Share

CHAPTER 2

Author: AmiorGracia
last update Huling Na-update: 2021-09-07 21:58:13

ELIZABETH’S POV

I remember noong 18th birthday ko, after ng debut party ko. Elias invited me sa likod ng bahay naming and surprisingly may nakahandang table for two people tapos may mga pagkain. Napaiyak na naman ako noon kasi he is just too much. His ways are always too much. Lagi akong overwhelmed at speechless. Hindi ko alam kung anong ginawa ko sa past life ko at isang Elias ang binigay Niya sa akin. Swerte and blessed in beyond. 

We ate. We talked. Tapos kinantahan niya ako ng Ikaw at Ako. That was the story kung paano ko naging favorite ang kantang ito. 

Nagising ako dahil sa pagyugyog sa balikat ko. Inirapan ko si Jai. 

"What? Nandito na tayo girl! Aba't napasarap yata ang tulog mo," sabi niya na natatawa. Wala na rin si Elias sa loob ng Van. Pero sumilip si Elias kaya napa-ayos na rin ako ng upo at bumaba. Inalalayan niya ako. Sweet! Hawak nila mga gamit namin. Since camping ito sa tent kami matutulog, probably.

May mga dumating naman para mag-assist sa amin. Medyo marami rin ang tao pero hindi naman ganoon ka-crowded or kagulo. Sumusunod lang kami sa babaeng nag-a-assisst na obvious na nagpapa-cute. Tsk. I can’t blame her though. 

By area pala ang accomodation dito. Depende sa dami at tents na ipapatayo. Maganda dito, relaxing ang paligid. Tumigil na siya sa isang maganda at malawak na lote. Medyo malayo sa amin iyong ibang campers kasi mas maganda raw para mas feel na nagca-camping talaga. After ilang reminders, umalis na rin sila. Tatlong tent ang ipapatayo, isa sa aming mga girls at dalawa sa mga boys kasi ang lalaki nila. Bale apat kaming mga babae including Laura na girlfriend ni Josh. Pinapatayo nila iyong mga tent namin tapos kaming mga girls inaayos mga pagkain at mga magagaan lang na gawain.

Gabi na and boys made a bonfire. Since marami kaming dalang alak iyon ang ginagawa namin. What else? We're at the right age naman na. Katabi ko si Elias, medyo malamig pero okay lang kasi may apoy naman. The heat coming from it was enough to make us feel warm. 

Josh is playing a guitar, nagta-tawanan nalang kami kasi wala sa tono kumanta si Aldreen. Siya raw vocalist eh. Kaibigan sila ni Elias, childhood actually. Pero si Rayver noong senior high lang nila naka-close. Hindi kasi kami magkaklase ni Elias noong senior high. Since law ang kukunin niya, he took Humanities and Social Sciences or HUMSS. Tapos kaming magkakaibigan is STEM or Science Technology, Engineering and Mathematics. 

Kumakain din kami ng mallows, we're not gonna drink hard kasi hindi kami masyadong mage-enjoy kapag maglalasingan lang kami rito. 

"Sana all may jowa! Sana all may jowa!" Natatawa nalang kami ni Elias sa kanila dahil sabay-sabay ba naman silang kumanta. Is that even a song? Cringe! Buti nalang talaga malayo iyong ibang campers. Ang ingay namin!

"Hoy, Eli! Kanta ka naman!" Sabay kaming napalingon ni Elias kay Jai. 

"Elias ang kapal ng mukha mong lumingon! Si Elizabeth ang tinatawag ko,” sabi niya. Nang-aasar sabay tawa ng malakas.

Bastos talaga ito minsan. Pinisil ko pisngi ni Elias kasi napa-simangot siya. I took the guitar at napalitan iyon ng ngiti. Nagsigawan naman itong mga abnormal na ito. Actually, mahilig akong mag-guitar. Kumanta? Yes, medyo. Pero I don't show it in public. This is our second anniversary pero parang wala pa akong nagagawa sa kanya tapos siya sobrang dami na. But anyways, hindi naman kami nagbi-bilangan. Gusto ko lang din sanang mapantayan, atleast, iyong mga ginagawa niya sa akin. If I deserved what he does, he also deserved the same effort he's giving. 

