BOOK #2 :OLIVIA and TRISTAN STORY Akala ni Olivia ay perpekto ang relasyon nila ni Tristan, pero akala lang pala niya. Sa gitna ng kanyang kasikatan, bigla itong nagpakalat ng malaswa niyang larawan sa internet na naging dahilan ng pagbagsak ng kanyang karera sa ngalan ng pagsunod nito sa ina nito upang magpakasal sa iba. Nagpakalayo-layo siya, ngunit hinanap siya ni Tristan hanggang sa matagpuan siya nito ilang taon pagkatapos niyang mawala. --- "Olivia, pwede bang kalimutan na natin ang nangyari? Ilang taon na ang nakalipas." Tumaas ang sulok ng kaniyang labinat ngumiti. "Kalimutan? Kahit na mamatay ako, hinding-hindi kita patatawarin tandaan mo yan." Magagawa kayang palambutin muli ni Tristan ang naging batong puso ni Olivia?
View More“Via, I’m sorry pero… kinancel na ang lahat ng endorsement at kontrata mo. Pinagbabayad ka rin ng danyos dahil sa kumalat na malaswang picture mo.” sabi ni Ate Mia kay Olivia. Iyon ang itinawag nito sa kaniya sa kalagitnaan ng gabi.
Napangiti siya ng mapait. “Walang problema ate, babayaran ko ang mga iyon at…” tumigil siya, humugot ng malalim na hininga. “Aalis na ako sa industriya.” sabi niya bago tuluyang patayin ang cellphone. Sa araw na iyon ay nawala sa kaniya ang lahat, ang kasikatan niya, mga project at maging ang lalaking mahal niya. Unti-unting nag-init ang mga sulok ng kanyang mga mata, hindi niya akalain na sa daming gagawa ng bagay na iyon sa kaniya ay mismong pang si Tristan pa. Sobrang sakit para sa kaniya na tanggapin iyon dahil pakiramdam niya ay pinaglaruan lamang siya nito ng matagal. Kung kailan niya ito minahal ay tyaka naman nito iyon ginawa sa kaniya. Sinira siya nito sa lahat at maging ang kanyang karera. Napapikit si Olivia nang maalala niya ang sandaling iyon ilang taon na rin ang nakakaraan. Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang kanyang cellphone at nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay si Annie iyon. “Via, okay ka lang ba? Kamusta ka?” iyon agad ang bungad nito sa kaniya. Sa totoo lang ay kaninang umaga pa siya nito tinatawagan ngunit hindi niya ito sinagot. Gusto niya kasing mapag-isa at mag-isip isip. Walang narinig si Annie mula sa kabilang linya ngunit nagpapasalamat pa rin siya dahil sinagot ni Via kahit papano ang tawag niya. Kanina pa siya alalang-alala rito. Medyo nag-aalangan siyang magsalita. “Ayos lang ako Annie.” sagot nito sa kaniya at pilit na pinapasigla ang boses, ngunit sa kabila nun alam niya na sobrang stress ito. “Via, may balita ako tungkol kay Tristan. Gusto mo bang marinig ang tungkol rito?” tanong ni Annie sa kaniya. Sa totoo lang ay halos isang buwan na silang hindi nag-uusap ni Tristan at nagulat na lamang siya kaninang umaga nang kumalat iyon. Kaya pala ito hindi nagpaparamdam sa kaniya ay dahil may binabalak na pala ito. Gumuhit ang isang ngiti sa mga labi ni Via. “Wala na siyang kinalaman pa sa akin kaya ayoko nang makibalita pa sa kaniya.” malamig na tugon niya rito at ang kanyang mukha ay punong-puno ng pagkadisgusto dahil sa ginawa nito. Samantala, dahil nga halos buong buhay na ni Annie ang pagkakaibigan nila ni Olivia ay alam niya na kahit na papano ay gusto pa rin nitong makibalita ng tungkol kay Tristan kaya hindi na siya nag-atubili pa at ibinuka niya ang kanyang bibig upang sabihin