“Wow!” Nanlaki ang mata ko nang maglapag ng sinigang na baboy si Tiyang. May nose pack pa siya at may curler pa ang buhok.
Agad akong kumuha ng sandok at binuksan ang kaldero niya. Sobrang init pala ng takip kaya nabitiwan ko at tumilapon. Ang ingay tuloy.“Ang tanga naman ng takip,”ani Tiyang na may bitbit na pitsel ng juice. “Akalain mo 'yon di niya sinabing ang init niya pala?”Napanguso ako. Napaso na nga ako may gana pa siyang kutyain ako.Sumibat ako sa mansyon. Paano ko natakasan? I have my own ways. Syempre, magaling nga akong tumakas sa mga inutangan ko dati, e. Ito pa bang si Mr. Mondejar? Maliit na bagay.“Hoy buntis, hinay-hinay naman diyan. Akala ko ba galing ka sa malaking mansyon at nagkita kayo ng ama ng bata? Ba't mukha kang ginutom ng ilang taon kung lumamon diyan?” Kunot pa ang noo ni Tiyang.“Wala sa mansyon ito, Tiyang. Puros steak, at kung anu-anong salad lang ang nakakain ko doon. Na-miss ko 'to!”Ngumiwi siya. “Wow! Nahiya naman ang galunggong at tuyo ko sa steak mo. At talagang kung makapagsalita ka diyan parang nagtitiis ka pa sa sitwasyon mo, ha? Nagtitiis ka pa sa lagay na 'yan?”Ngumisi ako. “Ayun na nga, Tiyang. Hindi ako sanay sa malambot na kama, tapos may aircon, may tv, may sariling katulong.”“Palit tayo. Nahihirapan ka pala, e. Dito ka sitwasyon ko. Ikaw magbugaw at ikaw humarap sa mga malilibóg na costumer sa bar.”Agad akong umiling. “Keri ko na, Tiyang. No need.”“O baka nananaginip ka lang talaga, ha, Lurena? Gawa gawa mo lang iyang sinasabi mong nagkita kayo ng mayamang ama ng bata. Aminin mo ang totoo!”“Si Tiyang talaga. Itong mukhang 'to?”tinuro ko ang maganda kong mukha. “Manloloko? Mukha pa nga akong anghel, e. Kaya isang tingin pa lang alam na nilang mapagkakatiwalaan.”Hindi pa rin kumbinsido si Tiyang.“E bakit hindi ka hinatid dito? Ba't walang driver o kotse labas? Ba't hinayaan kang maglakad papunta dito mag-isa?”“Tumakas nga ako, Tiyang. Natakasan ko sila kaya nakarating ako dito. Siya nga pala. Wala na akong pamasahe pabalik. Pautang mamaya, Tiyang.”Non-stop ang pagsubo ko ng kanin. Uminom ako ng juice dahil muntik akong mabulunan.“Wala kang pera? Mayaman ang ama ng bata tapos wala kang pera?” Mas lalo lang nagduda si Tiyang.“Hayaan mo, Tiyang. Pag nakuha ko na ang 30 million ko kay Mr. Mondejer tutubuan ko pa iyang pera mo.”Namewang si Tiyang sa harap ko. Nakaangat na ang kilay. Nagtataka akong tumingala sa kaniya.“Aminin mo nga, Lurena. Nagsha-shabú ka ba?”Namilog ang mata ko. “Grabe siya! Mukha ba akong sabog, Tiyang? Sa ganda kong 'to pagkakamalan mo pa talaga akong sabog?”“Ba't nagkukuwento ka ng mga imposibleng bagay, ha? 30 million? Saang panaginip mo napulot ang ideyang may 30 million ka? Tanghali na nananaginip ka pa?”“Mayroon nga, Tiyang!”“Pagkatapos mo diyan, magbihis ka.” Nagkakamot siya sa pwèt niya nang talikuran ako.“Bakit, Tiyang? Gagala tayo? Day-off mo ba ngayon?” Excited tuloy ako.“Oo, pupunta tayo sa psychiatrist. Patitingnan kita. Ayokong may pamangkin akong baliw.”Napabusangot ako. Hindi na nakapagpahinga si Tiyang kasi panay ang kwento ko sa buhay ko sa mansion. Ayaw niya pa rin maniwala at panay kunot ang noo. Kung tingnan ako ay para akong sinasaniban ng masamang elemento.Ang importante ngayon ay hindi niya naman kukunin ang anak ko at magkukunwari lang akong asawa niya. Kung hanggang kailan niya ako kailangan ay ayos lang sa akin. Ngayong nasa poder niya ako ay alam kong ligtas kami ng anak ko. Pagkatapos nito ay may pera akong panimula kapag natapos na ang usapan namin.Kaya ko naman siguro mag-isa, 'di ba? Iyong manganganak ako na sina Papa, Tiyang, at ang kapatid ko lang ang kasama ko? Hindi naman siguro hahanapin ng anak ko ang ama niya? Maiintindihan naman siguro ng anak ko kung wala siyang ama.Napaisip ako. Balang araw magkakaroon ng totoong pamilya si Mr. Mondejar. Magkakaroon ng kapatid ang anak ko sa ibang babae. Hindi naman siguro pipiliin ng anak kong makasama ang ama niyang hindi niya naman lubos na kilala. Hindi naman siguro ako iiwan ng anak ko para sa ama niya, 'di ba?Hindi ko na namalayang nakatulog na ako doon. Nagulat na lang ako nang gisingin ako ni Tiyang mga bandang hapon.