Maagang nakarating sa bahay ng mga Thompson si Natasha nang araw na iyon, para iabot ang mga papeles sa bubuksang flowershop ni Mrs. Thompson. Maagan ang loob niya rito at mukhang magkakasundo sila. May pagka-strikta ito sa mga gawain kaya pinipili niyang huwag magkamali.Ayaw ng matanda na may ibang hahawak ng papeles, kahit pwede namang iutos na lang iyon sa driver. Last month siya nag-umpisang magtrabaho rito, kaya medyo sanay na siyang labas-pasok sa bahay ng mga ito.Nakatayo siya sa sala habang hinihintay ang may-edad na babae. At habang naroon ay iginala niya ang mga mata sa paligid. Noon niya lang naisipang tingnan ang mga display roon. Una niyang nakita ang masayang larawan ng pamilya; na sa hula niya ay kuha sa Paris dahil sa Eiffel Tower na background. Napatitig siya sa batang kasama ng mag-asawa. Super cute kasi at parang masayahin iyon."Mukhang pilyo, noon pa man," bulong sa sarili.Bumaling siya sa iba pang mga larawan na nakasabit sa dingding. Mga kuha iyon habang lum
Subalit, hindi pa man siya nakakalayo sa binata; na ramdam niyang nakasunod sa kaniya, ay bigla na lang tumawag dito. Natigilan pa siya nang makitang babae iyon."Sweetheart, you're here! I missed you!" anang babaeng kasalubong niya.Napasimangot siya. Kaya pala nagmamadali ang binata at halos ayaw sundin ang ina. May iba palang gagawin doon.Hindi na niya pinansin ang dalawa at deritsong umakyat. Tutal half day naman ngayon, aayusin na lang niya ang gamit at ibang mga papeles na gagamitin sa Monday.Padabog na ibinagsak niya ang bag sa upuan.Bwisit talaga ang lalaking iyon!"Hey! Mukha yatang masama ang mood mo, ah? May nangyari ba?" tanong ni Alexis.Hindi niya ito nilingon. "Wala naman Kuya," aniya saka inayos ang mga gagawin."Uuwi na si Tito Leopoldo next week at may nakuha na silang secretary ko. Ibig sabihin madalang na tayong magkikita." Lumapit ito at timampal ang noo niya.Gusumot ang mukhang hinarap niya ito. "Kuya!" inis na wika niya at inirapan ito.Tumawa ito at hinawa
Nabigla siya nang may dalawang text message na nag-appear sa phone niya."Hija, I'm sorry. Na-lowbat ang cell phone ko. But anyway, see you later." Galing iyon kay Mrs. Thompson.Napabuntonghininga siya sa nabasa. Nawala ang pag-alala niya sa isip nang malamang hindi pala ito galit."Hi! Sorry nakatulog ako, kaya ngayon lang ako naka-text ulit. How are you?"Kinabahan siya. Galing kay Ken ang isang mensahe. Hindi siya nag-reply rito."You always made my day." Iyon ang laman ng sunod na text. "Ako ba pinaglololoko mo? Kung serryoso ka talaga, bakit hindi ka nagpapakita?" inis na sagot niya. "Kapag wala na kayo ng boyfriend mo."Natigilan siya sa sagot nito."Ewan ko sa 'yo! Huwag ka na din magpadala ng kung ano-ano rito!""Iyon na nga lang ang nagpapasaya sa akin aalisin mo pa.""Aba't—"Natigil siya sa pag-r-reply nang biglang tumunog ang doorbell. Lumabas siya at tiningnan iyon."Miss Natasha, dear! This is Mia from the Kingdom of Kingdom," masiglang sabi nang nasa gate. Natawa s
