Sa sumunod na araw, nanumbalik na ang lakas ni Roxanne at nakabalik sa laboratory ng VitaCure company para sumuri ng medicinal materials. Mga pinoy ang iba niyang kasamahan kaya maaring niyang gamitin ang sariling lengguwahe. Mahalaga na masuri ngayon ni Roxanne ang mga medisina upang mapanatili ang kaligtasan, kalusugan at kahusayan ng mga produkto at serbisyo para sa mga tao. Kailangan nilang bigyan ng proteksyon ang publiko at naglalayon na mapabuti ang kalidad ng buhay ng bawat isa. Nasa kabilang banda si Devon na nakatingin sa direksyon ni Roxanne na nakita niyang seryoso sa ginagawa. Napatitig siya dito na parang siya lang ang taong nakikita niya sa paligid. Nakikipag-usap lang si Devon kay Mr. Chen na hinihikayat siyang bumili sa kanilang mga medisina. "You will not regret cooperating with us. Mahigpit ang ipinapatupad naming pamantayan at kalidad sa paggawa ng aming mga medisina. Maari kaming mag-produce ng maraming medisina kung kailan mo gusto." "Yes, maganda nga an
"Do you think Mr. Delgado has the intention to cooperate with us?" Kausap ngayon ni Mr. Chen ang isa sa kanilang executive manager na si Miss Wong. Naiinip na siya ngayon kay Devon Delgado dahil maraming beses na niyang binabanggit ang tungkol sa pagpirma ng kontrata ngunit lagi itong lumilihis sa usapan. Pansin niyang nagdadalawang-isip pa rin ito sa kabila ng mga panghihikayat niya. Sinisiguro niyang mangyayari itong project kasama ang Pharma Nova para dumoble ang kanilang kita ngayong taon. "I'm not sure about this, Mr. Chen. He's still hesitant and we need to come up with something convincing." Sagot ni Ms. Wong. Napaisip si Mr. Chen habang hinahaplos ang kanyang bigote. "What if we approached, Ms. Guevarra? She's his sister-in-law. We can offer a persuasion incentive. In simple words, we bribe her." Medyo nagitla si Ms. Wong dahil isa iyong masamang plano pero sumusunod lang siya sa mga utos niya. "I think she's not a type who can be swayed by money." "I can give he
"Kenneth, hanapin mo nga si Roxanne." Utos ni Devon, napapansin niyang ilang minuto na ang nagdaan ngunit hindi pa rin bumabalik ang babae. "Kasama po niya si Ms. Wong na pumasok sa banyo, babalik rin sila." Sabi ni Kenneth na nakikiinom. Tumango si Devon pero hindi siya panatag, masama ang kanyang pakiramdam at hindi niya alam kung bakit. Binaling niya ang atensiyon kay Mr. Chen na lasing na lasing na rin sa kanyang kinauupuan. "I said, find her." Pag-uulit ni Devon at sumunod na si Kenneth dahil may bakas na ng galit sa boses ng boss. Pumunta si Kenneth sa palikuran ng mga babae at bukas naman ang pinto kaya sumilip siya saglit pero wala siyang makikitang tao sa loob. Kinuha niya nalang ang phone sa bulsa at di-nial ang numero ni Roxanne, nag-ring ito pero hindi sumasagot. Narinig naman ni Devon na may tumunog na phone sa kanyang gilid at nakitang pagmamay-ari ito ni Roxanne. Bumalik din si Kenneth sa kanyang boss para ipaalam na hindi niya mahanap si Roxanne kah