“Lurena! Lurena! Dyusko naman. Napakatulog mantika mo. Gumising ka. Ura mismo!” Parang sinisilaban ang pwet ni Tiyang.Pupungas pungas akong bumangon. Ang sakit tuloy ng ulo ko. Ang bigat sa pakiramdam na sumunod ako kay Tiyang pababa. Deretso kami sa sala. At bumungad sa amin ang malalaking lalaki na nakasuot ng bonggang black uniforms. Maayos na nakasuklay ang mga buhok. Makikintab ang mga sapatos.At nawala ang antok ko nang makita ang isa pang lalaki na di ko aakalaing makikita ko dito. Hindi bagay sa kaniya ang tumayo sa napaka-cheàp na sala ni Tiyang. Nanatili sa akin ang seryoso niyang tingin. Para akong lalamunin ng buhay.“Excuse us, Mrs.-”“Miss pa po, Mr. Mondejar,”pagtatama ni Tiyang sa sinabi ni Hades.Namumula pa ang pisngi ni Tiyang. Aba! Parang nagpapa-cute pa. Kinikilabutan ako sa'yo, Tiyang!Bumaling sa akin si Hades. Umigting ang panga niya. Napalunok ako. Galit 'to. Sigurado.“Kukunin ko lang ang asawa ko,”ani Hades sa malalim na boses.Narinig ko ang singhap ni Tiyang. Agad niya akong nilapitan at hinawakan sa magkabilang balikat. Hilaw ang ngisi niya kay Hades.“Pagpasensyahan niyo na itong pamangkin ko. Sa susunod pagsasabihan ko na ito.”Kumunot ang noo ko. Parang kanina lang ayaw mo pa akong paniwalaan. Tapos ngayon pagsasabihan mo na ako?“Ikaw naman, Lurena. Umayos-ayos ka. Hindi iyong binibigyan mo ng sakit sa ulo si Mr. Mondejar!” Kinurot pa ang tagiliran ko. Napangiwi tuloy ako.Pútragis talaga! Hindi ka makakatikim ng 30 million ko, Tiyang! Tandaan mo iyan! Pinagalitan pa kuno ako sa harap ng lalaking 'to. Akala mo naman babayaran din siya.“Hala, sige na. Huwag mo nang paghintayin si Mr. Mondejar.” Tinutulak tulak pa ako palabas.“Ang plastik, Tiyang, ha?” bulong ko sa kaniya.“Manahimik ka,”kinurot na naman ako. At biglang tumingala na parang nananaginip. “Oh my Gosh! Di ko akalaing makakaharap ko ang sobrang yaman na si Mr. Mondejar.”“Sinabi ko naman sa inyo, e. Ayaw niyo pang maniwala.”“Ayusin mo. Baka siya na ang habang-buhay mong makakasama. Baka siya na ang true love mo-”“Hindi mangyayari iyon, Tiyang. Kunwari lang kami. Tsaka ayaw yata no'n ng commitment. Kunyaring asawa lang ang kailangan niya hindi pang-life time.”Kinaltukan niya ako. Napahawak ako sa ulo at napabusangot. Swear! Di talaga makakatikim ng 30 million ko itong si Tiyang. Nakakadalawa ka na ha?“Ang KJ mo. Kaya nga ayusin mo baka ma-develop sa'yo. Kahit bansot ka, kaya mo yan. Walang imposible sa pagmamahal!”Naka ilang strike na tong si Tiyang, ah? Nakakasakit na ng damdamin.“Ikaw yata kailangan magpatingin Tiyang, e. Ikaw tong nananaginip ng gising diyan. Imposibleng magkagusto ang mayaman sa mahirap. Bawas-bawasan mong kakabasa ng novel. Nasa reality tayo!”Nakakuha tuloy ako kurot mula sa kaniya. Naiiyak na ako. Ang harsh talaga!Nasa back seat ako. Panay kaway pa si Tiyang na animo love na love ako. Pero kinukurot naman ako ng pasekreto. Plàstik mo po talaga! Kung di lang kita love, e.“Escaping from your body guards? Do you think that's fine?” Biglang nagsalita si Hades nang nasa byahe na kami.Napanguso ako. “Sorry na. Gusto ko lang naman bisitahin si Tiyang.”Umigting ang panga niya at bumaling sa akin. Ang malago niyang kilay ay magkasalubong. Ang gwapo pala nito kapag galit? Imbes na matakot parang gusto ko pang ngumisi. My God! Di ko kayang seryosohin ang galit niya.“Next time. Just tell me if you want to visit your Aunt. You don't have to escape.”Ngumisi ako. “Okay, sige!”Kumunot na naman ang noo niya. “Why are you smiling?”Umiling ako. Kinagat ko ang ibabang labi. Putragís ka, Lurena! Pigilan mong tumawa. Galit na iyong tao pinagtatawanan mo pa.Nagsisimula na ang traffic. Rush hour na at nakakaburyo na rin na ma-stock sa gitna ng traffic. Ilang saglit ay may nagbebenta ng balut sa tabi. Kakapwesto lang nito sa tabing daan. Hindi ko alam kung bakit pero kumalam ang sikmura ko. Tayka, kakakain ko lang, ah? Gutom na naman?Pero ibang gutom ang nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan. Gigil na gigil ako habang nakatingin sa balut at parang gusto ko agad buksan ang ice bucket no'ng lalaki at tudasin lahat ng balut na laman niyon.