Share

TWO

last update Last Updated: 2025-08-12 21:46:35

"MABUTI naman at naalala mo pa ang umuwi, MaCon?" malamig na wika ng taong kahit hindi niya lingunin ay kilalang-kilala niya. Dahil ang may-ari sa boses ay walang iba kundi ang kaniyang ama.

"Bakit, ayaw mo? Sabagay, talaga namang hindi sana ako umuwi kung hindi dahil sa kasal ni Kuya MA," tugon niyang hindi man lang ito pinagkaabalahang lingunin.

Marahil kapag nagkataon na ibang balik-bayan ang nasa katayuan ng dalaga ay baka nag-iiyakan silang mag-ama dahil sa tuwa lalo at mahigit limang taon na ang nakakaraan simula ng nagtapos  siya kaniyang kurso bilang isang piloto at nag- OJT sa  Swedish Airlines ay hindi na siya umuwi ng bansa.

"Hindi ko alam, anak, kung paano ko ipakiwanag sa iyo ang lahat. Dahil wala ka namang---"

"I didn't came home to hear your dramas. Kaya't kung wala ka rin namang iba at mahalagang sabihin ay hayaan mo na lang akong pumasok sa loob. Dahil nandito ako para sa kasal ni Kuya MA." Kabastusan man siguro pero pinutol ni MaCon ang pananalita ng ama sabay pindot  sa  buzzer na hindi man lang hinintay ang taong pinagmulan.

In her mind, she doesn't care at all because they neglected her!

SA pagtalikod ng anak ay saka pa pinakawalan ni Don Evaresto ang luha na kanina pa nagbabantang  mahulog mula sa kanyang mga mata. Maybe it's awkward to cry  because he's a man, but he can't  hold his feelings.

Walang masama sa umiyak!

"Masaya ako para sa iyo, anak. Dahil sa kabila ng kapabayaan at kakulangan namin sa iyo bilang magulang mo ay nakamit mo pa rin ang iyong pangarap bilang isang  piloto. Ngunit kung gaano kalayo  ang narating  mo ay ganoon  naman katigas ang pagkatao mo. Matigas  pa rin ang damdamin mo, MaCon anak. Kung gaano ka katagal sa himpapawid  ay  ganoon din kabigat ang damdamin mo na hindi mo man lang kami inuwian. Hindi ko alam, MaCon, kung hanggang kailan mo kamikamumuhian."

As he said those words, a couple of tears came out from his gray eyes. Ang malaabong kulay ng mga mata nito ay naging mas malabo dahil sa pagpatak ng luha.

Kung tutuusin naman kahit hindi na kailangang lumayo ang mga anak nila dahil may sarili naman silang airline ito ang Herrera Airlines na may ilang eroplano na ring bumibiyahe inside out the country, at ang Herrera Shipping Lines na karamihan ay mga cargo's from abroad ang k*****a na siya na ring pinamamahalaan ng panganay nilang anak kung saan din nito nakilala ang bride to be nito. Idagdag pa ang HERRERA COMPANY na sa kaniyang pamamahala.

"Mabuti pa si Mark Anthony  dahil kahit civil lang ang pakikitungo nito sa  amin ay nagawa na nitong  ibigay ang kapatawarang  matagal na naming inaasam. Sana darating  din ang araw, MaCon, na magawa mong kapain  ang damdamin mo na magpatawad  dahil namimis ko na ang batang malambing, ang bibong  laging may ngiti sa labi kapag nakikita ang tulad ko," mapait pa sa ampalaya na wika ni Don Everesto saka sumunod na rin dito  papasok sa loob  ng mansion nila.

Kaso!

Nakailang hakbang pa lamang siya ay may nagwika sa kaniyang tabi.

"Baguhin mo ang paraan ng pakikiharap  mo sa kanya, Don Evaresto. Lapag nagawa mo iyan sy sigurado akong mapapatawad  ka niya. Gawin mo bilang ama ng mga anak mo ang the best na inaakala at kapag nagawa mo iyon sigurado akong magiging  okay na ang lahat sa inyo ni MaCon. Ipagpaumanhin mo ang pakikialam ko pero sinasabi ko lang ito  dahil nais kong  magkaayos kayo ni MaCon. Isipin mong ikaw ang ama, anak lamang siya  at nasa iyo ang karapatan  at higit sa lahat ikaw ang nakakaalam kung paano siya mapapaamo kagaya  ng dati."

