Share

CHAPTER 41-MISTRESS

Penulis: Leigh Obrien
last update Terakhir Diperbarui: 2024-07-19 13:03:57
Lumabas si Jameson sa kwarto ng asawa para kausapin si Savannah. Saglit lang silang nag-usap dalawa kaya bumalik siya sa loob para magbantay.

Nanatili din sa loob si Grace na hindi komportable na makita ang pagmumukha ng lalaki na walang hiyang nakikipag-usap sa kabit. "Bakit hindi mo nalang hiwalayan si Roxanne?" Wala sa sariling tanong ni Grace.

"Manahimik ka nga." Tanging tugon ni Jameson na lumabas ulit para manigarilyo.

Ginulungan ito ng mata ni Grace at bumaling sa kaibigan na nagising. "Besh? Kamusta? Hindi ka na ba nahihilo?"

Tumingin sa kanya si Roxanne at ngumiti ng mapait. "Medyo nahihilo ako ng kaunti."

"Pupuntahan ka ni Tita Martha mamayang hapon at magdadala siya ng paborito mong mga kakanin." Balita pa ni Grace na hinahanap ang kanyang pananghalian.

Pagbalik ni Jameson sa loob, nasurpresa siyang makita na nagising ulit si Roxanne. Nilapitan niya ito para kausapin.

"Kamusta ang pakiramdam mo?"

Nakasimangot lang si Roxanne na nakatingin sa kabilang
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 21

    Sa harap ng pagtatanong ni Devon, medyo natawa si Paris. Siya na nga ang sapilitang ginamit noon, pero ngayong nawalan na siya ng alaala, ginagawa pa niya ang sarili bilang biktima?"Sir Devon, sinasabi mo na agad na anak mo si Lance. May ebidensya ka ba?"Ang tono ni Devon ay malamig, "Magkamukha kami halos sa lahat ng aspeto, sapat na iyong ebidensya."Ngumiti si Paris, "Pero sa pagkakaalam ko, hindi ka huhusgahan ng korte bilang ama ni Lance base lang sa pagkakahawig ninyo."Ang mapang-asar na ngiti ng babae ay agad nagpabangis sa mukha ni Devon.Hinawakan niya ang kamay ni Paris, malamig ang tingin na parang yelo."Paris, aamin ka lang ba kapag ipinakita ko na sa’yo ang resulta ng DNA test?"Pinagpag ni Paris ang kamay nito, "Devon, kung meron ka talagang DNA test, hindi ka pupunta rito para hanapin ako. Dapat nasa korte ka na para magsampa ng kaso, hindi ba?"Ilang segundong natahimik si Devon, pinipigil ang galit. "Huwag kang mag-alala. Makakatanggap ka rin ng subpoena mula sa k

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 20

    Sa kabilang banda, si Donovan ang naghatid kina Paris at Lance pauwi.Nang makita ni Donovan ang maputlang mukha ni Paris, na halatang natakot pa rin, mahinahon siyang nagsalita, “Roxanne, huwag mo nang masyadong isipin 'yon. Natakot ka rin kanina. Magpahinga ka muna, bukas na natin pag-usapan ang lahat.”Napilitan si Paris na ngumiti, “Pasensya ka na, naabala pa kita ngayong araw. Bumalik ka na sa trabaho mo.”Naalala niyang sinabi ni Donovan na may meeting siya sa company, kaya hindi niya ito dapat pinapunta. Pero kahit gano’n, naantala pa rin ito nang matagal.Nang makita ni Donovan ang pag-aalala sa mga mata ni Paris, mariin niyang sinabi, “Roxanne, mas mahalaga kayo ni Lance sa akin. Huwag ka ng mabahala.”“Alam ko, pero ayokong maging pabigat sa’yo. Kapag magkasama ang dalawang tao, dapat pareho silang umaangat, hindi puro ikaw ang tumutulong sa akin.”Nang makita ni Donovan ang malungkot niyang tingin, napailing siya nang bahagya. Sa kanyang pananaw, kaya ayaw tumanggap ng tul

