"TWIN sister, abay nasaan ng anak mong kambal? Hah! Matatawag ba itong family gathering kung kulang tayo? Alalahanin mong hindi basta-basta gathering ito kundi golden wedding anniversary nina Mommy at Daddy," kunot-noong wika ni MJ sa kakambal o si Meljhorie Kieth.
"Twin brother, aba'y mukhang hindi ka pa nasanay sa mga pamangkin mong lagalag ah. Natural, ang mga taong kiti-kiti ay hindi mapermi sa isang tabi. Kaya't sigurado akong gumagala na naman silang magpipinsan." Kibit-balikat ng Tigresa the original. "Pero, kambal, kailangan ninyo pa ring alamin kung saan-saan nagsusuot ang mga anak ninyo. God forbid but what if something is wrong? Paano kung may nangyayari na pala na hindi natin nalalaman? Kung sa banda naman nilang magpipinsan ay huwag n'yo ng isali si Whitney. Nasa Baghdad iyon dahil sa giyera. At isa pa ay may asawa na iyon na taga-pigil," giit pa rin ni MJ. Dahil dito ay hindi na rin napigilan ni Allien Grace ang sumabad sa usapan mg hipag at asawa. "Iyakin ko, kahit naman gustuhin nating mabuo ang pamilya sa ganitong okasyon kung hindi puwede ay wala tayong magagawa. For sure iyan din ang sasasabihin nina Daddy at Mommy. Ang mahalaga ay healthy sila kahit saan man sila naroon," aniya. Tama. Family gathering nila iyon sa Mckevin. At masuwerte silang mag-asawa dahil nasa bansa ang mga anak. Isang NBI officer ang tagapagmana niyang kaskasera, isang general surgeon ang kambal nito. At ang panganay ay businessman. Samantalang ang mga pamangkin nila sa mahal niyang asawa ay military doctor, marine engineer at negosyante. At sa bunso niyang hipag ay isang negosyante at FBI SSA at lawyer sa LA Court. Kaso! Sa tinuran niyang iyon ay napaupo ng tuwid ang Tigresa niyang hipag! "Bet na bet ko iyan, Ate AG. Appear na lang tayo kaysa magka-wrinkles nang dahil sa mga anak kong lagalag," anito sa pagitan ng paghagikhik. Tuloy! Nahawa na lamang silang lahat kaya't umugong ang kanilang tawanan. SAMANTALA paglapag pa lamang ng Swedish Airlines na sinakyan ni Clarence galing sa Sweden ay nauna na siyang tumayo. Kahit pa sabihing sa harap mismo ng airbus door. "Hey, you! What the h*ll you are doing? Go back to your seat or else!" dinig niyang sabi ng kapwa pasahero. Ngunit dahil wala naman siyang kaalam-alam na siya ang sinasabi ay nanatili siyang tahimik habang hinihintay na magbukas ang pintuan ng eroplano. "Will you go back to your seat, you f*ck!n' demon!" malakas na sambit ng poncio pilato. Hindi pa ito nakuntento dahil hinablot nito ang kaniyang damit. Kaya nga napag-alaman niyang siya pala ang sinasabi nito. Kaya naman! "What a f*ck! D@mnit! Will you take off your filthy hands on me?! What is your fuckin' problem!" sigaw niya dulot na rin ng pagkagulat niya at inis dahil tinatawag siya nito ng kung ano-ano. Hah! Ano'ng pakialam nito kung gusto niyang tumayo sa harapan? Wala naman siyang inaapakang tao ah! Saka VIP seat ang inukupa niya sa buong biyahe kaya't natural lamang na nasa harapan siya. Ngunit ang mga kalbong panot at ginagalit siya! He is just in hurry to be home in Baguio City, by the way! Kaso mas umigting ang panga niya dahil sa isinagot ng kalbong panot! "The problem is you, foolish! We are all passemgers here and we have a lane! But look on what you have done---" Kaso hindi na nito natapos ang sinasabi. Dahil sumabad ang isang staff ng naturang eroplano. "Excuse me, guys. Will you please calm down and let's all wait the airbus door to be opened?" saad nito saka pinaglipat-lipat ang paningin sa kanila ng kalbong panot. Ngunit bago pa man makapagsalita