Natatarantang lumabas siya ng mansyon. Parang bibigay ang tuhod niya sa kahihiyan. Sandali siyang tumigil at wala sa sariling napahawak sa kan'yang dibdib, na kaybilis ng pagtibok. Ipinilig niya ang ulo saka muling binilisan ang mga hakbang. Nakita niya na kumaway si Mrs. Thompson sa kan'ya. Sumenyas ito na lumapit siya sa kinaroroonan nito.Napahinga siya nang malalim at gumanti ng ngiti rito.Biglang may dumaang waiter na may dalang alak. Kumuha siya at nilagok lahat ng laman. Medyo mapait iyon at ang init ay umaabot hanggang sikmura. Napapikit siya saka dahan-dahang nagmulat ng mga mata."Drink moderately." At isang kamay ang humapit sa bewang niya.Nilingon niya ito."Mr. Thompson!" nabiglang saad niya."Call me, Cedrick," anito.At tuluyan na siyang hinapit paharap at hinalikan sa noo.Pinilit niyang baklasin ang kamay nito, pero mas lalo yatang humigpit ang yakap sa kaniya.Isang tikhim ang narinig nila mula sa likuran."Son, mamaya na iyan. Ipakilala mo muna si Natasha sa mga
Mas lumalim pa ang halik ng binata sa kaniya, kaya hindi niya naramdaman na nakapasok na pala sila ng living room ng binuksan ang kaniyang mata. Dahan-dahan siyang inihiga ng binata sa couch kasama nito. Ibinaba nito ang ang strap ng gown niya, habang patuloy nitong pinaglalakbay ang mga kamay sa katawan niyaSumabalit bigla ang pagsulpot nang mumunting tinig sa isip niya."Ako pa rin masusunod kung sino ang mamahalin ko, mom!""Kalimutan mo na kasunduan natin kung hindi ka tutupad! Apo ang kailangan ko.""Tonight, I'll promise to grant your wish, mom."Pagkuwa'y narinig pa niya ang isang mahinang ungol mula sa binata.Hindi siya papayag na gawin siyang parausan sa plano nito.Wake-up self!At mabilis niya itong naitulak."No!" Mabilis siyang bumangon."What the f*ck!" mahinang mura nito na mukhang nabitin sa ginagawa."Ipahatid mo na ako sa driver ninyo, please," sagot niya na halos mag-ulap na ang mga mata niya.Natahimik ang binata at mukhang natauhan sa ginagawa. Napahilamos ang k
Masarap sa pakiramdam niya ang nakapahinga nang matagal. Kampante siyang nakayakap sa unan at inamoy-amoy pa ang mabangong kumot na nakabalot sa kaniyang katawan. Kailan ba siya naglaba ng kobre kama at mga punda ng unan? Sobrang sarap kasing matulog. Parang gusto na lang niyang mahiga maghapon.Nangingiting niyakap niyang muli ang unan. Subalit, nagtaka siya nang hindi maramdaman ang electric fan na lagi niyang gamit. Pero bakit malamig? Ang alam niya wala naman siyang aircon.Pinakiramdam niya ang paligid. apagkatapos ay unti-unti niyang binuksa ang mga mata. Sumalubong sa kaniya ang putting kisame at abuhing wallpaper sa paligid. Napakunot-noo siya.Kailan pa napalitan ng pintura ang kwarto niya?Napabalikwas siya ng bangon, habang iniisip ang nangyari kagabi. Kinapa niya ang sarili at ang higaan. Wala naman siyang naramdamang masakit maliban sa paltos ng talampakan niya. Wala ring bakas na may natulog sa tabi niya.Napahawak siya sa ulo.Tumayo siya at nakita niya ang damit na
