Galit na si bossing Devon🤣
Pagkatapos sabihin iyon, kumaway si Roxanne sa taxi at umalis kasama si Lance, iniwan ang dalawang lalaking nakatayo roon na nagtititigan.Ngumiti si Donovan, "Devon, mauna na ako, hanggang sa muli."Lumamig ang mga mata ni Devon, "Donovan, mukhang wala ka nang masyadong ginagawa sa kumpanya ninyo kaya't kung anu-ano na lang ang pinagkakaabalahan mo.""Kung kaya mo, pabagsakin mo ang kompanya namin. Pero kapag ginawa mo 'yan, siguradong mas maaawa sa akin si Roxanne at lalo ka niyang kamumuhian." Tugon ni Donovan.Nakita niya na dumilim ang mukha ni Devon, lalong lumalim ang ngiti ni Donovan, sabay talikod papunta sa kaniyang sasakyan.Sa mga oras na iyon, sa isang restaurant sa hilagang bahagi ng lungsod na may mas pribadong espasyo.Matamang tinitigan ni Daphne ang lalaki sa harap niya, "Hindi ba't sinabi mong aasikasuhin mo si Roxanne para sa akin? Bakit hanggang ngayon ay ligtas pa rin siya?"Kalma ang lalaki habang humigop ng tsaa, "Daphne, hindi moito mapapadali. Kailangan ko ng
Lumapit sina Roxanne at Donovan, tsaka napansin ang pangit na ekspresyon sa mukha ni Devon.Tinaas ni Roxanne ang kilay, “Devon, matagal ka na bang naghihintay?”Pinilit ni Devon na itago ang pagkainis at ngumiti nang pilit, “Hindi naman masyado, tsaka mauna na kayo sa loob.”Sa sandaling iyon, biglang tumingala si Lance kay Roxanne. “Mommy, gusto kong magwiwi, puwede mo ba akong samahan?”Tumango si Roxanne, “Sige tara.”“O, sasamahan ko muna si Lance sa banyo, mauna na kayo sa loob.” Paalam niya rin sa dalawa.Pagkaalis nina Roxanne at Lance, biglang naging malamig ang mukha ni Devon. “Donovan, kami ng pamilya ko ay pumunta lang dito sa zoo, pero pilit kang nakikialam. Nakakatuwa ba para sa'yo 'yon?”Ngumiti si Donovan, ngunit malamig ang mga mata nito.“Devon, ikaw ba ang may kagagawan ng gulo kamakailan sa kompanya namin?”Walang pag-aatubiling umamin si Devon, “Oo. Kaunting leksyon lang ‘yon para sa'yo, para matuto kang huwag manghimasok sa pamilya naming tatlo.”May halong panun
Tahimik na ibinaba ni Grace ang kanyang mga mata at walang kibong pinaglalaruan ang kanyang mga kuko.Habang tahimik siya, papalapit na kina Grace sina Henry at Lyndsay.Tumingala si Nikko at ngumiti, sabay bati kay Henry, “Henry, hindi ko akalaing magde-date rin kayo ni Lyndsay dito. Kung nalaman ko lang nang mas maaga, sana sabay-sabay na tayo.”Malamig ang tingin ni Henry na dumaan kay Grace na nakayuko, at malamig ang tono ng boses niya, “Medyo mahiyain si Lyndsay. Kapag masyadong maraming tao, baka hindi siya kumportable. May kailangan pa kaming puntahan, mauna na kami.”Pinigilan ni Grace ang pait sa kanyang dibdib. Kahit hindi pa sila ganun katagal nagkakakilala. Mukhang kontento na talaga si Henry sa kanya.Tumango si Nikko. “Sige, see you bro!”Wala nang ibang sinabi si Henry at umalis na kasama si Lyndsay.Muling tumingala si Grace at pinanood ang papalayong likuran ng dalawa palabas ng restawran.Hindi napansin ni Nikko ang lungkot sa mukha ni Grace at masayang nagsalita, “
