"Ako na ang mag paraya alam ko naman na mahal niyo pa ang isa't isa. "
After I said those words I left.Sapat na akin iyong mga narinig ko. I know I am to young for this relationship but I know where to stop when someone is hurt because of me.Nang lumingon ako nandoon parin siya sa kanyang kina-upuan,naka-yuko ang ulo.I sighed." Umuwi ka na, ” doon lang siya nag-angat ng tingin.Namumula ang kanyang mga mata,umiyak ba siya? "Kung ano man 'yang iniisip mo, huwag kang mag-alala maging okay din ako.Nasaktan ako sa mga binitawang salita ni Diane hindi dahil sa break up natin. Huwag ka nang ma guilty. " I smiled at him to assure that I would be okay too. " Sigi na umuwi kana."" Hindi ako ma ipangako, pero siguraduhin ko hindi na siya lalapit sayo sa parehong rason," tumango ako bilang sagot at sinabi na umalis na siya.Akala ko masasaktan ako kapag nangyari to, hindi pala.Hindi ko nga naramdaman na masakit ang damdamim ko.Pero doon sa sinabi ni Diane ay nasaktan ako dahil hindi naman iyon totoo at pinahiya niya pa ako. Maybe,regret nag sisimula palang kami tapos ito na ka agad ang nangyari.Pero ayos lang,mabuti at nalaman ko ka agad habang may chance pa na magka ayos silang dalawa.Nagkakilala kami ni Jayvee sa pamamagitan ng penpal noong nakaraang taon.Kapag pupunta dito sa amin ang pinsan niya ay nagpapadala siya ng sulat, hanggang sa dumating ang araw na sumabay siya sa kanyang pinsan na pumunta dito sa barangay namin.Fiesta 'yon at iyon ang unang pagkikita namin.Kaya lang walang panahon para mag-usap kaming dalawa dahil isa ako sa contestant ng mutya ng barangay namin. Nag tampo pa siya non dahil hindi ko man lang daw siya pinansin.At doon na niya ako niligawan ng personal."Ano yung eksena kanina sa purok?" tanong ni Analyn ng ma abutan ako, kumapit pa sa braso ko."Nilandi at inagaw ko raw ang boyfriend niya.Hindi ko naman alam na girlfriend pala ni Jayvee yon.""Sa pagka-alam ko wala na sila a, matagal na.""Iyon rin ang sabi ni Jayvee sa akin.""Kung ganun bakit kayo nag hiwalay?" alanganin siyang ngumiti sa akin. "Nag tanong ako sa kanya ng magka salubong kami.""Ah." I sighed. "Baka araw-araw ako awayin at ipahiya ni Diane kung hindi ko siya hiwalayan,at saka halata naman na mahal pa nila ang isa't isa."" Sabagay.M*****a pa naman 'yon.Okay lang 'yon infatuation lang naman 'yan mawala rin 'yan."Infatuation lang 'to. Kasi kung true love itong tawag dito sa naramdaman ko hindi sana ganito ka dali para sa akin na tanggapin iyon.At saka wala pang true love sa isang thirteen years old.Haler?! Pagdating ko sa bahay na datnan ko si kuya Wayne naglaro ng bilyard.Hindi ko siya pinansin at dumiritso sa loob ng bahay. Hay!Kà pagod naman."Fahrhiya."Hindi pa ako naka-upo ng tawagin ako ni kuya.Hindi ako sumagot,pagod ako at gusto ko humiga.Hindi pa ako nakahiga ng tawagin niya ako ulit."Bakit ba?!" inis na tanong ko at dinungaw siya sa bintana."Mag luto ka daw ng kanin sabi ni mam at mag igib ng tubig sa bahay ni lola. "" Bakit ako pa kung pwede namang ikaw! " inis na sabi ko at humiga ulit.Hindi pa ako naka-pikit ng tawagin niya ako ulit." Mamaya na, "inis na sabi ko at humiga ng ma ayos. Hindi naman siya na nangulit pa, sa wakas maka-idlip na rin ako."Hinintay niyo pa ako bago kayo mag luto?Ako na pagod galing sa bukid-,"Na gising ako ng marinig ko ang