Nagising akong kulabo ang paningin hanggang sa unti-unting luminaw ang kapaligiran, puti ang kisame at dingding.I'm feeling groggy ngunit alam ko kung nasaan ako, I'm in the hospital. Huli kong natatandaaan nawalan ako ng malay dahil sa matinding pagkahilo.Unti-unti akong gumalaw para sana bumangon ngunit may kamay na humawak sa baywang ko."Don't move, Jessa." Para akong nananaginip...boses iyon ng asawa ko.Ang baritonong boses niya... siya ito.Mabagal akong bumaling sa gilid ko, I saw his serious face looking at me intently. Inabot ko ang pisngi niya pababa sa panga, his features are still the same from the last time I saw him, gwapo pa rin...Malamlam ang mga mata kong sinusuri ang mukha niya dahil baka nananaginip lang ako pero hindi. Totoong nasa harapan ko ngayon ang asawa ko. I felt my hot tears streaming down to my both cheeks."Bakit ngayon mo lang ako pinuntahan?" puno ng hinanakit kong tanong sa kanya. "Hindi mo alam kung gaano ako nangungulila sa iyo..." dagdag ko haban
It's been a month since Damsel and I separated, but we're not annulled yet because I refused to sign the papers but my parents keep on insisting it. Nagmamatigas ako. Hindi ako pipirma.I am guarded by these bodyguads hired by them if Damsel tries to come near me they will fence me. How funny, isn't? Sarili kong asawa hindi ako malapitan. Every time na papasok ako sa trabaho palaging nakasunod ang mga ito, which makes me irritated day by day.Simula ng mangyari ang mainit na paguusap at komprontahan dahil sa iskandalong ginawa ni Jessy ay ipinadala siya sa Switzerland para doon na manirahan and she's not allowed to go back here in the Philippines anymore.Nanatiling sikreto ang lahat sa publiko. Sinikap ng mga magulang kong h'wag makalabas ang problemang makasisira sa aming mga pamilya.She's now married to Ryke, wala siyang nagawa nang magdesisyon ang aming mga magulang dahil gusto nilang may managot sa batang nasa tiyan ni Jessy. Ryke immediately offered a quick wedding after he fo
Isang malakas na palad ang tumama sa magkabilang pisngi ni Jessy na lumikha ng tumataginting na malutong na tunog sa bawat sulok ng condo, tila wala nang pakialam ang lahat kung makunan man ito ngayon."PAANO MO ITO NAGAWA SA PAMILYA NATIN, JESSY?! AT HIGIT SA SARILI MONG KAPATID??" Nagsisidhing tanong ni Mama nang malaman nila ang nangyari at ang katotohanan sa pinaggagawa ni Jessy.Narito ang mga magulang namin ni Damsel, karapatan nilang malaman dahil hindi ito biro.Wala na silang sinayang na oras nang sabihin ko ang problema sa kanila kaya agad silang pumarito sa condo ni Jessy kung nasaan kami ni Damsel dahil sinundan namin ito hanggang makauwi para mas masinsinang makausap.Sapo ni Papa ang kanyang noo dahil sa labis na pagkadismaya at galit kay Jessy ganoon din ang mga magulang ni Damsel. Hawak ni Mommy Mabel ang kanyang dibdib dahil hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari at si Daddy Roderick naman ay sapo rin ang kanyang noo kagaya ni Papa na labis din ang galit at pagkadis
Hindi na kami nag-abalang umuwi pa ng bahay, diretso na kaming pumunta kay Dra Franses for Jessy's check up. Tumigil kami sa tapat ng clinic at akma sanang bubuksan ko na ang pintuan nang makitang may siwang ito at may nag-uusap sa loob kaya napahinto kami ni Damsel."Jessy, I can't take this anymore... hindi na kinakaya ng konsensya ko!" Boses iyon ni Dra Franses na tila bagabag ito at medyo tumaas ang boses."Binabayaran naman kita ng sapat na halaga higit pa sa binabayad sa iyo ng kapatid ko at ng asawa niya! Kaya anong problema mo??" Puno ng iritasyon ang boses ni Jessy.Nilingon ko si Damsel na ngayon ay tila nagdidilim ang mukha kahit hindi pa namin alam kung anong pinaguusapan nila. Anong hindi na kinakaya ng konsensya? At bakit binabayaran ni Jessy ng doble si Dra Franses? Para saan?"Aamin ako sa kanila! Sasabihin ko ang totoo!""Sige! Subukan mo? Baka nakakalimutan mo kung anong kaya kong gawin? Pili ka, iyung panganay mo o iyung bunso? Kambal sila pareho 'di ba?" Jessy th
"Kung ganoon, sino ang lalaking nakita ni Jarred kung hindi nga talaga ikaw iyon?" tanong ko ngunit may bakas pa rin ng duda."Maybe it was Ryke? Me and that f*cker have the same resemblance. We have the same built and height madalas napagkakamalan siyang ako," sagot niya.Napatigil ako at napaisip. Pinagmasdan ko siyang mabuti upang suriin kung nagsasabi nga siya ng totoo. Kung sa bagay unang kita ko kay Ryke malaki talaga ang hawig nila lalo na sa pangangatawan, may bahagi ang mukha nilang magkapareho.Walang hiyang Jarred! Titingin na lang mali-mali pa! Sa itsura ni Damsel ngayon mukang naninindigan talaga siyang hindi siya ang lalaking kasama ni Jessy papasok ng motel.Kung si Ryke nga iyon, ibang klase din naman talaga itong si Jessy? Ang akala ko ba ayaw niya na ro'n sa lalaki ba't siya nagpapagamit pa? Akala ko wala na sila? At higit sa lahat, buntis siya for God's sake!"Kung siya nga iyon... akala ko ba ayaw niya na kay Ryke? Ba't ngayon nagkasama pa sila sa motel?" tanong ko
Nagpupuyos ang kalooban ko, hindi ako makapag-isip ng tama. Litong-lito na ako.Damsel told me that he didn't sleep with Jessy, pero ang sabi ni Jarred he saw him with Jessy na pumasok sa isang motel? Sino ang paniniwalaan ko?Hindi na ako nagsayang pa ng oras, dalian akong pumunta sa Montevial Corp. Para puntahan ang magaling kong asawa.Tumigil ako sa harap ng sekretarya niya. "Where is my husband? Nandito ba siya?""Ah nasa loob po Ma'am, may ka-meeting. Pakihintay—"Hindi ko na siya pinatapos magsalita nang dire-diretso na akong pumasok sa opisina ni Damsel at awat-awat ako ng secretary pero hinawi ko lang siya nang hinarangan niya ang dadaanan ko.Pagkapasok ko ay naabutan ko itong may kausap na matandang lalaki at agad silang napalingon sa gawi ko nang padarag akong pumasok."I'll be back some other time, Mr. Montevial. Your wife is here, I should go now mayroon din akong pupuntahan. Thanks for the deal, you're a life saver," saad ng matanda at nagpaalam nang aalis na sabay tayo