Kinabukasan ng umaga, nagising si Grace at agad na naghanda. Umupo siya sa harap ng tokador at halos dalawang oras siyang nag-ayos at naglagay ng makeup.Matapos maglagay ng kolorete sa labi, tumingin siya sa salamin at nakita ang isang babaeng maayos ang ayos, ngunit ngumiti siya nang may sarkasmo.Hindi niya inasahan na darating ang araw na kailangan niyang umasa sa ganda para makuha ang atensyon ng iba.Pinilit niyang itaboy ang magulong iniisip sa kanyang isipan, tumayo siya at bumaba ng bahay. Si Helena, ang kanyang ina na nanonood ng TV sa sala, ay napalingon at natulala sa nakita.Ngayong araw, suot ni Grace ang isang bagong green dress na regalo pa ng kanyang tiyahin mula sa France. At sobrang bumagay sa kanyang kutis ang kulay nito at sakto sa kanyang pangangatawan.Ang kanyang mahabang buhok ay nakalugay, habang ang kanyang mukha ay may makeup ay light lang ngunit kaakit-akit.“Grace, hindi naman kita isinama sa blind date ngayon. Bakit ganyan ka kaganda? Lalabas ka ba?” tan
“Dahil ba ako ang nag-ayos ng blind date dito sa race course?”Ngumiti si Grace, ngunit malamig ang tingin sa kaniyang mga mata. “Dahil alam mo na pala, Nikko, bakit mo pa kailangang itanong? May iba pa akong aasikasuhin, kaya hindi na kita istorbohin sa panonood ng laro. Bye.”Pagkasabi noon, tumayo na si Grace at umalis.Pagkarating niya sa may pinto, narinig niya ang boses ni Nikko mula sa likuran, “Miss Grace, aaminin kong naging pabaya ako ngayong araw. Maari ko bang hilingin ang pagkakataong makabawi sa pamamagitan ng isang hapunan?”Huminto si Grace saglit, ngunit hindi na lumingon.“Hindi na kailangan. At sa pagkakaalam ko, magkaibigan kayo ni Henry, hindi ba?”Ngumiti si Nikko at bubuka na sana ng bibig nang biglang bumukas muli ang pintuan ng silid.Pagpasok ni Henry nakita niya ang dalawang tao sa loob, sandali siyang natigilan, saka kumunot ang noo.Bakit nandito si Grace?Tiningnan niya si Nikko na may tanong sa mga mata.“Henry, kilala mo naman siguro si Miss Grace, hind
“Grace, palagi ka na lang may kinaiinisan. Ayaw mo lang talagang makipag-blind date, ‘di ba?”Napangiwi si Grace. “Ayoko talaga ng blind date. Kung hindi mo lang ako pinilit, hindi naman ako pupunta sa ganyan.”Para sa kanya, hindi malaking problema kung hindi siya makapag-asawa. Mas pipiliin pa niyang manatiling mag-isa kaysa sa gumising araw-araw na ang kaharap ay mukhang hindi niya gusto, at mamuhay ng walang kabuluhan.“Nakakagalit ka talaga. Nasa thirties ka na! Kapag tumuntong ka ng kuwarenta at hindi ka pa rin kasal, wala nang may gusto sa’yo! Tumatanda na rin kami ng tatay mo. Paano ka mamumuhay mag-isa kapag wala na kami?!”Sa kabila ng seryosong ekspresyon ng mukha ng ina ni Grace, kalmado lang siyang sumagot, “Mamuhay na lang po tayo ayon sa gusto natin. Ang dami-dami na pong tao ngayon na hindi nag-aasawa at hindi rin nagkakaanak, pero nakakaraos pa rin naman.”Napakagat-labi ang ina niya. “Wala akong pakialam. Kapag inabot mo na ang edad namin, saka mo maiintindihan na gi