Sabi ng yaya ng magkapatid, ang taong hindi na inisip ang sariling kaligayahan bagkos itinuon ang lahat ng atensiyon sa magkapatid na Mark Anthony at Maria Concepcion. Sa maikling salita ito ang  tumayo na pangalawang ina at ama sa magkapatid.

"Umuwi siya yaya pero parang ganoon pa  rin na nasa malayo siya sa atin. Mas  masakit iyun na nasa tabi natin siya pero napakahirap namang abutin. Sige na, yaya,  pumasok ka na baka hinahanap ka  na niya," aniya. Hindi naman niya ito itinataboy. Nais lamang niyang ikubli  ang kalungkutan  na bumabalot sa katauhan sa oras na iyon.

"Huwag kang mawalan ng pag-asa, Don Evaresto. Dahil kagaya nang sinabi ko, ikaw ang ama, anak lamang siya. Sige papasok na ako at ikaw din huwag mong lunurin  ang sarili mo sa lungkot pasasaan  ba't magiging okay din ang lahat," wika ng butihing yaya sabay tapik sa balikat niya saka tuluyang pumasok.

Hinamig muna ng Don ang sarili saka sumunod sa loob. Ngunit imbes na dumaan sa main part ng mansion ay hindi dahil sa likuran. Kung saan siya lang nakakaalam. Ito ang daang tinahak patungo sa sariling kuwarto na halata namang pasan ang mundo.

SAMANTALA sa kabilang banda, dahil sa eroplano ang sinakyan ni Clarence  pauwi ng Baguio ay madali lang siyang nakarating sa paliparan ng nasabing siyudad.

"Kuya, pahatid naman ako sa **** doon sa Mckevin Residence," agad  niyang sabi sa driver ng taxi na pinara  niya.

"Sa  matanda  o  sa  bata?" patanong nitong tugon na labis niyang ikinagulat.

"Ha? Si grandpa lang naman ang Mckevin ah," wala sa isip niyang sambit.

"Mali  ka, Sir. Kapag nagkataon na nasa tabi mo si  sir Marc Joseph baka mapalo ka pa noon ng wala sa  oras. Saan  po ba? Doon ba sa  lolo  mo o kay sir MJ?" patanong nitong saad.

Sa  narinig ay  biglang natampal ni Clarence ang noo. Dahil totoo naman ang tinuran nito. Totoo naman kasing nawala sa isipan niya ang tungkol sa kambal ng mommy niya.

"Sorry, Kuya, nawala sa  isipan ko si Papa MJ, at tama ka riyan baka pingot  pa ang mapapala ko sa kanya. By the way, sa  old mo ako ihatid doon kina Grandpa. Alam  mo  naman siguro roon," nakangiwing ani Clarence.

"Okay lang iyan, sir," tipid na sagot ng driver saka inandar ang sasakyan.

Masuwerte rin ang binata dahil maluwag ang kalsada ng oras na iyon kaya naman hindi nagtagal ay nasa tapat na siya ng makaking bahay.

"Keep the change, kuya," maagap niyang sagot ng sa wakas  ay nasa harapan  na sila ng bahay ni Grandpa B.

"Thank you, Sir," sagot nito saka hinintay na nakapasok ang binata sa loob ng gate  bago tuluyang nilisan ang  lugar.

"Grabe  naman  ang taong  ito  nakalimutan yata ang pinagmulan," bulong  ng driver bago tuluyang lugar.

NASA kalagitnaan na ang party  para sa golden wedding anniversary ng mag-asawang Donna at Bryan ng tumigil  ang stereo pero napalitan  naman ng live  music.

"Hey, young man, where have you been again." Bagamat nagulat ang ninuno ng mga Mckevin, nagawa pa rin nitong sinalubong ang taong pinag-uusapan nila ilang oras lang ang nakakaraan.

"Diyan lang sa tabi-tabi, Grandpa. Miss me?" pabirong tugon ng binata.

"Naku, ikaw, Clarence apo, baka naman  kung  saan-saan ka na napapadpad ha? Mamaya  may paparito na namang babae na umiiyak.  Maano bang pumirme ka sa iisang lugar hindi iyong para kang kiti-kiti diyan na hindi mapakali eh." Sermon naman ni grandma Donna kaya't napangiwi ang binata.