"A-ayos lang ako...H-hayaan mo na siya." Naiiyak na sabi ni Roxanne. Natatakot siya na baka patayin niya ang tao. Tumayo si Devon at naglakad papalapit sa kanya. "I'm sorry." Tumulo ang mga luha ni Roxanne na makita ang mga kamao nitong nagkasugat-sugat. "N-nilagtas mo na naman ako...dapat akong magpasalamat sayo." Napahagulhol si Roxanne at napasandal sa kanyang dibdib. Niyakap din siya ni Devon na nakaginhawa ng maluwag dahil hindi siya nahuli sa oras ngunit nasasaktan siya na maranasan niya ang ganitong bagay. "Hindi ito mangyayari kung hindi kita isinama dito." Mahinang niyang sabi, sinisisi ang sarili. "Naalala mo ba 'yung sinabi mo sa'kin? Na huwag sisihin ang sarili sa mga bagay na hindi mo kasalanan?" Ani ni Roxanne. May mga dumating na pulis sa loob ng hotel at hinuli ang lalaking isa palang wanted habang dinala ni Devon si Roxanne papuntang ospital pagkatapos nilang makipag-usap sa mga pulis. Nagamot na ang mga natamong sugat ni Roxanne sa katawan na pu
"Honey...P-please. Let me stay here kahit saglit lang." Pagmamakaawa ni Jameson. Naihampas ni Roxanne ang kutsilyo sa chopping board at huminga ng malalim. "Ang tigas talaga ng pagmumukha mo. Nagpupunta ka rito na parang wala lang? Nakakasuka. Tapos pa as if kang concern sa'kin, eh muntik mo na rin akong gahasain!" Nakokonsensiya si Jameson na makita ang sakit sa mata ng asawa. Naaalala niya rin ang gabing iyon na iginapos niya ito sa kama at pinuwersang makipagtalik para buntisin. "Alam ko ring pinapasundan mo ako, ikaw ang nagpadala ng jacket at cam recorder. Para ano? Mag-reminisce ng masasayang nakaraan? If you only know para akong nanonood ng horror movie na makita ang mga video nating dalawa. Kinikilabutan akong marinig ang mga pinangako mo na kahit isa, walang natupad." Sabi pa ni Roxanne tsaka pinahinaan niya ang apoy sa stove. Natahamik ng ilang segundo si Jameson na pinapanood siyang kumilos sa kusina pero bigla niyang nilihis ang usapan. "Kaya kita pinigilan ng a
"Oh, Ma'am Roxanne! Dito ka rin ba naghapunan?" Nasira ang moment ng dalawa nang biglang sumulpot si Secretary Kenneth at sumimangot si Devon. "Oo, kasama ko ang best friend kong si Grace, nag-celebrate kami ng friendship anniversary namin." Tugon ni Roxanne. Lumabas naman si Grace sa comfort room at nagliwanag ang mukha na makita si Devon. "Hello, Sir Devon!" Bati ni Grace. "Pauwi na kayo? Sumabay nalang kayo sa'min? Pwede ko kayong ihatid sa mga bahay niyo." Anyaya pa ni Kenneth. "Thank you pero dala ng kaibigan ko ang sasakyan niya." "Ah sige, pero pwede bang patingin muna ako dito." Turo ni Kenneth kay Devon na nakatitig pa rin kay Roxanne. "Nakainom kasi ng marami. Mukhang normal lang 'yang tingnan pero wala na 'yan sa sarili." Pagbibiro pa ni Kenneth at natawa si Roxanne. Umalis naman si Kenneth at sumabay sa kanya si Grace para kunin ang sasakyan nila sa parking lot. Naiwan si Roxanne at Devon na nakatayo sa gilid habang naghihintay sa kanilang mga kas
Parehong pumasok ang dalawang sekretarya na sina Kenneth at Brian sa loob ng office at parehong nakita ang tensyon sa pagitan ng magkapatid. "S-sir Jameson, nakausap ko na po ang photographer at burado na po ang pi-nost niyang mga larawan sa internet." Balita ni Brian. "Good job." Tinapunan ni Jameson ng tingin ang kapatid bago umalis. Naglakad na siya papalabas ng gusali at sumusunod sa kanyang likuran ang sekretarya. Kumukulo pa rin ang dugo nito dahil walang balak si Devon na sumunod sa kanyang gusto na layuan ang kanyang asawa. Tanghali na at nakaramdam ng gutom si Roxanne. Balak niyang lumabas na sa opisina para pumunta sa cafeteria para kumain ng lunch pero nasurpresa siya ng makita si Jameson na nakatayo sa pinto. May dala itong bulaklak at paperbag na naglalaman pagkain. "Honey, I came here to gave you this." Nakangiting sabi ni Jameson, lumapit siya at niyakap ang asawa sa harapan ng mga workmates niyang kinikilig. Maliban kay Elaine na inirapan silang mag-asawa
