Share

MR SEA-MANLOLOKO
MR SEA-MANLOLOKO
Author: SHERYL FEE BAJO

PROLOGUE

last update Last Updated: 2025-08-12 21:45:20

"PASOK ka na, anak. Malamig na ang simoy ng hangin. Masama iyan sa inyo ni baby."

Sa kaniya nakatira ang Yaya nila ng kambal niyang si Marc Joseph. Labis-labis naman niya itong ikinatuwa. Dahil isa siyang modelo at kung saan-saan napapadpad.

"Sige, Yaya. Mamaya kaunti ay papasok na rin ako. Pakikuha na lang po ang jacket ko."

Subalit imbes na sundin siya ay naupo ito sa kaniyang tabi saka hinaplos-haplos ang kaniyang may kalakihang tiyan.

"Anak, huwag mo sanang masamain. Ngunit bakit kasi ayaw mong ipaalam sa iyong mga magulang ang kalagayan mo? Kay Tristan? Siya ang ama ng nasa iyong sinapupunan kayat may karapatan siyang malaman. Tama, mas bata siya sa iyo ng ilang taon ngunit alalahanin mong may amnesya siya noong nagkakilala kayong dalawa. Hindi sa lahat ng oras ay maililihim mo iyan sa lahay lalo na ang mga magulang mo."

Sa tinuran ng kaniyang Yaya ay napahinga siya ng malalim. Dahil lahat ng sinabi nito ay pawang katotohanan. At isa pa ay hindi ito magsasalita kung kalokohan lamang.

"Hindi naman po ako galit sa kaniya, Yaya. Sa sarili ko po ako nagagalit. Sa kabila ng kasalanan niya sa batas, sa pamilya ng Tito Raven ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na mahalin siya ng todo-todo. Hindi ko isinuko ng paulit-ulit ang aking sarili kung hindi ko siya mahal. Pero alam mo ba ang nakakatuwa, Yaya? Nagbunga ang panandalian naming relasyon. At ang batang ito ang magiging ilaw ko sa aking pagtanda."

Marahan nitong hinaplos-haplos ang kaniyang buhok at kalaunan ay isinandig ang ulo niya sa balikat nito.

"Alam ko, anak. Maaring maldita ka sa paningin ng iba pero wala ng ibang nakakakilala sa iyo kundi ako at ang sarili mong pamilya. Ngunit ang masasabi ko ay isipin mo ang kinabukasan ng nasa iyong sinapupunan. Kung talagang kayo ang para sa isa't isa ay ang langit ang gagawa ng paraan upang magkita at magkabalikan kayong muli. Huwag ka ng umiyak. Aba'y magaya sa kambal mong iyakin ang iyong anak kapag nagkataon."

Sa tinuran nito ay unti-unting bumalatay ang ngiti sa kaniyang mukha. Alam na alam nito kung paano siya patawanin.

SINO nga ba ang mag-aakalang ang matagal na nilang hinanap noon at inakalang patay na ay nasa pagkalinga pala ng kambal niya?

Ilang buwan mula nang magkalabuan sila ni Grace naisipan niyang magleave sa serbisyo at magbakasyon sa mga lola at lolo nila sa Pangasinan pero iyon ang nadatnan niya. Naglalambingan ang mga ito. Lihim niyang kinausap si Meljhorie noon para sabihin dito ang katauhan ng ampon nito pero hindi niya aakalain na nagkakamabutihan na pala ang dalawa.Masinsinang pag uusap na nauwi sa pagtatalo na siyang bumulabog sa tahimik na gabi.

(Italics)

"Wala kang karapatang husgaan siya, MJ! Ito tandaan mo kahit ano pa ang katauhan mayroon siya wala akong pakialam. Wala! Wala!" sigaw ni Meljhorie sa kambal niya.

"Pero, sis, iyan ang totoo. Matagal nang pinaghahanap ng batas iyang Tristan..."

"Mel baby, bakit anung nangyayari?" sabad ni Tristan na pupungas-pungas pa ngunit walang sumagot sa kanila.

"Wala, Christian, matulog kana ulit," ilang sandali pa sagot ng dalaga.