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 19

    Natigilan si Secretary Kenneth sa pagsigaw ni Devon at hindi na muling nangahas magsalita.Sa gitna ng tensyon, hinila ni Lance ang laylayan ng damit ni Paris at mahinang nagsabi, “Mommy, I’m scared.”Mahigpit na niyakap ni Paris si Lance, punong-puno ng awa, at malamig na tiningnan si Devon. “Sir Devon, tinatakot mo ang anak ko.”Tiningnan ni Devon ang takot sa mukha ni Lance at bahagyang nabigla, ngunit nanatiling malamig ang kanyang ekspresyon.Malamig din ang ekspresyon ni Donovan at taglay niya ang nakakabigat na presensya. “Devon, kung hindi mo ipapaliwanag ang nangyari ngayon, hindi ako papayag na palampasin ito.”Hindi maganda ang itsura ni Devon. Kanina ay hindi niya sineryoso ang babala ni Donovan, ngunit ngayong nandoon si Lance, ayaw niyang makipagtalo sa harap ng bata.Matapos ang ilang sandali ng katahimikan, nagsalita rin siya, “Maari nating ipagpaliban ang DNA test, pero Paris, sisiguraduhin kong malalaman ko ang totoo. Kung talagang anak ko ang batang ‘yan, hinding-hi

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 18

    "Bata, taga-saan ka ba? Ihahatid na kita pauwi."Papasagot na sana si Lance nang biglang may narinig silang tunog ng takong mula sa gilid. Lumingon si Secretary Kenneth at si Lance at nakita nilang palapit si Paris na may seryosong ekspresyon sa mukha.Bago pa man makapagtago si Lance, tinitigan na siya ni Paris at mahigpit na sinabi, "Lance, come here!"Pinipigil niya ang kanyang galit habang nakatitig kay Lance na walang kahit anong emosyon sa mukha.Pagdating pa lang niya kaninang umaga sa laboratoryo, nakatanggap na siya ng tawag mula sa guro ni Lance na nawawala raw ito. Sa sobrang takot niya ay nanghina ang kanyang mga tuhod at halos matumba siya.Agad siyang tumawag kay Donovan sa kalituhan at dali-daling hinanap ang kinaroroonan ni Lance.Hindi niya inasahan na ganun katapang si Lance para puntahan ang Pharmanova para hanapin si Devon. Mukhang buo na sa isip ng bata na si Devon ang tunay niyang ama—kung hindi, hindi siya pupunta roon.Mabilis na lumapit si Paris kay Lance, hin

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 17

    Iniimbestigahan si Paris at nakipagkita nang palihim kay Donovan—ano ba talaga ang binabalak niya?Nang maalala ni Devon ang tangkang pag-agaw ni Donovan sa proyekto ng amusement park kamakailan, lalo pang nanlamig ang kanyang mukha.Tinatraydor ba siya ni Secretary Kenneth?Marami nang nagtangkang kunin ang mga sikreto ng Pharmanova mula kay Secretary Kenneth sa mga nakaraang taon, pero wala ni isa ang nagtagumpay. Hindi siya maaaring magtraydor. Bukod pa roon, iniimbestigahan na rin niya dati si Paris, kaya't siguradong may iba pa siyang layunin.Matapos mag-isip sandali, tinawagan ni Devon si Chris.“Mr. Devon, bakit po?” tanong ni Chris, halatang kinakabahan. Tuwing tumatawag si Devon nang dis-oras ng gabi, laging may seryosong problema.Dahil sa dami ng ganitong pagkakataon, tila napapa-atras na si Chris tuwing makakatanggap ng tawag mula kay Devon sa gabi.“Magkaibigan kayo ni Secretary Kenneth. Napansin mo bang may kakaiba sa kanya nitong mga huli?”Napaisip si Chris. Naalala n

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 16

    Napatingin si Roxanne sa kawalan at agad namula ang kanyang mukha. Kamakailan lang ay abala siya sa pag-aalala kay Lance kaya wala siyang panahon para isipin ang ganitong bagay.Sa totoo lang, hindi na rin naman niya kailangang pag-isipan pa. Noon pa man ay naisipan na niyang subukang makipagrelasyon kay Donovan.“Donovan, napag-isipan ko na. Gusto kong subukan ito. Pero simula’t sapul, itinuring na kitang mabuting kaibigan kaya hindi ko maipapangakong mahuhulog ang loob ko sa’yo.”Napakabuti ni Donovan sa kanya. Marami na siyang ginawa para kay Roxanne sa mga nakaraang taon. Pakiramdam niya, wala nang ibang lalaki na kayang pantayan ang kabutihan nito sa kanya. Kaya naman, ayaw niyang lokohin ito.Taos-puso ang pasasalamat niya sa lahat ng ginawa ni Donovan, pero kung pasasalamat lang ang nararamdaman niya, hindi niya kayang ialay ang buong buhay niya rito.Sa narinig, napuno ng bahagyang lungkot ang mga mata ni Donovan, pero alam din naman niyang hindi maaaring pilitin ang damdamin.

