Home / Romance / MR.CEO and ME / CHAPTER SEVEN

Share

CHAPTER SEVEN

last update Last Updated: 2025-09-09 13:32:31

THIRD PERSON: 

Habang palabas ng elevator ang isang lalaki, abala ito sa pakikipag-usap sa cellphone. Malalim ang boses niya at halatang may dinidiskusyong seryoso. Sa kabilang banda, si Mira naman ay nakayuko, nagmamadali habang kinakalikot ang loob ng eco bag na bitbit niya. Hindi niya namalayan ang mabilis na paglapit ng lalaki, hanggang sa muntik na silang magsalpukan.

At sa isang iglap—

Plak! Nabitiwan ni Mira ang bag. Kumalat sa malamig na sahig ng hotel lobby ang mga groceries—mga de lata, noodles, at ilang tsokolate na galing pa sa ina ng CEO.

“Oh, shit! I’m so—so sorry!” mabilis na sabi ng lalaki, agad na isinuksok sa bulsa ang cellphone at napaluhod para tulungan siya.

Samantala, si Mira ay napa-auto mode na naman sa hiya lalo na nang masulyapan niya ang itsura ng lalaki—gwapo, at halatang matangkad ito, at ang lakas ng dating. Parang bigla siyang nablanko, hindi na alam kung anong uunahin. Pulang-pula ang pisngi niya habang mabilis ding napaluhod at isa-isang pinulot ang mga nagkalat na groceries.

“Pa-pasensya na po…” mahina niyang bulong, halos hindi maitataas ang ulo. Ramdam niya ang titig ng lalaki sa kanya kaya mas lalo niyang isinubsob ang mukha sa pagpupulot, umaasang hindi masyadong halata ang pamumula niya.

Ngunit si Mira, wari’y lalong nabaon sa hiya. Bawat dampot niya, ay parang nagmamadali, gustong matapos agad ang nakakailang sandali. Diyos ko… sana lumubog na lang ako sa sahig, kutang kuta ako ngayon sa hiya mag hapon ah. bulong niya sa isip.

Habang pinupulot ang mga lata, napansin ng lalaki ang simple at kupas na kulay ng sapatos niya—halatang ilang taon nang gamit at pilit lang pinapahaba ang buhay. Saglit siyang natigilan, lalo na nang ikumpara niya iyon sa makintab at mamahaling sapatos na suot niya mismo. Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong kurot na dumapo sa dibdib niya habang pinagmamasdan ang payak na anyo ng dalaga.

May kakaibang kiliti sa kanya ang itsura ng dalaga, dahilan para saglit siyang matigilan at pilit silipin ang mukha nito.

Si Mira naman, halos ayaw humarap dahil sa sobrang hiya. Nang makita niyang malinis na ulit ang sahig, mabilis siyang humarap sa lalaki at bahagyang yumuko. “Pasensya na po ulit, Sir,” mahina niyang sabi, saka agad na tumalikod para makaalis.

Ngunit bago pa siya makalayo, “Hey—wait,” mahinahong tawag ng lalaki. May halong pagkailang ang boses niya pero sinubukan niyang gawing magaan ang tono. Inabot niya ang dalawang tsokolate na muntik nang gumulong palayo. “These are yours, right?”

Saglit na napatingin si Mira, pero mabilis din siyang umiwas. “O-opo… salamat po,” mahina niyang tugon. Kinuha niya iyon at mabilis na isinilid sa bag, pilit tinatago ang pamumula ng kanyang pisngi.

Ilang segundo ang lumipas na tila humaba ang katahimikan sa lobby. Si Mira, abala sa pag-aayos ng gamit, pero ramdam niya ang mga mata ng lalaki na nakatuon lang sa kanya—parang sinusubukan nitong basahin ang buong pagkatao niya.

Bakit ba nakatingin pa siya? Nakakailang naman! bulong niya sa sarili habang nanginginig ang daliri sa pagmamadaling ilagay ang mga groceries.

Nang matapos, agad siyang tumayo at muling yumuko. “Pasensya na po ulit… ingat po kayo,” mabilis niyang sambit, saka halos magmadaling lumayo, ayaw nang humaba pa ang nakakailang na eksena.

Napakunot-noo ang lalaki at napatigil sa kinatatayuan, hawak pa rin ang cellphone. Ngunit sa halip na mainis, bahagyang ngumiti. May kakaiba siyang napansin sa dalaga—isang simpleng bagay na hindi niya maalis sa isip.

“Interesting…” bulong nito sa sarili, bago ito tuluyang naglakad.

Samantala, si Mira naman ay halos hindi makahinga sa kaba habang mahigpit ang hawak sa eco bag. Napahawak pa siya sa kanyang dibdib na parang sasabog sa sobrang bilis ng pagtibok nito.

“Grabe, nakakahiya…” bulong niya sa sarili. “Siguro kung nabebenta lang ang pagiging mahiyain ko, matagal na siguro akong mayaman.”

Napapikit siya sandali, halos gusto na lang niyang lamunin ng sahig.

*****

Pag-uwi ni Mira, naabutan niya ang ina niyang si Aling Carmen na nakaupo sa maliit na sala, abala sa pagtutupi ng mga damit. Halata sa mukha nito ang pagod at pawis, bakas ang maghapong pagkilos kahit alam niyang hindi na dapat ito masyadong nagtratrabaho dahil sa kalusugan.

Napabuntong-hininga si Mira, agad lumapit. “Nay naman… sabi ko sa inyo, ako na ang gagawa ng lahat ng gawaing bahay pag-uwi ko, ‘di ba? Bakit po pinipilit niyong kumilos pa?” may halong tampo at pag-aalala ang boses niya.

Napatingin si Aling Carmen sa bitbit na eco bag ng anak at ngumiti para ibaling ang usapan. “Anak, nakapamili ka na pala,” wika nito, na di pinasin ang sermon ng anak at pilit tinatago ang pagod.

Umiling si Mira at bahagyang ngumiti rin, kahit halata ang pag-aalala sa kanyang mga mata. “Hindi po, Nay… binigay lang po ito ng isa sa mga guest ng hotel.”

“Ahh, ganun ba? Ang bait naman niya,” sagot ng ina, sabay abot sa eco bag para silipin ang laman. “Aba, ang dami naman nito, Mira!” Kahit halatang pagod, may kislap ang mga mata ni Aling Carmen habang nakatitig sa groceries at mga tsokolate na para bang napakalaking biyaya.

Lumapit si Mira, saka humalik sa pawisang pisngi ng ina. “Hmm… ang inay kong matigas ang ulo,” aniya na may halong lambing at tampo. Niyakap niya ito nang mahigpit, isiniksik ang mukha sa balikat ni Aling Carmen na napatawa na lang sa lambing ng anak.

“Para kang bata, Mira,” natatawang sabi ng ina habang marahang hinahaplos ang likod nito.

Pagbitaw, dahan-dahang padapang bumagsak si Mira sa luma nilang sopa. Ramdam niya ang bigat ng katawan, ngunit mas mabigat sa dibdib ang alalahanin para sa kalusugan ng kanyang ina. Napapikit siya, huminga nang malalim, para bang gusto niyang saglit na kalimutan ang lahat ng pagod.

Tahimik na lumapit si Aling Carmen at marahang hinaplos ang buhok ng anak. Napangiti ito, pilit itinatago ang sariling panghihina. “Nga pala, anak, binigyan tayo ng adobong sitaw ni Aling Rosa. Kumain ka muna bago ka humilata diyan.”

“Mamaya na po, Nay…” mahina at halos pabulong na sagot ni Mira, nakapikit pa rin.

“Naku, itong batang ‘to,” umiling si Aling Carmen, may halong lambing at inis. “Baka makatulog ka na naman at hindi ka na makakain.”

Ngunit di na ito   sumagot. Nakapikit na si Mira, mabigat na ang paghinga, tila mabilis na dinalaw ng antok. Napabuntong-hininga na lang si Aling Carmen habang pinagmamasdan ang anak.

“Anak…” mahina nitong tawag, ngunit hindi na gumalaw si Mira. Mahimbing na itong natutulog sa lumang sopa, hawak pa ang laylayan ng kanyang damit, para bang ayaw iwanan ang presensya ng ina.

Napangiti si Aling Carmen kahit may halong pag-aalala. Marahan niyang hinaplos ang buhok ng anak, sabay bulong, “Sige na nga, matulog ka na."

Lanny Rodriguez

Hello po, mga mahal kong mambabasa! 💕 Sana suportahan niyo rin po ang kwento nina Mira at Dominic. Isang RomCom na puno ng kilig, tawa,iyakan at mga pusong unti-unting natutong magmahal sa tamang panahon. 🥰 Maraming salamat po sa walang sawang pagbibigay ng oras at pagmamahal sa bawat pahina ng ating mga kwento. Ang suporta ninyo ang inspirasyon ko para magpatuloy. 💖🙏

| 3
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MR.CEO and ME   CHAPTER THIRTY-ONE

    THIRD PERSON:Pagdating ni Dominic sa mansyon, sinalubong siya ng katahimikan. Unusual iyon para sa malaking sala ng kanilang bahay na kadalasang puno ng ilaw at alingawngaw ng boses ng mga katulong. Napatigil siya nang makita ang kanyang ina—nakaupo, nakataas ang kilay, at nakapulupot ang mga braso na para bang matagal nang naghihintay sa kanya. Iba ang awra ng mukha nito—seryoso, matalim, at halatang mainit pa sa pinagdaanang usapan.Nakatayo naman sa gilid ang kanyang ama, hawak pa ang tasa ng kape, tila kakagaling lang sa isang diskusyon kasama ang ginang.“Mom? Dad?” tawag ni Dominic, medyo nag-aalangan habang naglalakad papasok sa sala.“Buti naman at dumating ka na, Dominic,” baling ni Mr. Lim, malamig ang tono ngunit may bahid ng pagod.“Bakit, Dad? Anong nangyayari? Mukhang napaka-seryoso niyo naman ata ni Mom.” Pabiro pa niyang tanong, sinusubukan gawing magaan ang atmosphere, saka siya lumapit sa kanyang ina at hinalikan ito sa pisngi. Ngunit nanatiling tahimik si Doña Cele

  • MR.CEO and ME   CHAPTER THIRTY

    THIRD PERSON:“Bilang bahagi ng Hospitality Showcase, ipapakita natin sa VIP guests ang aming mga best-sellers—mula sa masasarap na appetizer, main courses, hanggang sa dessert. Sa ganitong paraan, hindi lang nila matitikman ang ganda ng hotel amenities, kundi pati ang culinary excellence na tanging La Tavola lang ang makapagbibigay,” paliwanag ng head chef, na isang half Italian, half filipino, habang pinapatingin ang buong management team sa eleganteng layout ng menu at presentation ng mga pagkain.Isa-isa niyang ipinakita ang ilan sa mga specialty ng restaurant: ang handmade gnocchi na may creamy truffle sauce, risotto na may seafood at saffron, wood-fired Margherita at Quattro Formaggi pizza, at ang tagaytay-inspired tiramisu. Ipinakita rin niya ang iba pang dishes—mga antipasti platter na puno ng prosciutto, mozzarella, at sun-dried tomatoes, pati na ang selection ng mga fresh salads at artisan bread.“Lahat ng ito ay inihahanda ng aming skilled chefs, gamit ang sariwang sangkap a

  • MR.CEO and ME   CHAPTER TWENTY-NINE

    THIRD PERSON:“Anak, nakakagulat naman ang amo mong iyon,” ani Aling Carmen habang papasok sila sa loob ng bahay. “Walang kaarte-arte, kahit halatang sanay siya sa marangyang buhay.”Napangiti si Mira at bahagyang tumango. “Sabi ko naman po sa inyo, Nay, mabait siya. Kahit noong una, paran masungit siya, pero habang tumatagal, iba pala ang ugali. Hindi niya ako tinitingnan na parang alalay lang.”Huminto si Aling Carmen sandali at tinitigan ang anak, bago ngumiti nang malapad. “Kung tutuusin, anak, maswerte ka rin. Hindi lahat ng amo, ganyan ang asal. Yung iba, kahit kapwa tao nila, tingin nila mababa kapag wala kang pera. Pero si Doña Celestine… iba. Ramdam kong may malasakit siya sayo.”Bahagyang napayuko si Mira, marahang kumapit sa braso ng ina. “Oo nga po, Nay. Kaya parang… kahit nakakapanibago, mas gumagaan yung pakiramdam ko kapag kasama ko siya.”Napansin ni Aling Carmen ang kakaibang kislap sa mga mata ng anak, na para bang may iniingatang paghanga at respeto kay Doña Celesti

  • MR.CEO and ME   CHAPTER TWENTY-EIGHT

    THIRD PERSON:Pagkatapos ng mahabang oras ng pamimili, dinala naman siya ni Doña Celestine sa isang mamahaling Italian restaurant. Sa unang tingin pa lang ni Mira sa loob, agad siyang napatigil—ang mga gintong chandelier na nakasabit, ang mamahaling carpet, at ang malalaking painting sa dingding ay halos hindi nagkakalayo sa pagka-elegante ng resto na dati niyang pinagtatrabahuhan. Ngunit may malaking pagkakaiba: doon, siya ang naglilingkod; dito, siya ang pinaglilingkuran.Nakasunod siya sa ginang habang inihahatid sila ng waiter sa kanilang reserved table. Pagkaupo, agad lumapit ang mga staff, sabay-sabay na maayos ang kilos—parang ritwal ng karangyaan. Isa-isang nilalatag sa kanilang harapan ang mga plato, baso, at kubyertos, at maya-maya’y dumating na rin ang iba’t ibang pagkain.Naamoy ni Mira ang nakakagutom na aroma ng pasta na may halong herbs, ang mainit na tinapay na may butter, at ang rich na sauce ng pizza na nilapag sa gitna ng mesa. Napakuyom siya ng palad at napakapit s

  • MR.CEO and ME   CHAPTER TWENTY-SEVEN

    THIRD PERSON:Nasa kabilang boutique na sila, ngunit halata pa rin ang bahagyang inis ng ginang. Agad namang nagbago ang kanyang mood nang mapansin niya ang magalang na pagbati at maayos na paglapit sa kanila. Sa sandaling iyon, pinaupo na sila ng mga staff, at ramdam ang maingat na pag-aasikaso sa bawat galaw nila.Abala si Doña Celestine sa pagpili ng mga damit. Nakaupo siya sa upuan habang isa-isang ipinapakita ng mga staff ang mga naggagandahang disenyo. May ngiti sa labi ng ginang, at halata ang respeto at paggalang ng lahat sa loob ng boutique. Ang mga ilaw ay malambot at kumikinang sa mga mamahaling tela, habang ang mga shelves at racks ay maayos na nakaayos, na para bang bawat piraso ay isang alahas na ipinagmamalaki.Kung sa naunang pinuntahan nila ay mahigpit ang seguridad at tila may kayabangan ang mga empleyado, dito nama’y ibang-iba ang hangin. Malumanay, magiliw, at halos may halong pag-aalaga ang paglapit ng mga staff sa kanila. Halos nararamdaman ni Mira ang katahimikan

  • MR.CEO and ME   CHAPTER TWENTY-SIX

    THIRD PERSON: Unang hakbang pa lang ni Mira sa loob ng engrandeng department store ay tila nanikip na ang kanyang dibdib. Kumikinang ang bawat sulok—mula sa malalaking chandelier na nakasabit sa kisame hanggang sa sahig na parang salamin kung saan malinaw na nakikita ang kanyang repleksyon. Hindi niya alam kung saan ibabaling ang tingin, dahil sa bawat gilid ay nakahilera ang mga mamahaling damit, sapatos, at bag na tanging sa mga magasin niya lang dati nakikita. Ramdam niya ang kaba sa dibdib. Para bang bawat segundo ay natatakot siyang may mahawakan o masagi at baka biglang mapresyuhan ng hindi niya kayang bayaran. Hindi ito ordinaryong lugar para sa kanya—ito ang mundo ng mga taong sanay sa karangyaan. Ngunit sa tabi niya, si Doña Celestine ay naglakad na parang reyna sa sariling palasyo. Maayos ang tindig, may kumpiyansa sa bawat galaw, at halos sabay-sabay ang pagbibigay-galang ng mga staff na agad yumuyuko at bumabati. “Good morning, Doña Celestine!” halos sabay-sabay na bat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status