Share

Chapter 3

Jacintha's

"You keep drawing blood, that's a bad omen".

Nasa loob kami ng opisina nito at nakaupo sa sofa nito malapit sa mesa niya habang hinahanap naman nito ang first aid kit niya.

"She isn't suppose to be here. Security must be tighter. Sisiguraduhin kong hindi na ito mauulit". Kanina pa ito pilit na nagsisimula ng isang conversation pero hindi ko naman ito sinasagot dala ng inis ko.

Marahan itong napabuntong-hininga. Hawak na nito sa kamay ang first aid kit at naupo na sa gilid ko. Hinarap ko ito at akmang kukunin na sana ang hawak ng ilayo nito iyon sa akin. Nakaangat na ngayon sa wala ang mga kamay ko.

"I can manage, maliit na sugat lang naman ito kaya ko na"

"Iniiwasan mo pa rin ako".

Ibinaba ko ang aking mga kamay.

"Hindi kita iniiwasan"

"It's been a week since I've been here and you haven't given me a report"

"Inilagay ko iyon sa mesa mo. Maybe you should check", tinuro ko pa ang table nito.

Tiningnan ako nito ng mapakla. Gloomy na ngayon ang itsura nito pero wala akong pakialam. Mata sa mata ko pa rin itong sinalubong. Isa rin kasi ito sa dahilan kong bakit gusto ko umalis. Wala itong awa, expected sa isang Mafia Don. Alam ko sa nature rin naman ng trabaho namin ay hindi ko na iyon inaasahan sa kanya pero di ko pa rin maiwasang magalit at makikita talaga nito iyon sa akin.

"I'm no fool", sabi nito.

"As I am no liar", paghahamon ko rito.

"You're angry", he stated the obvious.

Oo, galit na ako dahil hindi ito ang unang beses na sinugod ako ng mga babaeng kinakama nito at ngayon ay sinugatan pa ako.

"Hindi", sagot ko.

"You are", pagpupumilit nito.

"Kung yan ang gusto mong isipin... Sir.

Katahimikan ang sumunod na bumalot sa buong opisina.

"Tell me, the exact reason why you wanted to leave" wika nito sabay labas ng isang cotton swab na may betadine.

"Hindi mo maiintindihan",

"Try me", wika nito ng napakalapit sa aking mukha sabay lapat ng hawak nitong swab sa aking sugat.

"Gusto kong magmahal", natigil ito.

"At mahalin pabalik. Ang magkaroon ng pamilyang maituturing kong akin"

Wala akong pakialam kung pagtatawanan ako nito, o sasabihing napakababaw ko. Pero walang tawa na sumunod. Kinuha lang nito ang cream sa kit.

"Alam mo ba kung gaano kadelikado ang gusto mo?", sabay dampi ng cream sa sugat.

"That's the consequence I'm willing to take"

"I can't have you doing that", balik nito sa isang malumanay na boses at malamlam na mga mata. Pinutol ko iyon ng kunin ko ang band aid. Hinuli nito ang kamay ko at kinuha iyon sa akin.

"Iyon ang tunay na rason kung bakit. Pwede na ba ako makaalis sa organisasyon?", puno ko sa usapan namin ng may sarkastiko sa boses kong wika.

"Titingnan ko ang security's for damage control. Salamat dito at kung wala na kayong iuutos ay mauuna na ako, Sir"

Naghintay ako ng ilang segundo pero hindi ito nakasagot at nakatitig lang sa akin kaya ng mapagtanto kong wala akong makukuhang tugon galing rito ay tinalikuran ko na ito at akmang pipihitin ang pintuan upang lumabas ng bigla itong magsalita.

"Love me then", binitiwan ko ang pintuan at naguguluhan ang mukha itong hinarap.

"Wed me after", may diin sa boses nito habang dahan dahan na naglalakad papalapit sa akin.

"Kabaliwan ang sinasabi mo"

"If that's what will convince you to stay. That's how crazy I will get"

Sa galit ko ay nakagat ko ang aking ibabang labi. Sa tingin ba nito ay ganuon lang kadali ang lahat?

