Mag-log inTHIRD PERSON:
Pagdating ni Mira sa staff room, agad niyang inilapag ang eco bag sa lamesa at sinimulang ilagay isa-isa ang mga tsokolate sa loob. Mabilis ang kilos ng kanyang mga kamay, halatang gustong matapos agad, ngunit sa sobrang pag-aapura ay hindi na niya namalayan ang pagdating ng kanyang supervisor.
'Ay hala!"
“Aba’t—ano ka ba naman, Mira! Sadyang magugulatin ka ba talagang bata ka?!” biglang sigaw ni Sir Julius, dahilan para mapatalon si Mira at muntik nang mahulog ang hawak na tsokolate.
Napahawak pa ito sa dibdib na para bang siya rin ay nabigla sa sariling sigaw. “Ay, Diyos ko! Huwag kang ganyan, baka inatake na ako sa puso, ikaw pa man din ang dahilan!” dagdag pa nito, dramatiko ang pagkumpas ng kamay sa hangin na wari’y nasa entablado ng teatro.
“Su-sorry po, Sir…” mahina at nahihiyang sabi ni Mira, nakayuko at pilit na itinatago ang pamumula ng kanyang pisngi.
Humalukipkip si Sir Julius, taas ang isang kilay at naka-pamewang na parang mahistrado sa korte na naghihintay ng depensa mula sa akusado.
“Oh, ano nga ba ang nangyari, iha? Ha? Sabihin mo sa’kin!” malakas at mariing tanong niya.
Tumagilid pa ang ulo nito, sabay himas-himas sa sariling kuko na para bang wala siyang interes, pero halatang-halata sa tindig at matalim na titig niya na gustong-gusto niyang malaman ang buong eksena. Lalo pang tumaas ang kilay niya, tila naghahamon, na para bang konti na lang ay magbibigay na siya ng mataray na komentaryo na pwedeng ikalubog ng kaharap niya.
Mula pa kanina, pakiramdam ni Mira ay unti-unti nang lumiliit ang kanyang paligid, pero lalo itong sumikip nang marinig niya ang tanong. Napakagat-labi siya, hindi alam kung paano sisimulan ang paliwanag. Ramdam niya ang bigat ng mga matang nakatutok sa kanya—mga kasamahan nilang staff na palihim na nagbubulungan, napapatingin-tingin, at halatang nag-aabang kung ano ang susunod na mangyayari.
Para bang nasa gitna siya ng entablado, at siya lang ang bida sa isang palabas na hindi niya gustong gawin. Mas lalo pa siyang pinagpawisan, ramdam niya ang kaba sa dibdib na parang sasabog anumang oras, habang pinipilit niyang huwag maiyak sa harap ng lahat.
“Ahmm… ano po kasi, binigyan po ako ni Ma’am ng groceries…” halos pabulong ang boses niya, sabay maingat na iniangat ang eco bag na para bang ipinapakita ang totoong dahilan ng lahat. Nanginginig pa ang kamay niya habang hawak iyon, at halata sa kanyang kilos na gusto na lang niyang lumubog sa kinatatayuan kaysa magpaliwanag sa harap ng lahat.
Saglit na natahimik ang paligid, pero agad ding sumunod ang mahihinang bulungan ng mga kasamahan niyang staff. May ilan na nagkatinginan, ang iba naman ay napapakunot-noo na parang nagtataka kung bakit simpleng groceries lang ang pinagmulan ng gulo. May isa pa ngang napapailing at pinipigilang matawa, habang ang iba ay nakamasid lang, seryoso ang mukha at parang inaabangan kung paano tatapusin ni Mira ang paliwanag niya.
“Groceries?” ulit ni Sir Julius, sabay taas ng kilay at dahan-dahang nilapitan ang eco bag. Nakapamewang ito at tumingin kay Mira mula ulo hanggang paa. “Mira, Mira, Mira…” Nilingon nito ang ibang staff, saka nagsalita nang may pa-susmaryosep na tono.
