TAHIMIK lang ako sa loob ng sasakyan, pero pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko sa bigat ng lahat. Kanina pa ako nagpipigil ng luha, nagpipigil ng galit, at nagpipigil na saktan si Nina sa harap ng lahat. Hindi kami kailanman naging malapit, pero itinuring ko siyang kapatid. At ngayon, sa harap ng maraming tao, halos lantaran na niya akong hinamak at binaboy ang dignidad ko."Nakita mo na kung ano ang nangyari kanina," halos pabulong kong sabi kay Leonard habang nakatitig lang sa kalsada. "Hindi ako matatanggap ng pamilya mo… at itong iniisip mong pakasalan ako? Isa itong malaking pagkakamali. Nakita mo naman kung paano nila ako hinamak, pero okay lang… tanggap ko. Wala ring problema kung ayaw nila sa’kin."Ramdam ko ang mahigpit na hawak niya sa manibela, pero kalmado ang tinig niya nang sumagot. "Walang magbabago sa gusto ko. Magpapakasal tayong dalawa. At ang kasunduan natin na kasal tayo sa loob ng anim na buwan ay matutuloy, sa ayaw at sa gusto nila."Napatingin ako sa kanya,
Terakhir Diperbarui : 2025-08-01 Baca selengkapnya