Natasha Del Mundo suffered from the most painful heartbreak in college. Kaya naman hirap na siyang magtiwalang muli sa iba. But one day, she got a text message telling, "Can you be my textmate?" Napataas ang kilay niya. Sino pa ba naman ang makikipag-textmate sa panahong iyon, na uso na ang chat? At papaano nakuha ng kung sinong poncio pilatong iyon ang number niya? However, instead of avoiding who he is, she finds herself texting back. But until one day, she met Cedrick Thompson; the most successful billionaire-engineer and a businessman. A man that could easily get what he wants. Pero hindi iyon uobra kay Natasha. Kahit ito pa ang pinakamayamang nilalang sa balat ng lupa, hindi siya papatol sa lalaking nuknukan ng antipatiko. Never! Pero bakit ganoon? Kahit anong iwas niya kay Cedrick, he still got into her nerves. Ang masama pa noon, pareho siyang nahuhulog sa lalaki at sa ka-textmate niya. Sino ngayon ang pipiliin niya?
View MoreMasayang nag-uusap ang mga estudyante sa isang kubo kung saan nag-aaral si Natasha ng kolehiyo. Pinag-uusapan nila ang hirap ng exam na ibinigay ng kanilang professor kani-kanina lang. Habang ang iba sa di-kalayuan ay kasama ang kanilang mga kasintahan na nakikinig ng musika.
Ika-apat na taon na n'ya sa paaralang iyon. At ilang buwan na lang ay makukuha na niya ang degree na matagal na niyang inaasam. Saksi ang paaralang iyon sa lahat ng mga paghihirap, sakripisyo at sakit na kaniyang naranasan maitawid lang ang buhay bilang isang mag-aaral. "Alam mo ba Carol, graduating na ngayon ang boyfriend ko at halos wala na siyang time para sa akin," boses ng isang mag-aaral sa harapan niya. "Hayaan mo na. Nag-OJT siya di ba?" sagot ng babaeng kasama nito. "Oo nga. Pero parang iba na siya ngayon. Hindi man lang dumadalaw sa boarding house para kumustahin ako," muling wika nang naunang babae sa madamdaming tinig. Umiling siya sa narinig. Sa tantiya niya mga freshmen pa lang ang mga ito. At pag-ibig talaga agad ang inatupag imbis na pag-aral. Naalala niya ang mga panahong akala niya ay magiging masaya siya sa unang pag-ibig. Pero sa umpisa lang pala iyon. Binago ng karanasang 'yon ang pananaw niya sa buhay. Na hindi porket crush mo at biglang nagparamdam sa 'yo, sasagutin mo na agad. You have to get to know each other first, bago ang lahat. Dahil sa bandang huli at nag-invest ka nang sobra-sobra ikaw rin ang masasaktan. But that's life. Tapos na rin ang kabanatang iyon ng buhay niya. At marami siyang natutunan dahil doon. Kaya nga ba tinatanawan n'ya na lang ang mga ganoong eksena na naririnig niya. Napaka-inosente pa ng mga freshmen na iyon sa larangan ng pag-ibig. Ika nga, hindi pa nila nalalasap ang tunay na kahulugan niyon. Pero, hindi siya bitter. In fact, masaya na ngayon ang buhay niya kahit walang pag-ibig. Mas masarap sa pakiramdam lalo pa at makatatapos na siya nang walang kahit anong sakit na dinaramdam sa puso. "Natasha!" Kalabit ni Alexa sa may tagiliran niya na babagong dating. Ito ang kasangga niya sa lahat ng mga hamon sa buhay bilang estudyante ng paaralan iyon. "Yes? Bakit ba ang tagal matapos ng exam mo? Kanina pa ako nag-hihintay sa 'yo rito." Siko niya sa kaibigan. "Ang hirap kaya ng exam. Alam mo namang kailangan nating galingan dahil ito ang magsasabi kung aakyat ba tayo ng stage o hindi," nakamulagat na wika nito. "Oo, alam ko. Kaya nga nag-aral ako kagabi, eh. Ikaw ba? Mukhang napuyat ka sa pakikipag-usap sa boyfriend mo." Inirapan niya ito. Tumawa lang ito. "Halika ka na