasalubong kami lagi niya akong iniirapan. Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa ko sa kaniya. Kahit sa school ay parang hindi niya ako kakilala kung tratuhin. “Tubig nga!” Nahinto ako sa paghakbang papunta sa likod ng bahay nang magsalita si Jovy. “Anak, ikaw na kumuha sa ref. Ang lapit lang naman,” ani Tito Vicente kay Jovy. “Tsk! Bakit ako? Nakaupo na ko dito tapos tatayo pa? Maghahain na nga lang kasi kulang-kulang pa!” Para walang gulo ay bumalik na lang ako. Sa pagmamadali ko kanina ay hindi na ako nakakuha ng tubig. Tahimik kong sinalinan ang baso niya. Sunod naman ay ang baso nila Tita Jocy. “May kailangan pa po kayo, Tita?” “Wala na, Iha. Sige na. Kami na ang bahala dito. Kain na din kayo ng Mama mo,” si Tito Vicente. “M-Mamaya na po, kakakain lang po ni Mama.” Pagsisinungaling ko. Nahuhuli kaming kumain ni Mama dahil hinihintay ko silang matapos para sa matitira nilang ulam. Marami-rami naman ang iniluluto ko pero halos wala nang natitira kapag natatapos na silang kumain. “Gano’n ba? Sige. Kain na lang kayo mamaya.” Bumalik ako sa kusina tatlumpong minuto matapos kong umalis kanina. Naiwan doon ang mga pinagkainan nilang tatlo. Kagaya ng dati, kakarampot na lang ang natirang ulam. Isang pakpak at isang pirasong leeg at halos puro patatas na. Huminga ako ng malalim upang pigilang mapaluha. Nitong nakaraang buwan madalas akong nagtatabi ng extra na ulam para kay Mama dahil halos walang natitira sa amin. Pero nahuli ako ni Tita Jocy kaya s*mpal at s*b*not ang inabot ko sa kaniya. Nanggalaiti siya sa akin dahil ninanakawan ko daw sila matapos nila kaming kupkupin. Mabilis kong inil*gpit ang mga kalat at hugasin sa lamesa. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Kailangan ko muna na maglinis bago kumain para hindi magalit si Tita. “Mama, kain ka na po. Adobong manok po ang ulam. Subuan ko po kayo, ha? Isipin mo na lang na ako si Papa. Hindi po ba lagi ka niyang sinusubuan noon sa tuwing nagtatampo ka sa kaniya?” Naluluhang itinapat ko ang kutsara sa bibig ni Mama. Ngunit kagaya ng dati, tulala lang siyang nakatingin sa labas ng bintana. Pagkatapos ko siyang paliguan sa umaga, itinuturo niya lagi ang upuan na nakapuwesto sa may bintana kaya inaakay ko siya doon. “Mama, kain ka na po..Huwag n’yo na pong masiyadong isipin si Papa. Nasa trabaho lang po ’yon kaya hindi siya nakakauwi sa ’tin. Huwag ka pong mag-alala, tatawagan ko po siya tapos magkakasama na tayong muli.” Hindi ko na napigilang mapaluha. Pinagmasdan ko ang impis na mukha ni Mama. Ang dating mga mata niya na laging kumikinang sa tuwa ngayon ay nangangalumata na. Noon kahit nasa bahay lang laging maayos ang itsura niya. Lagi siyang naka-make up. Alagang-alaga niya noon ang katawan niya. Dahil katwiran niya, gusto niya na presentable siyang tingnan tuwing kasama si Papa. Maging ako ay lagi niyang inaayusan kahit nasa bahay lang din. Ayaw daw niyang makita ng ibang tao lalo na si Papa na madungis ako. “Mama, kain na po. Please?” Ipinatong ko ang plato sa lamesita. Hinaplos ko ang pisngi niya. Maging ang mga labi noon ni Mama na laging may lipstick ngayon ay dry na. Nabuhayan ako nang humarap siya sa akin at ikinurap niya ng isang beses ang kaniyang mga mata. “Kain ka na po, Mama.” Dali-dali kong kinuha ang kutsara. Tumalon sa tuwa ang puso ko nang ibuka niya ang bibig. Kaya walang pagdadalawang isip na isinubo ko ang kutsara sa bibig niya na agad naman niyang tinanggap. “Masarap po, ’di ba? Ako po ang nagluto niyan. Marami na akong natutunang lutuin na ulam. Magpalakas po kayo lagi, ha? Para sipagan akong magluto parati.” Sunod-sunod niyang tinanggap ang bawat kutsara na isinusubo ko sa bibig niya. Hindi ko napigilang pumalakpak nang maubos niya ang isinandok kong pagkain. Wala pa din siyang imik pero masaya ako dahil naubos niya ang pagkain. Noon ay halos tatlong subo lang ng kutsara