Share

Cindrella

 

AKIO'S POV

 

This is crazy.

This day is the worst!

Nagsayang ako ng pera sa pagbili ng large size na milktea dahil bago ko pa iyon makuha, napunta na ako sa kwarto na ito. Badtrip na nga ako sa nangyari, ngayon naman paglilinisin pa ako mg babaeng 'to.

Ano ba ako sa akala niya? Maid niya? Katulong!? Takte yan, ah!

Ako 'to. Si Akio! The Great Wish Granter in the history. I've given every person who knew me what they wished for. I've lived for so many years! I've been good with this!

And this? This is what the universe will give me? Chores!? A fucking chores!? Seriously, asan ang hustisya!?

"Hoy!!" untag ko sabay sipa sa paanan ng kama niya. "Hoy, gising! Babaeng flat-chested, gumising ka!"

Napapalatak naman ako ng wala akong nakuhang reaksiyon mula sa kanya. Nagtalukbong lamang ito ng kumot at dumapa sa kama niya. Naghihilik pa ang babaeng 'to!

Gaaah! Talaga bang tinulugan niya ako!?

"Hoy, ano ba! Gumising ka nga!" untag ko ulit.

Hinila ko na ang binti niya para gisingin ito. Pero, putchang babae na ito sinipa ako! Dahil doon napasalampak na naman ako sa sahig at lalong nagkalat ang mga basura sa paligid. May nakapa pa akong basang bagay sa tabi ko.

"Yuuucckkk!" angil ko at nagkukumahog na tumayo. Muli ko siyang sinipat na mahimbing ang tulog. "Kainis na babaeng 'to. Bahala ka nga!"

Padabog akong naupo sa gilid ng kama niya at napa-krus arm. Nakasimangot na iginala ko ang mata ko sa madilim na sahig at di ko naiwasang mapangiwi sa nakikita ko.

Ang liit naman ng silid na ito. Madilim na nga, masikip pa. Makalat pa. Tsaka, ano ba yun? Pinagkainan niya?

Seryoso ba ang babaeng 'to!? Pati pinagkainan nakakalat kung saan-saan!? Bahay pa ba 'to o tambakan na ng basura? Tsaka, babae pa ba ang nakatira rito? Dinaig na ata ang lalaki at bata sa sobrang gulo.

Psh. And she expects me to clean this mess? Ha! No fucking way! Never! Na-ah. Its a no, no.

Akio The Great would never clean this horrible place!

Tumayo ako at lumapit sa nag-iisang bintana ng kwarto niya. Nakasara ito ngunit pumapasok pa din ang malamig na hangin ng gabi. Madilim sa labas at tanging ilaw ng malayong kabahayan ang nakikita. Maliliit lamang ito kaya di nito nagagawang paliwanagin ang madilim na paligid.

Mula sa kinatatayaun ko ay tanaw ko ang kalahating buwan sa kalangitan. Makapal ang mga ulap kaya wala akong makitang anumang bituin. Bagama't maliwanag ang buwan, bahagya lamang itong sumisilip sa maitim na mga ulap.

Idinaitil ko ang palad ko sa bintana at bahagyang napadaing dahil sa tila kurtenteng dumaloy sa braso ko. Hindi naman siya masakit. Kirot lamang iyon. Pero malakas.

"Hindi ako makakaalis," bulong ko sa sarili ko saka namulsa. Sinipat ko muli ang mahimbing na natutulog na babae. "Hangga't ‘di ko nagagawa ang gusto niya." napangiwi din ako. "Pero ayukong maglinis!"

Nakakaasar naman 'tong babae na 'to, eh! Sa dami ng pwedeng ipagawa, paglilinis pa. Iyon pa naman ang pinakaayaw ko. Babae na 'to talaga..

What's her name again?

Inis na napakamot ako ng ulo ko at saka bumalik sa gilid ng kama. Padabog na nahiga roon at umunan sa sariling mga braso.

Psh. Kung ‘di rin naman ako makakalis rito, mas maiging magpahinga na lang muna. Baka bukas pag-gising niya ay ibahin na niya ang request niya. Pag ganoon, makakaalis ako kaagad.

 

-wish11:11-

 

"Ameee! Late na akoooo!"

