Share

CHAPTER THREE

MARY LYNELLE

Naglalakad ako na tila wala sa aking sarili. Nang biglang magulat sa pagsasalita ng kaibigan ko na nasa harap ng lamesa at kumakain.

Takaw talaga nito malapit na kaya mag tanghalian pero kumakain na ito. Kala mo sobrang gutom palagi at may alagang sawa sa tiyan. Huminto ako malapit sa kanya.

"Ano nga pala besh ang sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa 'kin. Nagtaka ako na tumingin sa kanya ng salatin nito ang noon ko.

"Besh kala ko may sakit ka? Namumula ang mukha mo at wala ka din sa sarili habang naglalakad papunta dito!" Sabi ng madaldal kong kaibigan.

"Nainitan lang ako sa paglilinis at napagod." Sagot ko sa kanya, sabay inirapan ko ito.

Mahirap na at sa daldal nito baka e- broadcast ng wala sa oras kung ano ang nangyari sa taas. Lalo na ang dahilan ay ang boss namin na masungit. Nakahinga ako ng maluwag at hindi na ito nag-usisa. Bumalik naman ito sa kaniyang kinakian.

Lumapit ako sa lamesa ng makita ko na may nakalabas na inuming tubig.

Nagsalin ako sa baso sabay isang lagok na ininom ko, na parang bang tumakbo ng malayo sa sobrang uhaw ko! Paano naman kasi, hanggang sa ngayon kumakabog ang puso ko na hindi ko maintindihan.

Nakaharap ko lang ng ganoon ang amo namin malakas na kaagad ang tibok ng aking puso. Ilang araw pa lamang ako dito at hindi ito pwede.

Naririnig ko pa naman sa mga kasama ko na matinik sa babae si Sir Henry at wala din sineseryoso. Kailangan iwasan ko ito. Habang may oras pa, kailangan ko pigilan ang tibok ng puso ko.

Hindi pa tapos kumain si Nanet naisipan ko na umupo muna sa harapan niya at pinanood habang kumakain ito. Kahit naman matakaw ito hindi siya tumataba, tama lang ang katawan nito.

Kahit inalok niya ako na kumain na din, tinanggihan ko ito. Wala pa akong gana at malapit na din ang tanghalian a-antayin ko na lamang ito.

Tahimik ako na nagmamasid sa paligid. Hindi ko maiwasan ang humanga sa ganda ng interior design ng bawat sulok ng bahay. Kahit sa kusina makikita mo ang karangyaan sa bawat makikitang gamit.

"Besh, darating na pala sa katapusan sila Ma'am at sir galing sa bakasyon sa America," Sa kanya ko rin nalaman na palagi nagbabakasyon ang mag asawa at sabay din ito dumadalaw sa bunsong anak na doon nagaaral.

Iniisip ko na lang na sana mababait ang mga Ito. Dahil ang sabi naman ng mga kasamahan ko dito na sobrang bait ng mag-asawa. Wala rin ito pakialam sa mga kasama sa bahay basta maayos ang trabaho ayos lang sa mga ito. Ang panganay na anak lang daw sila ilag dahil napaka seryoso nito at hindi rin marunong ngumiti.

Isang buwan na ang nakakalipas at abala ang lahat sa paghahanda sa pagdating ng mga amo namin.

Kailangan bago ang mga kurtina at kobre kama. Ako ang naka-assigned dito. Natapos ko kaagad sa baba kaya mga kwarto naman ang isusunod ko.

Tapos ko na lahat ng kwarto maliban kay sir Henry na iniiwasan ko na makasalubong ito. Wala na talaga ako choice at kwarto na lang niya ang naiwan na hindi pa napapalitan.

Siguro naman wala siya ngayon at nakita ko kasi na umalis ito kaninang umaga. Marahan ko na binuksan ang kwarto nito. Nabanggit ni Manang na alam naman nito na maglilinis kami kami ngayon. Dahan dahan ako sa pagpasok kahit alam ko na wala ito rito.

Pinagsawa ko muna ang mata sa pag tingin sa buong kwarto. Malaki at magandang makikita sa bawat paligid ang karangyaan nito. Kahit ito ay panlalaki ang kulay hindi maipagkakaila na pang mayaman ang disenyo sa paligid.

Napakalaki naman ng kama niya. Pwede na gawing isang bahay ang buong silid.

Inuna ko na pinalitan ang sapin sa kanyang malaking kama. Kahit hirap ako sa nipis ng katawan natapos ako na pawisan at hinihingal. Dumako naman ang tingin ko sa malaking bintana. Napanguso ako nang hindi ko ito kayang abutin.