Nakatayo si Fred Devilla sa tapat ng ATM machine at nakita na ang laman ng credit card na naglalaman ng tatlong milyon na ipinangako ni Elaine ngunit hindi niya ito ma-withdraw. May usapan sila na dapat niya munang gawin ang ang misyon na dukutin si Roxanne at dalhin sa isang lugar na walang sino mang nakakaalam. Pagkatapos nito, makukuha niya ang pin code ng credit card. Walang magawa si Fred kundi kumapit sa patalim para matulungan ang asawa na nag-aagaw buhay at ang anak na nasa kulungan. Ngunit wala siyang ideya na naghuhukay rin siya ng sariling libingan dahil kung hindi siya nagtagumpay, ililigpit siya ni Elaine kasama si Roxanne. Alas tres na ng hapon, nagpatuloy si Roxanne at Tricia sa ginagawang experiment pero tinawag siya bigla ni Miss Perez na pumunta sa taas. Itinanggal ni Roxanne ang suot na white mask at naglakad papunta sa office ng kanilang manager. "I have a good new for you, Roxanne." Nakangiting sabi ni Miss Perez. "Ano po 'yun, Ma'am?" Napaupo si
[Miss Paris, sinabi sa akin ni Chris na may anak ka na.]Nanlumo si Paris. Tinitigan niya lang ang mensahe nang walang imik. Ilang minuto ang lumipas bago siya nakapag-reply kay Secretary Kenneth.Bandang alas nuwebe ng gabi, matapos niyang tiyaking tulog na si Lance, pinakiusapan ni Paris ang yaya nito na bantayan ito sa kwarto. Pagkatapos ay nagpalit siya ng damit at naghanda nang umalis."Miss Paris, gabi na. Saan ka pupunta?""May aasikasuhin lang ako sa laboratory. Susubukan kong makauwi bago mag-alas dose."Tumango naman ang yaya. "Sige, mag-ingat ka."Halos alas diyes na nang makarating si Paris sa lugar na napagkasunduan nila ni Secretary Kenneth.Pagpasok niya sa restaurant, tumayo si Secretary Kenneth at kumaway sa kanya.Dumilim ang mga mata ni Paris habang papalapit siya at naupo sa tapat ng lalaki."Secretary Kenneth, nandito na ako. Sabihin mo na ang pakay mo."Sandaling natigilan si Secretary Kenneth habang pinagmamasdan si Paris, na ngayo'y ibang-iba na sa Roxanne lima
Nang makita ni Devon ang gilid ng mukha ni Lance, tila may naramdaman siyang pamilyar na pakiramdam, ngunit hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.Bago pa niya ito mapagmasdan nang maigi, naisuot na ni Paris ang mask kay Lance.Tumayo si Paris at hinarap sina Devon at Chris, pilit na kalmado ang tono. “Mr. Devon, Secretary Chris, what a coincidence.”Tumango si Devon. “May proyekto kasi ang kompanya sa amusement park, kaya pumunta kami para inspeksyunin ito.”Habang nagsasalita siya, napatingin si Devon sa batang hawak ni Paris sa harap niya.Tinitigan din siya ng bata. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, may kakaibang pakiramdam ang biglang sumagi sa dibdib ni Devon.Hindi siya mahilig sa mga bata. Para sa kanya, abala lang ang mga ito. Pero sa unang sulyap pa lang sa batang ito, hindi niya maramdaman ang pagkainis.“Sino ang batang ito…”Awtomatikong itinago ni Paris si Lance sa likuran niya. Nang mapagtanto niyang masyado iyong halata, pinilit niyang panatilihin ang isang m
