“Walang hiya ka talagang bata ka! Wala na nga kayong ambag dito sinunog mo pa ang sinaing!” Nagsumiksik ako sa likod ni Mama nang marinig ko ang nanggagalaiting sigaw ni Tita Jocy.
Pabalyang bumukas ang pinto ng maliit na kwartong tinutulugan namin sa likod ng bahay nila Tita. Iniluwa niyon ang tiyahin ko na panganay na kapatid ni Mama. Pulang-pula ang mukha niya sa galit. “Kahit magsumiksik ka pa diyan, hindi ka matutulungan ng nanay mo!” Lumapit siya sa akin at hinablot ang buhok ko. Tumingin ako kay Mama upang humingi ng saklolo habang hila-hila ni Tita Jocy ang buhok ko palabas ng kwarto. Pero kagaya ng dati, walang reaksiyon ang kaniyang mukha at nakatingin lang siya sa kawalan. “Aray! Bitawan n’yo po ako, Tita Jocy! Parang awa n’yo na po, nasasakatan po ako.” Pagmamakaawa ko sa kaniya. Pilit kong binabawi ang mahabang buhok ko na ipinulupot pa talaga niya sa kaniyang kamay. “Ubusin mo ’yan, ha! ’Yan ang kakainin ninyong mag-ina sa araw na ’to!” Itinuro niya ang kaldero na amoy tutong at nangitim na pati ang ibabaw ng kanin. “P-Po? ’Y-Yan po ang kakainin namin buong maghapon?” “Bakit? May reklamo ka? Baka nakakalimutan mo, hindi na nakakaambag dito ang Nanay mo dahil tulala na siya kaiisip sa Tatay mong wala ding kwenta!” Ismid niya sa akin. “K-Kahit ako na lang po ang uubos niyan, Tita Jocy. Huwag lang po si Mama. Lagi po siyang walang ganang kumain. Baka mas lalo po siyang mawalan ng gana kapag tutong po ang ipakain natin sa kaniya.” “Ang mahal ng mga bilihin ngayon, Dhanna! Lalo na ang bigas tapos susunugin mo lang? Ano pala ang gusto mo? Itapon na lang ’yan?” “Ako na lang po ang kakain niyan lahat. Bigyan n’yo na lang po ng hindi tutong na kanin si Mama. Sige na po, Tita.” Pagpupumilit ko. “Siguraduhin mo lang na kaya mong kainin ’yan lahat! Dahil kung hindi, hindi ko kayong mag-ina pakakainin bukas!” Singhal niya sa akin habang dinudutdot ng paulit-ulit ang sintido ko. Muli kong binalingan ng tingin ang kaldero at saka napalunok. “O-Opo, Tita Jocy. Pasensiya na po talaga.” “Magsaing ka na agad at magluto ng uulamin dahil maya-maya ay darating na si Vicente galing sa pamamasada. Ayusin mo na. Dahil malilintikan ka talaga sa akin kapag dumating siya na wala pang kakainin.” “Opo, Tita. Pasensiya na po talaga, masama po kasi ang pakiramdam ko mula pa kanina.” “O, ano ang gagawin ko kung masama ang pakiramdam mo? May gamot diyan sa tindahan, ’di sana bumili ka. Alangan namang hindi ka kikilos? Eh, ’yan na nga lang ang ambag ninyong mag-ina sa amin. Pasalamat pa nga kayo at kinupkop ko pa kayong mag-ina. Kung hindi dahil sa bilin ni Nanay na huwag kayong pababayaan hindi ko kayo patitirahin dito. Ang dami ko nang sakripisyo para diyan sa Nanay mo pero ano ang isinukli niya? Kahihiyan at sakit sa ulo!” Sa tuwing magkakaroon ako ng nagawang mali, lagi niyang isinusumbat sa akin ang mga nagawa daw niyang tulong at sakripisyo para kay Mama. Wala naman akong kinalaman sa naging pagkakamali ni Mama para sumbatan niya ako ng paulit-ulit. “W-Wala po kasi akong pera pangbili ng gamot.” Katwiran ko. “Bakit hindi ka nanghingi? Hindi naman ako manghuhula para malaman kung ano ang nararamdaman mo.” “Tulog pa po kasi kayo kanina kaya hindi ko na po kayo inistorbo,” sagot ko. “Tsk! Ewan ko sa ’yo!” Dumukot siya sa bulsa at inilabas ang maliit na pitaka. “’Yan, bumili ka ng gamot. Damihan mo na.” Inabot niya sa akin ang perang papel na nagkakahalaga ng singkuwenta pesos. “Salamat po, Tita.” Umirap lang siya sa akin saka tumalikod. Agad akong lumabas ng bahay upang bumili ng gamot. Hindi ko ibinili lahat. Lima lang ang binili ko para may maitabi akong pera kahit papaano. Sumubo lang ako ng kaonting kanin na nasunog para may laman ang tiyan ko bago uminom ng gamot. Medyo nahihilo pa rin ako pero tiniis ko na lang kaysa pagbuhatan ulit ako ng kamay ni Tita Jocy. May pagmamadali sa kilos na inalis ko ang nasunog na kanin sa kaldero at inilipat sa isang lalagyan. Ibinabad ko muna sa tubig dahil sobrang itim ng ilalim. Habang