Darren’s pov“Ariana…” mahina kong wika, halos hindi makapaniwala. “Did we…? No, this can’t be… baka mapatay ako ng kuya mo kapag malaman niya ang nangyari sa atin?”Bahagyang tumawa si Ariana sa sinabi ko, dahan-dahang umupo sa gilid ng kama, ang kumot ay bumagsak nang bahagya, kaya halos kita ko ang hubad niyang katawan. “And why would they know? Hindi naman natin sasabihin. Nangyari na ang nangyari, Darren. You don’t have to feel guilty. Just accept it.”Napakagat ako ng labi. Gusto kong tumutol, gusto kong sabihing mali ito, pero habang nakatitig ako sa kanya, lalo na sa makinis niyang balat at ang hubog ng kanyang katawan, unti-unting nawawala ang lahat ng pag-alinlangan ko..“Damn…” bulong ko, halos hindi ko namalayan na lumabas sa bibig ko.Lumapit siya, marahan akong hinaplos sa pisngi. “Stop overthinking, Darren. Look at me. Do I look like I regret this?”Nagtagpo ang mga mata namin, at doon ko naramdaman ang hatak niya. Hindi ko na kayang umiwas. Titig na titig ako sa kanya,
Ariana’s povPagbagsak namin sa condo, ramdam ko ang bigat ng katawan ni Darren. Lasing na lasing siya, halos wala nang lakas, pero may bahagyang ngiti pa rin sa labi niya. Inalalayan ko siyang maupo sa sofa, at ilang saglit lang ay napapikit siya, huminga ng malalim na parang gusto nang matulog.“Darren…” bulong ko habang pinagmamasdan ang mukha niya. Ang maamo niyang mukha, ang tikas ng panga niya kahit relaxed, at ang mahaba niyang pilik-mata. Kahit sa ganitong estado, sobrang gwapo pa rin niya. Unti-unting kumirot ang dibdib ko. Kung alam mo lang… matagal na kitang gusto…Dahan-dahan kong hinaplos ang pisngi niya gamit ang palad ko. Naramdaman kong gumalaw siya, idinantay ang kamay niya sa braso ko, mahina pero sapat para ipadama na hindi niya ako tinataboy. Ang init ng mga palad ng lalaki… Napakagat ako ng labi. “Ikaw lang ang nakakaintindi sa akin,” mahina niyang bulong, parang nahuhulog sa pagitan ng gising at tulog. Ariana,” ungol pa ni Darren kaya napapikit ako. Ninamnam ang
Ariana’s pov“Darren, lasing ka na. The best thing to do is umuwi ka na. Kanina pa tumatawag ang asawa mong si Nina,” bulong ko habang pinagmamasdan ang pag-ikot ng bote ng beer sa mesa. Halos hindi na ito makatingin ng diretso, at ramdam ko na mabigat na ang ulo niya.“Wala akong pakialam,” sagot niya, sabay tungga ulit. “Ayoko pang umuwi. Dito lang tayo, Ariana. Please, don’t leave me tonight.”Bahagya akong napaigtad, lalo na nang marinig ko ang desperasyon sa boses niya. Nilapitan ko siya, dahan-dahang hinawakan ang kamay niyang nanginginig. Mainit pa rin ang balat niya kahit malamig na ang paligid. Napatitig ako sa malungkot niyang mukha—those tired eyes, those lips na ilang ulit kong naisip na mahalikan.At nang itaas niya ang tingin, nagtagpo ang mga mata namin. Para bang biglang tumigil ang mundo. Hindi ko na napigilan ang sarili ko—agad kong inilapit ang labi ko sa kanya. Malambot, mabilis, pero sapat para mag-iwan ng apoy sa pagitan naming dalawa.Hindi siya agad kumilos, pe
Ariana’s pov“What's going on?” tanong ko agad nang makaalis si Kuya, halos hindi pa nagsasara ang pinto. “Bakit galit na galit yun? May hindi ba ako alam na ginawa ninyo?” Salitan ang tingin ko sa mga magulang ko, pero pareho silang nanatiling tahimik. Ramdam ko ang tensyon, parang may tinatago silang pareho. Ang mukha ni Mama ay namumula dahil sa naging sagutan nito at ng kapatid niya.Huminga ng malalim si Papa at nagsalita, mabigat ang boses. “Inutusan ako ng Mama mo. Tinakot ko, para naman mabawasan ang sakit ng ulo natin. Yun pa palang naman ang ginawa ko.”Napakurap ako at napailing. “Sa tingin niyo ba nakatulong yun? Seriously? Para bang hindi niyo kilala si Kuya lalo lang siyang nagiging defensive kapag pinipilit niyo siya ng ganyan. Talagang tayo ang paghihinalaan niya at sa oras na makanap yan ng ebidensya lagot na tayo.”“Stop it, Ariana,” singit agad ni Mama, malamig at matigas ang boses. “Ginagawa lang namin ang lahat para mawala ang Sam na yun. She’s ruining this famil
UMUPO ako sa ibabaw ng kama. Sinundan ni Leonard ang asawa nang makaalis ang ama nito. Ang luha ay pilit na itinatago sa akin ni Sam. Naiintindihan ko ang nararamdaman nito. Kita ko sa mga mata ni Sam ang pabalik-balik na sugat — yung tipo ng sugat na hindi naghihilom kahit pilitin mong takpan at itago. Umayos ako ng upo, papalapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya, pinisil ko iyon. “Bakit hindi mo siya kayang patawarin?” mahinang tanong ko.. Tumango si Sam ng hindi tumitingin. “Mas mahalaga sa kaniya ang pangalawang pamilya niya. Ayoko lang na maipit pa siya. Isa pa, hindi naman anak ang turing niya sa akin,” sabi niya. “Ilang beses niya ng pinamukha sa akin na hindi ako ang anak na para sa kanya.”Natigilan ako narinig ko. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ng asawa. Kung kaya ko nga lang kunin ang sakit na dinadala nito ay gagawin ko. “Gusto mo bang makita ang mama mo?” tanong ko sa isang iglap…“Hindi ba sinabi mo noon na bata ka pa nang umalis siya? Na pinalayas siya ng a
Sonya’s povHINDI ko mapigilang ang hindi manggigil habang tinitingnan ko si Edmund na kagagaling lang sa labas. Kita ko pa sa polo niya ang bahagyang gusot, tanda na nagmadali siyang bumalik. Alam ko naman kung saan ito galing dahil kagabi pa ito nagmamadali ng mapanood ang balita kay S Sam…Ramdam ko ang bigat ng dibdib ko, hindi ko na napigilang umapaw ang galit.“Galing ka kay Sam?” mariin kong tanong… “Akala ko ba itinakwil mo na siya? Bakit ngayon para kang ulirang ama.Huminto siya sa pag-alis ng sapatos at dahan-dahang tumingin sa akin, halatang pagod, halatang walang balak makipag-away. Pero lalo lang akong nainis. Paano niya nagagawang maging kalmado gayong ako’y nagngingitngit sa galit.“Masakit ang ulo ko, Sonya. Tigilan mo ako.” Malamig nitong sagot sa akin, ngunit ramdam ko ang pigil na inis. “Ano’ng gusto mong gawin ko? Matuwa sa nangyari sa kanya? Sa akin pa rin siya lumaki. Ama pa rin niya ako. Dapat ay maintindihan mo yun!”Parang sumabog ang dibdib ko sa narinig. ‘H