Napamulat ako ng mata dahil sa malakas na sigaw na iyon. Kasabay nito ay ang pag-uga ng kama dahil sa pagmamadali niyang makababa. Naupo ako at sinundan siya ng tingin na nagkukumahog na makapasok sa banyo dala ang ilang gamit. Napahikab pa ako matapos iyon.

Sinipat ko ang alarm clock sa tabi at ‘di ko naiwasang ‘di mapangisi. Lagpas 7am na at hanggang ngayon ‘di pa din iyon tumutunog iyon. Paano, pinatay ko, eh. Bago ako matulog ay in-off ko iyon, dahil pinakaayaw ko ang ginigising ako sa umaga.

"Ameee! Bakit kasi 'di tumunog ang alarm clock ko!?" sigaw ulit niya pagkalabas ng banyo.

Napataas-kilay ako ng makitang nakabihis na ito at basang-basa pa ang buhok. Nasa bunganga pa niya ang toothbrush habang inilalagay sa kanyang bag ang mga gamit.

"Anong klaseng ligo ba ang ginawa mo? Ligong pato?" sabi ko sa gitna ng pagkataranta niya.

Agad naman itong napahinto sa ginagawa at nanlalaki ang matang nilingon ako. Tinaasan ko siya ng kilay pero siya ay iginala lang ang mata sa buong silid. Pagdaan ng ilang segundo ay sumimangot ito.

"You did not clean the house?" wika nito na parang ‘di nakikita ang makalat niyang silid.

"I'm not your fucking maid, dummy. Of course I wouldn't clean this forsaken house of yours!" asik ko rito saka tumayo. "So, give me another request."

Inirapan niya lang ako at isinara ang kanyang bag. Tinungo ang sink ng kitchen at nagmumog. Pagkatapos ay isinukbit ang bag sa balikat saka tinungo ang pinto. Wala sa sariling sumunod naman ako at nakapamulsang pinagmasdan siya na nagsusuot ng sapatos.

"I'm leaving." paalam niya matapos. Ikinangiwi ko naman ng humarap ito at ngumiti. "And you'll stay here."

"What!?" angal ko saka siya binalak na hatakin papasok pero tuluyan na itong nakalabas ng pinto. "Hoy, babae, teka lang!"

"Come on, I'm already late." reklamo nito pero di ko siya pinakinggan. Binalak ko siyang abutin pero tila nagkaroon ng harang sa pagitan namin dahilan para mahinto ako.

"Fuck!" angil ko at kinalampag ang ‘di ko makitang harang. "Let me out of here! Damn it!"

"If you want to get out, just clean the house. Don't worry, I'll bring you milktea when I get back." she muttered flashing a faint smile.

I gave her a look. "That's too cheap! I can buy my own milktea! Just let me out!"

"Bye, Akio!" she bid closing the damn door.

"Hey, wait! Flat-chested girl, come back!" sigaw ko saka kinalampag ang pinto. Pero putcha! ‘Di ako makalabas! Nakakaasar naman!

Nagdadabog na bumalik ako sa may sala niya at muling iginala ang mata sa buong silid. ‘Di ko napigilan ang sariling ‘di mandiri sa sobrang gulo, kalat at dumi ng silid na ito.

"I'm stuck. I'm stuck. I'm stuck. I'm stuck!" I muttered to myself, anxiously pacing around the small apartment. "I'm stuck here for Pete's sake!"

This is crazy. This is unbelievable. This is fucking surreal!

"What to do. What to do. What to do." wika ko muli sa sarili ko habang nagpapalakad-lakad sa makalat niyang sahig. "What to do!"

"Just clean the house.."

"Gaaah! Nakakaasar naman!" dismayadong napabuntong-hininga ako at napahilamos pa ng kamay sa mukha.

Naiiling na sinipat ko ang tambak ng plastic ng junkfood sa sahig. May mga plastic bottle din, canned soda, chocolate wrapper, at..

"A fucking bubblegum." nandidiring usal ko ng makita ang puting bagay na nakadikit sa sahig. "That girl's for real!?"

Muli akong nailing at napahugot ng malalim na hangin. Inilagay ko nalang sa bulsa ko ang isa kong kamay samantalang itinaas ko naman ang isa at itinuon sa mga kalat. Di ko napigilan ang pag-ikot ng mata ko habang iniisip ang gagawin ko.

I can't believe it. I can't fucking believe myself! I can't believe I'm really doing this!

