Share

Chapter 94

Mavi Pov

Agad na binuksan ni Moses ang pintuan ng kotse at lumabas. Tumakbo ito papunta sa kanyang ama at yumakap ng mahigpit.

"I'm so scared, Dad," ani Moses habang karga ni Alpha Magnus.

"Lalabas ako, Dad," paalam ko sa kanya. Tumango lamang siya sa akin at hindi nagsalita. Ako lamang at si Moses ang bumaba sa kitse para kausapin si Alpha Magnus. Galit ang huli sa aking pamilya lalong-lalo na sa aking ama. Kaya naiintindihan ko kung bakit hindi sila lumabas ng sasakyan para magpasalamat kay Alpha Magnus sa pagliligtas nito sa amin.

"Ahm, salamat sa pagliligtas mo sa a—"

"Nagkakamali ka kung iniisip mo na iniligtas ko ang pamilya mo, Mavi. Ang anak ko ang iniligtas ko at hindi kayo," mabilis na putol ni Alpha Magnus sa aking sasabihin.

Bagama't medyo napahiya ako dahil sa pag-iisip na iniligtas niya kami ay agad naman akong nakabawi. Itinaas ko ang aking noo at deretso siyang tinitigan sa mga mata.

"Kahit sabihin mong ang anak mo lamang ang iniligtas mo ay hindi pa rin maitatanggi na
Chapitre verrouillé
Continuer à lire ce livre sur l'application

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status