At tinitigan ang kambal na wariy nagsasabing makuha ka sa tingin. Pinabayaan ng batang alagad ng batas ang dalawa pero kinabukasan habang tulog pa ang kambal niya ay sinadya niya itong kinausap.

"Puwedi ba tayung mag-usap, brod?"

"Oo naman. Ano ba iyon?"

Dahil sa ayaw ni MJ na marinig sila ni Meljhorie niyaya na lamang niya ito sa malapit sa dagat.

"Ano'ng ginagawa mo rito sa Pangasinan, brod? Alam mo bang matagal ka nang pinaghahanap ng mga magulang at kaming mga alagad ng batas?"

"Hindi ko alam kung paano ako napunta rito. Ayon lamang sa kuwento ng kapatid mo pauwi siya dito noon ay nakita raw niya ako sa daan na duguan at walang malay. At nang nagkamalay na ako ay Christian na ako."

Pinag-aralan namang mabuti ng binata ang kilos at galaw ng kausap at tumino sa utak niya maaring may amnesya ito.

Tama!

"Ibig mong sahihin wala kang maalala sa nakaraan mo? Wala kang alam sa pagkatao mo?"

Umiling-iling ito pero nakatanaw sa malawak na karagatan. Kulay asul at para bang nang-eenganyong maligo ang bawat bisita roon.

"How I wish that I know who really I am, brod. Pero kahit ano pa ang mangyari utang ko kay Tigresa ang aking buhay. Marahil minsan maldita siya sa akin pero kung hindi dahil sa kanya ay patay na ako."

Parang gusto namang mapahagalpak ng tawa ni MJdahil dito.

Tsssk! Tsk! Tsk!

Ang kambal niyang napakabungangera tinawag na tigresa nang isang Tristan Mondragon?

"Ano ngayon ang plano mo?"

"Ewan ko ang alam ko lang kahit gawin pa akong alila ng tigresang iyon ay hindi ko na kayang mawalay siya sa akin. Mahal ko na yata siya."

"Well, walang masama sa bagay na iyan, pare. Mabuti nga iyon at may katapat na siya. Pero paano kapag dumating ang oras na bumalik ang alala mo ay masabi mo pa ring mahal mo siya kagaya ng pagsabi mo ngayon na may amnesya ka."

"Salamat, pare. Pero maging honest din ako sa iyo. Maaring makalimot ang isip pero ang puso ay hindi. Kung darating man ang panahong iyan ay puso ko ang makakilala sa kaniya."

Sa isang buwan na pagtira niya roon ay ibang Tristan at ibang Meljhorie ang nakikita niya kaya labag man sa batas na tulungan ang mga ito na huwag munang ipagsabi nanandoon ang lalaki ay tikom pa rin bibig niya.

Nagbalik ang alaala ng lalaki nang minsang nag-away ang dalawa at aksidenting naitulak ito ni Meljhorie. Tumama ang ulo nito sa gilid lamesa.

Ang nakakatuwa ay hindi nito iniwan ang dalaga bagkos ay pinatutuhanan nito ang pagmamahal niya dito. Ipinagtapat niya rito ang pagkakamali niya na tinanggap naman ng buong-buo ni Meljhorie.

Pero hindi sa lahat ng panahon ay laging kasiyahan ang nangingibabaw. Kung may saya may lungkot. Dahil likas namang palakaibigan ang binata ay napalapit ito sa mga taga-Pangasinan. Hanggang sa may nakakilala rito at ipinagbigay alam sa mga magulang. Hindi naglipat-araw ay dumating ang mga ito.

"Anak! Salamat sa Dios at buhay ka," umiiyak na sabi ni Mrs Mondragon.

"Ma, I'm so sorry kung hindi ako nagpakita agad. Utang ko sa kanya ang buhay ko, Ma," sagot nito na nakahawak kamay sa dalaga.

"Pero, anak, dapat mong asikasuhin ang buhay mo halos dalawang taon ka nang nawawala at ang akala nang lahat ay patay ka na," aniya ng Ginoo.

Napapayag ng mga ito ang binata na umuwi ng Baguio pero ito naman ang simula ng away nila ni Meljhorie.