"Grandma, wala pa sa kanila ang magdadala sa pangalan ko. Aba'y may balak pa akong magparami ng lahi. Ngunit wala sa gold diggers ang gusto kong maging katuwang sa buhay," nakangiwi niyang saad.

"Totoo naman kasi ang lola mo, apo ko. Hindi lang iisa ang pumarito't hinahanap ka. But for now, thank  you, Clarence apo ko at hindi mo kami binigo ng Lola mo," muli ay wika  ni grandpa B na hindi maipagkailang masaya ito.

Dahil dito ay umabot hanggang taenga ang ngiti ng binata. Saka na lamang niya pagtutuunan ng pansin ang 'babae ' na tinutukoy  ng abuelo.

"Love na love ko po kayo ni grandma D, Grandpa. Kaya't special airplane ang nasakyan para makarating agad dito ay hindi ko ininda. HAPPY GOLDEN ANNIVERSARY to both of you grandpa, at grandma. You're one of those best grandparents in the whole universe," malambing na sabi ng binata saka h******n isa-isa sa noo ang mga ito.

"MAS  masaya sana, kambal, kung nandito rin si  Braxton. Ang mga anak mong lagalag," ani MJ sa kambal pero ismid lang napala.

"Tsk! Tsk! Ikaw, kambal, tama mga anak ko sila. Ngunit parang hindi ko kilala  ang bawat isa. Hay, naku, kung saan-saan napupunta ang mga iyan. Si Tristan Keith  na lang yata ang matino  na nakapa-kaloyal sa asawa," taas-kilay na nga ay naka-ismid pa! Kaso kantiyaw naman ang napala mula sa asawa.

"Hon, huwag ka ng magtaka dahil may pinagmanahan sila. Ang panganay nating  nadala mo kung saang-saan noong ipinagbubuntis mo pero siya naman ang nakapermi sa Nevada pero ang kambal  na magkasama  na tayo noon ay sila naman ang lagalag kaya huwag ka ng magtaka tungkol sa bagay na iyan," akatawang ani Tristan.

Bagay na sinigundahan naman ng bunso nilang kapatid na si F* este ni Florida Bryana.

"Tumpak, Kuya, mga lagalag kasi ang mga iyan kaya dapat itali  na." Pang-aasar  pa nito at huli na upang bawiin ito.

"Nakapagsalita naman ang hindi lagalag ang anak, huh! Noong  nag-asawa lang naman napermi sa L.A ang bunso natin." Ayaw ding paawat ni Terrence.

The result?

They busrt into laughing!

FINALLY!

Natapos din ng binata ang kinakanta kaya muling lumapit sa mga ninuno saka nagsalita.

"Pagpasensiyahan n'yo na ang guwapo  n'yong  apo, Grandpa at Grandma. Dahil lagi akong wala  rito. Ngunit huwag kayong mag-alala dahil kagaya nang sinabi ko hinding-hindi ko papalampasin ang lahat ng mahahalagang  okasyon  sa buhay ninyo. Again, happy anniversary sa inyong dalawa grandma and grandpa. Mahal na mahal ko po kayong dalawa." Senserong sambit ng binata saka niya niyakap ang mga ito ng mahigpit  isa-isa.

SAMANTALA, hindi naman niya ugaling mag-mukmok pero kinagabihan  ng pagdating galing sa flight niya ay pinanindigan niyang hindi lumabas sa kuwarto.

"Akala  ko okay  na ang lahat. Akala  ko kaya ko  ng harapin ang mga taong naging dahilan ng hindi ko pag-uwi ng pitong taon pero hindi pa pala. Parang kahapon lamang nangyari  ang lahat. Hindi ko tuloy alam  kung ano ang gagawin ko, ilang araw na lang kasal na ni Kuya pero hindi ko maramdaman ang saya ng pag-uwi ko."

Bulong niya habang nakatanaw sa labas  o mas tamang sabihing sa kawalan. At buong akala niya ay  siya lang ang nakarinig kaya nagulat na lamang siya ng may nagsalita sa kanyang tabi.

Ang hindi alam ng dalaga ay  sinundan siya ng kapatid sa  kanyang pag-akyat.

"MaCon, hindi ko alam kung paano magsisimula o  mas tamang sabihin na kung paano ko sisimulang sabihin sa iyo ang lahat," malungkot na wika ni MA  patunay lamang ang boses  nito na hindi maitago ang tunay na nadarama.

"Ikaw pala, kuya. Maupo ka," ani MaCon saka pasimpleng pinunas ang luha  sa kanyang pisngi pero hindi pa rin ito nakaligtas sa kapatid.

"Sinundan kita, Sis. Dahil nais kitang kausapin ng sarilinan, pero bago ang lahat nais muna kitang tanungin, MaCon. Sa  ilang  taon mong pagkawala  rito sa ating bansa, hindi mo man lang na namiss ang mga magulang natin? Hindi ba sumagi sa isipan mo ang mga masasayang sandali kasama ang mga magulang natin? O  mas  tamang tanungin ko kung ikaw  pa ba  si  Maria Concepcion Herrera ang bunsong  anak ng mag-asawang Don Evaresto at Donya  Esmeralda? And  lastly, ano ang tunay mong dahilan kung bakit  ka  umuwi?" sunod-sunod na tanong ni MA.

Pero wala itong nahintay na sagot dahil nanatili itong tahimik.

"Sige maiwan na kita MaCon  at sana masagot mo na ang mga iyan sa susunod nating pag-uusap, " muli ay wika ni MA  bago tuluyang lumabas sa kuwarto ng dalaga.

Hanggang sa nakaalis  ito ay wala  pa ring imik o  walang  salitang namutawi sa labi ng dalaga.

Tama naman ang Kuya niya. Naging matigas ang kaniyang damdamin. Simula OJT hanggang sa nagkaroon ng permanent job sa eroplano o Swedish Airlines. Ngunit masisisi ba siya ng mga ito? Nagpaalipin siya sa galit at panibugho dahil na rin sa walang katiwasayang pamilya. Nasa kanila na ang lahat ng yaman sa mundo. Ngunit ang peace of mind na hinahanap-hanap niya ay talagang wala. Kaya nga noong nagkaroon siya ng pagkakataong mamuhay sa labas ng mansion nila ay hindi na siya muling umuwi pa.

Until...

She cried  out loud!  That made everyone panicked!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MR SEA-MANLOLOKO    FOUR

    "I know you owe me an explanations, Mommy, Daddy. But, I'm running out of time. Don't worry after this mess, bibisitahin ko po kayong lahat sa Nevada para sa magtapat where I'm going now. Take care, Daddy, Mommy, have a safe trip."Labag man sa kalooban ni Clarence ang iwanan ang mga magulang na walang maayos na pamamaalam pero wala siyang nagawa lalo at may aberya sa barkong pag-aari niya pero ito ay lingid sa kaalaman ng lahat. He was the captain of his own ship!Pero kapag nasa kapatagan siya ay ang katiwala niya ang nakahalili sa kanya. Sa mga panahong wala siya sa piling ng pamilya niya at nasa laot naman siya, ganoon din kapag wala silang world tour ng mga pinsan at kambal niya but still ang lahat ng iyon ay walang nakakaalam kundi siya at kanang-kamay niya.Hanggang sa nakaalis siya ay nanatiling nakanganga ang mga magulang ni Clarence dahil pagkasabi nito sa binitawang salita ay naglaho na itong parang bola."Mukhang may lihim na naman ang anak natin. honey, a

  • MR SEA-MANLOLOKO    THREE

    "ANAK, bakit? May problema ka ba? May masakit ba?" may pag-aalalang tanong ni Yaya sa dalagang sumigaw ng pagkalakas-lakas na kahit nasa pangalawang palapag ito ay dinig na dinig ito sa unang palapag."Y-yaya, bakit ganoon? Bakit? Tell me, yaya, bakit?" balik- tanong nito."Ano'ng bakit, anak? Hindi ko alam ang sagot diyan dahil hindi ko naman alam kung ano ang tinatanong mo," nahihiwagaang sagot ng butihing yaya.Pero hindi sumagot ang dalaga bagkus ay yumakap siya ng mahigpit dito na para bang bata na may kinatatakutan."Anak, kung ano man ang nais mong sabihin ay magsalita ka, anak. Alam kong may nais kang ilabas sa iyong kalooban. Kung ang pag-iyak mo ang makakagaan sa pakiramdam mo ay sige lang anak nandito lang si yaya," wika pa nito habang hinahaplos-haplos ang maitim pa sa gabi nitong buhok na may pagkaalun-alon. Ganoon na ba siya kawalang kuwentang anak? Lahat ng akala niya ay naglaho! Mga maling akala ay iginugupo siya ngayon samantalang buong akala niya ay

