Share

Chapter 4

MUNTIK nang mapatalon sa gulat si Miara nang bigla na lamang sumulpot sa harapan niya ang kaibigan niyang si Erin. Nakasimangot ito at nakapamewang tila ba meron siyang nagawang kasalanan rito at kung makatingin ito sa kanya tila ba gusto siyang lamunin ng kaibigan.

“HOY, MIARA!” sigaw nito sa mukha niya sa gulat ay napatalon siya.

“AY MIARA!” gulat na bulalas niya sabay hawak sa dibdib. Natawa naman ng mahina si Erin sa naging reaksiyon niya.

“Hindi ko alam na magugulatin ka pala,” natatawang pangsabi nito at tapos pinagmasdan siya. Nanlaki mga mata niya ng hinila siya ng kaibigan at binitbit siya nito patungo sa may gilid kung saan sila lang dalawa.

“Ano ka ba naman, Erin! Ano naman trip mong babae ka?” reklamo niya sabay bawi ng kamay niya rito.

Ginulo nito ang buhok na parang ewan. “Ikaw kasi ‘e!” Tinuro-turo pa siya nito.

“Anong ako? Ano ginagawa ko?”

Pinagkrus nito ang dalawang braso sa dibdib at tinaasan siya ng kilay. “Aba, aba, makalimutin ang ale. Pa-inosente epek pa kunware, naku, huwag ako, day.”

Napakamot siya sa kanyang ulo sa pagkainis sa babae. “Hay, ewan ko sa iyo.” Tinalikuran niya ito pero mabilis siyang pinigilan ng babae.

“Hep, hep, hindi pa tapos Maria Clara—”

“Anong Maria Clara ka diyan! Miara ang pangalan ko, Mi-a-ra,” humahaba ang ngusong giit niya.

“Ah basta, may hindi ka sinasabi sa akin, Maria! Nakakatampo ka na alam mo ba iyon.” Ngumuso ito at pinadyak-padyak ang mga paa sa sahig na parang batang hindi pinagbigyan ang gusto.

Ngumiwi siya, kahit kailan talaga napaka-childish ng babae ito, kung hindi niya lang ito kaibigan kinutusan na niya ito.

“Ano ba kasi iyon? Ano ba kasi ang dahilan ng drama mo?” napipikon na tanong niya.

Umayos ito ng tayo at sumeryoso ang mukha nito. “Bakit hindi mo sinabing sa office ka na pala ni sir naglilinis, ha? Akala ko pa naman magkaibigan tayo, ‘e bakit tila hindi mo ata ako sinasabihan? Ako nga ‘e pati pinaggagawa naming ng boyfriend ko sa kama ‘e sinasabi ko sa iyo para naman may malaman ka—”

“Oo na, oo na, sorry na, nakalimutan ko sabihin, saka nahihiya ako sa iyo, baka kasi sabihin mo nagsisingungaling ako o ‘di kaya mayabang ako—”

“Hoy, day, ano tingin mo sa akin inggitera? Aba’y mahilig lang ako sa TT pero hindi ako mahilig sa inggit-inggit na iyan no.” Pinaikot pa nito ang mga mata.

Natawa siya ng mahina, kahit ano talaga pinag-uusapan nila hindi pa rin nawawala ang kamanyakan na lumalabas sa bibig ng kaibigan ngunit alam niyang kahit ganito ito ka-abnormal at manyakis ay hindi ito plastic at lalong hindi ito maramot.

“Sorry na po, sa susunod sasabihin ko sa iyo kung ano mang bago sa buhay ko—”

“Pati rin ba ang sex life mo?” Ngumisi pa ito.

Napatampal siya sa kanyang noo. “Ikaw talaga kahit kailan napaka—”

“Ganda ko,” nakangiting dugtong nito.

Umirap siya, kailan pa ba siya nanalo sa pakikipagtalo sa kaibigan niyang, hindi niya alam kung kinulang sa bakuna o na overdose.

“Ewan ko sa iyo, tama na muna ang chismis, anong oras na kailangan ko nang umakyat para maglinis baka magalitan pa ako ni sir—”

“Asus, palusot ka pa, sigurado namiss mo lang makita si sir lalo na ang Jumbo hotdog na tt niya,” pilyang hirit nito

Namula naman siya at umiiwas ng tingin, sa limang araw niyang paglilinis sa opisina nito, araw-araw niya ring nasasaksihan ang pakikipagsiping ng boss niyang adik ata sa sex. Iba-ibang babae ang kaaluyaw nito kada gabi, hindi niya alam kung sinasadya ba iyon ng lalaki dahil bakit kada oras pa ng paglilinis niya ito gumagawa ng milagro tila ba pinapakita nito sa kanya kung gaano ito ka-esperto sa larangang iyon. Araw-araw niya rin simpre nakikita ang patutoy nitong kasing laki ng patutoy ng kabayo. Wala siya tuloy tulog kapag umuuwi kasi siya dilat na dilat mga mata niya hanggang umaga dahil hindi umalis sa kanyang isipan ang nakita niyang tagpo ng boss niya at ng mga babae nito. Hanggang sa panginip minsan ‘e nakikita pa rin niya, mababaliw na talaga siya.

“Oh, hindi ka na umiimik diyan, totoo no?” buska ni Erin sa kanya sabay sundot-sundot ng tagiliran niya.

“Hindi no, baka ‘kako ikaw, mahilig sa ganiyan hindi ba?” balik asar niya.

“Denial queen, kala mo ba hindi ko nahahalata ang pagbabago ng kilos mo nitong nakaraang araw, namumula pisngi mo kapag galing ka sa office ni Boss, kapag naman papunta ka ron hindi ka mapakali na animo’y may humuhukay diyan sa tiyan o may sumusundot diyan sa pwet mo. Umamin ka nga may friend, nadale ka na ba ni Boss?”

“Anong nadale ka riyan! Hindi ako papatol sa malanding iyon no! Baka magka HIV pa ako,” masungit na tugon niya.

Tumaas kilay ng kaibigan niya. “Aba’y mukhang may nalalaman kang hindi ko nalalaman ‘a, care to share it with me?”

Bumuntonghininga siya, dahil alam na niya ang ugali ng kaibigan, pinili niyang ikwento rito ang mga nasaksihan niya kasi alam naman niyang hindi siya nito titigilan kung hindi siya magsasalita.

“I see, nakakagulat naman, sa tagal ko rito ‘e, hindi pa ako nakakarinig na babaero ang boss natin. Ang alam ko ‘e mailap siya sa mga babae, may usap-usapan pa nga rati na bakla ito dahil wala itong dinalang babae sa opisina nito,” giit ng kaibigan niya pagkatapos niyang sabihin rito ang lahat except simpre sa pag-flirt ng boss niya sa kanya baka kasi isipin nito napaka-feelingera niya.

Nagkibit-balikat siya. “Ewan ko basta iyon nasasaksihan ko gabi-gabi ‘e, saka ano naman makukuha ko kung magsisinungaling ako sa iyo—”

“EEEEE!! Kung ganun ay halimaw pala si boss sa kama? Ha?”

Nakamot siya sa kanyang ulo. “Ewan, malay ko, wala naman akong experience sa larangang iyan so paano ko naman masasabi na, oo o hindi, ba’t hindi mo silipin kasi ikaw naman marunong at mahilig sa mga ganito—”

“Hoy, Miara! Nagmumukha akong p****k niyan ‘a. Oo nga’t admire ako sa kapogian ni sir at sa jumbo hotdog niya pero loyal ako no, sa isang tt lang dapat ako uungol, at walang iba kundi sa tt ng nobyo ko kahit pa hindi siya kasing bless ni sir, mahal ko naman iyon saka bawi rin naman sa performance, hehehe.”

Napatango na lang siya, hindi man siya makarelate sa pinagsasabi ng babae pero admire naman siya sa pagmamahal nito sa nobyo nitong hindi niya pa nakikita.

“Okay, sabi mo ‘e, paano mauna na ako, mag-alas otso na, baka malate pa ako kapag tumagal pa ako rito at makatikim ako ng—”

“Tt?”

“Loka! Nagsermon,” giit niya habang nanlalaki ang mga mata.

Humikhik lang bruha at walang sabi-sabing tinampal nito ang pwet niya nang dumaan ito sa gilid niya napatili siya sa gulat, buti na lang talaga sila na lang dalawa natira sa silid na iyon kung hindi baka nanliliit na siya ngayon sa hiya sa kapanghasan ng kaibigan.

Huminga siya ng malalim at inayos na ang kakailanganin niya at walang imik na tinahak ang daan patungo sa opisina ng boss niya. Ilang sandali pa ay naglalakad na siya palapit sa opisina ng lalaki, parang gusto niya bumalik ng marinig na niya naman ang pamilyar na ungol.

Naku! Walanghiya talaga, araw-araw na lang, anong klaseng tt meron ba ang hudyong boss niya at bakit araw-araw na lang ‘e kailangan may kasiping ito. Sobra pa ito sa nakalaklak ng isang pack ng Viagra tila kasi hindi lumalambot ang mala tt ng kabayong tt nito.

Binibining Mary

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status