rito ang nalalaman niya. “Sinabi sa kain ni Lucas na ang kanilang pamilya ay may ipinakilalang babae sa kaniya isang buwan na ang nakakaraan at mukhang nagkakaayos na ang dalawang pamilya.” sabi ni Annie rito ngunit hindi niya sinabi o ni binanggit ang salitang kasal dahil alam niya na kapag narinig nito iyon ay sobra itong masasaktan. Patuloy na ngumiti si Olivia ngunit ang ngiti niya ay hindi man lang umabot sa kanyang mga mata. “Mabuti iyon para sa kanilang pamilya. Mukha namang iyon ang gusto ng Mommy niya.” sagot niya rito at pagkatapos ay nagpatuloy. “Annie dahil sa sinabi mo ay pakiramdam ko tuloy ay gusto ko na lang biglang magpakasal at maghanap na rin ng mapapangasawa.” dagdag niya. Bigla namang natakot si Annie nang marinig niya ang sinabi nito dahil pakiramdam niya ay kasalanan siya dahil sa sinabi niya kung bakit nito nasabi iyon. Dali-dali siyang nagsalita upang hikayatin ito. “Via, ano ka ba huwag kang maging padalos-dalos. I mean hindi mo dapat sayangin ang buhay mo dahil lang sa kaniya at sa ginawa niya dahil alam mo sa sarili mo na hindi mo iyon deserve. Tinututulan kita sa sinabi mong iyan pero kapag dumating yung araw ba tuluyan mo nang makilala ang lalaking mamahalin mo sa hinaharap ay dalawang kamay ko pa ang itataas ko sa pagsang-ayon.” sabi niya rito. Napabuntung-hininga si Olivia. “Huwag kang mag-alala, kapag nakilala ko si Mr. Right ko ay una ko siyang ipakikilala sayo.” sagot niya rito at pilit na pinasigla ang kanyang tinig. Pilit siyang ngumiti kahit na nang mga oras na iyon ay halos tumulo na ang kanyang luha. “Joke lang yung sinabi ko no. hindi ako gagawa ng kalokohan, isa pa ay ang pag-aasawa ay isang bagay na hindi mo na pwedeng bawiin kapag ayaw mo na kaya pag-iisipan ko iyong mabuti.” dagdag pa niyang sabi rito. “Via, balita ko nga ay hinahanap ka niya.” sabi ni Annie rito dahil narinig niya kay Lucas na hinahanap daw siya nito. “Bakit pa niya ako hahanapin? Isa pa kung magkukrus man muli ang landas namin sa hinaharap ay magpapasalamat ako sa kaniya dahil sa ginawa niya ay namulat ako sa katotohan na nag-aabang sa akin.” sagot niya rito. Samantala, kalaunan ay hindi na halos kaya pa ni Annie na makipagkwentuhan kay Olivia dahil alam niya na nasasaktan pa rin ito. Mabilis siyang nagpaalam na rito at ilang beses siyang humugot ng malalim na hininga hanggang sa kumalma ang nararamdaman niya. Alam niya na sobrang hirap ng pinagdaanan ni Via. agad niyang kinuha kay Lucas ang number ni Tristan at hindi na siya nakapaghintay pa ng umaga para tawagan ito. Agad niya itong tinawagan. “Ako ito, Tristan.” sabi niya kaagad nang sagutin nito ang tawag niya. “Annie?” tanong nito mula sa kabilang linya. “May problema ba?” “May gusto lang sana akong itanong sayo, talaga bang pakakasalan mo ang babaeng iyon?” tanong kaagad ni Annie rito. “Oo.” mabilis na sagot nito sa kaniya at nang marinig ito ni Annie ay halos manginig siya sa labis na galit. Bago niya ito tawagan ay mayroon pa siyang kaunting pag-asa sa puso niya na mali lang ang nabalitaan niya kasi halos nasaksihan niya naman kung gaano ka-sweet ang mga ito kapag magkasama sila, idagdag pa na kitang-kita niya naman sa mga kilos ni Tristan na mahal nga talaga niya si Via. gayunpaman, ang sagot nito sa kaniya ang nagpabagsak ng tuluyan sa pag-asa