"Makasarili na kung makasarili,Tristan! Pero kung ipagpipilitan mong umuwi sa Baguio ay sige kalimutan munang nakilala mo ako."

"Please try to understand, baby..."

"Baby mo ang mukha mo!"

Nais mangkausapin ito ni Meljhorie ay nakahiyaan na niya. Hanggang magpaalam na ang binata na uuwi ng Baguio na dahilan ng mas malala nilang sumbatan.

"Ayoko sanang magsalita pero masakit eh! Oo alam ko matalas ang dila ko kung magsalita. Hindi ko mapigalan ang umiyak! And as you can see, my tears keeps falling down to my face! Pero isipin mo sa ilang buwan nating pagsasama itinuring na kitang kapatid higit pa roon! Sige nga sabihin mo sa akin kung kasalanan ko if I have that sharp mouth. Analyze what I'd told you if that's too much for you.!Tell me! Tell me."

Meljhorie shouted to Tristan as she is crying unstoppable. Umiyak din nang umiyak ang binata dahil ayaw niyang umalis na may samaan sila ng loob pero hindi kailangan din niyang harapin muna ang naiwan niya dati sa Baguio.

"Im so sorry, Mel. Alam kong nagtatampo ka pero tatanggapin ko ang lahat nang iyan. Wala akong pakialam maldita o taklesa ka man ay mahal kita ng higit pa sa buhay ko. Pero kailangan ko munang hanapin ang sarili ko. Kailangan ko munang itama ang pagkakamaling nagawa ko. Hindi kaya nang kunsensiya ko na magsaya habang may taong nagdurusa dahil sa akin. Patawarin mo ako, Mel."

Pahayag ni Tristan na parang ulan ang pagbuhos ng luha sa mata.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MR SEA-MANLOLOKO    FOUR

    "I know you owe me an explanations, Mommy, Daddy. But, I'm running out of time. Don't worry after this mess, bibisitahin ko po kayong lahat sa Nevada para sa magtapat where I'm going now. Take care, Daddy, Mommy, have a safe trip."Labag man sa kalooban ni Clarence ang iwanan ang mga magulang na walang maayos na pamamaalam pero wala siyang nagawa lalo at may aberya sa barkong pag-aari niya pero ito ay lingid sa kaalaman ng lahat. He was the captain of his own ship!Pero kapag nasa kapatagan siya ay ang katiwala niya ang nakahalili sa kanya. Sa mga panahong wala siya sa piling ng pamilya niya at nasa laot naman siya, ganoon din kapag wala silang world tour ng mga pinsan at kambal niya but still ang lahat ng iyon ay walang nakakaalam kundi siya at kanang-kamay niya.Hanggang sa nakaalis siya ay nanatiling nakanganga ang mga magulang ni Clarence dahil pagkasabi nito sa binitawang salita ay naglaho na itong parang bola."Mukhang may lihim na naman ang anak natin. honey, a

  • MR SEA-MANLOLOKO    THREE

    "ANAK, bakit? May problema ka ba? May masakit ba?" may pag-aalalang tanong ni Yaya sa dalagang sumigaw ng pagkalakas-lakas na kahit nasa pangalawang palapag ito ay dinig na dinig ito sa unang palapag."Y-yaya, bakit ganoon? Bakit? Tell me, yaya, bakit?" balik- tanong nito."Ano'ng bakit, anak? Hindi ko alam ang sagot diyan dahil hindi ko naman alam kung ano ang tinatanong mo," nahihiwagaang sagot ng butihing yaya.Pero hindi sumagot ang dalaga bagkus ay yumakap siya ng mahigpit dito na para bang bata na may kinatatakutan."Anak, kung ano man ang nais mong sabihin ay magsalita ka, anak. Alam kong may nais kang ilabas sa iyong kalooban. Kung ang pag-iyak mo ang makakagaan sa pakiramdam mo ay sige lang anak nandito lang si yaya," wika pa nito habang hinahaplos-haplos ang maitim pa sa gabi nitong buhok na may pagkaalun-alon. Ganoon na ba siya kawalang kuwentang anak? Lahat ng akala niya ay naglaho! Mga maling akala ay iginugupo siya ngayon samantalang buong akala niya ay

  • MR SEA-MANLOLOKO    TWO

    "MABUTI naman at naalala mo pa ang umuwi, MaCon?" malamig na wika ng taong kahit hindi niya lingunin ay kilalang-kilala niya. Dahil ang may-ari sa boses ay walang iba kundi ang kaniyang ama."Bakit, ayaw mo? Sabagay, talaga namang hindi sana ako umuwi kung hindi dahil sa kasal ni Kuya MA," tugon niyang hindi man lang ito pinagkaabalahang lingunin.Marahil kapag nagkataon na ibang balik-bayan ang nasa katayuan ng dalaga ay baka nag-iiyakan silang mag-ama dahil sa tuwa lalo at mahigit limang taon na ang nakakaraan simula ng nagtapos siya kaniyang kurso bilang isang piloto at nag- OJT sa Swedish Airlines ay hindi na siya umuwi ng bansa."Hindi ko alam, anak, kung paano ko ipakiwanag sa iyo ang lahat. Dahil wala ka namang---""I didn't came home to hear your dramas. Kaya't kung wala ka rin namang iba at mahalagang sabihin ay hayaan mo na lang akong pumasok sa loob. Dahil nandito ako para sa kasal ni Kuya MA." Kabastusan man siguro pero pinutol ni MaCon ang pananalita ng ama sabay pindo

  • MR SEA-MANLOLOKO    ONE

    "TWIN sister, abay nasaan ng anak mong kambal? Hah! Matatawag ba itong family gathering kung kulang tayo? Alalahanin mong hindi basta-basta gathering ito kundi golden wedding anniversary nina Mommy at Daddy," kunot-noong wika ni MJ sa kakambal o si Meljhorie Kieth."Twin brother, aba'y mukhang hindi ka pa nasanay sa mga pamangkin mong lagalag ah. Natural, ang mga taong kiti-kiti ay hindi mapermi sa isang tabi. Kaya't sigurado akong gumagala na naman silang magpipinsan." Kibit-balikat ng Tigresa the original."Pero, kambal, kailangan ninyo pa ring alamin kung saan-saan nagsusuot ang mga anak ninyo. God forbid but what if something is wrong? Paano kung may nangyayari na pala na hindi natin nalalaman? Kung sa banda naman nilang magpipinsan ay huwag n'yo ng isali si Whitney. Nasa Baghdad iyon dahil sa giyera. At isa pa ay may asawa na iyon na taga-pigil," giit pa rin ni MJ.Dahil dito ay hindi na rin napigilan ni Allien Grace ang sumabad sa usapan mg hipag at asawa."Iyakin ko, kahit nama

  • MR SEA-MANLOLOKO    PROLOGUE

    "PASOK ka na, anak. Malamig na ang simoy ng hangin. Masama iyan sa inyo ni baby."Sa kaniya nakatira ang Yaya nila ng kambal niyang si Marc Joseph. Labis-labis naman niya itong ikinatuwa. Dahil isa siyang modelo at kung saan-saan napapadpad."Sige, Yaya. Mamaya kaunti ay papasok na rin ako. Pakikuha na lang po ang jacket ko."Subalit imbes na sundin siya ay naupo ito sa kaniyang tabi saka hinaplos-haplos ang kaniyang may kalakihang tiyan."Anak, huwag mo sanang masamain. Ngunit bakit kasi ayaw mong ipaalam sa iyong mga magulang ang kalagayan mo? Kay Tristan? Siya ang ama ng nasa iyong sinapupunan kayat may karapatan siyang malaman. Tama, mas bata siya sa iyo ng ilang taon ngunit alalahanin mong may amnesya siya noong nagkakilala kayong dalawa. Hindi sa lahat ng oras ay maililihim mo iyan sa lahay lalo na ang mga magulang mo."Sa tinuran ng kaniyang Yaya ay napahinga siya ng malalim. Dahil lahat ng sinabi nito ay pawang katotohanan. At isa pa ay hindi ito magsasalita kung kalokohan lam

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status