Pero dahil wala naman akong magagawa pa, gagawin ko na lang. Kesa naman magtagal pa ako rito. Sa kakayahan kong kontrolin ang mga bagay-bagay, isang kumpas lang ng hintuturo ko ay umangat mula sa sahig ang isang pantalon saka ko iyon inilagay sa malapit na laundry basket.

Sinunod ko naman na ilagay ang mga damit na nakasampay sa kung saan. Pati na din ang mga sando sa sahig. May panyo, may medyas, may sinturon. At sa kamalas-malasan nga naman, may bra pa.

"Psh. Ang liit. Flat-chested talaga." komento ko saka iyon isinalampak sa laundry basket.

Naglabas ako ng malaking garbage bag at ipinuwesto iyon sa gitna ng silid ng nakabukas. Mula sa kinatatayuan ko ay umikot ako, ikinumpas ang kamay para magsilutang ang mga plastic. Iginiya ng kamay ang mga ito tungo sa garbage bag.

"Siguro tambakan talaga 'to ng basura at–gaaah!! Daga!" pagpalahaw ko ng may nahulog na daga mula sa nakalutang na plastic. Sa gulat ay napalundag ako at bumagsak sa kama. "Putcha, ba't may isang dag–dalawa! Gaaah! Apat! Apat na daga!"

Ano bang kasalanan ko?! Ba't kailangan ganito? Bakit may daga rito?

Marahan akong tumayo sa ibabaw ng kama at tinanaw ang sahig. Napalunok pa ako ng laway ng makitang nagtatakbuhan ang maiitim at nakakadiring nilalang sa sahig. Palipat-lipat sa mga plastic ng pagkain sa sahig, dala-dala ang maliliit na piraso ng tirang pagkain.

"Subukan ni'yong lumapit, lagot kayo sa’kin!" banta ko sa mga ito. Sana lang naiintindihan nila ang sinasabi ko.

At ‘di ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. Basta napaatras ako ng huminto sa tapat ko lamang ang isa, may dala-dalang kapiranggot na pagkain. Nakatingala ito.

"At ano tinitingin-tingin mo d'yan!? Shoo! Shoo! Layas!" pananaboy ko sa maliit na nilalang na ngumangatngat sa pagkain habang nakatingin sa akin. "LAYAS! DOON KA SA MGA KASAMA MO. SHOO! LAYAS!"

Itinuro ko ang isang daliri ko rito at ikinumpas iyon para iikot ang maliit na nilalang na iyon. Ginalaw ko pa ang daliri ko para itulak siya tungo sa mga kasama niya na nagngangatngat din ng pagkain.

"’Di ko kayo pakikialamanan basta d'yan lang kayo. Gets niyo?" napabuga ako ng hangin at sandaling pinagdaop ang mga palad ko. Napatingala ako. "I hate you universe. You're so harsh on me!

Hindi na ako bumaba pa sa kama, nanatili akong nakatayo sa ibabaw niyon habang nililinis ang bahay. Basurahan na kung tingnan ang buong bahay, at tanging ang kama na lamang niya ang malinis na parte. Maski ang kusina madumi. Ang daming hugasin!

Magiging instant dishwasher pa ata ako. Psh. Yes, I do the cleaning. But I don't do the cooking and dishwashing and—

"Putcha, sabi ko doon lang kayo. Ano ba! Shoo! Shoo! Shoooo!" ba't ba sila lumalapit sa akin!? "MAGI, HELP ME!!"

 

-wish11:11-

 

ALTHEA'S POV

Napabuga ako ng hangin matapos mailagay sa bag ang huling gamit ko. Inayos ko na din ang sarili ko sa harap ng salamin bago nagpasyang lumabas ng lounge namin. Nadatnan ko sa tapat ng counter si Manager Anne na may sinisipat sa kanyang cellphone at may plastic sa tabi niya.

Nakatayo naman na sa may pinto si Kuya Mio, nakapamulsa. At as usual, mukhang kulang na naman sa tulog. Ano kaya ginagawa niya kapag umuuwi at laging inaantok?

Si Ms. Levi at Marylou naman ay mukhang may pinag-uusapan din. Nakasimangot iyong si Marylou samantalang seryoso naman si Ms. Levi. Pinapagalitan siguro.

