Share

Chapter 13

Mavi Pov

"And they lived happily ever after," pagtatapos ko sa fairytale na ikinukuwento ko kay Moses. Nag-request kasi siya na basahan ko ulit siya ng kuwento kahit isang beses sa isang Linggo habang hindi pa siya nasasanay.

Magmula nang tumira kami ni Moses sa bahay ni Alpha Magnus ay unti-unti kong sinasanay ang anak ko na matulog nang hindi binabasahan ng kuwento bago siya matulog. Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan ako mananatili sa bahay na ito. Kapag ikinasal na sina Sonia at Alpha Magnus ay natitiyak ko na gagawa ng paraan ang babae para mapaalis ako sa bahay na ito. At natitiyak ko rin na hindi magagawa ni Alpha Magnus na basahan ng kuwento bago matulog ang anak ko dahil busy siya sa kanyang kompanya.

Kinausap ko rin si Moses na huwag niyang ipagpilitan na pakasalan ako ng kanyang ama dahil may sarili itong buhay. Wala kaming relasyon ng kanyang ama at kaya lamang ako nakatira sa bahay nito ay para alagaan siya. At balang-araw ay aalis din ako. Ngunit hindi naman ako lal
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status