LOGINMalaki ang ngiti ni Czarina nang matanaw ang kaibigan mula sa lobby ng hotel. Halata na ang limang buwang tiyan nito, na dahilan para mabilisan itong maikasal. Hindi tuloy niya mapigilang itanong sa isipan kung sino ang napangasawa nito.
Limang buwan noong huli silang mag-night out sa isang bar. Sinamahan niya ito dahil halata rito ang malaking problema dinadala. Subalit, nawala na lang itong parang bula at hindi man lang nagpaalam sa kaniya. Hindi tuloy niya maiwasang hindi balikan sa isip ang pangahas na lalaking humalik sa kaniya. Lasing siya noon at hilong-hilo na kaya hindi na siya halos makakita. Kaya naman, hindi niya na napansin na sa restroom ng mga lalaki siya napunta. Para tuloy siyang binuhusan ng malamig na tubig nang biglang may humawak sa kaniya at walang paalam siyang hinalikan. Naipilig niya ang ulo. Erase! Ngunit kahit matagal na ang pangyayaring iyon, hindi pa rin iyon mawaglit-waglit sa kaniyang isipan; lalo na ang malambot na mga labi ng lalaki, at ang mas nakalalasing nitong hininga. Kaya nga naisumpa niyang hindi na siya papasok sa ganoong lugar kahit na kailan. Ang lalaking iyon ang dahilan. “Yna! I miss you! Parang tumaba ka sa bakasyon mo, ah. How's your family in America?” Mahigpit na yumakap sa kaniya si Faye. “Maayos naman, kain-tulog. Malayo rin sa stress sa trabaho. Sa mga katulad nating engineer, kailangan din talaga ang pahinga. Puro ba naman numbers at sukat ng mga project natin ang laman ng utak ko sa mga nakalipas na taon, hindi ba ako magsasawa?” natatawang sagot niya. “Halika na. Kumain muna tayo,” yaya niya rito. “Sure! May naka-reserve na akong mga pagkain dito. Come on!” masiglng tugon nito. Napatingin siya sa mga bagahe nito. “Is that yours? Ang dami naman! Parang dito ka na titira, ah!” Natawa ito. “You know me. Basta mag-travel, kailangan dala ko ang wardrobe ko, kung hindi, magkakaroon ng delubyo.” Natawa rin siya. “Ikaw talaga. Halika na nga.” “Oo at kanina pa nga nagugutom ang nasa tiyan ko,” nakasimagot na wika nito. “Okay! Magkwento ka ng nangyari sa iyo kung bakit biglang lumubo ang tiyan mo.” Maingat niya itong inalalayan. Natawa ang kaibigan niyang nang bahagya. Wala pa rin itong kupas sa ganda kahit buntis na. “Bakit ganiyan ang tingin mo? Alam ko maganda ako. Pero dahil sa baby na nasa sinapupunan ko . . .” Bigla lumungkot ang mga mata nito ay hindi naituloy ang sinasabi. Napailing siya. Mukhang hindi pa ito handang maging isang ina. “Ano’ng gagawin mo? Ginusto mo iyan, at saka, pinanagutan ka naman ng lalaki. Asawa mo na siya ngayon.” Nagkibit ito ng mga balikat. “Yeah . . . I know. That’s why I’m okay now! At kapag lumabas na ito, saka pa lang ako makakabalik sa office. I think Dad appointed my husband on my behalf. But I don’t know. Bahala na sila. Lahat naman pati ng desisyon ng asawa ko, siya ang nasusunod. How about you and Harold?” pag-iiba nito ng usapan. Ang tinutukoy ni Faye ay ang kababata ng kaibigan, na isa sa mga director sa kompanya ng mga ito, at ngayon ay boyfriend niya. Ilang buwan na rin nang tanggihan niya ang proposal ni Harold. Mahal naman niya ang lalaki, pero hindi pa siguro iyon ang tamang panahon. Masyado pang maaga para magpakasal sila. “Ayos lang naman. Inihatid niya ako kanina pero umalis din. May pinaaayos daw ang dad mo kaya hindi na kayo nagkita.” Tumango lang ito at umupo sa silyang ibinigay niya nang makatating sila sa restaurant. Sumenyas ito sa waiter at sinabi ang pangalan. Agad namang tumalima ang waiter para kunin ang pagkain nila. “Na-miss ko ang mga pagkain dito, kaya gusto kong dito tayo mag-meet. Kung sa Manila, nakakasawa ang usok at traffic doon.” Natawa siya “Sinabi mo pa. Maganda rin naman sa kalusugan ninyo ng baby mo ang ganitong lugar. Presko at malayo sa polusyon.” “I know right!” bulalas nito sabay tawa. Maya-maya pa ay dumating na ang ipinahanda ni Faye na pagkain. May dalawang oras din silang nagkukwentuhan habang kumain, bago pumunta sa silid na inuukupa nila. Isang linggo ang napag-usapan nilang bakasyon, kaya isang linggo rin ang gagawin nilang pag-iikot sa lugar. Subalit, sa paglipas ng mga araw, wala man lang nababanggit sa kaniya si Faye tungkol sa asawa nito o buhay may asawa nito. Palaging ang lovestory nila ni Harold ang gusto lang nitong marinig. Hindi naman na siya umangal pa dahil buntis ito. Alam niyang paiba-iba ang mood ng mga babaeng buntis. “Tomorrow na pala ang balik natin sa Manila,” malungkot na wika ng kaibigan. Napakunot-noo siya. Naroon silang dalawa sa may dalampasigan at nag-aabang ng sunset. “Bakit naman parang ang lungkot mo? Syempre, kailangan ko ng magtrabaho. Saka, baka na-m-miss ka ng asawa mo, o kaya ikaw naman sa kaniya,” tugon niya. Nakita niyang mas lalong lumamlam ang mga mata nito. “Yeah . . . Susunduin niya nga ako bukas. Sumabay ka na sa amin.” Subalit, nahihiwagaan pa rin siya dahil wala namang kabuhay-buhay ang tinig nito. Pero, hindi na siya nag-usisa pa. “May round ticket na ako. Magkita na lang tayo sa opisina mo kapag nakapasyal ka doon. Basta, ingatan mo ang baby mo, ah.” Malawak ang ngiti niya na hinawakan pa ang tiyan ng kaibigan. Tumango ito at niyakap siya. “Napagod yata ako sa kapapasyal natin maghapon, pwede bang magpahinga muna ako sa loob?” paalam nito. “Oo naman. Walang problema. Gusto mo bang samahan kita?” “No.” Mabilis itong umiling. “Dito ka na lang. Kaya ko naman, eh. Isa pa, kung gusto mong maligo, sige lang. Alam mo na, matagal na ulit bago tayo makapagbakasyon,” nakangiting wika nito. “Oo na. Naka-ready naman na ako.” Suot ni Czarina ang ibinigay sa kaniyang black na two-piece ng kaibigan. Nakangiting hinagod siya nito ng tingin. “Yeah. Bagay nga sa iyo, eh. Sige na, pasok na muna ako sa loob.” Tumango na lang siya at inihatid ito ng tingin. Napangingiti pa siya dahil hindi pa rin nawawala ang pagiging sweet nito. Ganoon talaga si Faye kahit may pagka-spoiled brat. Hindi naman nito ginagawa ang ganoong ugali sa kaniya. Tumingin siya sa kaniyang harapan. Napapikit siya nang malanghap ang simoy ng hangin na humahalo sa tubig alat. Pakiramdam niya, tinatawag siya ng dalampasigan. Napangiti siya at tumayo mula sa kinauupuang lounging chair. Tinungo niya ang dalampasigan at parang batang nagtampisaw doon. Tinanggal na rin niya kaniyang cover-up at basta na lang tinapon sa tabi, saka nagmadaling lumangoy. Napasigaw pa siya sa lamig ng tubig pero nagpatuloy lang siya sa paglangoy. Nang muling umangat ang ulo niya, tumambad sa kaniya ang papalubog na araw sa kanluran. Nanatili siya sa ganoong posisyon habang pinagmamasdan ang pagpapalit-palit ng mga kulay sa kalangitan. She at peace looking at the sunset. Nahiling tuloy niya na huwag na sanang matapos pa ang kaniyang bakasyon. Gusto pa kasi niyang magliwaliw at lumangoy, dahil isa talaga iyon sa bagay na gustong-gusto niyang gawin. SAMANTALA, mula sa balcony ng resort na kinuha ni Knight, tanaw niya ang mga turistang paroo’t parito sa may dalampasigan. Pero habang lumulubog ang araw, dumadalang na ng mga tao. Maya-maya, nakita niya si Faye na pumasok sa resort na pag-aari ng pamilya nito. Naiwan ang babaeng nakita niyang kausap nito kanina na nakaupo sa lounging chair. “Siguro isa sa mga guest,” sa isip niya. Wala naman kasi siyang ideya kung sino ang tinutukoy ni Faye na kikitain nitong kaibigan. Alam niya na babae, pero hindi niya kilala kung sino. Huminga siya nang malalim. Usapan nila ay bukas pa niya ito susunduin, pero nagbago ang isip niya. Gusto din niyang ma-relax ang isip para sa bagong project na haharapin pagbalik nila. Napatitig siya nang biglang tumakbo ang babaeng sinusundan ng tingin. Para itong batang nakipagtampisaw sa tubig, hanggang sa tanggalin nito ang suot na cover-up. Napatingin siya sa bilugang pang-upo nito at sa nagmamalaking dibdib, na parang nanonood siya ng isang movie na ito ang bida. Pamilyar sa kaniya ang maliit at maamo nitong mukha. Inisip pa niya kung saan ito nakita, pero sumakit lang ang ulo niya nang hindi niya maalala. Hindi niya inaalis ang paningin sa babae. Nahihiwagaan pa siya sa sarili dahil para bang gusto niyang takpan ang katawan nito at ipagdamot sa iba. Inikot niya ang paningin ang paligid. Lahat halos ay napalilingon sa babae. Ngunit, mukhang wala itong pakialam sa paligid. Lumangoy lang ito nang lumangoy nang walang kapaguran. Nagtaka siya nang biglang hindi gumalaw ito sa ibabaw ng tubig. Halos sampung minuto na roon ay hindi pa rin ito gumagalaw. Dali-dali niyang hinubad ang damit at patalon at ang tanging itinira ay ang boxer shorts na suot. Pagkatapos, nagmamadali niyang tinakbo ang kinaroroonan ng babae. Mabilis niya itong niyakap at iniangat sa tubig. “Hey! Are you okay?!” Nag-alalang hinawakan niya ang mukha nito, sabay haplos doon. Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito nang magmulat ng mga mata. Titig na titig lang ito sa kaniya. Napatitig din siya rito. Tila may kung anong lukso ng damdamin ang nagtutulak sa kaniya para halikan ito. Unti-unting bumababa ang mukha niya, ngunit bigla itong gumalaw. “Who are you to disturb me!” Malakas siya nitong itinulak. Napatitig siya rito. Ngayon lang niya napagtanto kung saan ito nakita. She’s the girl from the bar! Kahit lasing siya noon at namukhaan pa rin niya ito. Mukhang itinadhana na roon sila muling magkita. Napangiti siya at malisyosong tumingin dito. Magsasalita na sana siya nang isang sampal ang dumapo sa mukha niya. “Manyak!” Napahawak siya sa nasaktang mukha. Malayo na ito bago pa niya natanto ang sinabi ng babae sa kaniya. Naiiling siyang bumalik sa suit niya. Somehow, parang nagkaroon na naman ng magandang kulay ang kaniyang paligid.Halos isang linggong holiday ang buong hotel ng mga Falcon dito sa Pilipinas dahil doon gaganapin ang kasal nina Knight at Yna. Kahit ang mga tauhan at lahat ng engineers ay pinagbakasyon at inanyayahan ni Knight sa kasal nila ni Yna. Pagkatapos ng isang buwan nila sa Amerika, bumalik sila ng Pilipinas kasama ang mga magulang ng dalaga. Ang kapatid nito ay nag-resign na sa trabaho at tuluyang iniwan ang buhay doon. Bumalik ang mga ito sa bahay ng mga ito, pero bago ang preparation ay pinaluwas na niya sa Maynila ang pamilya ni Yna. Hinayaan niya ang dalaga na mag-decide kung saan ang venue, pati na sa kung anong damit ang susuotin. Gusto niyang ibigay ang best wedding day sa pinakamamahal niya. Ito rin mismo ang pumili sa hotel nina Daniel. Magaling itong pumili ng mga disenyo at talagang mapapahanga ang sino man na pupunta roon. Inimbetahan nila ang lahat para makadalo roon, kahit sina Harold at Faye.Hindi nila sigurado kung pupunta
Pagkatapos mag-propose ni Knight pumasok sila sa loob ng magarang restaurant na iyon.“Congrats, pare! Kung hindi nag-oo si Yna, ito ang gagamitin kong huling alas para pumayag siya.” Nakangiting nagbeso si Daniel sa kaniya habang ang ibang bisita at magulang niya dinala at pina-assist sa mga waiter doon.“Ano na naman iyan, pare?”“Sabi ko, basahin mo ang papeles na ito bago mo pirmahan, hindi ba?”Nakangiting inabot ni Yna ang hawak ni Daniel.“Huwag mong sabihing sa iyo ang restaurant na ito, Daniel.”Umiling ito. “Nope. Sa parents ko. Nandito nga sila ngayon dahil sa mahalagang anunsiyo ng anak-anakan nila. Idagdag mo pang ipinasara nitong kaibigan ko ang buong restaurant!” Tiningnan niya ang katabi. “Knight, nang-abala ka pa! Sayang ang benta nila ngayon,” aniya.Natawa lang ang lalaki.“Don’t worry, pag-uusapan na lang namin iyan. Anyway, congrats sa inyo— at Yna, inaantay ka na ng farm mo!”
Maaliwalas ang mukha ni Yna nang tumingin sa orasan. Napakunot ang noo niya, tama ba orasan niya? Alas-syete na ng umaga ang nakita niya at hindi na siya nakakain ng hapunan. Tumingin siya sa side table. Wala na roon ang mga pagkain at maayos na nakasuot ang mga damit niya, pati ang kumot ay maayos na nakatakip sa katawan niya.Tumayo siya at itinali ang buhok. Hindi na siya naghilamos pati kahit toothbrush dahil excited siyang makita si Knight. Paglabas niya sa kusina, naabutan niyang masayang kumakain ang dad at mom niya.“Where’s Knight, mom?” Umupo siya sa tabi ng kaniyang ina at kumuha ng isang tinapay.Nakita niya ang pagkunot-noo ng ina niya. “Akala ko ba wala ka ng pakialam sa kaniya, anak?” nakangiting sagot ng ina niya.“Mom . . . !” nakasimangot niyang sambit.“Nagpaalam sa amin kagabi ng dad mo na bukas or makalawa ang balik niya. Hindi ba nagpaalam sa iyo kagabi? Nagtimpla siya ng gatas mo at siya din naglabas noon, akala k
Ginawa ni Knight ang lahat para magbalik sila sa dati— masaya at walang problema. Araw-araw ay dumadalaw ito sa bahay nila at sari-sari ang dala. Minsan gumigising siyang nakahanda na ang pagkain na ito mismo ang nagluto. Hindi rin nakaligtas sa patingin niya ang mga bulaklak na laging nasa kwarto niya. Si Gibeon ay kasama na rin nito sa panunuyo sa kaniya. Mukhang close na talaga ang dalawa. Ang mommy naman niya ay hindi nawawalan ng ibinibigay niyong mga lutong pagkain, habang alak naman sa kaniyang ama. Nakatitig siya ngayon kay Knight na abala sa kusina nila. Umalis ang ama’t ina niya para mag-grocery. Si Gibeon naman ay may pinuntahan na kaibigan. Napatingin siya sa orasan. Pasado alas-tres na iyon ng hapon. “Hi, sweetheart! Maupo ka muna dito. I made this . . .” Itinaas nito ang pasta na bagong luto. Nasanay na itong makialam sa kusina nila, na hinayaan naman niya. Natakam siya sa inihain ni Knight, pero nang maamoy niya iyon, bumalikdad
“Anong ginagawa mo dito? Hindi ba at ayaw na kitang makita pa!” singhal ni Yna kay Knight kahit ang totoo ay pinalalakas lang niya ang loob para maging matatag sa harapan nito.“Yna, hinayaan kong umalis ka noong araw na iyon para harapin at ayusin ang problema ng daddy at mommy mo. Ayokong isingit ang sarili ko dahil nakiusap si Mr. Melendez na huwag munang isabay ang kung anong gusto ko at hayaan kang magkapag-isip. Pero halos isang linggo na rin ang lumipas at hindi ko na matiis na hindi ka makita. Hindi ba sinabi ko naman sa iyo, na hindi ako susuko. Kahit lumuhod akong muli sa harapan mo araw-araw— gagawin ko, magkaayos lang tayo. Bumalik ka lang sa akin,” wika ni Knight.Bahagya siyang umusod ng upo at iniwas ang tingin sa lalaki.“But still . . . naging kabit mo ako, Knight! Hindi pagmamahal yun at pure l*st lang ang lahat! Bumalik ka na sa Pilipinas, doon sa farm mo. Marami ang naghihintay sa iyo doon!” Tumayo na siya at iniwan ito sa upuan.
“Alright. Pakikinggan kita, pero hindi ibig sabihin nito ay pinatatawad na kita. Malaki ang kasalanan mo sa akin, Knight. Hindi nakukuha ang kapatawaran sa isang kisap lang ng mga mata, kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao,” malamig na wika ni Yna. “Tumayo ka na diyan,”“I understand. Ang gusto ko lang ay pakinggan mo ako. Kung talagang mahirap kalimutan ang mga ginawa ko, tatanggapin kong lahat iyon. Pero ito lang ang itanim mo sa isip mo, hinding-hindi ako titigil sa paghingi ng tawad sa iyo,” ani Knight at tumayo ito.Binalingan ni Yna ang kaniyang ama. “Dad, mag-uusap lang kami sandali. Hindi pa naman tinatawag ang flight natin, hintayin niyo na lang ako sa waiting lounge.”Nakatingin lang ang ama niyang nalilito pa rin. Sa huli, tumango ito. Pumunta sila ni Knight sa VIP lounge para doon makapag-usap nang maayos.“Yna, first of all, gusto kong malaman mo na na mahal na mahal kita,” simula nito.Napailing siya. “Ginawa mo akong kab
Nakatingin lang si Yna sa pinagpapawisang lalaki kahit malamig ang panahon, dahil sa paghigop nito ng sabaw. Tingin niya, ngayon lang ito nakatikim ng lutong bahay.“Perfect! Mas masarap ang timpla mo. The best— ever!” Natawa siya habang nilalantakan ang vegetable salad na ginawa nito.“Ilang bese
Pakiramdam ni Yna ay nasa ibang mundo siya. Pangarap niyang makarating sa ganoong lugar, dahil halos sa syudad siya lumaki at walang iniisip noon kung hindi ang mag-aral. Kahit papaano nasusunod noon ang gusto niya, noong maayos pa ang buhay nila. Nakatingin siya ngayon kay Knight na tila ordinary
Pagdating ni Knight sa farm nila pagkatapos ng orientation, biglang nagsungit ang panahon. Pilit niyang iniiwasan si Yna pero hindi pa rin niya mapigilan ang sarili.Tunawag siya sa guard house sa construction site para kumustahin kung nakaalis na ang mga ito. At nang makasiguro siyang nakaalis ay
Del Rio Construction site, iyon ang nabungaran niya sa malaking bahagi ng lugar na iyon. Malaki at makabagong pasilidad iyon, na may malalaking bunkhouses para siguro sa mga tauhan ng kompanya. Isang malaking gate ang bumukas at humingi ng ID niya kapalit ng isang numero.“Magandang araw, Ma’am. Ka