Inabot ko ang paper bag sa may counter at yinakap iyon. Maingat akong naglakad tungo sa may pinto kung saan pinagbuksan naman ako ni Kuya Mio. Wala mang kangiti-ngiti ay nagkibit-balikat na lamang ako saka lumabas.

Sumunod naman ang iba at mismong si Kuya Mio na din ang naglock ng shop. Nag-antay muna ng kaunting sandali na makakuha ng taxi sina Manager Anne at Marylou. Matapos yun umalis na din si Ms. Levi sakay ng kotse niya at naglakad na din palayo ang nag-iisang lalaki sa amin. Ako naman ay tinungo na ang malapit na bus station para makasakay na din pauwi.

Ilang minutong tahimik na byahe at narating ko na din ang bahay ko. Ngunit bago pa ako makaakyat sa hagdan tungo sa ikalawang palapag ay nakasalubong ko ang landlady na si Madam Lie. Tipid na ngiti ang pinakawalan ko bilang pagbati. Ngunit bahagya lamang kumunot ang noo nito pagkalapit sa akin.

"Ikaw ba'y may kasamang lalaki riyan sa kwarto mo?" seryosong wika nito na ikinatigil ko naman.

"Ho?"

"Kaninang umaga pagkaalis mo ay may naririnig akong ingay d'yan sa loob. Kagabi naman ay pana’y sigaw ka. Sino ang kasama mo d'yan?" talagang kumunot na ang noo ni Madam Lie kaya di ko naiwasang mapangiwi.

Kung ganoon ay naririnig pala nila ang pagsisigaw ko sa mokong na lalaking iyon kagabi. Tsaka ano namang ingay ang tinitukoy niya? Wala namang tao sa kwarto bukod sa akin at sa..

Ameee! Pinaglilinis ko pala ng bahay 'yung lalaking iyon!

"Pasensiya na po, Madam Lie. Pinsan ko po iyon na biglang sumulpot kagabi. Di ko na po nasabi, di ko po kasi kayo nakita kaninang umaga." pagpapaliwanang ko. Pero syempre, hindi iyon totoo dahil di ko naman kilala ang mokong na iyon. "Wag po kayong mag-alala, nakaalis na din po iyon kaninang tanghali."

Maniwala ka please?

"Ganoon ba?" tumatangong turan nito na siyang ikinangiti ko. "O sige, basta ipangako mo na di na mauulit pa iyon. Nagrereklamo ang iba sa ingay. At alam mo namang ayaw kong may pumapasok sa mga kwarto liban sa mga umuupa."

Tumango ako. "Yes, po. Naiintindihan ko po."

"Sige, magpahinga ka na at gabi na." paalam nito saka ito naglakad palabas ng gate. Nasa kalapit na bahay lang naman ito nakatira.

Nang mawala siya sa paningin ko ay saka ako nagtuloy sa pag-akyat ng hagdan. Dirediretso sa pinakadulong pinto at ipinasok ang susi. Pagbukas ko ng pinto ay bahagya lang akong natuwa sa kakaibang amoy na sumalubong sa akin. Fresh scent.

Heh, mukhang talagang naglinis ang mokong na iyon, ah. Mabuti naman. Kesa makulong siya rito.

Pumasok na din ako at binuksan ang ilaw. At talagang ikinamangha ko nang makitang ang linis talaga ng bahay! Walang kahit na anong kalat sa sahig, o mga damit. Pati mga libro ko sa study table ko ay maayos na nakatambak. Nasa maayos din ang mga garbage bag na siguro di na niya nailabas dahil di siya makaalis.

Inilapag ko sa counter ang dala kong paper bag at sinuri iyon. Walang alikabok o kahit kaunting dumi ang kumapit sa daliri ko. Napangisi nalang ako.

"May silbi din pala 'yun kahit na may pagkamasungit at palamura." pagbulong ko habang nagpapalit ng damit. "Paano kaya niya nagawa yun? I'm sure gumamit siya ng kapangyarihan na–may powers ba yun?"

Napatawa ako sa mga iniisip ko. Inilagay ko nalang muna sa ref ang laman ng paper bag na dala ko at naupo sa aking kama. Binuksan ang bag at inilabas ang libro na hiniram ko sa library para sa gagawin kong research. Tapos na din naman akong kumain sa cafe kaya matutulog na din ako maya-maya at..

Natigil ako. Nawala ang ngiti sa labi ko at napakunot noo ako. Naniningkit ang mga matang inilibot ko ang mata ko sa kabuuan ng silid at noon ako napapalatak sa nakita. Napatayo din ako sa kama at umikot ang katawan ko para suriin ang aking silid.

Ameee! Anong ginawa niya sa kwarto ko!?

Oo nga't malinis at halos makintab na ang sahig. Pero nagkaiba-iba ang ayos ng mga gamit ko. Yung kama na dating nasa tabi ng bintana ay nasa isang sulok na. Yung study table ko na ang naroon sa tabi ng bintana. Yung maliit kong closet ay nasa paanan na ng kama na dati ay katabi iyon ng study table.

‘Yung maliit kong refrigerator na dati ay katabi ng stove ay naroon na sa may tabi ng pinto ng banyo. At talaga naman, oh! Di pa sinama sa paglilinis ang mga hugasin. Tinambak lang talaga sa lababo. Tapos yung lagayan ko ng sapatos,

"Bakit nasa may banyo!?" halos pasigaw na wika ko.

Sabi ko maglinis! Hindi ko sinabing galawin ang pagkakaayos ng kwarto ko! Mokong na iyon. Kaya pala pakiramdam ko nasa ibang kwarto ako, eh!

Mabilis kong binuksan muli ang bag ko at tinanggal lahat ng laman niyon. Hinanap ko ang cellphone ko sa mga gamit ko at ng makita iyon ay saka ko binuksan ang bintana ko. Binuksan ko din iyon para makita kung anong oras na.

Psh. 11:05 palang.

Mag-aantay pa ako ng ilang minuto para matawag ang mokong na iyon. Talagang matatamaan siya sa ginawa sa kwarto ko. Imbes na matutuwa na ako dahil nilinis na niya ang bahay at nagdala pa ako ng large size na milktea bilang pasasalamat, eh. Tapos eto dadatnan ko? Masasapak ko talaga siya!

Kinuha ko nalang ang swivel chair sa study table ko at ipinuwesto iyon sa tapat ng nakabukas na bintana. Naupo at naghalumbaba roon habang nakatitig sa maliliit na ilaw ng malalayong kabahayan. Dinama ang malamig na hangin na dumadaan at bumabalot sa katawan ko.

So much silence. So much peace.

Sinipat ko muli ang cellphone ko pagkaraan ng ilang sandali. Napasimangot pa ako ng makitang 2 minuto pa bago ang takdang oras. Ang tagal naman nun. Di ba pwedeng tawagin ko na siya dahil inaantok na din ako?

Ilang sandali pa'y napahikab ako at sinipat ulit ang cellphone ko. 11:10 pa lamang. Isang minuto pa.

Buti nalang talaga at mahaba-haba ang pasensiya ko.

Napanguso ako ng makita ang oras saka pinatay ang cellphone ko. Nag-indian seat ako sa swivel chair ko at humugot ng hangin. Pinakawalan ko din iyon pagkaraan at napa-krus ng mga braso.

"Akio." usal ko sa pangalan ng lalaking iyon.

Ilang segundo lamang ay may malakas na bugso ng hangin ang pumasok sa bintana ko dahilan para mapapikit pa ako, naramdaman ko pa ang pag-ikot ng swivel chair ko. Pero isang segundo lamang iyon at nawala din kaagad kaya napamulat ako. Nakita ko naman siyang nakatayo sa gitna ng sala.

Nakamaang siya roon. Nakapamulsa pero tila gulat na gulat. Tinitigan ko siya hanggang sa ilang beses na kumurap ang mata niya kasabay ng pagkunot ng noo nito.

"W-what the fuck!?" pagpalatak niya kasabay ng pagpadyak ng mga paa. "Yung milktea ko! Amputcha naman, oh!"

Talagang milktea ang piniproblema niya ngayon!? Gaano na siya kaadik roon!?

"Hoy!" pagkuha ko sa atensiyon niya. At aba! Sinamaan ako ng tingin!? "Ano?" asik ko rito.

"Anong 'ano'?!" singhal nito. "Ba't kailangan mo 'kong tawagin sa gitna nang pagbili ko? 'Di ba pwedeng mag-antay ka kahit sandali hanggang sa makuha ko yun? Nagsayang na naman ako ng pera!"

"Psh. Ba't kasi kapag ganitong oras mo pa naiisipang bumili, eh, alam mo namang may tatawag sa 'yo?" taas-kilay na sagot ko. Nag-aaburido pa din siya sa sala.

"Ha!? Wala kang pakialam! Tsaka, malay ko bang tatawagin ulit ako ng tangang babae na 'di ko alam kung sinasadya bang ubusin ang oras ko." aniya ng nakapamulsa. Nakasimangot siya at halatang inis na inis ito. "Wala na tuloy yung milktea ko."

Lakas maka-tanga ng isang 'to. Dinaig na talaga ang bakla. Siguro nga bakla siya.

"Milktea ka ng milktea d'yan. Ba't ‘di mo kaya ibalik sa ayos 'tong kwarto ko na ginulo mo?" tugon ko ulit.

Noon lang siya tila natauhan sa sariling frustration at kunot-noo akong binalingan. Tinaasan ko siya ng kilay at iginiya ang kamay sa buong silid.

"Ang sabi ko maglinis. Ba't kailangan mo ibahin ang ayos ng mga gamit ko?" usisa ko na siya namang ikinaikot niya ng mata.

Ang totoo, bakla ba ang mokong na ito?

"FYI, kasama sa paglilinis ang pagsasaayos ng mga gamit. Rearranging to be exact. For a fresh and new sight." may pagkamaarteng sabi niya habang sinisipat ang kanyang daliri. Nakatingin ito sa ibang direksiyon at nakasimangot.

Ako naman ang napaikot ng mata. "Kung sa iba, oo. Pero sa’kin, hindi. Kaya, dali na. Ibalik mo na sa ayos ang kwarto ko."

Ipinilig nito ang ulo para tingnan ako habang nanatiling naka taas ang kamay na kaniyang sinusuri.

"Was that your request already?" bagot na tanong nito.

Ako naman ang gumanti ng pagpilig ng ulo. Naghalumbaba ako at tumingin sa ibang direksiyon.

"So far,"

"Anong 'so far'?"

"Basta, dali na!" utos ko rito.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya bago ikumpas ang kamay niya na nakataas. Namangha kaagad ako ng magsigalaw ang mga gamit ko at magsilutang iyon sa hangin. Gumagalaw iyon kasabay ng bawat kumpas nang kamay niya.

‘Di ko napigilang mapahagikhik at mapakapit ng mahigpit sa upuan ko ng umangat rin ito at tila sumayaw sa hangin. Nakita ko ang pagbalik ng kama ko sa tabi ng bintana pati na ang study table ko sa pinaglalagyan nito. Maski ang closet ko naiayos na din.

"Ang galing naman!" namamanghang wika ko habang nakatungo para makita siya. Nanatili kasi sa hangin ang inuupuan ko kaya kita ko ang ginagawa niya.

Ngunit naputol ang labis kong pagkamangha at napalitan ng malakas na sigaw ng biglang bumaba ang inuupuan ko. Nakagawa ng malakas na kalabog ang pagbagsak nito sa sahig dahilan para mahulog pa ako sa pagkakaupo. Napadaing ako sa sakit.

Ameee! Nakakaasar ang mokong na ito! Ano bang problema niya!?

"Ang loko mo talaga!" singhal ko rito pagkaangat ko ng mukha. Sumimangot lamang ito at namulsa.

"Kasalanan ko bang ang bigat mo?" pang-aasar nito na ikinasingkit ko ng mata. Mabilis akong umayos ng upo at iginala ang mata sa silid.

Buti naman. Komportable na ulit ako dahil nasa dating lagay na ang lahat.

"Ngayon naman, hugasan mo yung hugasin roon." utos ko't itinuro pa ang kusina.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa itsura niya. Tila nabato sa kinatatayuan at namutla. Papikit-pikit ang mata na nakatitig sa hugasin sa kusina. Pero nang bumaling siya sa akin ay bigla ang pagdilim ng mukha nito.

"What?" turan ko. "Dugtong lang naman yun ng request ko ngayon."

"Ako ba'y pinaglololoko mo, babaeng flat-chested!?" asdfgklallaiahaknab!! Flat-chested talaga!? "I am a wish granter. Not a damn maid! Get it inside your brain before I crush you like an annoying ant!"

"Ants do bite." I jested with a smirk.

But the later only growls, gritting his teeth. I saw the pulsating vein on his temple and how he clench his jaw in anger. Hands formed into a ball ready to throw a punch.

"Don't fuck with me! Do it yourself!" he roared. "I'm done with this bullshit! Leave me the fuck alone and–"

"I bought some large size milktea." putol ko sa sinasabi niya. Mabilis na huminto ang bibig niya sa paggalaw at parang batang inabutan ng lollipop.

Ilang sandali siyang nanahimik. Unti-unti ang pagkawala ng pumuputok na ugat sa sentido. Bumalik din sa dating kulay ang mukha niya, tila naging maamong tupa na kanina lamang ay parang lobo na lalapain ang kahit na anong makita.

"You did?" mahinang tanong nito.

Oh, he really loved that drink? Damn he look like a child!

"Yes, I did." nakangiting sagot ko pagkatayo ko. "You can have it, if you wash my dishes."

Huh, seems like I found his weakness. I can use it anytime against him. For blackmailing purposes.

Nakita ko kung paano niya kagatin ang gilid ng kanyang labi. Pinag-krus ang mga braso at tumingin sa kisame. Tila nag-iisip. Tapos nagpalakad-lakad din ito habang kinakagat ang kuko sa kanyang daliri.

He seems agitated. Contemplating. Seriously, was that too hard to do the dishes? On my part, I think It'll be a piece of cake for him. He can do it in no time like he did on cleaning my room.

"Psh. Alright, I'll do it!" sabi niya pagkaraan na kulang nalang talaga ikatalon ko sa saya.

Mukhang magandang ideya talaga na bumili ako ng milktea sa cafe. Dapat talaga ibibigay ko lang yan bilang pasasalamat, pero wala namang masama kung ipangba-blackmail ko sa parehong tao, ‘di ba?

Nakarinig ako ng pag snap ng daliri kaya muli ko siyang nilingon. Bigla kong nakagat ang labi ko para pigilan ang matawa nang makitang may suot na siyang dilaw na apron at dilaw na plastic na gloves. Para siyang sasabak sa paghuhugas ng pwet ng matatanda sa itsura niya.

"Subukan mong tumawa, malilintikan ka." banta nito. Lalo kong kinagat ang labi ko at mabilis na umiling. "You'll pay for this. I swear."

Natutop ko ang bibig ko ng maglakad ito tungo sa kusina. Nagpipigil ang tawang naupo naman ako sa kama ko at pinagmasdan siya na nagsisimula na sa ginagawa. Nakita kong may biglang lumitaw na mask sa mukha nito kaya talagang napahagikhik na ako.

Ameee! Ba't napakaarte ng lalaking ito? Apron, gloves at mask? Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya?

"I almost thought you were Cinderella," biglang wika niya sa gitna ng ginagawa. Napangiwi naman ako. "There were mice around when I was cleaning. Cinderella has mice friends, I thought you're friends with them, too."

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. "Hindi ba't dapat ikaw si Cinderella? The boy version, to be exact."

Huminto siya sa ginagawa at binalingan ako. "Why would I be?"

"Kasi ikaw ang naglinis ng bahay. Ikaw pa naghuhugas. Hindi ba't iyon ang ginagawa ni Cinderella sa palabas? At may mga katulong siyang daga." nakangiting paliwanag ko naman. "Tinulungan ka ba ng mga daga?"

"Fuck you! I would never let any dirty creatures get close to be! Especially, mice." angil nito. Halata sa mukha ang pandidiri nito kaya muli akong napatawa.

"But Cinderella loved mice," mahinang wika ko. Napahikab ako at saka bahagyang nahiga sa kama ko. Nakaharap pa din naman ako sa kanya at kita ko ang pag-ikot ng mata nito.

"And I am not Cinderella, dummy." depensa nito.

"Hm-hm.." inaantok na sagot ko nalang. Pumikit na din ako dahil sa antok. "Nasa ref ang milktea. Pakipatay nalang ng ilaw pagkatapos mo at bago ka umalis."

"You're sleeping already!?"

"I have class tomorrow," wika ko at nagkumot pa. "Goodnight, Cinderella.."

"I'm not!"

Ngumiti na lamang ako sa pagdepensa niya sa sarili at hinayaang dalhin ng antok ang diwa ko.

 

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status