boses ni mama.Naka-uwi na pala siya.Pagbangon ko madilim na sa labas,dali-dali akong bumangon at nagtungo sa kusina,si mama patuloy parin sa pag sermon sa amin ni kuya."Alam mo naman na pagod ang kapatid mo bakit hindi nalang ikaw ang gumawa ng trabaho?Bilyard ka ng bilyard."Ang magaling kung kuya umalis ng walang pa sabi dala ang dalawang galon na walang laman para mag igib.Hindi ko naman gawain yon sa akin pa niya ipa gawa.Habang ako, sitting pretty lang hawak ang libro at notebook nag kunwari na may ginagawa."Kakain na tama na muna yan."Niligpit ko ang aking mga gamit nang mag hain na si mama.Sinabawang manok ang ulam namin,kami lang dalawa ang kumain dahil si kuya Wayne ay hindi pa naka balik.Si kuya Marlon naman ay kina ante siya kumakain.Wala si papa nasa Bukidnon dahil hindi sila okay ni mama.Reason, cheating.Hindi ko alam ang dahilan basta iyon lang ang alam ko."Pupunta ako kina kuya Richard mo sasama ka?"" Hindi na ho ma.Matulog na ako ina-antok na po ako. "Mag mula noong umalis si papa tuwing gabi ay doon si mama kina kuya Richard ina aliw ang sarili sa aking pamangkin at sa panunood ng tv.Hindi man sabihin ni mama pero nararamdaman ko na nahihirapan siya.Sa harap namin ay naka-ngiti siya pero tuwing gabi naririnig ko ang kanyang mga hikbi.Sometimes I pretend to be cold so I can hug her. She doesn't know that's my way to comfort her.And let her know that I am just here and I will not leave her just like papa did.Pagkatapos namin kumain ako na nag hugas ng pinag kainan namin.Sakto dumating si kuya at tapos na ako sa aking gawain."Sasama ka kay mama?" tanong nito."Hindi,matulog na ako.Bakit?""May sulat si Mitchell sa akin hindi ko pa na basa,bigyan kita ng pera,ikaw mag sulat ng response ko sa kanya.""Bente ha."Hanggang grade six lang si kuya,marunong naman siya mag sulat pero sa pagbasa nahihirapan siya.Himala nga at naka graduate pa iyon ng grade six.Pina intindi ko sa kanya ang sulat ni Mitchell dahil may halong English yon. Nag sulat ako sa kanyang response at pina sulat ulit sa kanya para hindi naman ma laman ni Mitchell na hindi si kuya ang nag sulat non.Ang laki ng ngiti ko ng bigyan niya ako ng bente pesos."Ibigay mo sa kanya yan ha."Hindi ko alam kung paano sila nagka kilala ni kuya, na gulat lang ako noong lumapit sa akin si Mitchell at nagpa kilala at sinabi na boyfriend niya si kuya. Maganda si Mitchell, matangkad, at ang liit ng mukha, at syempre mabait.Kinabukasan."Ma, bakit hindi niyo ginising?" reklamo ko ng magising ako pass 7 a.m. "Late na ako nito."Sa pag madali ko hindi na ako kumain, nag pa alam ako kay mama at nag madali na umalis . Panigurado late ako nito, malayo pa naman ang school ko. Lakad takbo ang ginawa ko, ako nalang mag-isa na nag la-lakad,nag madali ako baka may na una sa akin at mag abot kaming dalawa edi may kasama na akong late.Hay!Mabuti at meron pa.Habang nag lalakad ay sinuklay ko ang buhok ko, at nag pulbo."Akala ko ako lang ang na huli," ani ni Mika ng ma abutan ko siya. " Bilisan natin malapit na ang flag ceremony may quiz pa naman kami."At doon ko na alala may quiz rin pala kami.Pagdating namin sakto lang at tumunog ang bell for flag ceremony kaya dumiritso na kami sa aming mga linya." May sulat ka na naman." Bungad ni Mea ng makarating ako sa aming linya." Kanino galing?"" Inabot lang sa