Share

Chapter 5

PAGOD na sumandal si Miara sa dingding ng kwarto kung saan sila nag-aayos bago umakyat sa naka-aasigned na gawain sa kanila. Wala siyang maayos na tulog dahil na nga rin sa trabaho niyang ito, ngunit mas malala ngayon dahil kapag umuuwi siya kinakailangan niya pa ayusin at sagutan ang mga gawain at proyektong nakatalagang gagawin niya. Finals na kasi nila next week, kaliwa't-kanan tuloy ang mga proyekto at aralin na binibigay ng kanilang mga guro. Idagdag mo pa ang responsibilities niya bilang council president ng kanilang paaralan. Napagdesisyunan kasing mag-second semester ay magkakaroon ng acquaintance party kada department kaya iyon ay inaayos niya kasama ang mga kasamahan niya sa council. 

"Oh, bakit para kang nalantang gulay riyan?"

Napakurap siya at nag-angat ng tingin nang marinig niya ang boses ni Erin. Bumuntonghininga siya dahil alam niyang kapag hindi niya sinagot ang kaibigan hindi siya nito titigilan. 

"Wala, pagod lang kasi marami ang trabaho."

Napailing si Erin. "Lagi ka namang maraming trabaho bakit kasi napakasipag mo."

Ngumiwi siya. "No choice 'e."

Umirap sa hangin ang kaibigan at tumabi sa kanya, sumandal rin ito sa dingding.

"Grabe sama ng araw ko ngayon, kaninang umaga, noong sumabay ako sa bus, marami kami nakasakay kaya't siksikan, ayon tumayo lamang ako hanggang sa dumating sa kabilang bayan. Sumakit tuloy tuhod ko, hindi pa naman ako pinagpahinga ni Boyfie kagabi," mahabang salaysay nito.

Nanlalaki mga mata niya. "Magkasama na naman kayo kagabi? Hoy ikaw Erin 'a. Mabuntis ng maaga sa ginagawa mo."

Umirap ito sa kanya. "Naku, para ka namang hindi adult kung magsalita riyan, hindi mo ba alam ang salitang, family planning? Uso na ngayon ang mga pills, condom at etc. To prevent women to get pregnant, hindi mo alam iyon?"

Napailing siya. "Kahit na, may masamang epekto raw iyon sa huli, lalo na kung gumagamit ka ng pills ng matagal."

"Sa huli pa naman iyon," nakangusong katwiran nito.

Tigas talaga ng ulo ng kaibigan niyang ito. Kaedaran niya lang rin ang babae, same sila ng year pero iba lang course ni Erin sa kanya. Same school rin sila, ngunit paminsan-minsan lang sila nagkikita. 

"Bahala ka, mag-ayos na nga tayo at maka-akyat na ako," aniya mamaya.

"Aysus, excited ka lang kamo makita si Boss-sir-among-tunay mo, tinamaan ka na ba sa kanya, bespren?"

"Tigilan mo nga ako, Erin. Wala sa isip ko mga love life na iyan," seryosong giit niya.

"Sinasabi mo lang iyan kasi hindi ka pa nakakita ng katapat mo o nakakita ka na pero denial stage ka pa lang," napapailing na sabi ng kaibigan niya.

Natahimik siya,baka nga. Nagkakaroon rin naman siya dati ng crush pero hanggang doon lang. Bukon kasi sa pag-aaral ang priority niya'y na truma rin ata siya sa nangyari sa relasyon ng mga magulang niya. Hindi kasi magkasundo ang mga ito lalo na sa pera, lagi nag-aaway at siya lagi ginagawang referee kaya heto siya ngayon, wala gana sa pag-ibig at sa lalaki. 

"Natahimik ka diyan?"

Napakurap-kurap siya at tumingin kay Erin. "Akyat na ako, ikaw rin pumunta ka na sa floor mo, sa susunod na tayo mag-chikahan."

Matagal siya tinitingan ni Erin tapos bumuntonghininga ito at tumango. Walang imik na binitbit naman niya ang kanyang kakailanganin at tinahak na ang daan papunta sa direksyon kung saan papunta sa floor ng opisina ng Boss niya.

***

PINIKIT ni Miara ang mga mata at huminga ng malalim nang marinig niya na naman ang ungol ng babae mula sa opisina ng Boss niya.

"Hay naku, wala talagang absent, walang pahinga ang mga manyak na ito!" mahinang reklamo niya at hindi na sumilip pa.

Pumunta siya sa gilid at dinukot ang earphone sa kanyang bulsa at nilagay sa magkabilang tenga niya. Kinuha rin niya ang kanyang panyo at nilagay sa sahig at umupo roon at sumandal sa dingding. Napagpasyahan niyang maumiglip na lang habang busy pa ang Boss niya sa babae nito. Nilakasan rin niya ang volume ng music na pinapakinggan niya para hindi niya marinig ang malaswang tunog na nagmumula sa dalawa. 

MEANWHILE, magkasalubong ang kilay na inayos ni Dion ang kanyang pantalon at umayos ng tayo. Umatras siya ng akmang hahawakan ng babaeng kasiping niya kanina-kanina lang ang pisngi niya.

"Baby, pwede ba ako matulog dito? Gabi na kasi o hindi kaya hatid mo na lang ako–" 

"You my now go," madiing giit niya at tinalikuran ito.

Narinig niyang nagmura ang babae at narinig rin niya ang malakas na tunog ng takong ng sandal palabas. Hinalamos niya ang dalawang kamay sa kanyang mukha. 

"Fuck! I should stop this," inis na bulong niya. 

Wala din naman kasi maitutulong ang pagbabaling niya sa ibang babae ng pagnanasa niya sa isa nga janitress ng kompanya niya. Napatingin siya sa orasan, late na pero wala pa rin ang babae. 

Huminga siya ng malalim at nagdesisyon tignan ang babae baka nasa labas na ito at hindi lang pumasok. Napangiwi si Dion nang tumambad sa kanyang paningin ang dalagang si Miara na nakaupo sa sahig habang nakasandal sa may pader at nakasuot ito ng ear phones. Nakapikit ang babae at mukhang mahimbing ang tulog nito dahil hindi ito gumagalaw. Mabilis ang hakbang niya para lapitan ang babae. 

"Miara? Miara, wake up!" tawag niya sa atensyon ng dalaga pero hindi ito natitinag.

Napailing siya at maingat na binuhat ito. Mukhang pagod ang babae dahil kahit binuhat niya ito ay hindi man lang ito nagising. Dinig pa nga niya ang mahinang paghilik nito. He smiled, he find it cute, ang paghilik nito. 

"What I'm gonna do to you, my sweet angel," he whispered while staring at the innocent woman's face.

He never felt this kind of attraction before, lalo na sa babae. He never acted this way before na araw-araw iba-iba ang kasiping niya until she meet this girl.

"What did you do to me?" mahinang tanong niya at inalis ang hibla ng buhok ng dalaga sa mukha nito.

Nagulat siya nang hawakan ng babae ang kamay niya at dinala sa may pisngi nito. 

"Hmmmm…huwag ka umalis…"

Kumunot-noo niya sa pinagsasabi ng babae. Humigpit pa ang pagkahawak nito sa kamay niya. Nakaupo siya ngayon sa gilid ng sofa habang nakahiga naman ang babae sa ibabaw nun. Bumuntonghininga siya, at tumingin sa babae na mahimbing ang tulog, hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na pala siya habang nakamasid sa babae. 

Binibining mary ✍️

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status