nga! Meryenda tayo sagot ko," aya nito sabay kindat. Umiiling siyang sumunod sa kaibigan. Minsan may pagkagalante ito, minsan naman kuripot. Pero mas madalas na galante ito sa lahat ng oras at iyon ang gustong-gusto niya. Niyaya siya nito sa malapit na coffee shop na bagong bukas sa harap ng school, at sinubukan nila ang mga pagkain doon. Habang papasok sa loob, nakasalubong nila ang ibang estyudante na tila may kung anong kinakikiligan doon. Imbis na makiusyuso, gumilid sila ni Alexa at kumuha ng pwesto sa bandang taas. Kita mula roon ang mga estudyanteng pinagkukumpulan ang isang lalaki. Nagkibit-balikat siya kasabay nang pag-iling. Umangat naman ang ulo ng kaibigan niya para tingnan iyon. "Alexa bumaba ka na lang kaya para hindi ka na mahirapan diyan," may katarayang wika niya at umingos dito. Inilabas niya ang libro, saka nagsimulang magbasa. "Naghahanap lang ako ng waiter, friend. Grabe ka naman sa akin." Mahinang pinalo nito ang kamay niya. "Kunwari ka pa. Gusto mo ba isumbong kita kay Adrian?" Tabinging ngumiti ito at may kinawayan. "Waiter!" malakas na tawag nito sa babaeng waitress. Lumapit ito sa kanila at ibinigay ang menu. "Two cinnamon slice cake and coffee jelly," maarteng wika nito. "Ma'am, you can add another slice of cake with fifty percent off today beause our boss is here," imporma nito at ngumiti. "At ano namang kinalaman ng boss mo sa discount na sinasabi mo?" wala sa isip niyang tanong. "This is our best seller at tuwing dumarating siya, Ma'am. Iyan ang gimik ng manager dito with a picture with him," sagot nito. Marketing strategy, bulong niya sa sarili. "No, thanks! Hindi ako masyadong fan ng cake," tugon niya. "Friend naman. . . Sayang naman iyon, kahit picture ng may-ari. Balita ko gwapo raw at young bachelor in town," bulong ni Alexa sa kaniya. Sumimangot siya. "Umayos ka nga Alexa! Kung gusto mo ikaw na lang. Tutal, ikaw naman magbabayad di ba?" taas ang isang kilay na sambit niya. At sa gulat niya nag-order nga ito. Subalit, isa lang. Para lang sa sarili nito. "Ma'am kunin ko lang ang number ninyo, kasi may raffle din today kasama ang complete name." Iniabot nito sa kaibigan ang papel at ballpen. Umiling na lang siya at ipinagpatuloy ang pagbasa. "Done! With complete name and telephone number," wika ng kaibigan niya. "Thank you, Ma'am. Pakihintay na lang po ang order n'yo," magalang na sabi ng waiter. Nang makaalis ito, bigla siyang tinapik ng kaibigan. "Killjoy ka talaga! Masama ba tumikim ng slice of cake with fifty percent off?" pangungulit nito at muli siyang siniko sa tagiliran. "Aray ko! Bumili ka na di ba? Bakit gan'yan pa itsura mo?" At lumingon siya sa likuran nito. "Nandito pala si Adrian?" biro niya. Nag-iba ang awra ng mukha nito. Mabilis itong lumingon, kasabay nang malakas niyang pagtawa. Sinamahan pa niya iyon nang mahinang hampas sa binabasang libro. "Ano, killjoy pa ba? Umayos ka kasi dahil isusumbong talaga kita," ngingisi-ngising banta niya rito. "Oo na! Nagbago na pala isip ko, ikaw na pala magbayad ng lahat ng order natin." Umirap pa ito. "Sorry na. . ." mabilis na bawi niya. "Sige na, hindi na ako magsusumbong." Itinaas pa niya ang isang kamay tanda ng pagsuko. Lumalabas kasi kamalditahan nito kapag nawala sa mood. "Ma'am, here is your order," sabi ng waitress. "Nasaan ang cake?" tanong ng kaibigan niya. "Ah, personal po iyong kukunin sa counter with picture taking with my boss po," nakangiting tugon nito. "Okey. . . pupunta na lang ako," ani Alexa. "Tatawagin po ang