Share

Chapter 12

Alpha Magnus Pov

"What? Nasa bahay mo ngayon at doon nakatira ang babaeng naka-one-night stand mo sa bar noon? At nagkaroon pa pala kayo nga anak," hindi makapaniwalang bulalas ng matalik kong kaibigan na si Alex matapos kong ikuwento sa kanya ang tungkol kina Mavi at Moses. Kadarating pa lamang niya kanina mula sa pagbabakasyon sa ibang bansa kaya ngayon ko lang naikuwento sa kanya ang mga nangyari sa akin nitong mga nakalipas na Linggo.

"Yes, Alex. They are living with me now. And my son wants me to marry his mother," sabi ko sa kanya bago ko nilagok ang alak na nasa baso ko.

"Anong hitsura ng babaeng naka-one-night stand mo, Magnus? Maganda ba siya? Seksi ba? Normal na tao ba siya o katulad natin siyang mga taong lobo?" hindi na pagkagulat ang nakalarawan sa mukha ni Alex kundi excitement. Umandar na naman ang pagiging mahilig nito sa magandang babae.

Nagbibilang ng magagandang babae ang best friend ko. Ito ang kanyang hobby na hindi niya magawang kontrolin. Hindi ko nga alam kung
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status