niya. Napaka-walang hiya talaga nito. “Salamat sa pagpapalaya kay Via dahil alam ko na hinding-hindi ka talaga niya deserve.” sabi niya at pagkatapos niya lang sabihin iyon ay tuluyan na niyang pinatay ang tawag. Samantala sa kabilang banda, napakuyom naman ang kamay ni Tristan at napasuntok sa mesa. Alam niya na sobrang mali ang ginawa niya ngunit wala siyang magawa. Wala. ilang taon na rin ang lumipas at pilit niya itong hinahanap ngunit parang naglaho ito na parang isang bula.DAHIL NGA iyon na ang huling eksena ni Olivia ay dumiretso na siya sa kanyang tinutuluyan para magpalit ng kanyang damit. Naligo na rin siya pagkatapos ay nagbihis. Nang lumabas siya sa sala ay nakita niya doon si Ate Mia na nakaupo sa sofa ngunit nang makita siya nitong lumabas mula sa kanyang silid ay dali-dali itong tumayo para lumapit sa kaniya.Umupo ito sa harap niya na ikinataas niya ng kilay ngunit hinawakan lang nito ang kanyang bukong-bukong. Dahil dito ay niyuko niya rin ito at nakita niya na namamaga pala ito. “Huwag kang gumalaw…” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay inakay siya nito patungo sa may sofa at pinaupo.Iniunat ni ate Mia ang kamay nito at bahagyang pinindot ito at hindi niya napigilang mapasigaw sa sakit. “Ah masakit ate Mia! Huwag! Tama na tama na…” napapakagat-labi na pakiusap niya rito.Napabuntong hininga naman ito. “Mukhang masakit talaga dahil parang ngayon lang kita nakita na nag-uumiyak dahil sa sakit.” sabi nito.Hindi naman siya nakapagsalita kaagad
“Anong ginagawa mo sa tingin mo ha Olivia?!” bulalas ni Kyra at hindi na niya napigilan pa. “Tirik na tirik ang araw at napakarami pang tao ang nanonood pagkatapos ay ganyan ang ginagawa mo? Ang lakas din naman ng loob mo, hindi ka ba nahihiya?” sunod-sunod na tanong niya rito. Wala na siyang pakialam pa dahil ang tanging alam niya lang ng mga oras na iyon ay galit siya. Hindi lang basta galit kundi galit na galit.Ilang sandali pa nga ay narinig na niya ang tinig ni Humphrey. Ito na ang unang sumagot dahil hindi pa rin makapagsalita si Olivia marahil sa matinding gulat. “Mali ang pagkakaintindi mo.” sabi nito. “Muntik nang mahulog si Olivia dito sa hagdan at tinulungan ko lang siya. Mali ang iniisip mo.” dagdag pa nito.Dahil dito ay mabilis naman na lumayo na si Olivia mula kay Humphrey. “Salamat.” sabi niya rito at pagkatapos ay tiningnan si Kyra. “pasensya na sa gulo.” dagdag pa niya at pagkatapos ay hinawakan niya na ang kanyang palda para hindi na niya ito matapakan pa. Tumaliko
PAGKATAPOS NILANG MAGNIIG ay parehong nakahiga sa kama sina Kyra at Humphrey. Ilang sandali pa ay nagsalita si Kyra at mahinahong binalaan siya. “Humphrey, binabalaan kita. Kapag niloko mo ako ay sinisiguro ko sayo na kaya kong sirain ka sa lahat.”Ngumiti lang naman si Humphrey at nilingon siya. “My god Kyra, sa tingin mo ba ay gagawin ko iyon? Napaganda mo para pakawalan ko pa kaya sinisiguro ko rin sayo na hindi na ako maglalakas loob pa na maghanap ng ibang babae.” sabi niya rito.“Mabuti naman.” sabi nito at pagkatapos ay isiniksik nito ang sarili sa kaniya kaya niyakap niya na lang ito. Pagkalipas lang ng ilang minuto ay tuluyan na ngang nakatulog ito habang nakayakap sa kaniya. Bahagya siyang lumayo rito at sumandal sa kama pagkatapos ay inabot ang isang kaha ng sigarilyo at naglabas ng isa para sindihan.Napuno ng usok ang loob ng silid at nang lingunin niya si Kyra na nakahiga sa tabi niya ay biglang naging malamig ang kanyang tingin dito. Binantaan siya nito na kapag niloko
PAGDATING NI OLIVIA sa lugar kung saan sila nag-shoshoot ay nakasalubong niya sa koridor si Humphrey. Dahil dito ay agad siyang nagpasya na liliko na lang bago pa man sila tuluyang magkasalubong na dalawa dahil sa totoo lang ay iwas na iwas siya rito at ayaw niya itong makasalamuha sa totoo lang.Dali-dali siyang tumalikod ngunit dahil sa ginawa niya ay mabilis din namang gumalaw ito at hinabol siya. Hindi nga nagtagal ay naabutan siya nito. “Olivia, nakabalik ka na rin sa wakas.” sabi nito sa kaniya.Sumimangot na lang siya bigla. “Ano bang sinasabi mo?” patay malisya niyang tanong dito at walang ganang hinarap ito. Pinagtyagaan na lamang niyang tingnan ang mukha nito kahit na sa totoo lang ay inis na inis na siya.“Huwag mo ng itago sa akin ang totoo. Narinig ko na umalis ka para sa isang bagay. Ano kamusta ang lahat? Tapos na ba? Naayos mo na ba ang inaayos mo o baka kailangan mo ng tulong, handa akong tulungan ka.” tuloy-tuloy na sabi nito sa kaniya.Blangko niyang tiningnan ito a
TUMITIG SI TRISTAN SA kanyang mga mata. “Bakit naman ayaw mong malaman niya?” seryosong tanong nito sa kaniya.Napalunok naman si Olivia at sinadyang hindi tumingin sa mga mata nito. “Syempre, unang-una dahil siya ang nobya mo at ako, wala lang naman ako…” sabi niya at pagkatapos ay naglakad palapit dito at inayos ang kwelyo ng damit nito. Ang kanyang mukha ay napaka-seryoso maging ang tinig niya. “Kahit na gaano pa kaganda ang relasyon natin ngayon ay darating at darating pa rin ang araw na pakakasalan mo siya at bubuo kayo ng sarili ninyong pamilya.” mahinang sabi niya.Napalunok siya kung saan pakiramdam niya ay para bang may kung anong bumara sa lalamunan niya pagkatapos niyang sabihin iyon ngunit sa kabila nun ay pinilit niya pa ring makapagsalita. “Hindi ba at mas maganda kung hayaan mo na lang akong umalis ng tahimik nang hindi niya nalalaman ang tungkol sa ating dalawa?”Nang marinig ito ni Tristan ay agad na nagdilim ang kanyang mga mata at nagtagis ang mga bagang niya. “Lagi
DAHIL DOON AY HINDI na nag-aksaya pa ng oras si Olivia para yakapin si Tristan. “Kahit na hindi ko pa nakikita ang ate mo ng sarili kong mga mata, mula sa kwento mo ay alam ko na kaagad na mahal na mahal ka nga niya bilang kapatid niya.” masuyong sabi niya rito. “Naiintindihan ko kung bakit ganun na lang ang nararamdaman mo sa ate mo lalo pa at ikaw na rin mismo ang nagsabi na siya na ang halos tumayong ina sayo.” Hinaplos niya ng bahagya ang likod nito. “Alam kong walang imposible kaya magtiwala ka lang. Maniwala ka na magkaroon ng himala at magtiwala sa magagawa ng Diyos dahil sa Kaniya ay walang imposible.” sabi niya rito.Naramdaman naman niya ang pagtango nito sa kaniya. “Salamat dahil nandito ka sa mga oras na ito.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay biglang humiga ito sa kandungan niya. Ilang sandali pa ay hinaplos niya ang pisngi nito gamit ang kanyang daliri.“Matulog ka muna.” sabi niya rito.“Baka pag nagising ako ay wala kana rito paggising ko.” sabi nito sa kaniya.Umi
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments