LOGINNagmadaling bumaba ng sasakyan si Czarina dahil tumawag si Mr. Edward Laxamana, ang boss niya at ama ng kaibigang si Faye. May urgent meeting daw silang lahat na empleyado nito. Kinabahan siya dahil huling beses nilang ginawa iyon ay noong biglang nawala ang project nilang hawak, dahil sa malaking bulilyaso sa site na halos kalahati ang ikinalugi ng kompanya. Kaya naman todo kayod sila para mabawi ang halagang iyon. Sa ngayon, nabawi na nila iyon pero puhanan lang ang bumalik.
Kung sa kaniya, maayos na iyon kaysa sa wala. Pero iba ang isip ng boss nila. Ang gusto nito ay mabawi ang puhunan at lahat ng nagastos nito. Wala naman siya pakialam doon basta mahal niya ang trabaho niya. Ang kinatatakutan niya lang ay kapag nangayari iyong muli. Baka kasi magresulta iyon ng pagbabawas ng mga tauhan at mapasama siya. Kaya naman todo dikit ang kompanya nila sa mga malalaking proyekto o kaya naman ay nakikipag-partner sila sa malalaking kompanya. “Good morning, Engineer Yna!” bati ng isang guard sa kaniya pagpasok niya sa lobby. Agad niyang nakita ang kaniyang kasintahan na parang may hinihintay. “Good morning po! Dumating na po ba ang CEO natin?” tanong niya nang balingan ang gwardiya. “Hindi pa po. Si Director Harold pa lang po. Mukhang kayo po inaantay niya, Engineer Yna,” pabirong wika nito na nilingon pa ang tinutukoy. Lingid sa kaalaman ng lahat ang relasyon nila ng binata. Ngunit halata sa mga kilos ng binata ang namamagitan sa kanila. Pero nanatiling propesyunal pa rin silang dalawa kahit nasa public place pa. Malambing ito pero hindi showy at seryoso lang sa buhay. “Magandang umaga, Director Harold Han.” Napakunot-noo ito sa kinilos niya. Tipikal na may lahing koreano ito pero mas lamang pa rin ang dugong Pilipino. Singkit ito at makinis ang balat. Nakuha nito iyon sa mother side nito na sa kasalukuyang nasa ibang bansa at hindi pa niya nakikita sa personal. “Engineer Yna, good morning!” Lumapit ito at bahagyang bumulong sa kaniya. “What is this game, babe?” Natawa siya dahil seryoso ito. Buhat kasi nang sunduin siya nito at ihatid sa condo niya, hindi na siya nito masyadong kinikibo. Hindi kasi niya ito inihatid sa lobby. Pagkatapos nitong magkape noon, umalis na rin ito. Pagod kasi siya kaya nakatulog agad. Nagising siya sa tawag nito kanina. Hindi na siya nagpasundo dahil mas lalo lang siyang matatagalan. Manggagaling pa ito ng Alabang tapos Manila pa siya. “We are working. Let’s go!” Sumabay siya sa paglalakad ng binata. “Did you eat your breakfast?” “Nope! I ordered already. Come to my office and let’s eat our breakfast. Tito Edward is not yet here.” Tumingin siya rito. “Alright. I’ll make coffee for us.” “No need. I also ordered coffee for us, babe.” Napaawang ang mga labi niya. Hindi kasi siya makapaniwala na puro na lang bili sa labas ang tipo nito. “Why?” Ngumiti ito na tila naaaliw sa ekspresyon ng mukha niya. Ngumuso lang siya. “P’wede naman kasing gawin, bakit bumili ka pa?” Tumawa ito. “Mas mabilis kasi kung bumili na lang. Kung magtitimpla pa tayo, baka nagsisimula na ang meeting kumakain pa rin tayo. Pero hayaan mo, kapag tinanggap mo na ang inaalok kong kasal sa iyo, ikaw na ang mag-asikaso sa akin.” Napatigil siya sa paglalakad at tumingin dito. May damdamin kasi sa loob niya na hindi niya makayang ipaliwanag. Pakiramdam niya, parang mas lumayo ang damdamin niya rito. Mahal niya ito pero tila ba unti-unti na iyong nawawala. “Come on, babe. Sabi mo nga maaga pa para sa planong iyon.” Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. Naalala niya nang nanliligaw pa ito. Kahit malayo ang Manila sa Alabang ay lagi siya nitong inihahatid-sundo. Halos anim na buwan rin itong nanligaw. Itinataboy niya ito, pero nakita namang sinsero ito at kilala ni Faye kaya sinagot na rin niya. Kwela to kapag wala sa trabaho. Pagkanta ang hilig nito at iyon ang lagi nilang bonding. Oorder ng pagkain sa labas at sa condo niya sila kakain, minsan kasama pa nila si Faye. Masaya na siya sa ganoon kahit ni minsan hindi ito nagbigay ng bulaklak sa kaniya. Mas ipinararamdam sa kaniya ng binata ang pagmamahal nito sa pamamagitan ng mamahaling bagay, na ibinibigay sa kaniya pero hindi naman niya tinatanggap. Mahilig din itong mag-bar kasama si Faye, kaya nadadala rin siya roon minsan pagkatapos ng proyekto nila. “Director Harold, nasa opisina na po ang mga pagkain,” anang secretary nito. “Thank you, Sanya. I will invite Engineer Yna for breakfast, please ready two plates for us.” “Sure po! But wait . . .” Bago pa nakakilos si Harold ay hinawakan ni Sanya ang kwelyo nito at inayos ang kurbata ng nobyo niya. Kitang-kitang niya ang lagkit ng tingin nito sa lalaki. Nanatili naman siyang nakangiti kahit naiilang habang nakatingin sa mga ito. Maganda si Sanya, iyon ang napansin niya. Biglang tumikhim si Harold at umiwas sa ginagawa ni Sanya. Hindi naman siya nagseselos ngunit nasaling ang pride niya. “Director Harold, mauna na muna ako. Siguro, next time na kita sabayan sa breakfast mo. Magkita na lang tayo sa board meeting mamaya.” Tumalikod na siya. Narinig niya ang pagtawag ng kasintahan pero hindi niya ito nilingon. “Ibang klase na talaga ang mga babae ngayon!” wika niya sa sarili. Bago siya tumuloy sa kaniyang opisina, napadaan siya sa dating opisina ni Faye. Bukas ang ilaw roon at mukhang may mas maaga pa sa kanila. Nilagpasan niya iyon at tumuloy sa katabing silid kung saan naroon ang opisina niya. Pabagsak siyang umupo sa upuan niya nang biglang tumunog ang telepono. “Yes, good morning.” “Babe, I’m sorry kanina. Parang personal assistant ko na rin kasi si Sanya kaya—” “Harold, enough. Hindi mo na kailangang magpaliwanag, naiintindihan ko. Mag-aayos lang ako para sa mga file na gagamitin ko sa meeting.” “Babe, gusto mo diyan na lang sa office mo tayo kumain? Ipapadala ko ang mga pagkain diyan,” wika nito. Nairap siya sa kawalan. “Babe, okay na ako. Babalik din ako diyan, ayusin ko lang itong mga file ko.” “Thank you, babe. Sasabihan ko na si Sanya after this.” “No need. Trabaho niya iyon, okay.” Narinig niya ang pagbuntonghininga nito. “Okay. See you.” Pagkababa ng telepono, mabilis na inayos ni Yna ang mga kailangan niya at binitbit palabas. Nagmamadali niyang tinungo ang opisina ng kasintahan, pero nakakailang hakbang pa lamang siya nang may mabangga siya. Mabuti na lang at mahigpit ang hawak niya sa mga dala-dala kaya hindi tumilapon ang mga iyon sa sahig. Ngunit, muntik pa rin siyang ma-out of balance pero mabilis siyang nahawakan sa braso ng kung sinumang iyon. “Are you blind?! Tumingin ka naman sa dainaraanan mo!” Paangil na wika niya. “Sorry! Sana tumingin ikaw rin, tumingin sa dinaraanan mo,” singhal din nito. Matalim ang mga matang tumingin siya sa kaharap, pero ang inis at galit ay napalitan ng kaba. “Ikaw!” Panabay