Share

Chapter 2. Five Hundred Copies

-Amunet’s Point of View-

Nagbibiro lang siya hindi ba? I’m hired? Teka, ako talaga ang napili niya? Seryoso ba siya? Bumuka ang bibig ko upang tutulan ang kanyang pasya ngunit wala akong nai-usal nang pindutin niya ang intercom at pinapasok ng opisina niya ang sekretarya. 

“Faith…”

“Sir?”

“Ikaw na ang bahala kay…” Muli niyang binasa ang pangalan ko sa application. “Miss Telen,” dugtong niya. Umawang ang labi ko. Seryoso ba siya? Talagang paninindigan niya ang drama niyang ito?

“Understood, sir.” Hinawakan ng secretary niya ang balikat ko. “Miss Telen, this way please.” Gusto kong magwala dahil sa nangyayari. Oh, my gosh! Masisiraan yata ako ng bait dahil sa lalaking nasa harap ko.

“Miss Telen?” pukaw ng sekretary ni Austine.

“Ah-yes! I’m sorry.” Nilingon ko si Austine. Nasa phone na nito ang atensyon. Bwesit na lalaki! Ito pala ang gusto niyang laro? Sige lang, ibibigay ko sa kanya ang gusto niya. Simula sa araw na ito, hindi ko na rin siya kilala. Tignan na lang natin!

Tumayo na ako at sumunod kay Miss Faith. Lumabas kami ng opisina ni Austine at nagtungo sa HR upang asikasuhin ang pagpasok ko bilang bagong sekretary ng CEO. Pagkatapos ay bumalik kami ng opisina ni Austine ngunit hanggang doon lang kami sa table ni Miss Faith, may mga ibinigay siya sa aking files at sinabing basahin ko raw bago ako pumasok bukas ng 8am. Ay s’ya? Bukas na agad ako papasok? Pero syempre, hindi ko sinatinig ang reklamo ko. Marami pang sinabi si Miss Faith pero lahat ng iyon ay walang pumasok sa isip ko. Bwesit kasi, hindi ko pa rin magawang i-digest ang balitang, boss ko ang dati kong kasintahan. Kapag ang tadhana nga naman ang naglaro!

Dumaan muna ako ng supermarket pag-alis ko ng kompanya ni Austine. Syempre, mamimili akong groceries and stuffs para may makain at magamit kami ng anak ko sa isang linggo. Hindi naman kami ganun ka gipit since may ipon naman ako at meron din pinamanang savings sa akin si nanay. Actually, hindi ko pa nababawasan ang savings ni nanay sa banko, at wala rin naman akong balak na galawin. Inilalaan ko iyon for emergency.

Pagkatapos mamili ay umuwi agad ako ng apartment namin ni Rita, ang nakababatang kapatid ng bestfriend kong si Rick. Share kami ni Rita sa upa ng bahay, at malaki ang nasi-save namin pareho. Katulad ko, gusto ni Rita na magkaroon ng bagong buhay sa syudad, kaya kasama ko siyang umalis ng probisya at hanggang ngayon ay magkasama pa rin kami.  

“Bakit para kang nalugi? Mukha ba iyan ng taong natanggap sa trabaho?” Hinila niya ang plastic na silya at naupo. “Pinatulog ko na ang anak mo, akala ko kasi gagabihin ka.”

“Salamat, Rita. Ipapahinga ko lang ang paa ko pagkatapos ay maghahanda na ako ng hapunan para naman makakain ka bago pumasok ng trabaho,” sabi ko at naupo rin sa plastic na silya, chip-in rin kami nang bilhin ang plastic dinning set na ito.

“Nagsa-ing na ako, ulam na lang ang kulang.” Tumango ako. “Hindi mo pa sinabi sa akin bakit ganyan ang mukha mo. Natanggap ka hindi ba?”

“Oo, pero sana hindi na lang.”

Nagtaka siya. “At bakit naman? Ang ganda kaya ng posisyon. Tska, balita ko malaki ang sahod ng pagiging sekretarya. Swerte mo talaga sa trabaho.”

“Minalas kamo ako ngayon, sa lahat ba naman kasi ng pwede kong maging boss ay ang ex-boyfriend ko pa. Dapat pala umatras na lang ako bago nagsimula ang final interview.” Sumimangot ako. Ano na ang gagawin ko? Hindi na ako pwedeng umurong ngayon. May pinirmahan na akong kontrata.

“Ex-boyfriend? Teka, isa lang naman ang naging kasintahan mo. H’wag mong sabihing ang tatay ni Auset ang tinutukoy mo?”

“Sino pa ba? Ikaw na mismo ang nagsabi, isa lang ang naging nobyo ko at ngayon ay magiging boss ko pa!”

“Holly mother of pearls! ‘Di kaya sign na ito para bigyan niyo ng second chance ang pag-iibigan niyo? Malay niyo this time mag-work na,” excited at eksaheradong sabi ni Rita.