akin ni Jasper yan sabi ibigay daw sayo." I sigh. " Walang pangalan, " aniya pa." Good morning.Smile before open. "May rose flower pang naka-ukit at smiley. Bakit ako ngingiti wala namang dahilan.Asa pa siya. Ang creepy niya kaya. Pwede naman siya mag lagay ng pangalan o kaya code name bakit may pa suspense pa siyang nalalaman." Buksan mo na Ri," excited pa to sa akin sa tuwing may sulat akong natatanggap."Start your day with a smile.Cute lady."Sabay na bigkas namin ni Mea sa naka sulat. Kinilig naman siya habang ako nakaramdam ng kaba sa na basa. Kaba na hindi ko alam kung saan nag mula.'Ang creepy naman ng tao na 'to.'Si Aldrix ay anak ni Kenneth kay April, apat na taong gulang.I don't know the whole story kung bakit sila nagkahiwalay at kung bakit nasa kanya si Aldrix at hindi kay April.~flashback~"May anak at asawa kana pala bakit gusto mo pang pasukin ulit ang buhay ko. Para ano? Para wasakin ulit ako?" Nanggalaiti sa galit na sambit ko nang malaman kung anak niya pala ang batang lumapit sa akin at tinawag akong nanay. Kung walang bata na naka kandung sa akin baka kanina ko pa ito pinagmumura. Kutang-kuta na siya sa pananakit sa akin tapos gagawa na naman siya ng panibago? Ul*l niya!"Hindi. Ano kasi.""Ano?" singhal ko sa kanya.Tinakpan ko ang tainga ng bata. "F*ck you!" Nagtagis ang ngipin niya ng murahin ko siya sa harap ng anak niya. Ul*l niya. Sapakin ko pa siya e."Ri."May pagbabanta sa boses niya. Tinaasan ko siya ng kilay at pinakita kong galit ako sa kanya. "Huwag ka munang magalit-,""At bakit hindi?""Teka lang naman. Magpaliwanag ako.""Hindi na. Huwag ka ng magpaliwanag. Wala
It's been six years, pero hanggang ngayon siya parin sa araw at gabi ang aking iniisip. Magpahanggang ngayon ay lagi ko parin tanong sa aking sarili saan ba ako nag kulang?Kasi sa pagka-alam ko minahal ko naman siya nang minahal. Siguro, dahil bata pa ako noon at ganon lang kadali na sa kanya na sugatan ang puso kong walang alam.Na ganon lang ka dali sa kanya na ako ay pag laruan dahil minahal ko siya nang lubusan.Sa nakalipas na anim na taon.Palagi ako nagdadasal na sana,sana isang araw bigla nalang maglaho itong nararamdam ko kasi hindi ko na kaya,gusto ko ng mawala ang ganitong pakiramdam dahil subrang sakit na. Proud ako sa sarili ko dahil sa kabila ng pinagdaanan ko ay nalampasan ko iyon na walang tulong galing sa iba kundi sarili ko lang at ang panginoon ang aking kasama. Nakapagtapos ako ng koleheyo at naka pundar narin ako ng sarili kong bahay at maliit na sari-sari store . "Ri." Ang malalim nitong boses ang nagpatinag sa aking malalim na pag-iisip.Umangat ang tingin ko
Masakit na nga iyong ginawa niya akin tapos iyon pa ang sasabihin niya. Ipalaglag ko ang bata? Napakawalang-hiya niya. Hindi totoong buntis ako dahilan ko lang iyon baka sakali na iyon ang maging rason para balikan niya ako, ganon ako ka desperada para maging akin siya ulit pero hindi ko naman akalain na ganon ang isagot niya sa akin. Paano kung totoong buntis ako? Edi kawawa ang maging anak ko na may tatay siyang walang kwenta na gusto pa siyang patayin. I blocked him on social media at binura ko ang number niya kahit kabisado ko naman at nangako ako sa sarili ko na simula sa araw na ito ay hindi na ako muling magparamdam sa kanya, sa kanila.Hindi na rin ako pumasok ulit sa isang relasyon. Na trauma na ako, kung masaktan man akong muli mas piliin kong sa kanya nalang palagi kaysa sa ibang tao dahil isa lang ibig sabihin non hindi ako natuto, wala akong natutunan sa kabila ng ilang lalaki na dumaan sa buhay ko at walang ibang ginawa kundi saktan at lukuhin lang ako.Sa nangyari sa
Yong higpit ng yakap niya ang kanyang mga halik at ang matamis na I love you hudyat na pala iyon na 'yon na ang huling beses na marinig at maramdaman ko mula sa kanya.Dalawang linggo ang lumipas nag text sa akin si Maricel,kaklase ko noong high school tinanong kung kami pa ba ni Kenneth,I said yes kasi hindi naman kami naghiwalay noong gabing yon. "Kayo pa?Pero bakit may kinakasama na siya?Kilala mo si April?Iyan ang kinakasama niya ngayon."Hindi ako nakasagot sa huling mensahe ni Maricel.April?Siya yong virgin niyang girlfriend na nagalaw niya.Natawa ako ng mapakla.Kaya pala hindi na siya nagparamdam sakin after may nangyari samin dahil may kinakasama na pala siya.Ang sakit lang minaHal ko saya ng subra pero all this time virginity lang pala habol niya.Akala ko sapat na,akala ko minahal niya talaga ako pero hindi pala.Kaya ba inalok niya ako ng kasal noon dahil lang sa bagay na ito? Gusto niya akong pakasalan dahil lang sa s*x? At kapag laspag na ay iiwan rin ako? At may i
Warning: Slight SPG. Not suitable for young readers. Masakit. Pero manhid na yata ang puso ko sa paulit-ulit na sakit na dinulot niya sa akin. Binura ko ang mensahe at tiningnan ng masama si Kenneth kung saan siya naroroon. Nang maibalik ko sa kanya ang sim card niya ay lumayo siya sa akin dahil ayaw ni Joy na dumikit siya sa akin. Busy siya sa kanyang cellphone ni hindi niya ako ma sulyapan kahit saglit sa kanyang pagka abala. Nagsisi ako. Sana hindi ko lang binasa ang mensahe at binura agad.Tulala akong nanonood sa mga taong masayang nag sasayawan. Kahit malakas ang tugtog pakiramdam ko sinisigaw sa aking harapan ang mensaheng na basa ko. Maya-maya ay muli siyang lumapit sa akin. Naka ngiti pa ang g*g*."Bhe pahiram ng cellphone mo," malambing na ani nito sa akin."Bakit? Aanhin mo ang cellphone ko? " malamig na tugon ko sa kanya." Titingnan ko lang baka naiwan ang number ni ante diyan wala kasi dito sa akin. "Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.'Talaga ba? Number ng ante mo o b
Mahigit isang taon akong naghintay sa kanya kahit wala siyang paramdam sa akin naghintay parin ako tapos ito ang balitang matanggap ko?Ako ?Ex-girlfriend niya?Tapos yong tumawag sa akin ay ang girlfriend niya.T*ng*n* naman!Ang lupet mo Ken. Sobra! Nagpalit kaagad ako ng number pagkatapos kong patayan ng tawag yong babaeng nagpakilala na girlfriend ni Kenneth. P*t*!Ang sakit.Naghintay ako. Umasa ako na baka isang araw bumalik siya sa akin at maging maayos na ang lahat pero hindi ko naman akalain na may tatawag sa akin at magpakilala na girlfriend niya. T*ng*n*! Inaasahan ko naman na mayroon siyang ibang girlfriend pero p*t* ang sakit lang na kailangan niya pang ibigay sa babae na yon ang number ko. Para ano? Para kompermahin na break na kami? G*g* siya. May pangako pa siyang nalalaman tapos ang ending ipangalandakan niya sa bagong girlfriend niya na hiwalay na kami. Ni hindi nga siya tumawag para makipaghiwalay sa akin e. Ginost pa nga ako .Ilang taon na naman ba ang hintayin ko pa