Share

CHAPTER FOUR

JUDE HENRY

Tulala ako na nakaupo sa aking opisina na tila wala sa sarili.

"Fuck.." masyado niyang ginugulo ang isipan ko.

Pumasok ako ng opisina na hindi ito nasilayan.

Kung hindi ko lang iniisip ang importante na meeting kaninang umaga wala sana akong balak na umalis ng maaga nang hindi ito nakikita.

Naiisip ko palamang ang maamo nitong mukha ay nag iinit na ako. Siya palang ang nag iisang babae na unang masilayan ang mukha ngunit kabisado ko na ito. Kung isa akong pintor mabilis ko itong maiguguhit.

Napahilot ako sa batok. Karma na ba ito sa paglalaro noon sa damdamin ng mga babae? Masyado niyang ginulo ang isipan ko na wala kasiguraduhan kung gusto rin ako nito. ‘Fuck- Mary Lynelle ano ba ang ginawa mo?’ Anang isipan ko.

Biglang bumalik sa alaala ko noong una ko masilayan ang napakaganda at maamo niyang mukha.

Nagmamadali akong pumasok sa Banyo para maligo, shit.. may meeting pala ako ng maaga kung di ako nagkakamali madaling araw na kami naghiwalay galing sa club ng aking mga barkada.

Ano pa nga ba ang aasahan at pare pareho kami mga anak mayaman kaya kahit mag waldas ng pera ay mag kakasundo lalo na pag dating sa babae ay mabilis namin pag sa-waan ito.

Dali-dali akong bumaba pagkabihis dala ang attache case pag kalabas ko ng pinto ng may nahagip akong babae na kinakausap ang mga bulaklak sa garden. Kahit nakatalikod, ang una ko napansin ang napakakintab at mahaba niyang buhok.

Lakas ng tibok ng puso ko habang dahan dahan na lumalapit sa kanya na para bang takot akong maramdaman niya ang presensya ko at maputol ang pagmamasid ko sa kanya.

Napapangiti ako sa mga sinasabi niya sa bulaklak ang "Weird, "

Dahil parang wala akong nararamdam na inis. Kung sa ibang pagkakataon siguro baka nasita ko na siya sa pag aaksaya ng oras sa trabaho.

Nalibang ako sa kanya, o tamang sabihin natulala kahit simple lang ang kanyang ginagawa parang sumasaya ang pakiramdam ko ng bigla akong magulat sa biglang pagpihit niya.

"Fuck" nabigla ako sa lakas ng tubig na pumunta sa katawan ko kaya't sa kabiglaan di ko napigilan ang pagsalitaan ito ng masasakit at di lang yun nasigawan ko pa siya.

Gusto ko sana siyang lapitan habang nakatungo na umiiyak kaya lang naunahan ako ng takot shitt.. sobrang natakot ko yata ito ng sobra.

Dahil sa nangyari at gusto ko pa siyang mapagmasdan tinawagan ko ang sekretarya ko na kanselahin na lang ang appointment ko at sa video call na lang namin paguusapan ang meeting.

Para akong tanga na lihim na pinanonood sa ginagawa niya sa labas na kung malalaman ng mga barkada at mga babaeng nakarelasyon ko baka pagtawanan nila ang ginagawa ko.

Parang ako ang nasaktan ng nasigawan ko siya.

"Ano na Henry humihina ka naba sa babae?" problemadong kantiyaw sa 'kin sarili. ‘Wrong move man.’ Anang isip ko.

Dahil alam kong iiwasan niya ako gumawa ako ng paraan at kunwari nagpadala kay manang ng almusal kahit wala akong ganang kumain, at bakit ba? Gusto ko lang siya makita nang malapitan kaya naisipan kong gawin 'yon.

Di nga ako nagkamali kahit paglapit niya sa akin ay takot siya. Kahit ang tumingin sa mata ko ay umiiwas ito. I massage my nose in frustrated look.

Diko napigilan sa sarili ko gustong gusto ko siya hawakan kaya't naisipan ko tanungin ang pangalan niya.

Doon ako nagkamali parang tinatambol sa lakas ng kabog ang puso ko habang kaharap ko siya na kahit walang bahid na make- up sa mukha niya ay napakaganda parin nito. Kasing ganda sa pangalan niya. Baka kong di ako nakapag pigil n*******n ko agad ang labi niya na natural sa pula. Nakakaakit ito halikan pero diko ginawa baka matakot kaagad sa akin.

Uminit ang ulo ko dahil sa tuwing makikita niya ako umiiwas siya, sa isipin na iyon di niya ako pinatulog at lagi ko siyang naiisip.

Kaya napakasaya ko ng maabutan ko siyang mag isa at naglilinis sa kwarto ko. Marahan ako sa paglalakad. Iniiwasan na mahalata nito na dumating ako sa kwarto. Lihim ko siya pinanood sa pag pipilit niyang ikabit ang kurtina. Daig ko pa ang stalker na hindi pinapansin ng kanyang lihim na crush sa palihim na pagmamasid sa kanya.

Halos liparin ko ang kinatatayuan nito ng makita ko na babagsak ito sa sahig. Niyakap ko ito sa likuran para hindi ito masaktan. Kahit tumama ang braso ko sa kanto ng upuan hindi ko ito naramdaman ang tangi ko lang naisip na hindi ito masaktan.

Sobrang saya ko sa araw na iyon na pwede ko isama sa pinaka-memorable na araw sa buhay ko. Parang nanalo ako sa isang deal sa negosyo sa saya ng araw na 'yon. Kahit hindi siya payag, girlfriend ko na ito pag katapos ko siyang halikan. Pag-aari ko na siya sa ayaw at gusto niya. Akin lang siya.

Katok ng sekretarya ko ang nagpabalik sa katinuan ko.

"Come in" Sagot ko dito. Dumungaw ang secretarya ko.

"Sir, nakahanda na po ang conference room, lahat na po ay kompleto na sa loob... kayo nalang ang inaantay.”

"Okay susunod ako." Mabilis na sagot sa secretarya ko. Lumabas naman ito kaagad pagkapaalam sa 'kin.

Tahimik lang ako na nakikinig at seryoso ang mukha sa mga presentation ng mga shareholder ng kumpanya. Tanging tango at okay ang sagot ko sa kanila. Minsan sumasagi siya sa isip ko ngunit di ko pinahahalata na lutang ako. Siguro sobrang pagod na ito at palaging tumatakbo sa isipan ko.

Ako ang CEO ng Gomez group of companies na may maraming branch dito sa Manila, Visayas, at Mindanao mayroon din sa ito sa ibang bansa.

Sa edad na dalawampu't walo madami na akong napatunayan sa negosyo. Sa katunayan mas lumago pa ito magmula ng ako ang pumalit sa pwestong iniwan ng ama ko. Pagdating sa negosyo hindi ko pinapairal ang awa.

Kaya ang ibang empleyado ilang at takot sa akin dahil sa madali akong mag fired ng empleyado lalo na't kapag palpak sa trabaho. I'm serious when it comes to business matter. Kaya kahit sa batang edad mataas ang respeto nila sa 'kin.

"Sir that's all" Wika ng isang board member pagkatapos sa presentation.

"Okay, meeting adjourned. I'll check it first before I approved the proposal.” Sinang-ayunan naman ng lahat at nagsibalik na ito sa kani kanilang trabaho.

Lumabas na ako ng conference room ng lahat na sila ay nakalabas. Tuloy tuloy na naglakad papunta sa opisina. Naghanda agad ako pa uwi. Hindi ko maiwasan ang maging excited na makita siyang muli. Napangisi ako sa kawalan.

“Shit-ako pa ba 'to?” mahinang bulong sa sarili ko.

Nagmamadali ako umalis ng opisina. Nakarating ako kaagad sa naghihintay na sasakyan.

"Shitt.. baliw kana yata Henry.” mahinang sambit ko. Napahilot ako sa sintido habang naglalakad papunta sa sasakyan ko.

Pinaharurot ito kaagad ng makasakay na ako sa loob. Sa bilis ng takbo ng sasakyan na parang naghahabol na teenager na gustong makasilay sa natitipuhan niyang crush.

‘Damn..Jude Henry malala na ang 'yong tama.’ Anang isip ko. Marahas ako napahinga. Ito na yata ang sinasabi na mga kaibigan ko na pinana ako ni kupido.

Mga Comments (196)
goodnovel comment avatar
Maluz Dumancas Diaz Amistoso
Ok lng basta wag paiiyakin si mary lynelle,karma nga namn darating sa tamang panahon...
goodnovel comment avatar
Litochar Parado Gabio
namiss ko basahin......
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
nagulat ka ba Mang Henry sa nakita mo? bakit kinakausap ung bulaklak?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status