umaayaw na agad siya. “Inom po kayo ng tubig, Mama. Ako naman po ang kakain pagkatapos mo.” Pinunasan ko muna ang kaonting tubig na natapon sa bibig niya saka ako nagsimulang kumain. Nakatalikod ako sa kaniya dahil ayaw kong makita niya na sunog na kanin ang kinakain ko. Napatingin ako sa kalendaryo na nakasabit sa dingding habang kumakain. Isang taon na pala sa susunod na buwan magmula nang umuwi kami dito. Huling pagkikita namin ni Papa ay noong recognition ko. Kaya pala parang wala siya sa sarili noon at hindi makatingin sa akin ng diretso dahil balak na niya kaming iwanan. Naghintay pa si Mama ng dalawang buwan para sa pagbabalik ni Papa. Pero ni anino niya ay hindi na nagparamdam. Narinig ko pa nga ang pagtatalo nila noon habang nasa kwarto sila. “Bakit ka aalis? Dahil ba sa babaeng ’yon? Akala ko ba hindi mo siya mahal? Ang sabi mo kami ni Dhanna ang mahal mo, Danny! Bakit ngayon aalis ka na lang bigla dahil gusto mo nang ayusin ang pamilya ninyo? Pinaniwala mo lang ba ako na wala kang pagmamahal sa kaniya? Ako ang unang nagbigay sa ’yo ng anak. Hindi ang babaeng ’yon! Hindi mo pwedeng gawin sa amin ’to! Paano na lang kami? Ipagpapalit mo na lang ba kami nang gano’n na lang, ha?” galit at puno ng sakit na sabi ni Mama. Hindi ako nakadala ng inumin sa kwarto. Naglaro muna ako sa cellphone kaya hindi pa ako natulog. Nakaramdam ako ng uhaw kaya lumabas ako. Hindi ko akalaing ito pa ang maririnig ko. Napasinghap ako sa mga narinig. Nag-unahang pumatak ang mga luha sa pisngi ko. Hindi ko akalaing may ibang pamilya pala si Papa. Ang saya-saya niya lagi tuwing naririto siya sa amin. Pero bakit nagawa pa niyang maghanap ng iba? At may balak pa siyang iwanan kami dahil sa babae niya?“K-Karl . . .”Balak ko sanang awatin siya sa kaniyang ginagawa, ngunit sa halip na pagalit ang tono ay halos naging pabulong pa. Gusto kong s*bunutan ang buhok ko. Hindi ko maintindihan ang sarili, kung kailan patapos na ako sa plano ko ay saka naman ako nagkaganito sa kaniya. “Yes honey?” namamaos ang tinig na tugon niya. Bumaba ang mga labi niya sa akin. Napapikit ako nang maramdaman ko ang malambot niyang labi. Ibinuka ko ang bibig at nilasap ang matatamis niyang halik. Umangat ang braso ko at ikinawit sa leeg niya. Mula sa pisngi ay bumaba ang palad niya papunta sa leeg at sa balikat ko. Bawat pagdampi ng balat niya sa akin ay nag-iiwan ng kakaibang init sa aking pakiramdam. “Ah . . .” Kusang umalpas ang isang daing sa aking bibig nang bumaba pa ang palad niya sa kaliwa kong d*bdib. Napaliyad ako at unti-unting napahiga sa kama. Pinaglaraun ng mga daliri niya ang d*nggot ko na naninigas. Dumagan siya sa akin at mariing idiniin ang kaniyang sandata. “Hindi ko akalaing ganito
“Ahh . . .” Umalpas ang mahabang daing sa bibig ko matapos kong manginig at makaramdam ng nakakikilabot na sarap. Hapong-hapo ako at sobrang init ng pakiramdam ko. May umagos na mainit-init at malapot na likido sa gitnang bahagi ng aking katawan kaya kahit antok na antok pa ay bigla kong naidilat ang mga mata. Muntik pa akong mapasigaw nang sa pagdilat ng mga mata ko ay mabungaran ko ang mukha ni Karl na sobrang lapit sa akin. “Karl! Akala ko bukas pa ang uwi mo? Bakit nandito ka na?” magkasunod na tanong ko.Agad na nanuot sa ilong ko ang mabangong hininga niya pati na din ang shower gel na ginamit. Hindi ko man lang naramdaman ang pagdating niya, nakapagpalit na siya ng damit at nakaligo. Tumutulo pa ang tubig sa buhok niya pababa sa kaniyang leeg. Tanging tuwalya lang ang tumatabing sa ibabang bahagi ng katawan niya. Napaiwas ako ng tingin nang dumako ang mga mata ko sa bagay na natatakpan ng tuwalya. Halatang-halata ang pamumukol ng kaniyang alaga. Tumaas ang sulok ng labi niy
Hihiga na sana akong muli sa kama pagkatapos naming mag-usap ni Karl ngunit nakarinig ako ng mahihinang katok. Bumangon ako at tinungo ang pinto. Bumungad sa akin si Christan na malapad ang pagkakangiti. Bahagya niyang iwinagayway ang isang kamay pagkakita sa akin. “Hi, Misis Martinez!” bati niya sa akin habang nakabungisngis at kumakaway. Napairap ako. “Ano ang kailangan mo?” tanong ko sa pormal na tinig. “Magpapaalam na ’ko. Susundan ko ang aking minamahal. Ngayon niya ako higit na mas kailangan.” tugon niya. “Wala namang problema sa akin kahit saan ka pa magpunta. Basta huwag mo nang ibabalik si Diana dito sa pamamahay ni Karl,” matabang na sambit ko. “Talagang hindi na! Pinakawalan ko na tapos hahayaan ko pang bumalik sa kaniya.” Muli na namang tumikwas ang dulo ng labi niya. “Teka, huwag mong sabihing nahulog ka na din sa g*gong ’yon? Ikaw ah...” nanunukso niyang sambit. Itinaas-babs niya ang mga kilay at muling nagpakawala ng mapang-asar na ngiti. “Tsk! Tigilan mo ’ko! A
“Diana!” Sindak na sigaw ni Danny.Si Mariel naman ay muntikan nang mabuwal sa kaniyang kinatatayuan dahil sa nerbiyos kung hindi nga lang naagapang saluhin ni Nanay Karina. “Sa susunod na ipuputok ko ’to, siguradong may tatamaan na sa inyo. Kaya umalis na kayo habang nakakapagtimpi pa ako. Buhay ang nawala sa akin. At kapag nagdilim ang paningin ko ay baka buhay din ng isa sa inyo ang maging kabayaran.” Muli kong babala sa kanila. “D-Dan, tayo na. U-Umalis na tayo. Hindi puwedeng ma-stress ang anak natin dahil makakaapekto ’yan sa ipinagbubuntis niya,” nahihintakutang turan ni Mariel. “P-Patawarin mo sana ako sa naging kasalanan ko sa inyo ni Belen, anak. Hindi ko inaasahang hahantong ka sa ganito nang dahil sa kapabayaan ko,” nangilid ang mga luha at puno ng pagsisising turan ni Danny.Kapagkuwa’y nilapitan niya si Diana na namumutla at hindi na nakakilos sa kinatatayuan nito. “Halika na, anak. Umalis na tayo dito.” Tulala si Diana at tila wala sa sarili na nagpatianod sa pag-ak
“Ma’am Belle, nasa labas po ang mga magulang ng asawa ni Mister Martinez. Papapasukin po ba naman?” magalang na tanong ng isa sa dalawang bodyguards na itinalaga sa akin ni Karl. Sandali akong huminto sa pagbabasa ng nobela. Ipinatong ko sa hita ang maliit na libro at lumingon sa dalawang bodyguards na nakatayo sa may likuran ko. “Sige, papasukin mo sila.” Tumaas ang sulok ng labi ko at naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso dahil sa excitement. Dinampot ko ang libro. Muli kong ipinagpatuloy ang pagbabasa habang naghihintay sa kanila. Halos isang linggo nang pinababayaan ni Diana ang sarili niya. Ayon kay Lanie ay lagi daw walang ganang kumain. Minsan ay nakikita ko sa cellphone ni Karl kapag nagti-text o tumatawag siya pero hindi naman siya pinapansin. Pinapatayan lang siya ng tawag at binubura lang ang mga mensahe niya. “Siya ba? Siya ba ang walang hiyang kabit ng manugang ko?!”Maya-maya ay narinig kong sigaw ng isang tinig ng may edad na lalaki. Hindi ko na kailan
“Lanie, galit ka din ba sa ’kin?” tanong ko kay Lanie habang nagpapalit ng bedsheet ng kama sa isa sa mga guestroom sa second floor. Bahagya niya akong tinapunan ng tingin ngunit agad ding napayuko saka muling ibinaling ang atensiyon sa kaniyang ginagawa. “A-Ano po kasi, Ate–ay! M-Ma’am Belle pala..” nauutal na tugon niya. Huminto siya sa pagsasalita. Tumuwid siya ng tayo at huminga ng malalim bago muling tumingin sa akin. Dumaan ang disappointment sa mga mata niya ngunit agad ding napalitan ng lungkot. “Okay lang, huwag mo na akong tawaging Ma’am, ate na lang. Hindi naman ako ang nagpapasahod sa ’yo,” ani ko at tipid na ngumiti. “Sa totoo lang, hindi ko po alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Na-disappoint po ako sa ginawa mo. And at the same time po ay nalulungkot din. Alam kong may dahilan ka kung bakit mo ito ginagawa. Ramdam ko po na mabait ka, Ate. Hindi ko po kasi makita sa mga mata mo na may pagmamahal ka para kay Sir Karl,” aniya saka naupo sa kama hawak ang bedshe