name, ma'am, para hindi magulo katulad kanina. Gamitin ko na nang 'yong details na binigay ninyo," paliwanag ng waitress. Medyo natigilan ang kaibigan pero saglit lang. "Okay. Just call my name if kami na ang sunod." At tumingin ang kaibigan sa kan'ya. "Sure, Ma'am, thank you. Any additional order?" tanong muli ng waitress. "Wala na po. Thanks," sambit niya. Nag-umpisa na silang kumain at dumarami na ang customers doon. Mabuti sa itaas nila napiling umupo. Maganda roon ang view at presko rin ang hangin. Inilabas niya ang kaniyang oldest type of cellphone; nokia 3310. Binili niya iyon sa halagang five hundred pesos sa shop kung saan nakasubasta ang mga old type of phone. Gumagana pa naman 'yon. Iyon nga lang model pa nang taong 2008. Sa taong kasalukuyan, hindi na pinapansin ang ganoong modelo. Antique na iyon kumbaga. Bakit ba, eh sa iyon lang ang kaya ng budget niya, at lahat ng pera niya ay napupunta sa tuition f*e. Mabuti na nga lang at naroon si Alexa. Nararanasan niyang kumain sa ganoong klase ng coff*e shop. "Miss Natasha! Get your cake here and bring your cam," tawag mula sa counter. Malagong ang boses ng lalaki. Swabe sa pandinig at parang DJ sa radyo. Biglang may kung anong kaba siyang naramdaman. Pero. . . Nagtataka siyang tumingin sa kaibigan. Naka-peace sign ito. "Sorry friend. . . Name mo talaga ang inilagay ko roon kanina," nakangiting wika nito. "Ikaw na ang magpakilala roon Natasha. Tutal ikaw naman may camera ang cellphone," wika niya.. "Bring your ID for claiming! Miss Natasha?" muling tawag ng lalaki. Muli siyang kinabahan. "May ID pa. Go na friend! Dalhin mo cellphone ko. Reject din ako sa counter kase hindi ko name," tudyo pa ni Alexa. Bumuntonghininga siyang tumayo at inirapan ang kaibigan. Gusto niya itong sabunutan sa nangyayari, ayaw lang niyang gumawa ng eksena. Kaya sumunod na lang siya. Habang palapit sa counter, libo-libong kaba ang nararamdaman niya; lalo pa at nakatingin ang lahat sa kaniya. Idagdag pa ang nag-uumapaw na awra ng lalaki sa gitna. Para tuloy gusto na niyang bumalik sa upuan or tuluyan nang lumabas ng shop na iyon. Naramdaman niya ang pag-iinit ng kaniyang tainga at pamumula ng mukha. Halos hindi siya humihinga habang humahakbang papalit sa lalaki. At tanging tunog lang ng sapatos niya ang naririnig niya. Ano bang nangyayari sa akin? Tanong niya sa sarili.Mula sa loob ng simbahan maririnig ang kalampag ng kampana. Kung gaano kalakas iyon, mas malakas pa ang tibok ng puso niya. Nakatayo siya sa unahan kung saan makikita ang ang pintuan ng simbahan, habang dahan-dahan bumubukas iyon.Napangiti siya nang masilayan niya ang babaeng pinangarap niya simula nang makita ito sa coffee shop niya noon. Mas bumilis ang tibok ng puso niya nang nagsimula itong lumakad palapit sa kan'ya.She's wearing sleeveless-white-illusion-princess-V-neck-appliques-beading-lace wedding gown. Simple yet elegant. Hindi niya mapigilan ang hindi mapaluha habang papalapit ito sa kaniya na may malapad na ngiti."Dudes, ngayon ka pa ba iiyak? Abot kamay mo na siya," nakangiting siko ni Alexis sa kaniya.Madali niyang pinunasan ng panyo ang mga luha."Fuck, dude! Napuwing lang ako." Nilingon niya ang dad at kuya niya na hindi napigilang mangiti."I know that feeling, bro. Ilang hakbang na lang at sa iyo na