ang h*******k na letsugas ay nagkusa ng nagwika si Clarence. "Guys, I'm sorry if I caused you a messed. Hopefully, you can understand my reason or I'm in hurry. That is the reason why I preferred to stood up here while waiting. Again, please forgive me on my previous acts." Wala namang masama kung magpakumbaba siya lalo at may kasalanan din siya. Kaso! Humingi nga siya ng paumanhin sa mga crew's pero binalingan naman ang kalbong panot! "At ikaw namang kalbong panot ka ay huwag na huwag kang nanghahablot basta-basta. Dahil baka tuluyan kong makalimutan ang pinag-aralan ko sa GMRC! Go away from me, stupid jerk!" Kung basta siya nito hinablot ay inapakan naman niya ang paa nito saka pabalibag na itinulak! Mondragon siya! At ayon sa kaniyang una ay kumapit ang pangalan nilang dragons! Hah! Mabuti nga rito at nabagsak sa dingding ng eroplano! "Kung kailan ako nagmamadali ay saka naman may lintik na kalbong panot na nagmamagaliing eh. Paano ako nito makaabot sa wedding anniversary nina grandpa kung ganito. Lintik kasi ang kalbong panot na iyon eh!" Nagmistula siyang bubuyog na bulong nang bulong habang hinihintay niyang matapat sa kaniya ang maletang laging dala-dala. "Bro, heto na ang maleta mo. Maaring careless whispers pero umabot sa aking pandinig." Out of nowhere, someone handed him his luggage. "Thank you, brother. Actually, talagang nagmamadali ako. Thank you." Taos-puso niyang pasasalamat saka nagmadaling nagtungo sa domestic flights lalo at doon pa siya bibili ng ticket. "YOU ARE lucky enough, Sir. Dahil itong flight na naabutan mo patungong Baguio ay naghahanda na po palipad. Alam po naman nating lahat na wala pang regular na airbus journey patungo roon. By the way, here is your ticket. God will bless you and your trip." Nakangiting iniabot ng nasa ticketing booth ang VIP ticket. Wala namang kaso iyon sa kaniya. Dahil may pambayad siya. At isa pa ay talaga namang nagmamadali siya. "Thank you, Sir," tupod niyang sagot saka binaybay ang daan patungo sa domestic flights niya. SAMANTALA kung sa normal siyang trabaho ay siya ang nagpapalipad sa sinakyang Swedish Airplane. Siya ang taga-control ng engine o ang control pannel ng eroplano. Pero dahil sa award niyang natanngap mula sa pamunuan ng Swedish Airline na pinagtratrabahuan ng ilang taon, this time ay isa siyang ordinaryong pasahero. "Naku, Ma'am. Sa susunod mong biyahe ay sa VIP ka na. Wala pa iyan sa mga naunang pangyayari," wika ng isang stewardess. Marahil ay inakala nitong galit siya. Subalit sa katunayan ay natutuwa siya. Dahil bilang piloto ay laging maluwag ang daanan niya subalit sa pagkakataong iyon ay nasa economic class. Sinadya niya ang magpahuling lumabas kahit nasa harapan siya. Isa sa pinakaayaw niya ay ang makipagsiksikan. Kahit siya ang piloto ay walang problema kung siya ang pinakahuling lalabas. Wala naman siyang dahilan para magmadali. "Parang nais ko tuloy maging pasahero na lang para masaksihan ko ang mga nangyayari," wala sa loob niyang tugon. Kaya naman napatawa ang crew na nakarinig sa sinabi niya. "Naku, Ma'am, huwag na baka ikaw ang mawalan ng pasensiya kapag nagkataon. I'm not saying na wala kaming pasensiya sa mga pasaway na pasahero pero sa totoo lang ay nakakawala ng temper kaso wala kaming magawa eh trabaho iyan. Kaya kung ako sa iyo, Ma'am, huwag mo ng pangaraping bumaba I mean from being one of the best pilot on the generation huwag ka ng isipin na maging flight attendant," nakatawa nitong wika. Tuloy! "Huh! Kayo ha? Hmmm... Sige na at maiwan ko na kayo rito," namumula niyang sambit. Hindi naman sa pagmamayabang ngunit totoo ang sinabi nila. She's one of those best pilots alive. Kahit ano'ng eroplano ang hahawakan ay kayang-kaya niya. Iyon nga lamg ay ayaw niyang ipagmayabang o ipagsabi. "Enjoy your vacation, Pilot Herrera," sabayan pang sabi ng mga ito. "Thank you, guys." Nakangiti siyang tumango sa mga ito bago binalingan ang carryon luggage saka siya tuluyang lumabas. Pagkaalis niya ay hindi na niya narinig at nakita ang sinabi ng mga kagaya niyang Swedish Airlines crew. "Ang bait talaga ni Pilot Herrera kaya nga lapitin ng grasya," sabi ng isa sa kanila. "Naku, sinabi mo pa, sis. Bilib ako riyan kay Ma'am Herrera, napaka-down to earth niya." Sang-ayun ng isa pang crew. (ITALICS) "ANO ba naman kayong dalawa, Mommy, Daddy! Nag-aaway na naman kayo? Wala na bang talaga kayong kasawaan sa pag-aaway? O talagang wala kayong hiya sa mga taong maaring makarinig sa araw-araw ninyong pag-aaway?!" "Kung natuturete ka na sa boses namin ng ama mong babaero, MaCon!" "Ayan ka na naman, Ismeralda! Ilang beses ko na bang sinabi sa iyo na wala akong babae! Ikaw lang ang nag-iisip ng ganyan! Hinayaan mong talunin ka ng iyong haka-haka!" Nasa harapan siya ng mga magulang ngunit patuloy ang mga ito sa pagsigawan. "Anong haka-haka ang sinasabi mo riyan, Evaresto? Ang sabihin mo ay talagang mayroon kayong relasyon ng gag*ng iyon! Palagi nga kayong nagkukulong sa opisina mo! Sige nga, sabihin mo sa anak mo na patahimikin ako! Maghapon kayong magkasama sa opisina, magkausap pa sa telepono! Ayon sa mga tauhan mo roon ay palagi pa kayong magkasama na kumakain sa labas na hindi mo man lang magawa-gawang umuwi rito upang makasalo kami sa hapag! Ang sabihin mo ay talagang babaero ka at hindi ka na magbabago!" muli ay sigaw ng kaniyang ina. Dahil hindi makasingit ang kanina pa nang-aawat na si MaCon ay wala na siyang ibang naging paraan kundi ang dinampot ang laging nakasabit sa dingding nila na kalibre kuwarenta-singko saka itinutok sa sintedo. "Hindi ba talaga kayo magpapaawat, Mommy, Daddy? Kung hindi kayo napapagod sa pag-aaway, puwes, para ipaalam ko sa inyo ako! Ako ang nahihiya sa ginagawa ninyong dalawa! Almusal ninyo, away! Tanghalian ninyo, away! Tapos dinner ninyo, away! What a fuckin' life we have! You're both old enough para mag-isip ng maayos pero pareho kayong nagpapataasan ng pride! Pride ninyong dalawa ang sumisira rin sa inyo! Ngayon sige ipagpatuloy ninyo ang inyong pag-aaway pero ito ang ipinapasigurado ko sa inyong dalawa, ora mismo ay wawakasan ko ang aking buhay dahil hindi ko na kaya ang kahihiyang ginagawa ninyong dalawa." Mangiyak-iyak na wika ng dalaga habang ang baril ay nakatutok sa sintedo niya. Marahil nga ay nabigla ang mag-asawa sa ginawa ng bunso nilang anak. Kaya't hindi sila agad nakaimik pero ng nahimasmasan ay agad lumapit sa dalaga. "No, Hija. Don't do that. Ibaba mo na ang baril na iyan baka tuluyang pumutok," ani ng Don. "Why, Daddy? Are you afraid that they'll know about what you're doing? And you, Mommy? I'm tired of what both you're doing already, so ano pa ang rason para mabuhay kung hindi naman kayo magkasundo? Kami ni kuya Ma ang nahihiya sa pinaggagawa ninyo! Hindi n'yo ba napapansin na padalang nang padalang kung umuwi si kuya, and it's all because of you mommy, dad Oh my God! Since we were young ganyan na kayong dalawa hindi pa ba kayo nagsasawa sa pag-aaway? Kaya mas mabuti pang wakasan ko na ang buhay ko kaysa may pamilya ngang matatawag pero nababalot naman ng pag-aaway. Night and day," umiiyak na wika ng dalaga. As she said those words, she closed her eyes and put the tip of the gun on her forehead. Pero bago pa man niya nakalabit ang gatilyo ay dumating at umawat ang yaya niya. "Anak, huwag! Ako na ang nakikiusap sa iyo anak huwag mong ituloy kung ano man ang binabalak mo. Ayaw mo na bang ituloy ang pangarap mong maging piloto? Sabi mo sa akin papaliparin mo pa ang pinakamalaking eroplano sa buong mundo tapos ngayon gusto mong kitilin ang buhay mo? Paano mo magagawa iyon, anak, kung mawawala ka rin naman?" Umiiyak na wika ng butihing yaya ni MaCon. Ang taong nagpalaki, nag-aruga, na kulang na lamang ay ang iniluwal siya upang sabihing sarili siya nitong anak. Ito ang lagi nilang kasama ng kapatid kahit anong programa sa school, ito ang kasa-kasama sa araw-araw, saksi ito sa buhay nilang dalawa lalo ang takot kapag nag-aaway ang mga magulang kaya alam at nauunawaan niya ang damdamin ng mga ito. Naging epektibo naman ang ginawang iyon ng may edad ng yaya ng magkapatid dahil ibinaba nito ang baril saka yumakap sa yaya. "Yaya, nahihiya na ako sa mga tao, sa mga bulong-bulungan kapag nag-aaway sila, ako, si kuya at yaya---" "Tahan na, anak. Hindi ang pagpapakamatay mo ang sulosyon sa problema mo. You're a smart lady, right? Naku halika na, anak, magsisimula na ang paborito mong movie about aircraft." Pampapalubag loob ng yaya ni MaCon. Sa lahat ng taong maaaring makapagpatahan sa magkapatid ay walang iba kundi ang yaya Vilma na nagpalaki sa kanila, hindi na nito inisip ang sariling kaligayahan para lang maalagaan sila. (End of Italics) "MA'AM, nandito na po tayo," pukaw sa kaniya ng taxi driver. "Ha? Parang ambilis," wala sa sarili niyang sambit. "Opo, Ma'am. Nandito ns po tayo sa tahanan ng mga Herrera. Diba dito ang address na sinabi mo kanina sa airport?" saad nito. Sa narinig ay tuluyan ng nagising ang natutulog niyang diwa. Kaya naman ay inayos niya ang sarili upang maging presentable sa harao ng mga taong ilang taon din niyang hindi nakasama. "Pasensiya na po, Kuya. Napalalim lang po ang pag-iisip ko kaya't nawala sa aking isipan na nandito na pala ako sa bahay." Paghingi niya ng paumanhin. "Hala, Ma'am. Nandiyan ang meter ng taxi pero bakit one thousand five hundred iyan? Sobra na nga po ang limang-daan pero may isang libo pa. Bawal na bawal po iyan sa aming mga taxi drivers ng airport," mariing pagtanggi ng driver. "Kuya, hindi iyan malalaman ng management kung hindi mo sasabihin. Ang eksaktong pamasahe ko ang e-submit mo at nag sobra ay sa iyo na. Yes, I know na sobra iyan pero sinadya ko iyan, alam ko pong mahirap kumita ng pera sa ngayon lalo at mas marami na yata ang taxi kaysa mga pasahero. Just take it dahil tulong ko na rin po iyan sa iyo. Ingat po kayo sa pamamasada, kuya." Maagap na paliwanag ni MaCon saka mabilis na lumabas ng taxi pero hindi niya naisasara ang taxi door ay muling nagwika ang driver. "Sana po, Ma'am, mas dumami pa ang mga taong tulad mong may mabuting kalooban. Maraming salamat po ulit. Ang Diyos ang gagabay sa iyo," anito. "Share your blessings ika-nga nila. So no problem, you're most welcome," tugon ng dalaga saka tuluyang isinara ang pintuan at lumapit sa mataas nilang gate. Hinintay muna ng driver na nakalapit sa mismong harapan ng gate ang pasahero niya bago umalis. But in his mind, he's praying for her. She's one of a kind human being ika-nga niya sa isipan. Samantalang kung kailan nasa harapan na siya ng gate nila ay saka pa parang nais umurong ng mga paa niya palayo sa malaki nilang tahanan. 