nakababad ang kaldero, naghiwa naman ako ng mga patatas para sa lulutuin kong adobong manok. Sobrang sama ng pakiramdam ko kanina paggising kaya nakaidlip ako habang nagsasaing. Alas kwatro pa lang ng umaga ay gumising na ako at pinilit ko nang bumangon. Kailangan ko kasing umigib at punuin ang drum sa banyo para may pangligo silang mag-iina. Ayaw kasi nilang pumunta pa sa poso na ipinatayo ng Kapitan namin para hindi na kami mahirapan pang umigib sa kabilang baranggay. Pagkatapos kong umigib ay nagwalis naman ako ng bakuran at naglaba ng mga damit nila. Ako lahat ang gumagawa ng mga gawaing bahay. May anak siyang babae pero kagaya niya ay ayaw ding kumilos. Hindi ako marunong magluto bago kami umuwi dito sa probinsiya na kinalakihan ni Mama. Dahil laging nagbubunganga si Tita Jocy kaya unti-unting kong pinag-aralan ang pagluluto ng mga putahe. Lagi niyang katwiran na wala daw kaming ambag kaya kailangan kong pagtrabahuhan ang mga ginagastos daw nila para sa amin. Kung hindi kami iniwanan at ipinagpalit ni Papa sa ibang babae, hindi ko sana mararanasan ang ganito. Masaya kaming naninirahan sa Cavite. Tuwing Biyernes ng gabi ay umuuwi sa amin si Papa dahil day off niya kinabukasan. Ipinapasyal niya kami lagi ni Mama. Pagdating naman ng Sabado ng hapon ay babalik na siya sa trabaho. Lingguhan kung umuwi siya sa amin kaya Lunes pa lang ay halos hilain ko na ang araw para makasama ko na siya ulit pagdating ng Biyernes. Hindi ko naranasan ang maglaba ng sandamakmak na maruruming damit dahil washing machine ang gamit namin ni Mama. Lagi kong naririnig kay Papa na ayaw daw niyang nahihirapan si Mama sa mga gawaing bahay. Gusto ni Papa na mag-focus lang si Mama sa pagpapalaki sa akin dahil lagi na nga daw siyang wala tapos mauubos pa ang oras ni Mama sa paglilinis. Gusto pa nga sana ni Papa na ikuha kami ng kasambahay pero hindi naman pumayag si Mama dahil masaya daw siyang pagsilbihan at asikasuhin ako lalo na si Papa sa tuwing umuuwi siya sa amin.“K-Karl . . .”Balak ko sanang awatin siya sa kaniyang ginagawa, ngunit sa halip na pagalit ang tono ay halos naging pabulong pa. Gusto kong s*bunutan ang buhok ko. Hindi ko maintindihan ang sarili, kung kailan patapos na ako sa plano ko ay saka naman ako nagkaganito sa kaniya. “Yes honey?” namamaos ang tinig na tugon niya. Bumaba ang mga labi niya sa akin. Napapikit ako nang maramdaman ko ang malambot niyang labi. Ibinuka ko ang bibig at nilasap ang matatamis niyang halik. Umangat ang braso ko at ikinawit sa leeg niya. Mula sa pisngi ay bumaba ang palad niya papunta sa leeg at sa balikat ko. Bawat pagdampi ng balat niya sa akin ay nag-iiwan ng kakaibang init sa aking pakiramdam. “Ah . . .” Kusang umalpas ang isang daing sa aking bibig nang bumaba pa ang palad niya sa kaliwa kong d*bdib. Napaliyad ako at unti-unting napahiga sa kama. Pinaglaraun ng mga daliri niya ang d*nggot ko na naninigas. Dumagan siya sa akin at mariing idiniin ang kaniyang sandata. “Hindi ko akalaing ganito
“Ahh . . .” Umalpas ang mahabang daing sa bibig ko matapos kong manginig at makaramdam ng nakakikilabot na sarap. Hapong-hapo ako at sobrang init ng pakiramdam ko. May umagos na mainit-init at malapot na likido sa gitnang bahagi ng aking katawan kaya kahit antok na antok pa ay bigla kong naidilat ang mga mata. Muntik pa akong mapasigaw nang sa pagdilat ng mga mata ko ay mabungaran ko ang mukha ni Karl na sobrang lapit sa akin. “Karl! Akala ko bukas pa ang uwi mo? Bakit nandito ka na?” magkasunod na tanong ko.Agad na nanuot sa ilong ko ang mabangong hininga niya pati na din ang shower gel na ginamit. Hindi ko man lang naramdaman ang pagdating niya, nakapagpalit na siya ng damit at nakaligo. Tumutulo pa ang tubig sa buhok niya pababa sa kaniyang leeg. Tanging tuwalya lang ang tumatabing sa ibabang bahagi ng katawan niya. Napaiwas ako ng tingin nang dumako ang mga mata ko sa bagay na natatakpan ng tuwalya. Halatang-halata ang pamumukol ng kaniyang alaga. Tumaas ang sulok ng labi niy