nilang wika. Ito lalaki sa beach! Mas bagay ang long sleeve dito kaysa boxer lang. Napalunok siya nang maalala ang bagay na dumampi sa pagitan ng mga hita niya nang yakapin siya nito sa dagat. Mabilis niyang ipinilig ang ulo para mawala iyon sa isip. “Anong ginagawa mo rito? Nag-a-apply ka ba? Asan ba ang HR at hinayaan kang lumakad-lakad dito. Mag-a-apply ka pa lang pero may attitude ka na!” asar niyang wika. Napangiti ang lalaki. Magsalita pa sana ito nang dumating si Sanya. “Engineer Yna, ipinatatawag ka na po ni Sir Harold,” magalang na wika nito. “Okay! Pakitawag ang HR at dalhin kamo sa conference room iyan.” Hindi na niya nilingon ang mga ito. Inayos niya ang heels niya at blazer na nagulo, saka mabilis na tinungo ang silid ng kasintahan.Napatingin si Yna sa nakaawang na pinto sa harap ng kaniyang opisina. Napangiti siya dahil nasundan pa ang paglabas nila ni Knight. Maginoo naman ito pero madalas sumisingit ang pagkapalikero ng lalaki, na madalas na binabalewala niya dahil iyon naman ang dapat. Sa department nila sa kompaniya na iyon, marami na siyang nakasapamuha na katulad nito kaya umiiwas na siya.Napailing na lang si Yna. May mga lalaki pa rin kasi na ang taas ng tingin sa sarili. Akala nila lahat makukuha sa mga pahaging na ganoon. Lampas na siya sa ganoong panahon. May kasintahan na rin siya kaya rito na lang niya itinutuon ang pansin.Just a plain business! wika niya sa isip at nag-umpisa ng magtrabaho. Subalit, ngulat siya nang biglang lumitaw si Knight sa pintuan ng opisina niya.“Hello! May I invite you to my office for some snacks? I also have a draft of the layout for a small park I’m planning to build in the median of the highway, aimed at enhancing the visual appeal for drivers,” tuloy-tuloy nitong wi
Pakiramdam ni Knight sa mga sandaling iyon ay nasa alapaap siya, dahil kasama niya ang babaeng kagabi pa siya hindi pinatutulog sa kaiisip. Nalaman niya mula sa inutusan niya na ang isa sa mga director ng kompanya ng mga Laxamana ang boyfriend nito. Hindi niya alam kung bakit, pero nasasaktan siya sa kaalamang iyon. Subalit para sa kaniya, hangga’t hindi pa naikakasal ang babae ay single pa rin ito. Wala pa ring sabit.“Sir, magtitinginan na lang po ba tayo?” tanong ng kaniyang kaharap na may pagtataka sa mukha.Tumingin siya sa relos niya para hindi halata ang ginawa niya. “I’m sorry . . . I’m just thinking why you’re still single up to now.” Nakita niya ang pamumula ng mukha ng dalaga pero pinanatili pa rin nito ang pagka-professional sa mukha. “Sir, may boyfriend ako at trabaho ang pinag-usapan natin kaya ako sumama sa iyo. Actually, we’re planning to have a lunch outside but . . .” Tumigil ito at tumingin sa phone na hawak.“But he is not around. Kung ako sa boyfriend mo hindi k
Mula sa pinto ng opisina ni Yna ay nakita niya ang pagpasok ng assistant ni Faye noon, at ngayon ay nagtatrabaho na para kay Mr Del Rio. “Engr. Yna, ipinapatawag po kayo ni Sir Knight sa opisina niya. Magdala daw po kayo ng notes,” magalang na wika nito. “Aalis din po ako dahil pinagdadala niya ako ng dokumento kay Sir Edward. Kung kailangan ninyo ng tulong sa pinag-usapan ninyo, mamaya sabihin niyo lang sa akin at tutungan po kita.”Tumango siya. “Salamat. Sige, pupunta na ako doon.”Tumango rin ito at nagpaaalam na dala ang mga dokumentong tinutukoy na dadalhin papunta kay Mr. Laxamana. Kinuha niya ang kaniyang notes at nagdala na rin ng ballpen. Napatingin siya sa relong nasa bisig, pasado alas-dose na ng tanghali. Lunch break na pero kailangan pa nilang mag-usap? Para saan? Mukhang umpisa pa lang ay mahirap na itong katrabaho, at mukhang wala itong lunch break na tinatawag.Inayos niya sarili at kinuha ang blazer na suot kanina. Isinuot niya iyon bago lumipat sa opisina ng bago
Habang nasa loob ng opisina ni Faye si Knight, bago mag-start ang meeting, ipinaayos niya kay Nikki ang lahat ng folder ng mga engineer doon. Iyon ang pamimilian niya para sa limang taong kailangan niya para sa bagong proyektong gagawin. Binasa niya ang lahat ng profile ng mga ito at masasabi niyang magagaling ang lahat— wala siyang itulak-kabigin. Ang plano at presentation ng mga ito ay talagang humahanay sa pang-international, ngunit ang gusto niyang kasama ay hindi magiging kakumpetensiya sa plano niya. Ang gusto niya ay iyong mag-s-suggest sa kaniya kung ano pa ang ikakaganda ng lahat. Sa nakita at naobserbahan ni Knight sa katatapos lang na meeting, isa lang nakagawa niyon. At iyon ay si Yna. Lihim siyang humanga sa determinasyon nito. Bukod roon, may respeto rin ito sa kung sino ang mamumuno sa proyekto— at siya naman iyon.Itinabi na niya ang folder ng dalaga. May napili na rin siyang apat pero nakukulangan pa siya sa trabaho ng mga ito, kaya kailangan niyang mag-extend ng isa
Pagpasok pa lang ni Yna sa opisina ng kasintahan, nakita niyang seryoso ang mukha nito at tila hindi mapakali na yumakap sa kaniya.“I’m sorry . . .”Yumakap din siya rito. “Okay na iyon. At saka, kung galit ako hindi ako pupunta dito. Let’s eat,” wika niya at inaayos ang dalang folder sa mesa nito. “Can I put my things here?”“Sure! Always.” Kinuha nito ang mga dala niya at ito na mismo ang naglagay sa mesa nito, saka siya inalalayan sa mini pantry nito.Nakita niya ang isang bungkos na rosas doon. “What is this? Kilala kita na hindi nagbibigay ng ganito?” nagtatakang tanong niya.Ngumiti ito at kumamot sa batok. “Yeah. But I am planning to give that to you a while ago but suddenly you walk out.”“No, I’m not—”Mabilis na kinuha ni Harold ang bulaklak at inabot sa kaniya. “Babe, for you. I just want to remind you, that you are my love. The one and only.”Kinuha niya ang bulaklak at ngumiti. “Thank you.” Pero kahit anong kapa niya sa damdamin, wala talaga siyang kilig na naramdaman s
Nagmadaling bumaba ng sasakyan si Czarina dahil tumawag si Mr. Edward Laxamana, ang boss niya at ama ng kaibigang si Faye. May urgent meeting daw silang lahat na empleyado nito. Kinabahan siya dahil huling beses nilang ginawa iyon ay noong biglang nawala ang project nilang hawak, dahil sa malaking bulilyaso sa site na halos kalahati ang ikinalugi ng kompanya. Kaya naman todo kayod sila para mabawi ang halagang iyon. Sa ngayon, nabawi na nila iyon pero puhanan lang ang bumalik. Kung sa kaniya, maayos na iyon kaysa sa wala. Pero iba ang isip ng boss nila. Ang gusto nito ay mabawi ang puhunan at lahat ng nagastos nito.Wala naman siya pakialam doon basta mahal niya ang trabaho niya. Ang kinatatakutan niya lang ay kapag nangayari iyong muli. Baka kasi magresulta iyon ng pagbabawas ng mga tauhan at mapasama siya. Kaya naman todo dikit ang kompanya nila sa mga malalaking proyekto o kaya naman ay nakikipag-partner sila sa malalaking kompanya. “Good morning, Engineer Yna!” bati ng isang gua







