Home / Romance / Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo / Kabanata 1 Ang simula ng lahat

Share

Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo
Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo
Author: Gabby Emmanuel

Kabanata 1 Ang simula ng lahat

Author: Gabby Emmanuel
(ARIELLE’S POV)

Ang amoy ng hapunan ay pumasok sa kuwarto, habang nakafocus ako sa asawa ko, na si Jared. Ang itim na buhok niya ay tama lang ang bagsak, bagay sa diretso niyang ilong at matalas na jawline. Kahit na suot ang kaswal na damit, ang lalake ay hindi maitatanggi ang presensiya—malapad na mga balikat at magandang hulma na dibdib. Puwedeng kakalabas lang niya sa magazine, pero heto siya, kasama ko.

Anniversary namin, at bilang pag gunita nito, ang ideya ko ay magkaroon kami ng indoor dinner—ng kaming dalawa lang.

Kahit na malayo siya, si Jared ay naglaan ng oras sa abala niyang works schedule, at natutuwa talaga ako sa ginawa niyang ito. Lalo na kapag tumitingin siya sa akin gamita ng nag-aalab niyang mga mata, mahirap na manatiling galit.

Pinili ko na maupo sa tapat niya kaysa sa karaniwan namin posisyon kapag kumakain—sa tabi niya dahil gusto ko na makita ang lahat ng mga reaksyon niya kapag sinabi ko na sa kanya ang magandang balita.

Kasi, nadiskubre ko na buntis ako kahapon, nagmula ang balita sa family doctor, at hindi ko muna sinabi ang balita, para masabi ko ito kay Jared sa aming anniversary dinner.

Ano pa ba na paraan ang mas maganda? Ang igunita ang anniversary, at pagkabuo ng aming baby. Parang double party ito para sa akin.

“Ang sarap ng pagkaing ito, Arielle,” kumento ni Jared, nagulo ang iniisip ko. “Hindi ko maintinidhan kung bakit ako laging hanga sa galing mo sa pagluluto. Chef ka nga naman.”

Ngumiti ako sa kanya sa pinakamagandang paraan na kaya ko, hindi ako mapakali sa papuri niya. “Salamat, Jared. Iba ang dating ng puri lalo na kapag galing sa iyo.”

Ngumiti siya pabalik, pero hindi kasing lapad at kasing liwanag ng akin. “Pero, hindi ko kinakailangan na magluto ng marami. Dalawa o tatlo lang ay sapat na. Dalawa nga lang naman tayo.”

Nainis ako ng kaunti, heto na naman siya. Sasagot na sana ako, para sabihin na anniversary namin at gusto ko ito na maging espesyal, ng tumunog ang phone niya, ang matinis na tunog ay ginulo ang kalmadong pakiramdam sa paligid.

Nanlumo ang mukha ni Jared ng makita niya ang screen, ang ekspresyon niya ay tila ba humihingi ng kapatawaran. “Pasensiya na, Arielle. Kailangan ko itong sagutin. Trabaho ito,” sambit niya at tumayo siya.

Nakaramdam ako ng bara sa lalamunan ko, tumango ako bilang pag-intindi, sinusubukan na itago ang kabiguan ko.

“Okay lang, sige na. Dito lang ako,” sambit ko, hindi ko inaasahan na walang emosyon ang boses ko kaysa sa inaasahan ko.

“Babawi ako sa iyo, pangako. Kukunin ko ang bagong alahas, kung anoman ang gusto mo,” sambit niya habang nagmamadali siyang lumabas ng dining room.

Sumandal ako sa upuan ko, naiinis at disappointed. 9 o’clock na. Sinong umaalis ng bahay ng ganitong oras para sa trabaho? Espesyal na araw namin pambihira naman, at babawi sa akin gamit ang alahas?

Ang mga mata ko ay umirap. Ang mga lalake ay dapat matutunan na ang mga regalo ay hindi laging susi para sa puso ng babae; kuwalidad na atensyon dapat.

Bumuntong hininga ako sa, hindi ko na mabilang kung ilang beses na. Hindi niya nabanggit kung bakit siya umalis, tulad ng dati Maaalala ba niya na anniversary namin kapag nasa trabaho siya? Nakakaakit ang pagkain noong umpisa, pero ngayon nakakawalang gana na ito. Ang anniversary dinner namin, nasira ng tawag ng trabaho.

Tinakpan ko na lang ang mga pagkain. Habang ginagawa ito, napagdesisyunan ko na hintayin si Jared sa sitting room habang inaabala ang sarili ko sa paborito kong reality show.

Naupo ako sa sitting room para hintayin si Jared. Inaantok ako dahil sa pagdadalantao ko, bago ko pa mapansin, nakatulog na ako at nagising makalipas ang ilang oras. Groggy na dumilat ang mga mata ko sa kakaiba at kalmadong bahay. Nasa couch pa din ako, mag-isa.

Tumingala ako, nanlumo ang aking puso. Pasada ilang minuto mula sa 12 o’clock.

May masakit akong napagtanto; tapos na ang anniversary namin. Nabalit ako ng galit at inis ng mapagtanto ko na wala pa din sa bahay si Jared. Sobrang sabik akong sabihin sa kanya ang balita, pero ngayon, nasira na ito.

Naglakad ako patungo sa dining room, ang mga labi ng anniversary dinner namin ay nasa lamesa pa. Sige, mukhang karma ito para sa akin, isang star chef, na nagleave ng dalawang araw at hindi ipinagluto ang mga bisita ko na naaappreciate ako at sa halip ay nagluto para sa aking asawa.

Bumuntong hininga ako ng bigo, habang nililinis ang pinagkainan namin at itinapon ang ilan sa pagkain sa basurahan.

Umagang-umaga, dumating ako sa restaurant, ang pamilyar na kaguluhan sa kusina ang bumungad sa akin na parang dating kaibigan, ganoon din ang mga katrabaho ko. Ang ekspresyon nila ay halong pag-aalala at napapaisip.

“Arielle! Ang aga mo dumating! Akala ko dalawang araw ang off mo.”

Pinilit ko na ngumiti, nararamdaman pa din ang sakit ng nasira naming anniversary dinner.

Si Mr. Stone, ang manager ko, ay matangkad at nakakasindak na lalakeng mabait ang ngiti, ay lumapit sa akin habang nakatingin sa bagong ayos na menu.

“Arielle, may ilang minuto ka ba?” tanong niya.

“Meron,” sagot ko, tumingala mula sa menu.

“May pagkakataon para mag-aral overseas, aabutin ng tatlong taon. Maganda itong pagkakataon para gumaling ka at dalhin ang culinary skills mo sa susunod na lebel. Interesado ka ba?”

Nag-alinlangan ako, habang wala sa sariling nag-iisip.

Tatlong taon. Matagal na oras para mapalayo, lalo na kung manganganak ako. Pero ang ideya ay humahatak sa kaibuturan ko—pagkakataon para umalis mula sa anino ni Jared at patunayan ang sarili ko bilang chef sa sarili kong mga paraan. Lagi akong umaasa suporta niya, kahit na mahal na mahal ko siya, gusto ko maramdaman ang pakiramdam na magtagumpay dahil sa sarili ko, hindi dahil sa amin.

Napansin ni Mr. Stone ang pag-aalinlangan ko at naglagay ng kamay sa aking balikat. “Huwag ka mag-madali, my dear. Pag-isipan mo ito at kausapin ang partner mo. Lifetime decision sito, at gusto ko na maging sigurado ka.” Tinapik niya ako sa likod at naglakad palayo.

Bumuntong hininga ako, mabilis ulit ang takbo ng isip ko. Sinubukan ko timbangin ang sitwasyon. Magiging okay ba kay Jared na palakihin ng mag-isa ang anak namin kapag nanganak na ako? Paano ang pagsasama namin? Matitiis ba niya ang pagkakalayo namin?

Ang mga bagay na ito ay sumagi sa isip ko habang nasa trabaho ako, abala ang aking mga kamay habang inihahanda ang lunch service.

Makalipas ang ilang oras, isang waitress ang nagmamadaling pumasok sa kusina, nababalisa ang ekspresyon niya. “Ma, may customer na nagpupumilit kang makita,” sambit niya, nagmamadali ang kanyang boses.

“Anong problema?” gulat kong tanong.

“Ayaw niyang sabihin, at sobrang bastos niya,” sagot ng waitress. “Sinabi niya na gusto niyang makita ang chef in charge.”

Nagmamadali kong hinubad ang apron ko, naghugas ng kamay, at sinundan ang waitress palabas ng dining area.

“Hi, ako si Arielle, ang head chef,” sambit ko, tumigil ako sa lamesa ng customer. “Pasensiya na kung naiinis ka. Puwede mo ba sabihin sa akin kung anong problema sa pagkain?”

Ang customer, buntis na babae, ay tinignan ako mula ulo hanggang pa, habang nag-aalab sa galit ang mga mata niya. “Problema? Lahat! Sobrang tabang ng pagkain mo,” galit niyang sinabi. “Hindi ako makapaniwala na chef ka.”

Nakinig ako habang mahaba ang aking pasensiya, dinepensahan ang pagluluto ko, at ipinaliwanag ang mga sangkap ng pagkain, pero nanatili siyang mapilit.

“Wala akong pakielam sa kahit anong sinasabi mo,” galit niyang sinabi. “Hihintayin ko dumating ang asawa ko at patalsikin ka.”

Ano? Napasimangot ako ng kaunti at nanatiling propesyunal. “Ma’am, masisiguro ko sa iyo na ang pagkain namin ay inihanda sa pinakamataas na standard gamit ang pinakamagandang mga sangkap. Kung gusto mo, babawi ako sa iyo gamit ang complimentary dish na gusto mo.”

Ang babae ay nag-hair flip ng walang pakielam. “Hindi na iyon kailangan. Gusto pa din kita na matanggal sa halos pagkakalason mo sa akin at hindi ko pa naisisilang na sanggol. Hintayin mo lang ang asawa ko at aasikasuhin ka niya.”

Huminga ako ng malalim, humingi ng tawad at bumalik sa opisina ko. Kalokohan ang buong eksena. Ilang taon na akong chef at nakita ko na ang mga hindi maintindihan na mga reklamo, pero iba na ito. Sino ba siya sa akala niya na may makapangyarihang asawa na kaya akong tanggalin dahil lang gusto niya?

Babalik na ako dapat sa trabaho ng may kumatok sa pinto ng opisina ko. “Nandito na siya, Ma’am,” sambit ng waitress.

Bumuntong hininga ako. Abalang araw na nga, at umaasa ako na matatapos agad ang kalokohang ito. Inayos ko ang sarili ko at lumabas ako. Anumang kapangyarihan mayroon ang asawang ito, hindi ako nag-aalala. Alam ko ang trabaho ko, at alam ko ang halaga ko.

Pero habang naglalakad ako pabalik sa dining area, nahirapan ako huminga ng makakita ako ng matangkad na lalake na kausap ang babae.

Nauna niya akong nakita at ipinaalam sa asawa niya, sumesenyas sa akin. At bago pa siya makaharap ng buo sa akin, alam ko na kung sino ang lalake.

Nakaramdam ako ng nakasusunog na pakiramdam sa dibdib ko ng makita ko ang guwapong mukha na katabi ko madalas matulog.

Si Jared, ang asawa ko!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 110 Kaunting libangan

    (ARIELLE’S POV)Ang restaurant ko, ang A and M, na initials para sa Arielle at Maverick, ay nagbukas na sawakas ang mga pinto para sa publiko noong nakaraang araw, at ngayon, para maghost ng meeting sa potensyal na mga shareholders ng restaurant ko. Ang sagot nila at turnout ay overwhelming, at nasabik akong pag-usapan ang hinaharap ng business ko sa mga indibidwal na interesado.Marami sa kanila ang dumating, at ang iba ay papunta na. Hindi magsisimula ang meeting ng wala sila, at bukod pa doon, hindi pa oras ng meeting, kaya worth it ang paghihintay.Ang entrance ay bumukas, at alam ko na isa ito sa mga interesadong indibidwal na papasok, kaya inihanda ko ang sarili ko at ngumiti, handa na iwelcome ang kahit na sino ng nakangiti, tulad ng ginawa ko sa iba.Pumasok ang pigura sa loob, at nanghina ang ngiti ko. Nanigas ako, nanlaki ang mga mata ko at napanganga. Anong pambihirang nangyayari dito? Sambit ko sa isip ko, nakipagtitigan ako sa bagong dating.Hindi maaari! Jared?Kahi

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 109 Isang potensyal na shareholder

    (JARED’S POV)Tumunog ang phone ko, nabasag ang katahimikan sa aking opisina. Sinulyapan ko ang screen at nakita ang pangalan ng imbestigador ko.“Sabihin mo,” sagot ko. “May update ka na?”“Oo,” sagot niya at nag-alinlangan siya“Sige,” udyok ko.“Sa kasamaang palad, hindi ko siya masundan hanggang sa bahay. Napansin niya na sinusundan ko siya at gumawa siya ng paraan para hindi ko siya mahabol.”Sumarado ng mahigpit ang panga ko at humigpit ang kapit sa phone. “Puro palusot na lang ba ang mabibigay mo?” galit ko na sinabi.“Kumalma ka, sir. Pakiusap, makinig ka sa akin,” makaawa niya.Huminga ako ng malalim, pinilit ko ang sarili ko na manatiling tahimik at hayaan siyang magpatuloy.“Hindi ko siya nagawang sundan sa kanyang bahay tulad ng plano ko kahapon, pero nagawa ko na makuha ang address ng restaurant niya.”“Restaurant niya?” inulit ko, naging interesado ako.“Oo, mayroon siyang building restaurant, at sa isang linggo ito magbubukas.”Naupo ako ng diretso ngayon. “I

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 108 Ang ipinangakong proteksyon

    (ARIELLE’S POV)Matapos magmaneho pa, itinigil ko ang sasakyan sa isang lugar na maikukunsidera ko na ligtas at sinubukas na maghabol ng hininga. Nanginig ako ng hindi makontrol ang kamay ko sa manibela, habang ang puso ko ay malakas ang tibok na parang lalabas ng dibdib ko.Sinubukan ko kumalma, kung hindi, hindi ako makakapagmaneho pauwi. Huminga ako ng malalim at mabagal, sinubukan ko na ayusin ang aking sarili. Nagpanic ako, pero isinantabi ko ang nararamdaman ko. Hindi ako puwede magpanic attack, hindi, hindi dito.Makalipas ang ilang minuto, naging normal ng unti-unti ang tibok ng puso ko, at naging steady ang aking kamay. Dahil kuntento na ako na puwede na akong magmaneho ulit, sinindihan ko muli ang makina ng sasakyan, nagmaneho ako pauwi, alerto na ang aking senses.Habang nagmamaneho, lalo akong nabalisa, habang sinusubukan ko alamin kung bakit ako susundan ng kahit na sino. Hindi ko ito maintindihan, at patingin tingin ako pa din ako sa salamin para masiguro na wala na a

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 107 Ang habulan

    (ARIELLE’S POV)Nakabalik ako sawakas sa bahay, pagod pero fulfilled. Ang nanay ko at anak ay naghihintay na sa sitting room, at yumakap sila sa akin habang ipinapakita ang tuwa ng pumasok ako.“Nakita namin ang balita!” sambit ni Maverick, tumalon siya sa akin. “Sikat ka na ngayon, Mama.”“Congrats, darling ko. Sobrang proud ako sa iyo,” sambit ng aking nanay.Ngumiti ako, masaya rin dahil masaya sila. “Salamat.”Naglakad ako patungo sa couch at naupo kaming lahat at ikinuwento ko sa kanila na mga nasasabik kung anong nangyari sa araw ko. Pero siyempre, siniguro ko na hindi kasama ang aksidente at engkuwentro kay Sofia, para hindi sila mataranta.Pagkatapos ko magkuwento, nagpaalam ako dahil gusto ko na hubarin ang damit ko at accessories sa aking katawan. “Pasensiya na sa inyong dalawa, sambit ko,” tumayo ako. “Kailangan ko maligo at magpahinga ng kaunti.”“Malapit na maging handa ang dinner,” paalala ng nanay ko.Tumango ako, nagpapasalamat sa kaunting pahinga. Sa oras na na

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 106 Nakatikim ng tagumpay

    (ARIELLE’S POV)Unang araw ko simula ng makauwi ako, at nakaramdam ako ng sabik at kaba. Ngayon, bibisita ako sa restaurant site ko at dadalo sa isang mahalagang meeting kasama ang mga delegates mulas a Paradiso Culinary Academy—ang alma mater ko—para sa ambassador endorsement na nagpakahirap ako para masigurong makuha.Pagkakataon ito para hubugin ang culinary world sa paraan na ninanais ko sa mga panahon ng mahahabang taon sa Italy.Nasabik ako habang iniisip ko ang mga benepisyo na kaakibat ng posisyon—mamahaling sasakyan, fully funded insurance, malaking sahod na magpapayaman sa akin. Napakaganda ng mga benepisyo.Pero ang pinakaninanais ko ay ang mag-iwan ng marka sa menu ng Paradiso, sa pagkakakilanlan nito, sa kanilang mga patron. Ito ang entablado ko, at handa na akong angkinin ito.Isinuot ko ang aking itim na dress, ang fabric ay nakakapit sa lahat ng mga tamang lugar. Simple, elegante. Walang makeup para mahighlight ang itsura ko at mabilis na pagpapa unat ng buhok ko,

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 105 Bagong Siya

    (JARED’S POV)Kumurap ako at tinignan muli ang headline, sinisiguro na hindi mali ang nabasa ko. Pero hindi nawala ang mga salita. Nandoon sila, nakasulat pa din.Pagkatapos ay napalunok ako ng madiin, pinilit ko ang sarili ko na tumingin pababa, at nahirapan akong huminga. Siya nga. Si Arielle.Ang parehong babae sa airport.Ang parehong babae sa sasakyan ni Ashley. Kaya pala naaakit ako sa sasakyan kanina.Paano ako naging ganito kabulag?Dalawang beses, makalipas lang ang ilang araw. Sa airport, kung saan naramdaman ko ang kakaibang hatak sa akin pero isinawalangbahala ko. Sa sasakyan, noong sinubukan ko siyang makita, pero naglaho siya bago ko siya tunay na masulyapan. Sa parehong beses, hinayaan ko siyang makaalis.Pagkatapos, tinamaan ako ng napagtanto ko na parang tone-toneladang mga simento, nadurog ang puso ko. Paano ako nagagawang biruin ng tadhana ng ganito?Hindi ko naisip na makikita ko siya ulit. Pero heto siya.Tinitigan ko ang litrato, mabilis ang tibok ng akin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status