“Iha, ngayon lang ako nakakita ng Ina ng CEO na nagbibigay ng groceries sa staff, at ang alam ko, kapag ganyan, kadalasan bayad ‘yon sa pagkakamali.” Ani Sir Julius, sabay bahagyang tumalikod at umirap nang todo, punô ng attitude. Tipikal na taray-bakla move, na para bang may kasunod pang malutong na snap ng daliri at sound effect na “hmp!”
Nanlamig ang palad ni Mira. Agad siyang umiling, halos wala sa boses ang lakas. “Hi-hindi po, Sir! Hindi po gano’n… hindi ko nga po alam kung bakit niya binigay…”
Tumigil si Sir Julius at muling tiningnan ang mukha ng dalaga. May sandaling katahimikan, at parang binabasa nito ang bawat ekspresyon ni Mira. Hanggang sa unti-unting ngumisi ang supervisor, kasabay ng pabirong taas ng isang kilay. “Hmm… interesting.”
Napakurap si Mira, hindi malaman kung ano ang ibig sabihin ng supervisor. Pero bago pa man siya makapagsalita, agad itong umirap, sabay flip ng invisible na buhok. “Sige na, iha. Magpatuloy ka na riyan. Pero tandaan mo—” tumigil ito saglit, tumuwid ng tindig at lumapit ng kaunti para idampi halos ang tinig sa tenga niya, “—hindi lahat ng regalo ay libre. Minsan may kapalit.”
Dahil sa narinig, lalo pang bumilis ang tibok ng puso ni Mira. Pinilit niyang ngumiti ng mahina, pero ang kaba at pagkalito sa dibdib niya ay lalo lang lumalim.
Samantala, si Sir Julius naman ay tumalikod na, pa-rampa ang bawat hakbang, ngunit hindi maitatangging may bahagyang ngiti sa gilid ng labi—tila ba may natuklasan siyang bago tungkol kay Mira na hindi pa niya lubos na nauunawaan.
Napalunok si Mira saka mabilis na inilagay ang mga natitirang tsokolate sa eco bag. Doon biglang pumasok sa isip niya—ay oo nga pala, dapat mabigyan ko rin si Sir Julius, baka lalo niya akong laitin kapag hindi.
Agad siyang kumuha ng ilang piraso at halos kumaripas ng hakbang para humabol. “Sir! Saglit lang po!” halos pasigaw niyang tawag, may bahid pa ng kaba at pagmamadali.
Tumigil naman ito, dahan-dahang lumingon, sabay taas ulit ng kilay na parang ready na namang mang-asar. “Ano na naman?” malamig na tanong niya, nakahalukipkip pa.
Hingal pa si Mira nang iabot ang tsokolate, nanginginig ang kamay habang nakangiting pilit. “Ito nga po pala… para sa inyo,” halos pautal niyang sabi, parang bata na nag-aabot ng peace offering.*
Saglit na natigilan si Sir Julius. Kunot-noo siyang napatingin sa tsokolate, bago dahan-dahang iniabot mula kay Mira. Tahimik lang siya, parang binabasa pa rin ang mukha ng dalaga kung seryoso ba ito o nagbibiro lang.
Hindi tulad ng inaasahan ni Mira na magtataray siya, biglang nag-iba ang aura ng kanyang supervisor. Unti-unting nawala ang matalim na titig at napalitan ng isang simpleng, diretso, at halos malamig na ekspresyon.
“Thanks.”
Iyon lang ang sinabi ni Sir Julius bago siya tumalikod. Kaswal siyang naglakad palayo, na para bang wala lang nangyari. Naiwan si Mira at ang mga kasamahan nilang nakamasid, nagtataka kung bakit biglang ganoon lang ang naging reaksyon niya. Ang iba ay nagkatinginan, ang ilan ay napaubo para lang maitago ang gulat, habang si Mira ay nakatayo lang, hindi alam kung dapat ba siyang mapawi ang kaba o mas lalo pang kabahan.