Isang malawak, makulay at eleganteng hardin ang makikita pagpasok pa lang ng lugar kung saan gaganapin ang pictorial. Makikita ang mga malalaking camera sa gilid at mga gamit para sa gagawing event. Napaka-perfect nang ayos ng lugar na iyon.Hindi niya alam kung ano ang kaniyang mararamdaman lalo pa at kasama niya sa pictorial ang kan'yang.kasintahan."Miss Natasha, ready na po tayo in ten minutes." Mula sa labas ng dressing room ang boses na iyon.Hinila siya ng hairdresser doon at isinuot ang isang black-backless and rhinestone-straps cocktail dress. Nailang siyang suotin iyon kasi hakab na hakab sa kaniya plus showy pa ang likod niya."Wow, Miss Natasha! You look perfect! The most beautiful face I've seen so far," bulalas ng baklang nag-aayos sa kan'ya.Namula ang mukha niya sa sinabi nito."Bolera ka," aniya."I'm stating the fact, Miss Natasha," maarteng wika nito.Hanggang marinig nila ang hudyat ng direct
After two weeks, bumalik na sa normal ang lahat. Maayos na ang lagay ni Natasha.Napaluwas nang hindi oras ang kaniyang mga magulang. Gusto siyang isama pabalik ng mga ito pero tumanggi siya. Kailangan niyang makabalik sa trabaho, at kailangan nila ng pera para sa last sem ng kapatid. At hindi siya papayag na hindi ito makapag-enroll.Malakas na siya at ang mga pasa sa katawan niya ay wala na rin. Normal ang lahat ng laboratory at x-ray niya ayon sa doctor.Dahil na rin siguro iyon sa tulong ng binata na laging nasa tabi niya. Matiyagang nagbantay at umalalay ito sa kaniya hanggang gumaling siya."I'm sorry for what happened. This is all my fault. If you want to file the case against Athena, I can help you, babe. I can't imagine if you leave me forever."Tumingin siya sa binata. Naaawa na siya rito dahil halos wala itong tulog at hindi na maasikaso ang sarili. Nalaman na niya ang lahat dahil sa kwento nito. And that's when she realized th
"What do you mean, Alexa! Where are you? What car accident!" Boses iyon ni Alexis na gumising sa kan'ya.Nasa condo na sila at hindi niya alam kung paano sila nakauwi. Halos dalawang sunod-sunod na gabi sila sa bar simula nang huling magkita sila ni Natasha.Umupo siya sa sofa at hinawakan ang masakit na ulo dala ng hangover."Dude, hurry up! Alexa and Natasha got involved in a car accident somewhere in Tagaytay," malakas na wika ni Alexis."What!? How are they?" Biglang nawala ang skit ng ulo niya at napatayo nang bigla. Hindi niya matawagan ang dalaga dahil na-block na nito ang mga number niya."Alexa is under observation and suffered from minor injuries. But Natasha. . ." Napatiim ang bagang nito. " She had suffered serious injuries and unconscious until now!""F*ck! Let's go! Call our connection there. Hold all people around the perimeter!"Hindi na niya nagawang magpalit ng damit."Aries, prepared the helic
Nakasisilaw na liwanag ang sumalubong kay Natasha nang magising. Halos hindi niya maigalaw ang katawan. Nakatitig siya sa puting kisame nang maalala ang lahat."Alexa. . ." mahinang tawag sa kaibigan.Pero ang gwapong mukha ni Cedrick ang bumungad sa kan'ya. Sa ilang araw nilang hindi pagkikita, parang tumanda ito ng isang taon.Bakit parang humaba ang balbas nito? Nakatitig lang siya sa kamay niya na hawak ng binata, na mukhang nakaidlip sa tabi ng kama na hinihigaan niya. Iginalaw niya ang kamay para makuha niya ang atensiyon nito."Babe? Are you awake?" anito sa malamyos na tinig at hinaplos ang mukha niya. "Nurse. . . Nurse!Nakita niyang mabilis na pumasok ang mga tinawag at tiningnan ang vital status niya.Bakit parang ang OA ng mga ito. Gising na siya at mukhang okay naman ang pakiramdam niya."Mr. Thompson, stable na po siya after three days of being unconscious."Tatlong araw na siyang naroon?
