Share

Chapter 26.1

last update Huling Na-update: 2025-01-10 20:11:55

TUMITIG SI TRISTAN SA kanyang mga mata. “Bakit naman ayaw mong malaman niya?” seryosong tanong nito sa kaniya.

Napalunok naman si Olivia at sinadyang hindi tumingin sa mga mata nito. “Syempre, unang-una dahil siya ang nobya mo at ako, wala lang naman ako…” sabi niya at pagkatapos ay naglakad palapit dito at inayos ang kwelyo ng damit nito. Ang kanyang mukha ay napaka-seryoso maging ang tinig niya. “Kahit na gaano pa kaganda ang relasyon natin ngayon ay darating at darating pa rin ang araw na pakakasalan mo siya at bubuo kayo ng sarili ninyong pamilya.” mahinang sabi niya.

Napalunok siya kung saan pakiramdam niya ay para bang may kung anong bumara sa lalamunan niya pagkatapos niyang sabihin iyon ngunit sa kabila nun ay pinilit niya pa ring makapagsalita. “Hindi ba at mas maganda kung hayaan mo na lang akong umalis ng tahimik nang hindi niya nalalaman ang tungkol sa ating dalawa?”

Nang marinig ito ni Tristan ay agad na nagdilim ang kanyang mga mata at nagtagis ang mga bagang niya. “Lagi
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Anne Batralo
bkit po nwala n po ulit ang update dto
goodnovel comment avatar
Psalms Faith
bakit nawala na put
goodnovel comment avatar
Gloria Gina Diaz Calanog
hahaha,,loko ka din ano kent??
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS TO WIN ME BACK   Chapter 26.5

    DAHIL NGA iyon na ang huling eksena ni Olivia ay dumiretso na siya sa kanyang tinutuluyan para magpalit ng kanyang damit. Naligo na rin siya pagkatapos ay nagbihis. Nang lumabas siya sa sala ay nakita niya doon si Ate Mia na nakaupo sa sofa ngunit nang makita siya nitong lumabas mula sa kanyang silid ay dali-dali itong tumayo para lumapit sa kaniya.Umupo ito sa harap niya na ikinataas niya ng kilay ngunit hinawakan lang nito ang kanyang bukong-bukong. Dahil dito ay niyuko niya rin ito at nakita niya na namamaga pala ito. “Huwag kang gumalaw…” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay inakay siya nito patungo sa may sofa at pinaupo.Iniunat ni ate Mia ang kamay nito at bahagyang pinindot ito at hindi niya napigilang mapasigaw sa sakit. “Ah masakit ate Mia! Huwag! Tama na tama na…” napapakagat-labi na pakiusap niya rito.Napabuntong hininga naman ito. “Mukhang masakit talaga dahil parang ngayon lang kita nakita na nag-uumiyak dahil sa sakit.” sabi nito.Hindi naman siya nakapagsalita kaagad

  • MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS TO WIN ME BACK   Chapter 26.4

    “Anong ginagawa mo sa tingin mo ha Olivia?!” bulalas ni Kyra at hindi na niya napigilan pa. “Tirik na tirik ang araw at napakarami pang tao ang nanonood pagkatapos ay ganyan ang ginagawa mo? Ang lakas din naman ng loob mo, hindi ka ba nahihiya?” sunod-sunod na tanong niya rito. Wala na siyang pakialam pa dahil ang tanging alam niya lang ng mga oras na iyon ay galit siya. Hindi lang basta galit kundi galit na galit.Ilang sandali pa nga ay narinig na niya ang tinig ni Humphrey. Ito na ang unang sumagot dahil hindi pa rin makapagsalita si Olivia marahil sa matinding gulat. “Mali ang pagkakaintindi mo.” sabi nito. “Muntik nang mahulog si Olivia dito sa hagdan at tinulungan ko lang siya. Mali ang iniisip mo.” dagdag pa nito.Dahil dito ay mabilis naman na lumayo na si Olivia mula kay Humphrey. “Salamat.” sabi niya rito at pagkatapos ay tiningnan si Kyra. “pasensya na sa gulo.” dagdag pa niya at pagkatapos ay hinawakan niya na ang kanyang palda para hindi na niya ito matapakan pa. Tumaliko

  • MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS TO WIN ME BACK   Chapter 26.3

    PAGKATAPOS NILANG MAGNIIG ay parehong nakahiga sa kama sina Kyra at Humphrey. Ilang sandali pa ay nagsalita si Kyra at mahinahong binalaan siya. “Humphrey, binabalaan kita. Kapag niloko mo ako ay sinisiguro ko sayo na kaya kong sirain ka sa lahat.”Ngumiti lang naman si Humphrey at nilingon siya. “My god Kyra, sa tingin mo ba ay gagawin ko iyon? Napaganda mo para pakawalan ko pa kaya sinisiguro ko rin sayo na hindi na ako maglalakas loob pa na maghanap ng ibang babae.” sabi niya rito.“Mabuti naman.” sabi nito at pagkatapos ay isiniksik nito ang sarili sa kaniya kaya niyakap niya na lang ito. Pagkalipas lang ng ilang minuto ay tuluyan na ngang nakatulog ito habang nakayakap sa kaniya. Bahagya siyang lumayo rito at sumandal sa kama pagkatapos ay inabot ang isang kaha ng sigarilyo at naglabas ng isa para sindihan.Napuno ng usok ang loob ng silid at nang lingunin niya si Kyra na nakahiga sa tabi niya ay biglang naging malamig ang kanyang tingin dito. Binantaan siya nito na kapag niloko

  • MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS TO WIN ME BACK   Chapter 26.2

    PAGDATING NI OLIVIA sa lugar kung saan sila nag-shoshoot ay nakasalubong niya sa koridor si Humphrey. Dahil dito ay agad siyang nagpasya na liliko na lang bago pa man sila tuluyang magkasalubong na dalawa dahil sa totoo lang ay iwas na iwas siya rito at ayaw niya itong makasalamuha sa totoo lang.Dali-dali siyang tumalikod ngunit dahil sa ginawa niya ay mabilis din namang gumalaw ito at hinabol siya. Hindi nga nagtagal ay naabutan siya nito. “Olivia, nakabalik ka na rin sa wakas.” sabi nito sa kaniya.Sumimangot na lang siya bigla. “Ano bang sinasabi mo?” patay malisya niyang tanong dito at walang ganang hinarap ito. Pinagtyagaan na lamang niyang tingnan ang mukha nito kahit na sa totoo lang ay inis na inis na siya.“Huwag mo ng itago sa akin ang totoo. Narinig ko na umalis ka para sa isang bagay. Ano kamusta ang lahat? Tapos na ba? Naayos mo na ba ang inaayos mo o baka kailangan mo ng tulong, handa akong tulungan ka.” tuloy-tuloy na sabi nito sa kaniya.Blangko niyang tiningnan ito a

  • MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS TO WIN ME BACK   Chapter 26.1

    TUMITIG SI TRISTAN SA kanyang mga mata. “Bakit naman ayaw mong malaman niya?” seryosong tanong nito sa kaniya.Napalunok naman si Olivia at sinadyang hindi tumingin sa mga mata nito. “Syempre, unang-una dahil siya ang nobya mo at ako, wala lang naman ako…” sabi niya at pagkatapos ay naglakad palapit dito at inayos ang kwelyo ng damit nito. Ang kanyang mukha ay napaka-seryoso maging ang tinig niya. “Kahit na gaano pa kaganda ang relasyon natin ngayon ay darating at darating pa rin ang araw na pakakasalan mo siya at bubuo kayo ng sarili ninyong pamilya.” mahinang sabi niya.Napalunok siya kung saan pakiramdam niya ay para bang may kung anong bumara sa lalamunan niya pagkatapos niyang sabihin iyon ngunit sa kabila nun ay pinilit niya pa ring makapagsalita. “Hindi ba at mas maganda kung hayaan mo na lang akong umalis ng tahimik nang hindi niya nalalaman ang tungkol sa ating dalawa?”Nang marinig ito ni Tristan ay agad na nagdilim ang kanyang mga mata at nagtagis ang mga bagang niya. “Lagi

  • MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS TO WIN ME BACK   Chapter 25.5

    DAHIL DOON AY HINDI na nag-aksaya pa ng oras si Olivia para yakapin si Tristan. “Kahit na hindi ko pa nakikita ang ate mo ng sarili kong mga mata, mula sa kwento mo ay alam ko na kaagad na mahal na mahal ka nga niya bilang kapatid niya.” masuyong sabi niya rito. “Naiintindihan ko kung bakit ganun na lang ang nararamdaman mo sa ate mo lalo pa at ikaw na rin mismo ang nagsabi na siya na ang halos tumayong ina sayo.” Hinaplos niya ng bahagya ang likod nito. “Alam kong walang imposible kaya magtiwala ka lang. Maniwala ka na magkaroon ng himala at magtiwala sa magagawa ng Diyos dahil sa Kaniya ay walang imposible.” sabi niya rito.Naramdaman naman niya ang pagtango nito sa kaniya. “Salamat dahil nandito ka sa mga oras na ito.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay biglang humiga ito sa kandungan niya. Ilang sandali pa ay hinaplos niya ang pisngi nito gamit ang kanyang daliri.“Matulog ka muna.” sabi niya rito.“Baka pag nagising ako ay wala kana rito paggising ko.” sabi nito sa kaniya.Umi

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status