Hello po sa lahat ng bagong followers! 🤗💖 On-going na po ang MR. CEO AND ME, isang romantic comedy na siguradong magpapakilig at magpapasaya sa inyo. Kasama rin po ang isa pa nating kwento, ang The Governor’s Obsession — dalawang stories na puno ng kilig at emosyon na tiyak na magugustuhan ninyo. Inaantay na lang po natin ang contract mula sa editor, at sana ay mabigyan na para mabasa niyo na rin ito. 🥰 💕 Kaya wag na po tayong patumpik-tumpik pa, add niyo na po sa library niyo at samahan ninyo akong tuklasin ang journey ng ating mga karakter! 🙏✨
CYRUS’ POVNang mapanood ko ang video clip, parang biglang lumamig ang sikmura ko.Hindi ko alam kung ano ang mas matimbang, yung galit ko kay Monica o yung pag-aalala ko kay Mira.Hindi ko na namalayan na tumatakbo na pala ako pababa ng lobby. At pagdating ko doon.May i-ilang reporters na nag aabang sa harap ng entrance. May mga camerang nakaabang, may sigawan pa ng mga tanong.“Shit…” bulong ko.“Look what you’ve done, Monica. You’re in deep trouble.”At ang mas problema, dinadamay nila si Mira.Dumeretso ako sa staff room, pero pagdating ko doon, wala siya.“Baka hindi pumasok dahil sa paa niya…” bulong ko, pilit iniisip na sana nga.Pero hindi eh. Kilala ko si Mira. Kahit pilay, papasok ’yon.Habang naglalakad ako palabas, may napansin akong isang mas nakatatandang staff na nag-aayos ng mga dokumento.Lumapit ako.“Uhm, hello po. Pumasok po ba si Mira?”Nag-angat ito ng tingin sa akin, bahagyang nagulat.“Ay opo, sir. Pumasok po siya. Bakit po pala?”Anong idadahilan ko?Ayaw ko
THIRD PERSON:Paglabas ng sunod-sunod na video clips at ang pag public apology ni Monica sa TV, napuno ang private wellness suite ng mag-asawang Lim ng malamig na katahimikan.Si Doña Celestine, nakahiga sa massage bed, eleganteng nakabalot sa cream silk robe, ay bahagyang ngumiti, iyong ngising may aristokratang pang-aalipusta.“Look at her…” aniya, bahagyang tinaas ang baba habang tinititigan ang screen.Ang boses niya ay kalmado, kontrolado, ngunit bawat salita ay punong-puno ng lamig.“Ni hindi marunong mag-sorry nang sincere. Kung makapag-public apology, parang nagsho-shoot ng commercial.”Itinaas niya ang kamay, at mahinang inayos ng spa staff ang shawl sa balikat niya. Patuloy ang marahang pagmasahe sa likod niya, soft, respectful strokes.“Honestly,” dagdag niya, bahagyang napahinga nang malalim, “kahit anong pilit niyang pagpapaka-mabait, it is still an elegant no from me. A big, shimmering X.”Sa tabi niya, si Mr. Lim, ang kanyang asawa, ay nakaupo sa velvet lounge chair. Na
THIRD PERSON:Nakatayo si Monica sa gitna ng suite, naka-cross pa ang mga braso nito, habang galit na galit ang ama’t ina niya sa harapan. Pero kahit pinapagalitan siya, hindi man lang kumurap ang mata niya—nananatiling mataas ang baba, parang siya pa ang agrabyado.“Because you weren’t careful, mas lalo mong pinalala ang sitwasyon, Monica!” bulyaw ni Don Leonardo, halos umalingawngaw sa buong silid ang boses nito.Pero imbes na matakot o mapahiya, napairap lang si Monica, exasperated, parang sila pa ang mali.“Tsskk! Dad, sobrang OA ng mga tao dito sa Pilipinas. Konting tulak lang, parang end of the world na!”Napahagikgik siya nang may bahid ng pangmamaliit.“At saka please, huwag n’yong gawing malaking issue ang isang hamak na staff lang. Tinulak ko lang naman, hindi ko naman tinanggal ‘yung paa niya. Siya rin kasi—ang arte! May pa-ika-ika pang nalalaman sa harap ng camera.”Nanlaki ang mata ni Doña Vevienne, hindi makapaniwala sa pagiging manhid ng anak.“Monica!” sigaw ni Doña Vi
THIRD PERSON:Nagising si Mira sa amoy ng ginisang bawang. Bago siya bumangon, pinakiramdaman niya muna ang kanyang paa. Mas magaan na ang pakiramdam niya ngayon, kaunting kirot na lang ang nararamdaman, ngunit hindi na kasinglala tulad kahapon. Para sa kanya, hindi iyon sapat na dahilan para lumiban; kaya pa rin niyang pumasok.Kahit sinabihan siya ni Dominic kagabi na magpahinga muna at huwag pumasok, talagang ayaw niyang mag-absent. Ang tanging plano lang niya ay ang umabsent sa resto ni Doña Felisa, para makaiwas muna roon.Habang nag-aalmusal sila, tahimik na pinapanood ni Aling Carmen ang kilos ng anak. Sanay siyang nakayuko lang si Mira, laging parang may iniisip. Pero ngayon… parang may kakaibang sigla.“Anak, okay na ba talaga iyang paa mo?” tanong ni Aling Carmen habang inaayos ang maliit na baunan ni Mira. Bahagyang ngumiti si Mira, iyong tipid na ngiti na bihira lang niyang ibigay. Tumango siya at marahang ikinilos ang paa.“Opo, Inay. Tignan ninyo-”“’Pasaway ka, wag mo a
THIRD PERSON:“Insan,” tawag ni Cyrus kay Dominic habang nakasandal sa sofa, pa-chill, pa-cool, at pa-epal. “Nag-iisip ako, maybe I should stay here longer. Alam mo ’yon… enjoy the city, enjoy the-” Naputol ang salita niya nang tumapat ang matalim na titig ni Dominic sa kanya.“No.”Seryoso. Diretso. Walang pasintabi.Napakurap si Cyrus. “Ha? Bakit-”Hindi pa man siya tapos ay sumiklab na ang bwisit sa loob ni Dominic. Of all people, bakit kailangan pa talaga nitong mababad sa hotel? Pero ang mas ayaw niya ay alam niyang may balak ito. At mukhang hindi iyon tungkol sa negosyo.Tumawa si Cyrus nang mahina, nakakaloko. “Come on, Dom. You sure this is about business? Or…”Napataas ang kilay niya.Ayun na naman ang ngiting gusto niyang ibalibag sa pader.“…baka may someone dito na ayaw mong lapitan ko?”Nagsikpik ang panga ni Dominic. Bahagyang tumigas ang panga niya sa inis.At hindi, hindi niya gustong pag-usapan iyon.Sakto namang bumukas ang pinto.Bumungad si Monica, fresh, mabango, a
THIRD PERSON:Pagka-start niya ng makina, ilang segundo muna siyang hindi gumalaw.Parang may naiwan sa dibdib niya—mainit, magaan, pero nakakailang.Napailing siya nang mahina.Ano ba ’to, Dominic? Hindi ka ganito.Habang umaandar ang sasakyan palabas ng maliit na eskinita ng lugar ni Mira, napapakunot ang noo niya sa bawat makikitid na daan, sa bawat bahay na dinaanan niya, sa mga batang naglalaro pa kahit gabi na.Kung tutuusin, hindi ito ’yung mundong kinalakihan niya.Pero hindi niya alam kung bakit… nakakagaan sa pakiramdam.At doon nagsimulang pumasok ang iniisip niyang ayaw sana niyang harapin.Magka-kilala si Mom at si Mira.At parang matagal na.Hindi niya makalimutan ang tingin ng mommy niya kanina—malambing, may pagalala, parang may paboritong anak na bigla na lang nagpakita.At ang ginawa niyang pagmano?Damn… ni hindi ko ginagawa ’yon sa parent's ni Monica o kahit kanino man.Napatigil siya sa red light.Napatingin sa sarili niya sa reflection sa windshield.“Ano bang n