Kita kong bumaba sa aking mga labi ang kanyang mga tingin at sa isang galaw ay nailapit na nito ang kanyang mukha sa akin at tila nanunudyong pinapasadahan ng tingin ang bawat parte ng aking mukha. At ang mga mata nitong tila nagsasabing wala akong kawala.

Tensyon. Kaba. Bago. Delikado

Hanggang sa bumaba ang mukha nito sa aking leeg at dumapo ang mainit nitong hininga sa aking katawan. Hindi ko maigalaw ang katawan ko, pinto na ang nasa likod ko at tila bihag ako ng sitwasyon; ni Jorge. Pilit kong itinataas ang aking kamay at akmang itutulak ito ng sa isang hagod lang ng mga kamay nito ay marahang pumasok sa suot kong damit at bago pa man ito maligaw ay hinawakan ko iyon at pinigilan.

"Wag!", tuluyan na ngang lumabas ang mga salita sa bibig ko at pasalamat ko nalang at hindi iyon nanginig. Inalis nito ang kamay at inayos ang suot ko. Nakasubsob pa rin ang mukha nito sa aking leeg ng bigla itong magsalita.

"Gusto mong mahalin ka di ba? I can do that and other earthly deeds that goes with it like fucking you tell your eyes roll in delight, your body quiver in pleasure with your moans, whimpering, calling only my name".

Walang salita akong mahanap upang sagutin ito sa proposisyon nito o kung proposisyon ngang maituturing iyon. Dahil una sa lahat ay hindi ako ang tipo nito at wala itong kakayanang magmahal. Sa lahat ng lalaki sa mundo ay ito ang kahulihuliang pipiliin kong magkapamilya. Hinding hindi.

"Kaya manatili ka, Cina. Stay, here, with Pacific"

May kung ano sa mga salita na tila may iba pa itong gustong ipahiwatig bukod doon pero hindi ko mahanap kong ano. Nakakabinging katahimikan ang sumunod hanggang sa makarinig kami ng katok sa pinto. Mabilis ko itong naitulak, tulyan na kaming naglayo.

"Mr. Desjardin, may bisita ho kayo", banggit ng nasa likod ng pintuan.

"Kakalimutan ko itong nangyari", inayos ko ang sarili.

"Jacintha...", tawag nito.

"Iisipin ko nalang na wala si Melinda at nananabik ka sa isang babae"

"Cina!", halos pasigaw na nitong tawag.

"Pero hindi ako ganuong babae, Jorge. If a man wants me, he needs to earn me and that goes to you"

Lumabas na ako doon na siya namang salubong sa akin ni Cillian Desjardin, ang tiyuhin ni Jorge. Nakasuot ito ng army green suit na may Pacific crest sa dibdib nito. Taas ang kilay itong natingin sa akin na parang pilit akong binabasa.

Dapat ay hindi nalang ako agad lumabas. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko baka kung anong isipin nito kung bakit tila habol ko ang aking hininga, isama na ang mapupula ko na sigurong mga pisngi.

"Good Morning, Sir Cillian"

Hindi ito sumagot at nilampasan lang ako at pumasok na sa loob. Napaka intimidating talaga ng taong iyon. Kung ang lahat sa Pacific ay takot kay Jorge, ako naman ay sa tiyuhin nitong si Cillian. Ang taong nagdala sa akin sa poder nilang mga Desjardin. Sa mga tingin palang nito ay nagsasabi nang wag kang magkakamaling magkamali sa kanya. Kaya baliw nalang siguro akong ikonsedera ang mga sinabi ni Jorge. Hinding hindi.

~~

"Your heads wandering off again"

Pukaw sa akin ng kaibigan kong si Akari. Naglalakad na may dalang tray in her orange, long sleeved, foot covered dress, ang cute nito. Lalo na kapag nakalugay ang kulot nitong buhok at hindi natatakpan ng concealer ang freckles nito. Ipinatong nito ang isang slice ng red velvet cake at mainit na plain iced black coffee sa harap ko.