Napasimangot ako. “H’wag ka ngang magpadala sa bugso ng damdamin mo, nakalimutan mo na ba ang rason kung bakit niya kami iniwan ni Auset? Hindi niya ako totoong minahal, Rita, pinaglaruan niya lamang ang damdamin ko, ‘wag mo ring kalimutan ang nabalitaan natin noon, nag-asawa na siya at may sarili nang pamilya.”

“Ay, oo nga pala… Kalat na kalat iyon sa probinsya at ‘di ko makakalimutan kung paanong pinagtawanan ka ng mga inggitera sa ‘tin. Akala naman nila sila ang pinakasalan ni Austine, psh! Sayang boto pa naman ako noon sa inyong dalawa, puro pagpapanggap lang pala ang lahat para sa kanya.” Inabot ni Rita ang kamay ko. “So, ano na ngayon ang plano mo?”

“Sa totoo lang gusto kong umatras, pero kapag ginawa ko iyon ako ang talo. Trabaho ang dahilan kaya ako nag-apply sa kompanya nila, at dahil natanggap ako, siguro pipilitin ko na lang ang sarili ko na h’wag masyado magpa-apekto sa lalaking iyon.” Gusto ko pa sanang sabihin kay Rita na mukhang hindi rin naman ako nakilala pero sinarili ko na lang, baka kasi pilitin niya akong ‘wag nang tumuloy at mag-MIA na lang.

Nagluto ako ng ulam para sa haponan pagkatapos naming mag-usap ni Rita, siya naman ay naligo at naghanda na sa kanyang trabaho. Sa call center nagtatrabaho si Rita, sinadya niya talagang maging nocturnal para salitan kami sa pagsama kay Auset sa bahay, pero dahil kailangan rin niyang matulog sa umaga kumuha kami ng tagabantay kay Auset sa umaga at sa hapon naman ay si Rita na ang toka sa anak ko. Sinabi ko sa kanya na gawin na lang 8 hours ang duty ni nanny ni Auset pero hindi naman niya iyon sinangayunan. Kaya naman daw niyang batayan si Auset mula tangghali hanggang uwuian ko ng hapon.

Dahil may kamahalan ang bilihin sa labas kumakain muna si Rita bago pumasok, minsan ay nagbabaon rin siya ng pagkain niya sa madaling araw. Sa naman nagigising si Auset kapag tuluyan nang kinain ng dilim ang haring araw. Syempre, pagkatapos kumain ng anak ko ay naglalaro muna kami, manunuod ng TV at kung nasa mood naman siya ay tutulungan ko siyang magbasa at magsulat, pagkatapos ay maglilinis ng katawan at magtutulog na. Ganun lang palagi ang routine namin, at kinabukasan ay maghahanda akong pumasok sa trabaho, si Auset naman ay maghahanda para pumasok ng school. Doon lang naman siya sa kanto ng subdivision pumapasok, may center doon at kinder garten school, at after 2 hours ay susunduin siya ng kanyang nanny at ito ang maghahatid sa kanya sa bahay. Pakakainin nito si Auset ng lunch at siya namang gising ni Rita ng ganyang mga oras.

Maaga akong dumating ng opisina, magiging proud na sana ako sa sarili ko pero mas maaga palang dumating ng kompanya ang boss ko. Agad niya akong pinatawag sa opisina at inutusang ipagtimpla siya ng kape na ginawa ko naman. Gusto ko pa sanang duraan ang kape niya mabuti na lang at nakita kong may CCTV sa pantry.

“Miss Telen,” tawag niya kaya hinarap ko siyang muli.

“Yes, sir?”

“May pinaasikaso ako kay Faith, ikaw na ang gumawa ng mga ito.” Nilapag niya sa ibabaw ng mesa ang isang makapag na file. “Mag-photo-copy ka ng tig 100 pieces ng bawat pages, make it back-to-back.” Nanlaki ang mata ko.

“Lahat ito, sir?”

“Yes! Ah, gawin mo na palang 200 copies per pages.” Umawang ang labi ko. At talagang dinagdagan pa! Ang kapal kaya ng hawak ko, tapos tig 200 copies kada piraso? Jusko! Pasko na yata ako matatapos nito.

“May problema ba Miss Telen?”

Sunod-sunod akong umiling. “Wala naman po.” Ngumiti ako at aalis na sana sa harap niya nang magsalita siyang muli. 

“Ah! Make it 500 copies per pages.” Napahinto ako. Mariing pumikit at pilit na pinakakalma ang sarili. Talaga namang! Nananadya yata ang lalaking ito.

Lumingon ako sa kanya. “Okay, sir.” Matamis akong ngumit. “500 copies per pages, right away,” sabi ko pa at lumabas agad ng opisina niya, baka kasi maging 1000 na kapag natagal pa ako. Tang*nang lalaki! May araw din siya sa akin. Ugh!!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status