  • MR SEA-MANLOLOKO    TWO

    "MABUTI naman at naalala mo pa ang umuwi, MaCon?" malamig na wika ng taong kahit hindi niya lingunin ay kilalang-kilala niya. Dahil ang may-ari sa boses ay walang iba kundi ang kaniyang ama."Bakit, ayaw mo? Sabagay, talaga namang hindi sana ako umuwi kung hindi dahil sa kasal ni Kuya MA," tugon niyang hindi man lang ito pinagkaabalahang lingunin.Marahil kapag nagkataon na ibang balik-bayan ang nasa katayuan ng dalaga ay baka nag-iiyakan silang mag-ama dahil sa tuwa lalo at mahigit limang taon na ang nakakaraan simula ng nagtapos siya kaniyang kurso bilang isang piloto at nag- OJT sa Swedish Airlines ay hindi na siya umuwi ng bansa."Hindi ko alam, anak, kung paano ko ipakiwanag sa iyo ang lahat. Dahil wala ka namang---""I didn't came home to hear your dramas. Kaya't kung wala ka rin namang iba at mahalagang sabihin ay hayaan mo na lang akong pumasok sa loob. Dahil nandito ako para sa kasal ni Kuya MA." Kabastusan man siguro pero pinutol ni MaCon ang pananalita ng ama sabay pindo

  • MR SEA-MANLOLOKO    ONE

    "TWIN sister, abay nasaan ng anak mong kambal? Hah! Matatawag ba itong family gathering kung kulang tayo? Alalahanin mong hindi basta-basta gathering ito kundi golden wedding anniversary nina Mommy at Daddy," kunot-noong wika ni MJ sa kakambal o si Meljhorie Kieth."Twin brother, aba'y mukhang hindi ka pa nasanay sa mga pamangkin mong lagalag ah. Natural, ang mga taong kiti-kiti ay hindi mapermi sa isang tabi. Kaya't sigurado akong gumagala na naman silang magpipinsan." Kibit-balikat ng Tigresa the original."Pero, kambal, kailangan ninyo pa ring alamin kung saan-saan nagsusuot ang mga anak ninyo. God forbid but what if something is wrong? Paano kung may nangyayari na pala na hindi natin nalalaman? Kung sa banda naman nilang magpipinsan ay huwag n'yo ng isali si Whitney. Nasa Baghdad iyon dahil sa giyera. At isa pa ay may asawa na iyon na taga-pigil," giit pa rin ni MJ.Dahil dito ay hindi na rin napigilan ni Allien Grace ang sumabad sa usapan mg hipag at asawa."Iyakin ko, kahit nama

  • MR SEA-MANLOLOKO    PROLOGUE

    "PASOK ka na, anak. Malamig na ang simoy ng hangin. Masama iyan sa inyo ni baby."Sa kaniya nakatira ang Yaya nila ng kambal niyang si Marc Joseph. Labis-labis naman niya itong ikinatuwa. Dahil isa siyang modelo at kung saan-saan napapadpad."Sige, Yaya. Mamaya kaunti ay papasok na rin ako. Pakikuha na lang po ang jacket ko."Subalit imbes na sundin siya ay naupo ito sa kaniyang tabi saka hinaplos-haplos ang kaniyang may kalakihang tiyan."Anak, huwag mo sanang masamain. Ngunit bakit kasi ayaw mong ipaalam sa iyong mga magulang ang kalagayan mo? Kay Tristan? Siya ang ama ng nasa iyong sinapupunan kayat may karapatan siyang malaman. Tama, mas bata siya sa iyo ng ilang taon ngunit alalahanin mong may amnesya siya noong nagkakilala kayong dalawa. Hindi sa lahat ng oras ay maililihim mo iyan sa lahay lalo na ang mga magulang mo."Sa tinuran ng kaniyang Yaya ay napahinga siya ng malalim. Dahil lahat ng sinabi nito ay pawang katotohanan. At isa pa ay hindi ito magsasalita kung kalokohan lam

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status