Malamig ang ekspresyon ni Devon sa narinig mula sa pinsang si Henry, "Baka nagkamali ka lang ng tingin.""Talaga! Nagmamadali ako noon kaya hindi ko na nakuhanan ng litrato. Pero makakapagsumpa ako, kung ikaw mismo ang makakakita, siguradong magugulat ka. Sa totoo lang, pinaghihinalaan kong baka anak mo sa labas iyon na naglalakad-lakad lang sa labas, ano?" Natatawa pang sabi ni Henry."Kung wala ka nang ibang sasabihin, ibababa ko na ang tawag.""Uy, sandali lang… May pag-asa pa bang makakuha ng parte sa amusement park project na balak pagbidahan ng Pharmanova?""Pumunta ka sa branch bukas para pag-usapan natin."Pagkasabi nito, ibinaba ni Devon ang tawag.Kakatapos pa lang niya ilapag ang telepono nang bigla ulit itong tumunog.Nang makita niyang si Irene ang tumatawag, nanlabo ang kanyang mga mata. Pagkaraan ng ilang segundong pag-iisip, sinagot niya ito."Ano'ng problema?""Ah Devon, kalimutan mo na lang ‘yung sinabi ko nung isang araw. Kung ayaw mo pa ring magpakasal ngayon, hind
Nanlaki ang mga mata ni Paris sa gulat, pagkatapos ay tumingin kay Devon."Hindi...Bakit ko naman sasabihin 'yan Mr. Devon?"Tinitigan siya ni Devon gamit ang kanyang malalim na mga mata, puno ng mga emosyon na mahirap basahin."Kung hindi, bakit ka lumalayo sa akin?"Nanigas ang katawan ni Paris saglit bago siya mabilis na umayos ng upo, ibinaba ang tingin at mahinang nagsabi, "Kasi... ayokong makaistorbo sa trabaho sayo, Mr. Devon."Pagkaupo niyang tuwid, mas naging malapit ang distansya nila sa isa’t isa. Maayos niyang inilagay ang kanyang mga kamay sa kanyang hita, ang tingin ay nakatuon lang sa harapan.Ibinaba ni Devon ang mga dokumento at biglang naalala ang eksena noong nakita niya itong si Paris na masayang nakikipag-usap sa loob ng kotse sa may bintana. Nakangiti ito noon, pero kapag siya ang kaharap, parang ayaw niyang mapalapit sa kanya.Tahimik silang dalawa habang papunta sa opisina ng Pharmanova branch. Pagkababa ni Paris sa kotse, napalalim siya ng hinga. Kanina pa kas
"Sige, alamin mo kung ano ang nangyari kay Roxanne nitong mga nakaraang taon at kung sinu-sino ang mga nakasalamuha niya!"Hindi siya pwedeng kumilos nang personal, ganoon din ang mga taong malapit kay Roxanne."Opo, Ma'am."Pagkaalis ng tao, matalim na tumitig si Irene sa bintana, puno ng galit ang kanyang mga mata.‘Kung patay na siya, bakit kailangan pa niyang magpakita sa kanila? Hindi ba mas mabuting manatili na lang siyang patay?’ Isip niya.Sa kahit anong paraan, ngayong pagkakataon ay hindi na niya hahayaan na may sinuman pang sumira sa relasyon nila ni Devon!Dahil natagalan sila sa mall, bandang alas-singko na sila nakarating sa bahay ni Paris, kaya nagdesisyong maghapunan na rin si Donovan sa kanila.Habang nagluluto si Paris, tumutulong si Donovan sa gilid.Habang pinagmamasdan niya si Paris na nakasuot ng apron, nakatali lang ng simpleng itim na goma ang kanyang mahabang buhok, at tahimik ang kanyang kilos, biglang lumambot ang puso ni Donovan.Ang simpleng buhay na ganit
"Oo, hindi niya nga ako makilala. Mabuti na rin ‘yun at para na rin sa kaligtasan ng anak ko.”Matatag ang kanyang tingin, at wala ni kaunting bakas ng pananabik kay Devon. Sa wakas, nawala na ang pagkabahala ni Donovan na matagal na niyang kinikimkim.“Don’t worry, Paris. Nandito naman ako para tulungan kang protektahan si Lance.""Salamat, Donovan."Pagkaraan ng ilang sandali ng katahimikan, nagsalita si Donovan na may bahid ng pag-aalala, "Pero nasa Manila na ngayon si Devon. Baka hindi mo na maitago ang mga nangyayari sa'yo roon nang matagal."Hindi nagulat si Roxanne sa sinabi niya. May kutob na siya noon pa man nang makasalubong niya si Irene sa isang restaurant. Ngunit ngayon, si Devon ang nawalan ng alaala. Hindi siya ang dapat matakot, kundi si Irene.Pagkatapos ng lahat, si Irene ang fiancée ni Devon ngayon. Kahit pa nawalan ng alaala si Devon, siguradong nababalisa siya na baka isang araw ay maalala ng lalaki ang lahat at kanselahin ang kasal nila.Ang isang tao, kapag mas