Andito ako ngayon sa cafe' 'Aeva's Cup' na pagmamay-ari niya. Ipinangalan sa kanya at ng Mama niya.

"Kanina ko pa ni contact si Adolf pero hindi siya sumasagot, dapat nakauwi na siya ngayon sa business trip niya"

Bagsak ang mga balikat na inabot ang kape at sumimsim rito. Habang si Akari naman ay nakahalukipkip na nakatingin lang sa akin ang mga singkit nitong mga mata. Kamuntikan pa tuloy akong masamid.

"Wag mo nga akong tingnan ng ganyan. Naalala ko tuloy iyong loko na iyon sa mukha mo eh".

Itinaas nito ang isang kilay saka ipinatong ang dalawang kamay sa mesa sabay arko ng ulo nito.

"Paano ba kasi kita dapat tingnan?"

"Wag nga kasi", hinila ko ang kamay nito. Napangisi nalang ito sa ginawa ko at muling humalukipkip at nasandal sa upuan.

"Kailan ko ba makikita ang Adolf na yan?"

"Malapit na"

Kilala nito sa hitsura si Adolf dahil may picture akong pinakita pero hindi pa nagkikita ang dalawa sa personal. Ayaw muna ni Adolf, gusto kasi nitong sigurado muna kami sa isa't-isa, at malapit na iyon.

"I don't think he even exist", hinala niya.

"Kari!", saway ko rito.

"I have met your boss, Jorge but I have never met the love of your life Adolf. Parang may mali naman yata dun"

Kinuha ko ang maliit na tinidor na anduon at kumuha ng cake sabay subo.

"Naghahanap lang ako ng tamang tsempo"

Una kaming nagkakilala ni Akari sa College days namin dahil pareho kaming Business Administration ang course and mula doon ay naging malapit na kami. Gustong-gusto ko ang pagiging pure ngunit head strong, she may be a bit timid but that's what makes her the prettiest to me. Alam din nito kung ano ang trabaho ko at kahit kailan ay hindi ako nito hinusgahan. Ni hindi ito natakot sa maaring mangyari kung patuloy ito na malapit sa akin. Gaya nga ng sabi niya, nagpang-abot na sila si Jorge.

"I just want you to lead a happy life, Cina. I hope being with this guy will make you happy"

"Alam ko naman iyon kaya bilang kaibigan, pagkatiwalaan mo ako, hm?",hinawakan ko ang kamay nito, nangati lang ito bilang tugon.

"Kamusta kayo ng Daddy mo?", bumigat ang ekspresyon sa mukha nito.

"Hindi pa rin siya kombensido, gusto niya bumalik ako ng Japan at patakbuhin ang kompanya kasama ng Kuya pero ayoko, this is the life that I want, and besides, he's here. How can I leave him alone?"

Nang mawala ang Tita ay lalong nagkalamat ang relasyon ng mag-ama. Kung iisipin ay napakasagana ng buhay ng mga ito, maayos lahat ng buhay pa ang taong nagsisilbing tulay ng dalawa. Kaya di ko talaga maintindihan ng minsang sabihin ni Tita na magkaugali si Akari at ng Papa niya. I think their in a way; stubborn.

"Unawin mo na lang siya"

"Sinusubukan ko pero kung magpapatuloy siya sa pagpupumilit, hindi ko na alam kung anong kahahantungan ng relasyon naming mag-ama", may banta sa boses nito.

"Wag ka magsalita ng ganyan, Kari",

"He called me selfish. Buong buhay ko sinunod ko sila but what I realize with my Mothers death is my life is mine to take. At ayokong kontrolin iyon ng iba; lalong hindi ng tatay ko", rinig sa boses nito ang pagpipigil. Napabuntong-hininga nalang ito

"I was never selfish, at least not to you"

Bigla kong naalala muli ang sinabi nito. Kasama ang katotohanang minsan na akong nagkaroon ng tsansang umalis, pero di ko ginawa. He was right, he was never selfish. At tama rin si Akari, my life is mine to take.

"Kari" , pangalan lang nito ang nabigkas ko ng biglang tumunog ang phone ko.

Hinawi nito ang buhok patalikod at kinalma ang sarili.

"Check it, baka importante. Wag na natin pag-usapan ang Dad", panapos nitong wika.

Binuksan ko ang phone at sa tuwa ko ay si Adolf ang nag message sa akin.

"I'm at the villa. Pumunta ka dito, mag-usap tayo tungkol sa plano mo. Tonight at seven, sharp"

Iyon lang ang laman ng message ni walang 'I love you'. Isang linggo itong wala at ni hindi nagrereply sa mga message ko, tapos ganito? Ano bang nangyayari sayo Adolf?

Napuno ng kaba ang dibdib ko sa isipin. Paano kung hindi si Adolf ang nag send ng message na ito?

Bumalik ako sa realidad ng yugyugin ni Kari ang kamay ko.

"Jacintha? Ayos ka lang ba? Ano ba ang nasa message at mukha kang kinabahan?"

"Kari, alam ko ngayon lang tayo nagkita pero kailangan ko nang umalis. Emergency"

"Ha? ah sige sa itsura mo mukhang importante nga naman talaga. Text me when your home then"

Tumayo na kami sa mesa. Niyakap ko ito ng napakahigpit.

"This time, I will have my assurance, Kari. Sa susunod na magkita tayo, ipapakilala ko na ang taong pinakamamahal ko"

Malawak kaming napangiti sa isiping iyon.

"Go!",

Madali na akong lumabas ng cafe' nito, isinuot ang helmet at kinuha ang motorbike ko nga di pa man ako kalayuan sa cafe ay may dalwang sasakyan ang biglang humarang sa akin. Mabuti nalang at mabilis ako na nakapagpreno.

"Argh!". Inis na tiningnan ko kung sink ang humarang sa akin. Iniluwa ng sasakyan ang apat na tao. Ang dalawa doon ay sina...

"Kerin?... Wesley? Anong ibig sabihin nito? Sinusundan niyo ba ako?"

Seryoso lang ang mukha ni Kerin habang si Wesley naman ay napapkamot sa likod ng ulo nito habang nakapamulsa.

"Nautusan lang kasi kami Ate, kas--"

"Miss Jacintha, nais kayong makausap ni Mr. Desjardin. Kailangan niyo nang umuwi ngayon sa mansyon kung saan siya naghihintay"

Maloko akong napabuga ng hangin dahil sa pormal nitong pagsasalita.

"Huh, kung gayun ay sabihin ninyong hindi niyo ako nakita. May importanteng lakad ako ngayon na di ko pwede ipalib--"

Hindi ko pa man natapos ang aking sasabihin ay lumapit na agad ang dalawa pang tauhan. Hinawakan ako sa magkabilang kamay, ipinababa sa motorbike ko sala iyon pinatid dahilan para bumagsak at mabasag ang sideview mirror nito.

"Tumigil kayo! Ano ito?!"

"Ate, sumama ka nalang kasi. Nagpag-utusan lang din naman kami", pagkasabi nito niyon ay sumenyas ito sa dalawang lalaki. Ngunit bago pa nito magawa ang kung ano sa akin ay sinipa ko na agad ang isa habang ang isa naman siniko ko dahilan para bumagsak ang mga ito.

Tumakbo ako papalayo roon. Hindi naman nagtagal ay nakasunod na ito sa likuran ko. Pumasok ako sa isang eskenita na anduon, hindi ito makakapasok doon. Malapit na akong makalabas konti nalang ng biglang humarang ang isang itim na sasakyan. Napaupo ako sa sahig, sa pag-ilag na mabangga niyon. Habol ko na ang aking hininga, may sugat na rin ang mga kamay ko.

At hindi pa man ako nakatayo ay may panyo nang bumusal sa aking bibig dahilan upang tuluyan akong mawalan ng malay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status