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 15

    Tahimik si Roxanne. Siyempre, ayaw pa rin niyang sumuko, pero ito ang pinakamainam na solusyon na naiisip niya sa ngayon.Kamakailan lang, panay ang panaginip niya na kinukuha ni Devon si Lance mula sa kanya. Kaya tuwing paggising niya sa umaga, ang unang ginagawa niya ay tiyaking nasa tabi pa rin niya si Lance.“Pero… wala na akong ibang paraan kung hindi ko ilalayo si Lance…”Tahimik si Donovan ng ilang sandali bago mahinahong nagsalita, “Roxanne, huwag kang mag-alala. Nawalan ng alaala si Devon. Maaaring hindi niya na gustuhing kunin si Lance mula sa iyo. Ang pinakaimportanteng gawin mo ngayon ay ayusin ang iyong pananaw at huwag masyadong magpaapekto.”Kagat ni Roxanne ang kanyang labi habang pabulong na sinabi, “Naiintindihan ko naman ang sinasabi mo, pero hindi ko maiwasang mag-isip…”“Babalik ako bukas. Magkita tayo at pag-usapan natin ito. Sigurado akong may mas mabuting paraan.”“Sige.”Pagkababa ng tawag, nag-isip si Donovan sandali at tinawagan ang kanyang sekretarya, “Maki

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 14

    Walang emosyon sa mukha ni Devon habang nakatingin kay Irene, bahagyang kumitid ang mga mata niya, tila pinag-iisipan kung totoo ang sinabi nito.Kinabahan si Irene at tinitigan siya habang mariing nakakagat ang labi.Nang tila hindi na niya kaya, malamig na nagsalita si Devon, "Huwag mo nang ulitin 'yon."Bumagsak si Irene sa silya nang mawala ang anino ni Devon sa pintuan ng silid. Pawis na malamig ang bumalot sa kanyang likod.Paglabas niya sa restaurant, dumiretso si Devon sa branch ng kompanya. Sa labas ng opisina, naghihintay na si Secretary Kenneth."Mr. Devon, narito po ang mga dokumentong kailangang pirmahan."Binuksan ni Devon ang pinto at pumasok sa opisina. Matapos pirmahan ang mga dokumento, tiningnan niya si Secretary Kenneth, "Sabihin mo kay Chris na siya na ang magbalik ng mga dokumento sa opisina ko. Dito ka muna sa Manila at ikaw ang pansamantalang hahawak sa puwesto niya. Hindi tulad sa bayan ang sitwasyon dito. May mga bagay na hindi niya kayang hawakan."Bahagyang

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 13

    "Is that so?? O ayaw mong palalain ang sitwasyon kaya gusto mong isuko ko ang karera ko. Ang dahilan? Ayaw mong makita ako sa tabi ni Devon." May ngisi si Paris sa labi, pero walang init sa kanyang mga mata."Tingin mo masisindak ako sa yabang mo, Irene?"Lalong pumangit ang mukha ni Irene. "Hindi ko inakalang sa loob ng limang taon ay magiging magaling ka sa pananalita, pero naisip mo na ba kung paano nito maaapektuhan ang mga taong nasa paligid mo?"Mabilis na kumislap ang panunuya sa mga mata ni Paris. "Irene, parang nawala na ang katinuan mo dahil sa pag-ibig nitong mga nakaraang taon. Nasa Manila tayo, hindi sa probinsya, at ang laboratory namin ay may napakaraming matagumpay na research project. Kahit isa lang ang ilabas namin, tiyak na maraming tao ang magkakainteres. Sa palagay mo ba kaya ng pamilya niyo na kontrolin ang buong bansa?"Hindi niya talaga maintindihan kung saan kinukuha ni Irene ang lakas ng loob para sabihing madali nilang masisira ang laboratoryo nila. Naimbesti

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status