Share

Chapter 95

Mavi Pov

"Huwag mo akong sisihin kung bakit nalagay ka sa ganitong sitwasyon, Mavi. Kasalanan ito ng iyong ama. Kung hinayaan na lamang sana niya sa akin ang pamamahala sa kompanya at nag-focus na lamang siya sa bilang alpha ng pack natin ay hindi sana tayo aabot sa ganitong sitwasyon. At ngayon ay gusto pa niyang ipasa sa'yo ang pamamahala ng kompanya? Hindi ko iyon matatanggap!" galit na wika ni Aunt Veron habang nanlilisik ang mga mata.

"Bakit ka maninisi ng ibang tao, Aunt Veron? Ang pagiging makasarili at ganid mo ang dahilan kung bakit tayo nasa ganitong sitwasyon, Aunt Veron. At naiintindihan ko kung bakit hindi ibinigay sa'yo ni Daddy ang pamamahala ng kompanya. Dahil kahit na nagbabait-baitan ka sa harapan niya ay nararamdaman siguro niya ang sungay na nakatago diyan sa gilid ng ulo mo," mariing sagot ko sa kanya. "Hindi na ako magtataka kung aaminin mo na ikaw ang nasa likod ng nangyaring pananambang dati."

Humalakhak si Aunt Veron kasabay ng malakas na palakpak.

"That's righ
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status