Nakarating sila ni Alexa sa isang resort sa Tagaytay. Maaga pa silang nakarating doon kaya naman kitang-kitang ang mababang ulap sa dinaraaanan nila. Timigil muna sila sa isang picnic groove. Makikita rito ang heartbreaking view of Taal Volcano. They sit and take a picture for a while. Then, they proceed to resort. They took a shower and rest. Ganito ang buhay nilang magkaibigan kapag may problema. Dahil masakit sa ulo ang alak, mas pinili nilang mag-getaway."Friend, may masarap na kainan dito ng bulalo. You want to try? Then, let's go to sky ranch at sakyan natin lahat ng rides," nakangiting wika ni Alexa."Sure! How about horse riding?""Then, let's try that too. Maliligo muna ako tapos mamayang gabi, magbabad tayo sa pool," wika nito bago pumasok sa banyo. "Bukas na tayo umuwi ng Manila."Malawak ang ngiti ng kaibigan. After a year, ngayon lang ulit nangyari ang bonding nila. Kaya lulubos-lubusin na nila dahil sa Monday, trabaho na n
Nagmadali umuwi si Cedrick pagkatapos ihatid ang dalaga sa tinutuluyang boarding house, dahil sa isang papeles na kailangan niyang ipasa kinabukasan sa isang supplier para sa bago niyang itatayong condo sa Makati area. Tinawagan niya ang kan'yang secretary para ipasa ang soft copy nito sa email. Nasalubong niya ang ina sa hallway, bago siya pumasok ng kwarto niya."Akala ko ba isasama mo si Natasha?""Bukas na lang po para makapagpahinga siya. May tatapusin lang akong layouts at dokumento para sa project na itatayo namin.""Siya, sige. Kami ng daddy mo ay matutulog na."Humalik siya sa ina bago tuluyang pumasok ng silid. Mabilis siyang nagbihis at pumunta sa opisina. Alas-nuebe na nang gabi at madami-dami rin iyon.Nasa kalagitnaan ng trabaho, tumunog ang cell phone niya.Athena!Hindi ito pinanasin saka binalik ang isip sa ginagawa. Pero makulit ito."Yes, Athena? What is it?""Whoa! Gan'yan
Kahit kinakabahan, gusto niyang malaman ang totoo. Sana mali siya. At kung iisa lang ang lalaking minahal niya at ang ka-text niya, hindi niya alam kung anong gagawin. Pagbukas ng elevator, hinanap niya ang lalaki pero wala ito sa lobby. May lumapit sa kan'yang dalawang men in black."Ma'am Natasha, sumama po kayo sa amin. Pinapasundo po kayo ni Boss Ken," bulong ng isa.Nakangiti ang mga ito.Nagtataka siya at tumingin sa phone niya."I have two bodyguards there. Go with them." Hindi niya alam kung anong bang mayroon.Tumingin siya sa dalawang lalaki at sumunod dito.Isang eleganteng limousine car ang naghihintay sa labas, saka inalalayan siyang papasok. Bahala na kung sino ito. Mukhang mabait naman ang mga tauhan ni Ken.Isang exclusive restaurant ang narating nila. Parang naka-reserve lang iyon para sa kanila at walang mga tao. "Ma'am., pasok na po kayo. Naghihintay na si boss sa loob," w
Gusto niyang sumagap ng sariwang hangin. Ayaw muna niyang umuwi ng bahay. Gusto niyang tawagan si Alexa, pero wala siyang phone. Naiwan niya iyon. Kaya naglakad-lakad muna siya sa isang parke na hindi niya alam kung saan. Marami namang tao na naglalakad pero mga foreigner ang mga ito.Naliligaw na ba siya?Ang alam niya bumaba siya ng The Fort, pero hindi niya alam ang pasikot-sikot doon. Tumingin siya sa relong nasa bisig. Alas-singko na nang hapon at halos limang oras na siyang naglalakad doon. Kahit nakararamdam ng gutom hindi niya iyon pinansin. Hanggang may bumangga sa kan'yang babaeng naka-hood.Napatitig siya rito .Athena!"Wow! Small world!" palatak nito. "Hindi ba ikaw ang babaeng kasama ni Cedrick last time and slash secretary ni Tito Leopoldo?" ismid nito.Umiwas siya rito. Bakit andito ito? Baka kasama nito si Cedrick. Mabilis siyang tumalikod, pero hinila nito ang braso niya."Bastos ka rin noh! K
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments