共有

CHAPTER 3

作者: SPICY SINGLE
last update 最終更新日: 2025-01-23 22:41:55

“D-Danny, parang awa mo na... Ayusin natin ’to. Ano ba ang problema? Bakit mo kami iiwan?” Bahagya kong itinulak ang pinto upang sumilip sa loob ng kwarto nila Mama.

“Pasensiya na, Belen. Tigilan na natin ’to. Umuwi lang ako dito para magpaalam sa ’yo,” ani ni Papa kay Mama na nakaluhod sa harap niya. Hilam sa luha ang kaniyang mga mata.

“P-Pero, paano si Dhanna? Paano na ang anak natin? Hahanapin ka niya. Malulungkot siya at masasaktan kapag nalaman niyang umalis ka para sa ibang babae.” Ipinulupot ni Mama ang mga braso sa balakang ni Papa.

“Ikaw na ang bahalang magpaliwanag. Malaki na siya, maiintindihan na niya ang sitwasyon,” walang emosyong sambit ni Papa.

“B-Babalik ka pa naman, ’di ba? Kahit twice a month or kahit isang beses lang sa isang buwan. Basta makita ka lang namin kahit papaano, masaya na ako do’n.”

Rumehistro ang galit sa mga mata ni Papa at pilit niyang itinayo si Mama mula sa pagkakaluhod sa harapan niya.

“Ano ba ang hindi mo maintindihan, Belen!? Kaya nga kita kinakausap para ipaintindi sa ’yo ang desisyon ko. Ayaw kong masaktan ang anak namin ni Mariel kapag nalaman niya ang tungkol sa inyo. Birthday na niya sa susunod na buwan. Magmula ng magdalawang taong gulang siya, lagi niyang hinihiling na sana hindi na ako umalis lagi sa bahay. Gusto ko namang pagbigyan ang kahilingan niya ngayong ika-sampung kaarawan niya.” Galit na paliwanag ni Papa.

“M-Minahal mo ba talaga ako, Danny? Si Mariel ba, kailan mo pa siya natutunang mahalin?” Hinaplos ni Mama ang pisngi ni Papa.

“Maniwala ka, minahal kita kahit papaano. Salamat dahil nandiyan ka noong mga panahong hindi kami okay ni Mariel. Lumalaki na si Diana. Mas matanda si Dhanna kaya mas maiintindihan niya na ang mga bagay-bagay.”

“Ano ang sabi mo? Minahal mo ako kahit papaano? Ginawa mo lang ba akong panakip-butas, ha? Pagkatapos kong ibigay sa ’yo ang lahat! Buong buhay ko sa ’yo ko lang inilaan, Danny! Tapos ngayon siya ang mas pipiliin mo kaysa sa amin?” Sumbat ni Mama.

“Patawad ulit, Belen. Pero sila na ngayon ang mas mahal ko. Hindi ko kayang saktan ang damdamin ng anak namin. Masiyado pa siyang bata.”

Muli na namang pumatak ang mga luha sa pisngi ko. Dinig ko ang mga yabag na papalapit sa pinto pero hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko paalis. Walang kasing sakit para sa akin ang mga pinagsasabi ni Papa para kay Mama.

“Danny, please lang! Huwag mong gawin ’to!” Muling pagmamakaawa ni Mama.

Bumukas ng malaki ang pinto. Nanlaki ang mga mata ni Papa pagkakita niya sa akin.

“D-Dhanna, anak,” sambit ni Papa.

Napatingin ako sa maletang hawak niya. “H-Hindi n’yo na po pala kami mahal ni Mama? May ibang babae po pala kayo. B-Bakit po, Papa?” Tumingala ako sa kaniya.

“P-Pasensiya ka na, anak.” Yumuko siya at niyakap lang ako ng mahigpit. Hindi man lang kababakasan ng lungkot ang mga mata niya.

Wala akong nagawa kung ’di ang ihatid lang siya ng tanaw habang papalabas siya ng pinto ng bahay. Habang si Mama naman ay panay ang pigil sa kaniyang umalis.

Nanikip ang dibdib ko at napaluha nang muling maalala ang ginawang pag-abandona sa amin ni Papa. Gabi-gabi akong umiiyak magmula nang umalis siya. Dahil doon, unti-unti akong nakaramdam ng galit at inggit para sa naging anak nila ng babae niya.

Sobrang sakit ng ginawa ni Papa. Mas pinili niyang iwanan kami dahil ayaw niyang masaktan ang damdamin ng anak niya sa iba. Hindi man lang niya naisip kung ano ang mararamdaman ko.

Pinunasan ko ang aking pisngi at binilisan ang kain. Hangga’t maaari ay ayaw ko nang maalala ang ginawa sa amin ni Papa. Siguro nga ay hindi niya talaga kami mahal ni Mama. Hindi ko ipagpipilitan ang sarili kung hindi niya na talaga kami mahal. Kung ayaw na niya sa amin, puwes ayaw ko din sa kaniya.

“Mama, mahiga na po muna kayo dito sa papag. Mamaya naman po ulit kayo maupo diyan,” ani ko kay Mama pagkatapos kong hugasan ang mga pinagkainan namin.

Napangiti ako nang tumayo siya at lumapit sa papag. Inalalayan ko siyang mahiga. Binuksan ko ang maliit na bentilador na bigay sa amin ni Tito Vicente. Nagbubukas lang ako ng electric fan tuwing matutulog lang kami ni Mama dahil baka mag-over heat at tuluyang masira. Lumang-luma na kasi at sobrang hina na ng hangin.

Ayaw pa nga sana kaming pahiramin ni Tita Jocy mabuti na lang at napakiusapan ko si Tito Vicente. Ang dahilan niya, dagdag pa daw sa bayarin sa kuryente.

“Mama, mahiga po muna kayo dito dahil mananakit po ang likod ninyo.” Inayos ko ang unan na ginagamit ni Mama.

“A-Anak, pasensiya ka na, ha? Napapabayaan na kita,” malat ang boses na sambit ni Mama.

Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kaniya. Ngayon na lang ulit siya nagsalita. Halos dalawang buwan ko siyang hindi nakakausap dahil lagi siyang tulala.

“M-Mama... na-miss ko po ang boses mo. Huwag mo po akong alalahanin, ayos lang po ako.” Nag-unahang pumatak ang mga luha sa pisngi ko.

Mapait siyang ngumiti sa akin at saka napaluha. “P-Patawarin mo sana si Mama kung naging pabaya ako sa ’yo.”

“Mama, ayos lang po talaga ako. Kayo po ang inaalala ko. Sana bumalik na po kayo sa dati–’yung masigla at laging nakapostura. Huwag po nating panghinayangan ang pang-iiwang ginawa sa atin ni Papa. Siya ang nawalan, hindi tayo.”

“Huwag kang mag-alala, Anak. Bigyan mo lang ako ng kaonting panahon, babawi ako sa ’yo.”

“Hihintayin ko po ’yan, Mama. Magpaganda po ulit tayo kagaya ng dati. Sigurado taob sa inyo ’yung mga chismosa nating kapitbahay na lagi tayong pinag-uusapan.” Nahiga ako at tumabi sa kaniya.

“Huwag mo na lang silang pansinin, Anak. Hindi naman sila mga importanteng tao. Mga wala lang silang magawa sa buhay kaya pati buhay ng iba pinag-uusapan pa.”

“Opo, Mama.”

May isang bagay na bumabagabag sa akin dahil sa lantarang pag-uusap ng mga kapitbahay tungkol kay Mama pero hindi ko na inungkat sa kaniya. Ayaw kong paniwalaan ang mga gano’ng klaseng bagay lalo na at nanggaling lang sa mga chismosa.

“Mahal na mahal kita, Dhanna anak.”

“I Love you too, Mama.”

Yumakap siya sa akin kaya nagsumiksik ako sa katawan niya. Ipinikit ko ang mga mata. Ang sarap sa pakiramdam, ngayon na lang ulit ako nayakap ni Mama. Kahit anong paninira nila sa kaniya ay hindi ko paniniwalaan. Hindi siya gano’ng klaseng babae. Mas kilala ko si Mama kaysa sa kanila. At alam kong mabait siyang tao. Hindi niya gugustuhing makapanakit siya ng kapwa.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 43

    “K-Karl . . .”Balak ko sanang awatin siya sa kaniyang ginagawa, ngunit sa halip na pagalit ang tono ay halos naging pabulong pa. Gusto kong s*bunutan ang buhok ko. Hindi ko maintindihan ang sarili, kung kailan patapos na ako sa plano ko ay saka naman ako nagkaganito sa kaniya. “Yes honey?” namamaos ang tinig na tugon niya. Bumaba ang mga labi niya sa akin. Napapikit ako nang maramdaman ko ang malambot niyang labi. Ibinuka ko ang bibig at nilasap ang matatamis niyang halik. Umangat ang braso ko at ikinawit sa leeg niya. Mula sa pisngi ay bumaba ang palad niya papunta sa leeg at sa balikat ko. Bawat pagdampi ng balat niya sa akin ay nag-iiwan ng kakaibang init sa aking pakiramdam. “Ah . . .” Kusang umalpas ang isang daing sa aking bibig nang bumaba pa ang palad niya sa kaliwa kong d*bdib. Napaliyad ako at unti-unting napahiga sa kama. Pinaglaraun ng mga daliri niya ang d*nggot ko na naninigas. Dumagan siya sa akin at mariing idiniin ang kaniyang sandata. “Hindi ko akalaing ganito

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 42

    “Ahh . . .” Umalpas ang mahabang daing sa bibig ko matapos kong manginig at makaramdam ng nakakikilabot na sarap. Hapong-hapo ako at sobrang init ng pakiramdam ko. May umagos na mainit-init at malapot na likido sa gitnang bahagi ng aking katawan kaya kahit antok na antok pa ay bigla kong naidilat ang mga mata. Muntik pa akong mapasigaw nang sa pagdilat ng mga mata ko ay mabungaran ko ang mukha ni Karl na sobrang lapit sa akin. “Karl! Akala ko bukas pa ang uwi mo? Bakit nandito ka na?” magkasunod na tanong ko.Agad na nanuot sa ilong ko ang mabangong hininga niya pati na din ang shower gel na ginamit. Hindi ko man lang naramdaman ang pagdating niya, nakapagpalit na siya ng damit at nakaligo. Tumutulo pa ang tubig sa buhok niya pababa sa kaniyang leeg. Tanging tuwalya lang ang tumatabing sa ibabang bahagi ng katawan niya. Napaiwas ako ng tingin nang dumako ang mga mata ko sa bagay na natatakpan ng tuwalya. Halatang-halata ang pamumukol ng kaniyang alaga. Tumaas ang sulok ng labi niy

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 41

    Hihiga na sana akong muli sa kama pagkatapos naming mag-usap ni Karl ngunit nakarinig ako ng mahihinang katok. Bumangon ako at tinungo ang pinto. Bumungad sa akin si Christan na malapad ang pagkakangiti. Bahagya niyang iwinagayway ang isang kamay pagkakita sa akin. “Hi, Misis Martinez!” bati niya sa akin habang nakabungisngis at kumakaway. Napairap ako. “Ano ang kailangan mo?” tanong ko sa pormal na tinig. “Magpapaalam na ’ko. Susundan ko ang aking minamahal. Ngayon niya ako higit na mas kailangan.” tugon niya. “Wala namang problema sa akin kahit saan ka pa magpunta. Basta huwag mo nang ibabalik si Diana dito sa pamamahay ni Karl,” matabang na sambit ko. “Talagang hindi na! Pinakawalan ko na tapos hahayaan ko pang bumalik sa kaniya.” Muli na namang tumikwas ang dulo ng labi niya. “Teka, huwag mong sabihing nahulog ka na din sa g*gong ’yon? Ikaw ah...” nanunukso niyang sambit. Itinaas-babs niya ang mga kilay at muling nagpakawala ng mapang-asar na ngiti. “Tsk! Tigilan mo ’ko! A

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 40

    “Diana!” Sindak na sigaw ni Danny.Si Mariel naman ay muntikan nang mabuwal sa kaniyang kinatatayuan dahil sa nerbiyos kung hindi nga lang naagapang saluhin ni Nanay Karina. “Sa susunod na ipuputok ko ’to, siguradong may tatamaan na sa inyo. Kaya umalis na kayo habang nakakapagtimpi pa ako. Buhay ang nawala sa akin. At kapag nagdilim ang paningin ko ay baka buhay din ng isa sa inyo ang maging kabayaran.” Muli kong babala sa kanila. “D-Dan, tayo na. U-Umalis na tayo. Hindi puwedeng ma-stress ang anak natin dahil makakaapekto ’yan sa ipinagbubuntis niya,” nahihintakutang turan ni Mariel. “P-Patawarin mo sana ako sa naging kasalanan ko sa inyo ni Belen, anak. Hindi ko inaasahang hahantong ka sa ganito nang dahil sa kapabayaan ko,” nangilid ang mga luha at puno ng pagsisising turan ni Danny.Kapagkuwa’y nilapitan niya si Diana na namumutla at hindi na nakakilos sa kinatatayuan nito. “Halika na, anak. Umalis na tayo dito.” Tulala si Diana at tila wala sa sarili na nagpatianod sa pag-ak

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 39

    “Ma’am Belle, nasa labas po ang mga magulang ng asawa ni Mister Martinez. Papapasukin po ba naman?” magalang na tanong ng isa sa dalawang bodyguards na itinalaga sa akin ni Karl. Sandali akong huminto sa pagbabasa ng nobela. Ipinatong ko sa hita ang maliit na libro at lumingon sa dalawang bodyguards na nakatayo sa may likuran ko. “Sige, papasukin mo sila.” Tumaas ang sulok ng labi ko at naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso dahil sa excitement. Dinampot ko ang libro. Muli kong ipinagpatuloy ang pagbabasa habang naghihintay sa kanila. Halos isang linggo nang pinababayaan ni Diana ang sarili niya. Ayon kay Lanie ay lagi daw walang ganang kumain. Minsan ay nakikita ko sa cellphone ni Karl kapag nagti-text o tumatawag siya pero hindi naman siya pinapansin. Pinapatayan lang siya ng tawag at binubura lang ang mga mensahe niya. “Siya ba? Siya ba ang walang hiyang kabit ng manugang ko?!”Maya-maya ay narinig kong sigaw ng isang tinig ng may edad na lalaki. Hindi ko na kailan

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 38

    “Lanie, galit ka din ba sa ’kin?” tanong ko kay Lanie habang nagpapalit ng bedsheet ng kama sa isa sa mga guestroom sa second floor. Bahagya niya akong tinapunan ng tingin ngunit agad ding napayuko saka muling ibinaling ang atensiyon sa kaniyang ginagawa. “A-Ano po kasi, Ate–ay! M-Ma’am Belle pala..” nauutal na tugon niya. Huminto siya sa pagsasalita. Tumuwid siya ng tayo at huminga ng malalim bago muling tumingin sa akin. Dumaan ang disappointment sa mga mata niya ngunit agad ding napalitan ng lungkot. “Okay lang, huwag mo na akong tawaging Ma’am, ate na lang. Hindi naman ako ang nagpapasahod sa ’yo,” ani ko at tipid na ngumiti. “Sa totoo lang, hindi ko po alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Na-disappoint po ako sa ginawa mo. And at the same time po ay nalulungkot din. Alam kong may dahilan ka kung bakit mo ito ginagawa. Ramdam ko po na mabait ka, Ate. Hindi ko po kasi makita sa mga mata mo na may pagmamahal ka para kay Sir Karl,” aniya saka naupo sa kama hawak ang bedshe

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status