I strummed the guitar. Nakatutok ang mga mata nila sa akin, pati siya. He just can't take his eyes off of me. I smiled at him, sweetly. 

Hindi ko alam kung dahil ba sa iniinom niyang alak kaya siya namumula or kinikilig din ba siya? Tinitigan ko siya sa mata, the same intensity he's giving me. The look of his eyes tells everything. Punong-puno ng pagmamahal. Sabi nila we're almost perfect for each other. Kahit ang bata pa namin or ng relationship namin ay nagtagal kami. Yes, may mga pagkakataon din namang mahirap but we always choose to stay no matter what happens. We wanted to stay in love because we wanted it to be lasts. 

It's really possible to fall each and every day. Sabi nila, kapag matagal na ang relationship, nagfe-fade na rin daw minsan iyong kilig but I never felt it with him kasi he always makes sure that I will still fall for him every single day. I hope, he does the same. Of course, it doesn't need to be questioned. It's always proven. 

Ang aga pa para sabihin pero I want Elias to be my last. I want him to be the man of my life. The heck of being young but I am 103% sure that he's the one for me. I never planned to fall in love at this young age. Surely, our planned doesn't really work when cupid hit us, hard. I don't know what will happen to us in college but I trust him. No doubt about that. I know we will make this work.  

Tinapos ko na iyong kanta at medyo nahiya pa ako nang sabay-sabay silang pumalakpak. Nag-bow naman ako sa kanila, sumasabay sa kanilang kaabnormalan. 

"Sa sobrang ganda at lamig ng boses ni Eli, hindi man lang nag-blink ni isang beses si Elias." Inaasar-asar nila si Elias at ayun na naman ang kanyang pamumula. Ang cute! Nakitawa rin ako at niyakap siya at mas lalo tuloy siyang inasar. Umiling-iling nalang ako sa mga kalokohan nila. 

Nauna na silang nagpahinga at natulog. Nagpaiwan kami ni Elias, malapit na kasing mag alas dose, gusto naming salubungin iyong araw namin. Yes, I know! Ang korni namin. April 12 ko kasi siya sinagot noon. I don't know, it wasn't planned. Maybe it is destined. Magkahawak kamay kami. Nakatingin siya sa mga bituin. Ako, sa kanya. He is my star and moon in this dark world. 

"Love, may ibibigay ako." Napalingon naman siya at napakunot. Honestly, ayaw niyang binibigyan ko siya, I mean, okay lang daw kahit wala basta mayroon ako. I know right. He's really cringe. 

"I told you, it's ok─" I kissed him. Nagulat siya sa ginawa ko. 

"Shut up." Kanina ko pa ito dala-dala. Hindi ako makahanap ng right timing. Kinuha ko ito sa bag na nasa likod ko. I gave the box to him.

"Open it babe," sabi ko. 

He slowly opened it. It's a watch, na may naka-engraved din na Forever Eli. He looks at me, he smiled tapos teary eyed. What? So cute! 

"Thank you baby. This is too much.” What? Anong too much? Iyan pa lang naibibigay ko. He hugged me.

"I mean, ikaw pa lang higit-higit na. Ikaw pa lang sapat na. Tapos magbibigay ka pa ng mga ganito. Sobra-sobra na talaga. I just thanked God every day because He gave me you. My future is all planned now kasi you are my future. I just can't think of a day, without you. I just can't imagine my life without Elizabeth in my life. Thank you, love. Thank you for everything." Is he really crying? God! What have I done to deserve this man? I hugged him, tightly. I really love this man. 

"Because, you always make me feel that I am worth sacrificing for, that I am special and loved. I love you, babe. So much." Kinalas ko ang yakap. Namumula mata niya. Kainis pati tuloy ako, naiiyak. I wiped his tears. I kissed his eyes. 

"Why are you crying? Mas madami ka ngang nagawa─" He kissed me, passionately. I kissed him back. This is where I belong. In his arms. He moved his lips gently. Punong-puno ng intensidad. Ramdam na ramdam ko ang pagrespeto niya sa halik na ginagawa niya. 

He kissed my forehead. "I love you." He kissed my lips again. 

"I love you." Three words with millions of feelings. 

We spent the rest of the days by enjoying the views. We went to a waterfall, we took selfies and groufies there. We tried zipline din kahit mas mababa sa mga napuntahan na naming mga lugar. We also went to a crocodile farm. May Zoo Kingdom din. Ugh! I really enjoyed our trip. 

Ngayon, kakauwi ko lang dito sa bahay. Ewan ko kung anong mayroon pero nagluluto si Mommy na parang may celebration. Naabutan ko kasi siya sa kitchen. Tapos tinanong ko si Daddy, hindi niya rin daw alam kung anong mayroon, basta inaya nalang daw siya ni mommy kanina na mag-grocery ng madami. So clueless kaming mag ama. I kissed their cheeks and pumasok na ako sa room ko. 

I took my phone and there’s a message from Elias, saying ‘Thank you love. I love you.’ simple message, but still make my heart flutter. I replied 'I love you more' and I drifted to sleep. 

Nagising ako sa pagkatok ni yaya, dinner na pala. I took a shower first, nagsuot ng pangtulog at bumaba na rin. Daming pagkain, mga favorites pa namin ni Daddy. What is really going on Mom? Napapakunot-noo at napapakibit-balikat na lang kami ni Daddy. 

"So before we finally eat. I have a surprise to both of you." May kinuha siyang maliit na boxes, dalawa kasi tag isa kami ni Daddy.

"Sabay na kayong magbukas. Ready?!" Nagkatinginan kami ni Daddy, we slowly nodded at Mom. Tapos binuksan na namin and I was shocked! Tinignan ko si Daddy, mas shocked siya! Lumapit siya kay Mommy and he kissed her. Oh my god!

"For real? We're pregnant?!" tanong ni Daddy. Yes, buntis si Mommy. It was a pregnancy test with two red lines. Lumapit din ako at nakiyakap. Of course, I'm so happy. Gusto ko na rin magkaro’n ng kapatid. Actually, matagal ko nang sinasabi sa kanila pero they're both busy daw pero well, atleast mayroon na. Magiging ate na ako!

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • MY PAINFUL MEDICINE   CHAPTER 16 [PART 2]

    ELIZABETH’S POV“Naka-prepare ka na ba? Omg! I am so excited!” I rolled my eyes as I unwillingly packed the things needed. Why do I have to come ba kasi? They can still go and enjoy their trek without me naman ‘di ba?“I am not excited, Jai. You forced me, remember?” I heard her laugh. I put my Ipad down para ayusin ‘yong mga binili namin kahapon. She even dragged me na bumili at pumuntang mall! I can’t even decide for myself na.Hinayaan ko lang na panoorin niya akong mag-empake, we’re just having a video call while I am packing my things. She just wants to be sure na pupunta talaga ako. As if I have a choice. Pati manager ko, pinagtutulakan akong sumama.“Don’t foget your compass and medications, okay?” Paulit-ulit. Kanina pa niya ‘yan sinasabi. “Sunduin ka namin bukas nang maaga,” dagdag pa n

  • MY PAINFUL MEDICINE   CHAPTER 16 [PART 1]

    ELIZABETH’S POV“And again, Ms. Eliza Javier!” Iyon na ang huling sinabi ng male host na inattendan ko sa araw na ito. Nagpalakpakan at nagtilian ang mga taong nandito sa loob ng studio. Ngumiti ako sa kanila at kumaway nang kumaway hanggang sa makapasok na ako sa backstage.Nagmadali ako agad na nagpaalam sa mga staffs sa loob at dumiretso na kami sa parking lot, may meeting pa kami ngayon sa Runway Building. Palapit na kasi nang palapit kaya todo ang preparation na ginagawa namin, we don’t want to disappoint the people and visitors na pupunta. That is why I am also giving my best to make it successful.Napapikit ako at napasandal sa may upuan dito sa Van dahil naging tuloy-tuloy ang mga schedule ko pagakatapos kong mawala ng isang araw. Ganito na naman ang naging routine ko sa loob ng ilang araw. I would drain myself at work para pag-uwi ay mag-re-rest na lang ang iisipin

  • MY PAINFUL MEDICINE   CHAPTER 15 [PART 2]

    ELIZABETH’S POVMakalipas ang ilang sandali ay kumalma na rin si Daddy. Habang yakap-yakap ko siya ay hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng aking mga luha. Sumabay pa iyong napanaginipan ko kanina. Akala ko totoo na.I have never thought that we would reach this point. Mas lumakas ang hagulgol ko nang maalala ang mga memories dito sa aming bahay. Hindi ko na mapigilan ang bugso ng aking damdamin. This house was my comfort but now I am feeling so anxious going here.It’s familiar but strange.Kailangan na kailangan ko ng isang magulang ngayon. I hugged him tightly.Sana hindi na lang ako nagising kanina.Oh God! I miss them so much!Nilayo ko ang katawan ko kay Daddy at nagpunas na ng luha. Nakalimutan ko na hindi lang pala kami ang tao dito sa loob ng kwarto.I can&rsq

  • MY PAINFUL MEDICINE   CHAPTER 15

    ELIZABETH’S POVNapalingon ako sa bedside table ko nang tumunog ulit iyong phone ko. Hindi nagtagal ang tingin ko rito at hinayaan lang na tumunog. Ibinalik ko ang tingin ko sa kisame ng aking kwarto. Hindi ko alam kung anong oras na basta ang alam ko lang ay hindi pa ako natutulog.Nakahiga lang ako pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ako, pakiramdam ko ay galing ako sa mahabang takbuhan at sobrang pagod na pagod ako.It feels like I am chasing some thoughts within my mind.Inabot ko iyong phone ko nang tumigil ito. Pinatay ko ito at itinaob sa kama ko.Plano kong puntahan si Daddy ngayon pero pakiramdam ko ay hindi ko kayang bumangon at wala akong ganang kumilos.I am supposed to be busy today but I cleared my schedule because I am too occupied.Ilang taon na pero feeling ko I am still stucked here, where they left me.&nb

  • MY PAINFUL MEDICINE   CHAPTER 14

    ELIZABETH’S POV“Okay, that’s very good! You are all doing a good job! Chin up, walk… and turn around,” utos ko sa mga kasama kong model sa Runway. Sinunod naman nila ang mga sinabi ko. Nakikita ko rin kung gaano nila kagusto itong ginagawa nila at kung ganno nila ibigay ang lahat nang makakaya nila.We’ve been doing this for almost a week now. We need a prepared runway and my agency trusted me here so I am really doing my best to make it successful. Madaming magagaling at marurunong na kaso they wanted me to lead them. At sino ba naman ako para tanggihan sila, hindi ba? I can see my younger self from them. And also, I am happy to share my knowledge about modeling.“Pag-aralan kung kailan magiging fierce ang expression and when to smile,” dagdag ko pa na ikinalingon ng iba sa pwesto ko.“Huwag kayong madi-distract! You don’t have to look at

  • MY PAINFUL MEDICINE   CHAPTER 13

    ELIZABETH’S POVHilong-hilo ako patungo sa trabaho ko. Hindi ko pinapahalata kay Yna dahil sisigawan na naman ako niyan panigurado and I can’t bear with her muna. Hindi na naman kasi ako nakatulog kagabi and I don’t know why! Baka kasi managinip na naman ako. Siguro dahil nakatulog din ako noong kakauwi ko sa condo after ng shopping namin ni Jai.Papunta kami ngayon sa Runway Building para magpasukat, iyong gagamitin ko for runway, almost three months from now.Mabuti naman para matapos na at makabalik na rin ako sa US.Nasa loob pa lang kami ng Van. But anyway, professional naman na ako sa pagtatago ng eyebags dahil tatakpan ko lang naman iyan ng make up at isa pa, professional din ako sa pagtatago ng nararamdaman ko.Bumaba kami sa sasakyan at inayos ang suot kong dress. Naglakad na kami patungo sa lobby ng Runway building.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status