Hihiga na sana akong muli sa kama pagkatapos naming mag-usap ni Karl ngunit nakarinig ako ng mahihinang katok. Bumangon ako at tinungo ang pinto. Bumungad sa akin si Christan na malapad ang pagkakangiti. Bahagya niyang iwinagayway ang isang kamay pagkakita sa akin. “Hi, Misis Martinez!” bati niya sa akin habang nakabungisngis at kumakaway. Napairap ako. “Ano ang kailangan mo?” tanong ko sa pormal na tinig. “Magpapaalam na ’ko. Susundan ko ang aking minamahal. Ngayon niya ako higit na mas kailangan.” tugon niya. “Wala namang problema sa akin kahit saan ka pa magpunta. Basta huwag mo nang ibabalik si Diana dito sa pamamahay ni Karl,” matabang na sambit ko. “Talagang hindi na! Pinakawalan ko na tapos hahayaan ko pang bumalik sa kaniya.” Muli na namang tumikwas ang dulo ng labi niya. “Teka, huwag mong sabihing nahulog ka na din sa g*gong ’yon? Ikaw ah...” nanunukso niyang sambit. Itinaas-babs niya ang mga kilay at muling nagpakawala ng mapang-asar na ngiti. “Tsk! Tigilan mo ’ko! A
“Diana!” Sindak na sigaw ni Danny.Si Mariel naman ay muntikan nang mabuwal sa kaniyang kinatatayuan dahil sa nerbiyos kung hindi nga lang naagapang saluhin ni Nanay Karina. “Sa susunod na ipuputok ko ’to, siguradong may tatamaan na sa inyo. Kaya umalis na kayo habang nakakapagtimpi pa ako. Buhay ang nawala sa akin. At kapag nagdilim ang paningin ko ay baka buhay din ng isa sa inyo ang maging kabayaran.” Muli kong babala sa kanila. “D-Dan, tayo na. U-Umalis na tayo. Hindi puwedeng ma-stress ang anak natin dahil makakaapekto ’yan sa ipinagbubuntis niya,” nahihintakutang turan ni Mariel. “P-Patawarin mo sana ako sa naging kasalanan ko sa inyo ni Belen, anak. Hindi ko inaasahang hahantong ka sa ganito nang dahil sa kapabayaan ko,” nangilid ang mga luha at puno ng pagsisising turan ni Danny.Kapagkuwa’y nilapitan niya si Diana na namumutla at hindi na nakakilos sa kinatatayuan nito. “Halika na, anak. Umalis na tayo dito.” Tulala si Diana at tila wala sa sarili na nagpatianod sa pag-ak
“Ma’am Belle, nasa labas po ang mga magulang ng asawa ni Mister Martinez. Papapasukin po ba naman?” magalang na tanong ng isa sa dalawang bodyguards na itinalaga sa akin ni Karl. Sandali akong huminto sa pagbabasa ng nobela. Ipinatong ko sa hita ang maliit na libro at lumingon sa dalawang bodyguards na nakatayo sa may likuran ko. “Sige, papasukin mo sila.” Tumaas ang sulok ng labi ko at naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso dahil sa excitement. Dinampot ko ang libro. Muli kong ipinagpatuloy ang pagbabasa habang naghihintay sa kanila. Halos isang linggo nang pinababayaan ni Diana ang sarili niya. Ayon kay Lanie ay lagi daw walang ganang kumain. Minsan ay nakikita ko sa cellphone ni Karl kapag nagti-text o tumatawag siya pero hindi naman siya pinapansin. Pinapatayan lang siya ng tawag at binubura lang ang mga mensahe niya. “Siya ba? Siya ba ang walang hiyang kabit ng manugang ko?!”Maya-maya ay narinig kong sigaw ng isang tinig ng may edad na lalaki. Hindi ko na kailan
“Lanie, galit ka din ba sa ’kin?” tanong ko kay Lanie habang nagpapalit ng bedsheet ng kama sa isa sa mga guestroom sa second floor. Bahagya niya akong tinapunan ng tingin ngunit agad ding napayuko saka muling ibinaling ang atensiyon sa kaniyang ginagawa. “A-Ano po kasi, Ate–ay! M-Ma’am Belle pala..” nauutal na tugon niya. Huminto siya sa pagsasalita. Tumuwid siya ng tayo at huminga ng malalim bago muling tumingin sa akin. Dumaan ang disappointment sa mga mata niya ngunit agad ding napalitan ng lungkot. “Okay lang, huwag mo na akong tawaging Ma’am, ate na lang. Hindi naman ako ang nagpapasahod sa ’yo,” ani ko at tipid na ngumiti. “Sa totoo lang, hindi ko po alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Na-disappoint po ako sa ginawa mo. And at the same time po ay nalulungkot din. Alam kong may dahilan ka kung bakit mo ito ginagawa. Ramdam ko po na mabait ka, Ate. Hindi ko po kasi makita sa mga mata mo na may pagmamahal ka para kay Sir Karl,” aniya saka naupo sa kama hawak ang bedshe