Naghanap ako ng mapagpapatungan. May nakita ako na upuan sa study table na nasa kwarto.

Kinuha ko ito at dinala sa bintana. Nakabit ko ito kahit hirap sa pagtingkayad ng mga paa.

Huminga ako ng malalim. Pinasadahan ko ito ng isa pang tingin bago magpasyang bumaba sa upuan. Napasigaw ako sa gulat sa pabigla niyang pagsalita sa likuran.

Hindi ko ito napaghandaan kaya dumulas ang kabila kong paa. Ganoon ba ako ka busy at wala akong naramdaman ng pumasok siya?

Ang akala ko ay babagsak na ako ng may maagap na kamay na nakayakap sa likuran ko at sabay kaming bumagsak sa sahig.

Narinig ko ang mahina nitong mura. Siya kasi ang nag pailalim. Paano, niyakap ako ng malapad niyang katawan para hindi ako masaktan.

Unti unti kong dinilat ang nakapikit kung mga mata. Namula ako sa posisyon namin sa sahig. Hindi ko maiwasan ang maginit sa mukha. ’Bakit kasi hindi ko namalayan ito na pumasok? Masyado naman ako seryoso sa ginawa para hindi marinig ang pagpihit ng pinto.Shit-kakahiya.’ anang isip ko.

"Ayos ka lang?" tanong nito sa 'kin.

Kita ko sa mukha niya ang pag-aalala dahil sa nangyari. Tiningnan niya ako sa mata para kunin ang atensyon ko. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Nahihiya ba ako o, kinakabahan?

"A-ayos lang." Sagot ko sa kanya.

Seryoso siyang nakatingin sa akin na nakatiim ang mukha. Pumikit ito saglit at agad nagmulat ng mata. Sobrang kinis talaga ng mukha nito. Tataob ang mga artista sa kanyang kagwapuhan. Kahit siguro mag audition ito sa pagandahan ng katawan at mukha tiyak na pasado agad ito.

Marahan niyang hinaplos ang mukha ko. Napatingin ako sa kanya. Kita ang adams apple nito sa pagtaas at pagbaba na hindi humuhiwalay ang tingin sa mukha ko.

"Damn, Mary Lynelle." Mahinang mura nito."Ano bang ginagawa mo sa akin?"

Nanlaki ang mata ko ng ma-realize na nakadagan parin ako sa ibabaw niya at may kung anong bagay na nararamdaman na matigas at parang tumutusok sa tiyan ko. Naginit ang mukha ko dahil dito. Inosente ako sa lahat pero hindi ko maiwasan ang maginit.

Napatayo sa sobrang hiya at halos hindi makatingin sa kanya. Lihim ito na nangingiti. Inirapan ko ito para pagtakpan ang pagkahiya sa kanya.

Hindi ko alam kung ano maramdaman. Pakiramdam ko nangangapal sa init ang buong mukha ko.

"Kakahiya ka Lynelle” kausap ko sa sarili ko.

Lalo ako nailang sa kanya dahil pinanood ako nang ipagpatuloy ko ang ginagawa at hindi ito lumabas sa kwarto niya. Dalawa kasi ang bintana sa kwarto nito ang isa na natapos 'yong naabutan niya kanina.

Binilisan ko ang ginagawa. Binabalewala ang presensya niya! kahit nakasunod ang tingin sa bawat galaw ko. Lihim ko itong sinulyapan.

Nakahiga ito sa kanyang kama at nakaunan ang ulo sa dalawa niyang braso. Napairap ako sa kawalan. Paano naman ako nito lalabas nakabantay ito sa 'kin?

Dahan dahan ako na lumakad papalapit sa pinto ng makita ko na wala na sa atensyon ko ang tingin nito. Pasalamat ko na mayroong tumawag dito at natuon ang tingin sa phone nito. Napatili ako sa bigla nitong hawakan ang kamay ko sa doorknob. Sinaman ko ito ng tingin. Napalunok naman ito sa ginawa ko.

"Tapos na po ako S-Sir sa gawain! siguro naman pwede na ako lumabas." wika ko sa kanya. Napahilot ito sa ilong at mariin napapikit.

"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong nito sa 'kin."Ilang araw na lagi ako nagaabang sayo, pag nakita mo naman ako iiwas ka pabalik. Inantay ko ang pagkakataon na ito upang ma-solo kita." Wika nito.

Hindi ako nakagalaw sa kanyang sinabi. Totoo ba ito? Hindi siya magkakagusto sa tulad ko? baka na- boring lamang kaya naman gusto akong pagtripan. Hinawakan niya ako sa kamay.

Marahan niya ako pinihit paharap sa kanya. Lumapit ito sa 'kin at nilagay ang isang kamay sa baywang ko habang ang kabila hinahaplos ang mukha ko. Naglalakbay ang paningin nito sa 'kin mukha.

"Alam mo ba na lagi akong di makatulog? Pinipilit din kitang iwasan pero lagi kang sumasagi sa aking isipan!" Mahina niyang sabi sa akin.

Dahan dahan lumalapit ang mukha nito papalapit sa 'kin. Hindi ko malaman bakit ako napapikit at tila may nagutos na gawin ko 'yon. Parang 'yon ang hudyat niya at tuluyan sinakop ang nakaawang kong labi.

Hinalikan niya ako ng marahan na parang pinakikiramdaman niya ang gagawin ko.

I heard him whisper. "Please, love." In his husky voice. Kumilos ang labi ko sa mahina niyang utos.

Nagpaubaya ako sa kanya. Ginagaya kong paano siya h*****k sa akin. Sa galing nito h*****k alam ko na ilan na kami na nakatikim sa labi niya. Kahit mag selos ako nakaraan naman na 'yon.

Nagmulat ako ng mata nakapikit siya habang humahalik sa akin. Parang gustong gusto niya ito at sarap na sarap sa ginagawa. I heard him groaned and cursed. Namangha ako kahit ganoon ang hot niya parin pakinggan, kahit nag mumura na ito.

Siya din ang kusang huminto at hinihingal na binitawan ang labi ko. Pinagdikit niya ang aming noo habang nanatiling yakap ako. Isa pang halik sa buhok at tinitigan ako.

"Mula ngayon akin kana Lynelle, at bawal kang ligawan ng iba!" h*****k itong muli sa noo ko at seryoso tumingin sa akin.

“Uhm...ikaw ba?” Inirapan lang ako nito at tiningnan. Paano naman ako girlfriend mo na. ‘Pero siya wala sinasabi sa akin na boyfriend ko na siya! Bahala siya maging assuming kahit siya ang first kiss ko hindi ako makikinig sa kanya swerte niya desisyon agad.‘ Anang isip ko.

"Bukas na ang dating nila Mom at Dad pakilala kita sa kanila." Napanguso ako ‘Pakilala agad hindi ko naman sinabi na boyfriend ko siya.’ Tumango na lamang ako sa kanya para makalabas na at kanina pa ako dito.

Ayaw pa sana ako nito payagan at siya na ang bahala kay Manang. Hindi ko pinahintulutan masabi pa ng mga kasama ko abusado ako. If i know, may gagawin na kalokohan ito. Wala akong tiwala na dahil kami lamang sa kwarto. Nakahalik lang, masyado ng clingy panay halik kung may pagkakataon.

"Ayy..pusang gala" sabi ko kay Nanet sa biglang sumalubong paglabas ko ng kwarto.

Ang lawak ng ngiti nito at nakaangat ang kabilang kilay. Kiniliti niya ako pagkalabas ko ng pinto. Sinamaan ko siya ng tingin. May pag ka marites ang babaeng to kahit kilan.

"Inlove siya.. ano ginawa nyo ni sir Henry? Tagal mo sa loob?" Mapangasar nitong tanong.

"Ha? Hindi- wala” laban ko. Ngumisi ito na tila hindi naniniwala at kulang nalang ang tumili na nang aasar sa 'kin.

"Sabihin mo na besh. Secret lang natin!" pangugulit pa niya sa akin.

Hindi ako sumagot. Pakiramdam ko ay wala akong karapatan na gustuhin ang isang katulad niya. Pero aaminin ko nahuhulog na ako sa kanya. Hahayaan ko nalang kung hanggang saan siya titigil...parang nag-aalangan ako na pangarapin ang katulad niyang sobrang taas.

Mga Comments (394)
goodnovel comment avatar
MeriDens G. Vierne
The feeling is mutual
goodnovel comment avatar
Marife Kabristante
10.Paladesisyon ka din Henry?Walang originality to. ginagaya ako. hahahaja
goodnovel comment avatar
Marife Kabristante
9.wag mo ngang tanungin si Lynelle kung balit sya namula nanet. hahaha. namula yan sa kakatitig sa amo nyo. hahajaj
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status