Napangiti si Melissa at mabilis na nagsalita, "Salamat, Miss Paris!"Ngumiti si Paris. "Sige, simulan na natin ang paghahanda para sa experiment."Sa tulong ni Paris, naging maayos ang takbo ng eksperimento.Bandang alas-sais ng umaga, tiningnan ni Melissa ang data sa computer at napabuntong-hininga ng may gaan sa pakiramdam. Lilingon na sana siya para ibalita kay Paris ang magandang resulta nang mapansin niyang nakatulog ito sa mesa.Hindi na niya itinuloy ang sasabihin at kusa na ring naging mahina ang kanyang paghinga.Kagabi, salitan silang nagpahinga, pero si Paris ay tutok na tutok sa eksperimento. Malamang ay sobrang pagod ito dahil hindi talaga ito nakatulog buong gabi.Bigla namang bumukas ang pinto at may pumasok na ibang tao."Mr. Devon, ito po ang aming laboratory, silipin niyo po..."Pagkapasok na pagkapasok ni Devon, agad na napako ang tingin niya sa mahinang pigura na natutulog sa mesa. Biglang lumalim ang ekspresyon sa kanyang mga mata.Tumayo agad sina Melissa at kasa
Habang nakatitig siya sa kalmadong mga mata nito, sandaling natigilan si Irene. Naalala niya kung paano tumingin si Devon noon kay Roxanne—may lambing at pagtitimpi. Ngunit ngayon, wala ni kaunting bakas ng ganung damdamin.Tatlong taon na silang magkasintahan, pero kahit kailan, hindi siya tiningnan ni Devon ng ganoon ka-giliw, gaya ng tingin niya kay Roxanne. Kapag nakatingin ito sa kanya, palagi na lang kalmado, malamig, at walang emosyon.Minsan ay napapaisip si Irene, baka naman pinili lang siyang maging kasintahan dahil akala nito’y siya ang pinakaangkop na ipareha?Pinilit niyang itaboy ang magulong kaisipan at mahina niyang sabi, "Wala naman, siguro napagod lang ako sa biyahe."Lumapit siya at naupo sa tabi ni Devon. Kinagat niya ang ibabang labi, saka buong tapang na nagsalita, "Devon, bakit hindi na lang tayo magpakasal ngayong taon? Hawak mo na ang kumpanya, wala namang masyadong problema ngayon. Gusto ko nang magpakasal."Hindi siya sinagot ni Devon, sa halip ay malamig nit
Tumango si Lance. "Yes po, Uncle Lance."Mas lalong lumambot ang ngiti ni Donovan at naging banayad ang kanyang mga mata. "Miss na miss ka na ni Tito. May dala akong regalo para sa’yo."Habang nagsasalita, parang mahikang inilabas ni Donovan mula sa likod ang isang set ng English books at iniabot ito kay Lance."Huling beses na nakita kitang nagbabasa ng ganitong libro sa bahay. Kaya ngayong nagpunta ako sa ibang bansa para sa business trip, binili ko na ang original na version para sa’yo. Gusto mo ba ito?"Napangiti si Lance sa tuwa. "Thank you po, Uncle Donovan!"Kinuha niya ang libro at sabik na binuksan ito. Sa wakas, lumabas din ang inosenteng ngiti ng isang bata sa dati’y seryoso niyang mukha.Tiningnan ni Paris si Donovan na may bahid ng pagkaasiwa. "Huwag ka nang gumastos sa susunod. Mahal ‘yan."Limang taon na ang nakalipas mula nang dumating siya sa Maynila. Hindi rin nagtagal ay natagpuan siya ni Donovan. Malaki ang naitulong ni Donovan sa kanya nitong mga nakaraang taon—par