'What a sh*t! Kung kailan nandito na ako saka ko pa nais mag-back out. Kung hindi lang dahil sa pakiusap nina kuya at yaya Vilma ay hindi na ako muling aapak sa bahay na ito. Sobra-sobra na ang sahod ko para mamuhay ng marangya, idagdag pa ang trust fund ko galing kay Lola.' Himutok niya dahil ilang beses niyang tinangkang pindutin ang buzzer pero kung ilang beses siyang nagtangka ay ganoon din karami ang pag-urong niya. 'Wedding is once in a lifetime sis kaya please be home on my wedding day. You'll be the maid of honor.' Para tuloy sirang-plaka na umalingawngaw sa isipan niya ang pakiusap ng kuya M.A short for Mark Anthony. 'Makinig ka anak alam kung masama pa rin ang loob mo hanggang ngayon pero hayaan mong ang panahon ang gagamot at magpapahilom sa sugat ng damdamin mo kaya't parang awa mo na, anak, umuwi ka para sa kasal ni M.A,' wika naman yaya nila. Sa pagkakaalala sa mga salita ng dalawang mahalagang tao sa buhay niya ay wala siyang nagawa kundi ang napahingang malalim. Kaso sa pagtaas niya sa kanyang palad upang pindutin sana ang buzzer ay may nagsalita sa kaniyang likuran."WHERE is Engineer Saavedra now?" tanong ni Brian Niel.Alam niyang dumating na ang binata dahil sila ang sumalubong dito gamit ang bangkang de-motor. Sila rin ang nagdala sa mga gamit nito dahil pinanindigan ang pagiging maninisid. Naging diver ito mula hindi kalayuan ng barko. Inantabayan na lamang nila sa ground deck upang hindi makahalata raw ang dragona nito."Hindi na dapat tinatanong iyan, Boss. Aminin man natin o hindi ay si Ma'am Cassandra ang pinakamalaking dahilan kung bakit siya bumalik dito. And naturally, magkasama silang dalawa," nakangiting wika ni Engineer Rodrigo."Tama si Engineer Rodrigo, Boss. Parang nakita ko si Ma'am kanina sa engineer's deck. Surely nakatingala sa cabin ni Engineer Saavedra. Kaya't sang-ayun ako sa sinabi ni Kuya Rudy." Nakangiti ring lumapit sa kanila ang isa pa nilang kasama.Sa narinig ay hindi na napigilan ni Brian ang mapatawa. Totoo naman kasi silang lahat. Hindi maipagkakamaling kaya bumalik ang paborito niyang engineer sa barko dahil sa
DAHIL alam ng mag-asawang Clarence at MaCon na darating ang PI ay sinadya na itong hinintay."So, how did it go, Jerry?" tanong ni Clarence nang dumating ang PI."Tama nga kayo, Sir. Mahirap magalit ang taong tahimik. Huli ko siyang nakitang nagalit ng husto noong buhay pa ang kapatid niya. I mean ang nakalakhan niyang pamilya. Walang nakakaawat sa kaniya kung tungkol sa pang-aalipusta," pahayag nito."Ha? Nagkaaberya ba kayo sa pakikipagharap sa magulang niya?" hindi makapaniwalang anong ni MaCon."Opo, Ma'am. Mr and Mrs Arevalo is living all these years in poverty. Akala nga nila ay masasama kaming tao. The worst is may asthma ang kapatid ni Sir Tommy. Itinakbo namin ito sa pagamutan at kasalukuyang nandoon si Boss. About sa pang-aalipusta, Ma'am. Kasalanan ng nurse dahil binastos ang ama niya ayon siya na ang humarap. Pero naniniwala na ako ngayon na kung ano ang puno ay iyon din ang bunga. Alam ko na ang pinagmanahan ni Boss Tommy sa ugali, kahit pa sabihing pinalaki siya ng mga S