Pinagpawisan siya habang nakatitig sa binata na nasa harapan niya. Hindi niya mawari kung paano siya magsisimulang magsalita."I'm hungry. Can you offer a glass of water before we eat?" Seryoso ang mukhang walang abiso itong pumasok sa loob, saka iginala ang paningin sa paligid.Sumunod siya na nagtataka."Sir Cedrick, teka lang po. Anong ginagawa ninyo?" nakapameywang niyang tanong."You live here?" tanong nito na hindi pinasin ang sinasabi niya.Napataas ang isang kilay niya. Iba ang dating ng tanong na iyon nito sa kaniya. Uminit bigla ang kaniyang ulo."Pasensya na po, ah! Ito lang kasi ang kaya kung bayaran. Hindi kasi ako kasingyaman ninyo!" padabog niyang tugon. Naniningkit ang mata niya at gustong-gusto ng tirisin ang lalaki.He just smirked at her, then asked, "Where's your kitchen?" Doon lang niya napansin ang mga supot na dala nito na mukhang sa mamahaling restaurant pa galing.Hindi pa siya nakasasagot ng lumapit ito sa lagayan ng mga pinggan at ito na mismo ang naglagay
"Hey! Kanina ka pa tulala diyan." tanong ni Alexa na ipinitik pa ang daliri sa harap niya.Kakaalis lang ni Cedrick kaya mukhang wala pa siya sa sarili. Kaya nang marinig ang boses ng kaibigan ay nagulat siya."Andiyan ka na pala!" palatak niya."Wala pa friend! Guni-guni mo lang ako," inis na wika nito at piankatitigan siya. "Kanina pa ako nakatayo sa pinto. Ganiyan ba kalubha ang sakit mo?" Hinipo nito ang kaniyang noo at leeg saka kumunot ang noo."Mukha namang wala kang sakit. Pero bakit wala ka sa sarili mo?" usisa nito bago tuluyang pumasok sa loob.Sumunod siya na umiiling, saka tinapik ang mga pisngi niya."Forget that scene, Natasha!" inis na bulong niya sa sarili at kinuha ang phone na naka-off.Lumingon si Alexa sa kaniya na may hawak ng pinggan."Mukhang fiesta, ah. Ang dami ng pagkain. 'Yong totoo friend, may nanliligaw na ba sa 'yo? Sa kaniya ba galing lahat ng ito?" Nanlaki ang mga mata ng kaniyang kaibigan sa senaryong nabuo sa imahinasyon nito."Tumigil ka nga, Alexa!
Mula sa loob ng simbahan maririnig ang kalampag ng kampana. Kung gaano kalakas iyon, mas malakas pa ang tibok ng puso niya. Nakatayo siya sa unahan kung saan makikita ang ang pintuan ng simbahan, habang dahan-dahan bumubukas iyon.Napangiti siya nang masilayan niya ang babaeng pinangarap niya simula nang makita ito sa coffee shop niya noon. Mas bumilis ang tibok ng puso niya nang nagsimula itong lumakad palapit sa kan'ya.She's wearing sleeveless-white-illusion-princess-V-neck-appliques-beading-lace wedding gown. Simple yet elegant. Hindi niya mapigilan ang hindi mapaluha habang papalapit ito sa kaniya na may malapad na ngiti."Dudes, ngayon ka pa ba iiyak? Abot kamay mo na siya," nakangiting siko ni Alexis sa kaniya.Madali niyang pinunasan ng panyo ang mga luha."Fuck, dude! Napuwing lang ako." Nilingon niya ang dad at kuya niya na hindi napigilang mangiti."I know that feeling, bro. Ilang hakbang na lang at sa iyo na
Isang malawak, makulay at eleganteng hardin ang makikita pagpasok pa lang ng lugar kung saan gaganapin ang pictorial. Makikita ang mga malalaking camera sa gilid at mga gamit para sa gagawing event. Napaka-perfect nang ayos ng lugar na iyon.Hindi niya alam kung ano ang kaniyang mararamdaman lalo pa at kasama niya sa pictorial ang kan'yang.kasintahan."Miss Natasha, ready na po tayo in ten minutes." Mula sa labas ng dressing room ang boses na iyon.Hinila siya ng hairdresser doon at isinuot ang isang black-backless and rhinestone-straps cocktail dress. Nailang siyang suotin iyon kasi hakab na hakab sa kaniya plus showy pa ang likod niya."Wow, Miss Natasha! You look perfect! The most beautiful face I've seen so far," bulalas ng baklang nag-aayos sa kan'ya.Namula ang mukha niya sa sinabi nito."Bolera ka," aniya."I'm stating the fact, Miss Natasha," maarteng wika nito.Hanggang marinig nila ang hudyat ng direct
After two weeks, bumalik na sa normal ang lahat. Maayos na ang lagay ni Natasha.Napaluwas nang hindi oras ang kaniyang mga magulang. Gusto siyang isama pabalik ng mga ito pero tumanggi siya. Kailangan niyang makabalik sa trabaho, at kailangan nila ng pera para sa last sem ng kapatid. At hindi siya papayag na hindi ito makapag-enroll.Malakas na siya at ang mga pasa sa katawan niya ay wala na rin. Normal ang lahat ng laboratory at x-ray niya ayon sa doctor.Dahil na rin siguro iyon sa tulong ng binata na laging nasa tabi niya. Matiyagang nagbantay at umalalay ito sa kaniya hanggang gumaling siya."I'm sorry for what happened. This is all my fault. If you want to file the case against Athena, I can help you, babe. I can't imagine if you leave me forever."Tumingin siya sa binata. Naaawa na siya rito dahil halos wala itong tulog at hindi na maasikaso ang sarili. Nalaman na niya ang lahat dahil sa kwento nito. And that's when she realized th
"What do you mean, Alexa! Where are you? What car accident!" Boses iyon ni Alexis na gumising sa kan'ya.Nasa condo na sila at hindi niya alam kung paano sila nakauwi. Halos dalawang sunod-sunod na gabi sila sa bar simula nang huling magkita sila ni Natasha.Umupo siya sa sofa at hinawakan ang masakit na ulo dala ng hangover."Dude, hurry up! Alexa and Natasha got involved in a car accident somewhere in Tagaytay," malakas na wika ni Alexis."What!? How are they?" Biglang nawala ang skit ng ulo niya at napatayo nang bigla. Hindi niya matawagan ang dalaga dahil na-block na nito ang mga number niya."Alexa is under observation and suffered from minor injuries. But Natasha. . ." Napatiim ang bagang nito. " She had suffered serious injuries and unconscious until now!""F*ck! Let's go! Call our connection there. Hold all people around the perimeter!"Hindi na niya nagawang magpalit ng damit."Aries, prepared the helic
Nakasisilaw na liwanag ang sumalubong kay Natasha nang magising. Halos hindi niya maigalaw ang katawan. Nakatitig siya sa puting kisame nang maalala ang lahat."Alexa. . ." mahinang tawag sa kaibigan.Pero ang gwapong mukha ni Cedrick ang bumungad sa kan'ya. Sa ilang araw nilang hindi pagkikita, parang tumanda ito ng isang taon.Bakit parang humaba ang balbas nito? Nakatitig lang siya sa kamay niya na hawak ng binata, na mukhang nakaidlip sa tabi ng kama na hinihigaan niya. Iginalaw niya ang kamay para makuha niya ang atensiyon nito."Babe? Are you awake?" anito sa malamyos na tinig at hinaplos ang mukha niya. "Nurse. . . Nurse!Nakita niyang mabilis na pumasok ang mga tinawag at tiningnan ang vital status niya.Bakit parang ang OA ng mga ito. Gising na siya at mukhang okay naman ang pakiramdam niya."Mr. Thompson, stable na po siya after three days of being unconscious."Tatlong araw na siyang naroon?
Nakarating sila ni Alexa sa isang resort sa Tagaytay. Maaga pa silang nakarating doon kaya naman kitang-kitang ang mababang ulap sa dinaraaanan nila. Timigil muna sila sa isang picnic groove. Makikita rito ang heartbreaking view of Taal Volcano. They sit and take a picture for a while. Then, they proceed to resort. They took a shower and rest. Ganito ang buhay nilang magkaibigan kapag may problema. Dahil masakit sa ulo ang alak, mas pinili nilang mag-getaway."Friend, may masarap na kainan dito ng bulalo. You want to try? Then, let's go to sky ranch at sakyan natin lahat ng rides," nakangiting wika ni Alexa."Sure! How about horse riding?""Then, let's try that too. Maliligo muna ako tapos mamayang gabi, magbabad tayo sa pool," wika nito bago pumasok sa banyo. "Bukas na tayo umuwi ng Manila."Malawak ang ngiti ng kaibigan. After a year, ngayon lang ulit nangyari ang bonding nila. Kaya lulubos-lubusin na nila dahil sa Monday, trabaho na n
Nagmadali umuwi si Cedrick pagkatapos ihatid ang dalaga sa tinutuluyang boarding house, dahil sa isang papeles na kailangan niyang ipasa kinabukasan sa isang supplier para sa bago niyang itatayong condo sa Makati area. Tinawagan niya ang kan'yang secretary para ipasa ang soft copy nito sa email. Nasalubong niya ang ina sa hallway, bago siya pumasok ng kwarto niya."Akala ko ba isasama mo si Natasha?""Bukas na lang po para makapagpahinga siya. May tatapusin lang akong layouts at dokumento para sa project na itatayo namin.""Siya, sige. Kami ng daddy mo ay matutulog na."Humalik siya sa ina bago tuluyang pumasok ng silid. Mabilis siyang nagbihis at pumunta sa opisina. Alas-nuebe na nang gabi at madami-dami rin iyon.Nasa kalagitnaan ng trabaho, tumunog ang cell phone niya.Athena!Hindi ito pinanasin saka binalik ang isip sa ginagawa. Pero makulit ito."Yes, Athena? What is it?""Whoa! Gan'yan
Kahit kinakabahan, gusto niyang malaman ang totoo. Sana mali siya. At kung iisa lang ang lalaking minahal niya at ang ka-text niya, hindi niya alam kung anong gagawin. Pagbukas ng elevator, hinanap niya ang lalaki pero wala ito sa lobby. May lumapit sa kan'yang dalawang men in black."Ma'am Natasha, sumama po kayo sa amin. Pinapasundo po kayo ni Boss Ken," bulong ng isa.Nakangiti ang mga ito.Nagtataka siya at tumingin sa phone niya."I have two bodyguards there. Go with them." Hindi niya alam kung anong bang mayroon.Tumingin siya sa dalawang lalaki at sumunod dito.Isang eleganteng limousine car ang naghihintay sa labas, saka inalalayan siyang papasok. Bahala na kung sino ito. Mukhang mabait naman ang mga tauhan ni Ken.Isang exclusive restaurant ang narating nila. Parang naka-reserve lang iyon para sa kanila at walang mga tao. "Ma'am., pasok na po kayo. Naghihintay na si boss sa loob," w
Gusto niyang sumagap ng sariwang hangin. Ayaw muna niyang umuwi ng bahay. Gusto niyang tawagan si Alexa, pero wala siyang phone. Naiwan niya iyon. Kaya naglakad-lakad muna siya sa isang parke na hindi niya alam kung saan. Marami namang tao na naglalakad pero mga foreigner ang mga ito.Naliligaw na ba siya?Ang alam niya bumaba siya ng The Fort, pero hindi niya alam ang pasikot-sikot doon. Tumingin siya sa relong nasa bisig. Alas-singko na nang hapon at halos limang oras na siyang naglalakad doon. Kahit nakararamdam ng gutom hindi niya iyon pinansin. Hanggang may bumangga sa kan'yang babaeng naka-hood.Napatitig siya rito .Athena!"Wow! Small world!" palatak nito. "Hindi ba ikaw ang babaeng kasama ni Cedrick last time and slash secretary ni Tito Leopoldo?" ismid nito.Umiwas siya rito. Bakit andito ito? Baka kasama nito si Cedrick. Mabilis siyang tumalikod, pero hinila nito ang braso niya."Bastos ka rin noh! K