HERRERA-MONDRAGON RESIDENCE Makaraan ng halos dalawang oras na itinakbo ng jeep ay nakarating siya sa tahanan ng mga Mondragon. Mainit siyang tinanggap ng guwardiya kaya't dumiretso rin siya sa loob kung saan naroon ang mag-asawa. Kagaya ng mga nagdaang pagdalaw niya o pagkikita nila ay mainit din siyang pinakiharapan. Halatang bakas ang kasiyahan sa kanilang mukha nang nakita siya."You're here, Tommy. May hindi ka ba nasabi noong nagtungo kami sa rancho? Halika, maupo ka." Masayang salubong ni Clarence sa binata."Salamat po, Boss. About sa tanong mo po ay not really. Sinadya ko po talagang hindi binanggit ang bagay na iyon dahil ayaw ko po na masira ang kasiyahan ng bawat isa that day. Total nakaabala na po ako sa iyo ever since, lubos-lubusin ko na po. May kakilala ka po bang trusted private investigator?" patanong na sagot ng binata nang siya ay nakaupo."Ikaw talagang bata ka oo. We're family kaya't huwag mong isipin na nakakaabala ka." Napailing tuloy ang ilaw ng tahanan haban
"WELL DONE, Mr and Mrs Mondragon. Pinatunayan n'yo na namang walang mahirap, walang mayaman sa batas natin," masayang wika ng judge nang sa wakas ay nadala na sa kulungan ang mag-asawang Saavedra."Hindi kami ang dapat ninyong pasalamatan, judge. Dahil lahat ng ito ay nasa kamay ng batang Saavedra I mean si Engineer Saavedra." Nakangiting tinanggap ni Clarence ang palad ng judge."Tama ang asawa ko, judge. Kahit nandito kaming lahat upang suportahan siya kung hindi siya nagdesisyon ay wala ring kinahantungan ang lahat. Masaya at malungkot kaming mag-asawa dahil alam naming mahirap ang desisyung ginawa niya but still we understand his situation." Kagaya ng asawa ay tinanggap ni Macon ang nakalahad na palad ng judge."He's really unfortunate child. But I salute how he handled his life. Alam pala niya ang tungkol sa pagkamatay ng tunay niyang pinagmulan ngunit inisip niya ang pamilya niya. Again, hindi nila pinahalagaan ang kabaitan ng batang iyon," wika ng judge."Yes, Judge. As I've sa
KUNG TUTUUSIN ay hindi pa sumisikat ang mahal na araw ay nakahanda ang mag-asawang Saavedra para sa lakad nila ng araw na iyon. Kailangan nilang magtungo sa City Hall upang harapin ang mag-asawang akala mo ay sino."Ano'ng sabi ng mga nasa rancho, Honey?" tanong ng Ginang sa asawa."Naging salitan din daw ang bantay na itinalaga ng mga Mondragon gaya ng mga tauhan natin. Kahit ang mga choppers na nakaantabay ay nandoon pa rin daw. Mukhang pinapahalagaan nila ng husto ang rancho ayun na rin sa mga kilos nila. Siya nga pala saan nila dinala ang bangkay ni Yaya?" sagot at balik-tanong ng Don."Sabi ko sa mga tauhan nating ilibing nila ng maayos sa sementeryo pero hinarangan daw sila ng mga tauhan ng mag-asawa. Sila na raw ang bahala kaya't hindi na raw sila umangal kaysa naman magpakapagod pa sila," sagot ng Ginang. Pupunta na sana siya sa kusina upang magpagawa ng kape nilang mag-asawa ngunit natigilan siya dahil sa buntunghininga ng asawa."Oh, Hon, what's on that deep sigh?" Muli niya
DAHIL na rin sa pakiusap ng mag-asawang katiwala ni Tommy sa kanila ay regular din silang bumibisita sa rancho nito. Kaso nang araw na iyon ay hindi mapakali si Clarence. Hindi pa naman sila bumisita roon ng araw na iyon dahil ang balak nila ay mas maganda kung hapon sila pupunta."Ano sa tingin mo, Honey? I mean, may ibig sabihin kaya itong pakiramdam ko? Tutuloy pa ba tayo ngayong araw o makikibalita na lang tayo sa mga tauhan nating nandoon?" hindi mapakaling tanong ni Clarence sa asawa."Pangitain iyan, Hon. If I were you, tawagan mo muna ang mga nandoon or si Tan-Tan o 'di naman kaya ay sila Nana Tina at Tata Andong ang sabihan mo na late na tayong makapunta ngayon doon. Mahirap na ang susugal wala pa naman dito ang may-ari." Hinarap ni MaCon ang asawa na halatang hindi mapakali."Kaya nga, Honey. Iba talaga ang pakiramdam ko---"Kaso hindi na natapos ni Clarence ang pananalita dahil tumunog ang mobile phone niyang nasa lamesa. Agad niya itong dinampot saka sinagot kaso halos mab