“Hades, uh, pwede bang bumili no'n?”Kinalabit ko pa siya. Ilang saglit bago ko na-realize na Hades ang tinawag ko sa kaniya.“Mr. Mondejar pala,”pagtatama ko.Nandiyan na naman ang nakakunot niyang noo.“Hades is fine. I'm your husband now.” Seryoso ang boses nito.Namilog ang mata ko nang tumayo ang nagbabalut.“Iyong balut, Hades!” Napalakas ang boses ko. Wala na akong pakialam sa first name basis na iyan.Ang importante mabilhan niya agad ako ng balut ngayon. Baka mamatay ako kakatingin. At baka bumaba pa ako ngayon sa kotse at habulin si Kuyang nagbabalut.Narinig ko ang pagmumura niya.“Follow that guy. Someone get off and buy that thing.” May iritasyon sa boses niyang nagmando sa mga tauhan niya.Dalawang tauhan niya ang bumaba at lumapit sa lalaking nagbabalut. Iyong kawawang tindero, kinabahan pa noong makita sa harapan niya ang dalawang tauhan ni Hades na akala mo kakain ng tao. Bibili lang pala ng balut.Yes balut! Napangisi ako....a/n: salamat po sa mga nagbasa nito! sana masuportahan niyo rin ito gaya ng ibang books ko. At advance thank you rin sa mga magbibigay ng gems heheheHARRY'S POINT OF VIEW- She's just a white version of Lurena. I tried every ways I know to ignore her. Morena si Lurena samantalang maputi ang isang ito. Knowing na halos magkapareho lang sila ng mukha ay hindi ko mapigilang ignorahin.“Salamat at nakuha mo na ang kapatid niya. Hindi ko masabi sa kaniyang nasa kamay mo ang kapatid niya at may threat na natanggap. I don't want her to think about the problems.” Si Hades sa kabilang linya.Malaki ang utang na loob ko kay Hades. He just save my life long time ago. Hindi sapat ang babae para traydurin ko siya. Hindi ang babae ang dahilan. Sa loob ng ilang taon ay natutunan kong mahalin si Lurena. Dahil na rin sa mga ugaling mayroon siya na hindi ko makita sa iba. At tuwing makikita ko siya ay naiirita lang ako sa sarili ko. Kitang kita naman na mahal na mahal niya ang pinsan ko. She's loyal to Hades. At alam kong hindi kailanman ako sasagi sa isipan niya. Na baka pwede niya rin akong mahalin.She love me for being a friend. It's just like
“Anong renta-renta 'yang sinasabi mo?” Napakunot ang noo ko sa kaniya. Nakahilata na siya ngayon sa sofa sa sala. Masiyado siyang feel at home. Hindi man lang sumagi sa isip kong tutungo siya dito pagkatapos ng isang buwan. Tapos biglang sasabihing rerentahan niya ang iyong isa sa silid ng bahay? “Yes, how much?”“May mansion ang pamilya mo,”apila ko. Ang laki-laki no'ng mansion nila tapos makikipagsisikan pa siya dito? E ang liit liit nitong bahay namin. “I like it here. Mas malapit sa bayan.” “May sasakyan ka naman.” Tinuro ko iyong Jeep Wrangler niya sa labas. “Nasa loob na ang maleta ko.” Tinuro niya ang maleta. Tapos biglang tumayo at kinuha iyon at binuksan sa sala. Ipinatong niya sa upuan ng sala ang mga damit niya. Inisa isa niya iyon doon. Pinagkakalat niya rin sa upuan ang iba pa. Nakakunot ang noong pinagmasdan ko ang mga ginagawa niya. “I already took it out. Mahirap nang ibalik,”pagdadahilan niya. E siya naman ang naglabas niyang mga gamit niya mula sa maleta. An
Nanatili akong nakapikit. Tila nagpanting ang tainga ko sa tunog ng baril. Nanatili akong nakadapa. Kung naiputok ni Carl ang baril ay tiyak hindi na ako makakagalaw. Ngunit wala akong naramdaman na kung ano. Walang sakit, pamamanhid o ano man. Ang luhaan kong mata ay unti-unting nagmulat. Ngunit hindi si Carl na nakatayo sa harapan ko kanina ang bumungad sa akin. Kundi isang matangkad na lalaki na naka-black full body armor, may gas mask pero kilalang kilala ko. Kahit pa yata ilang patong ng takip ang ilagay niya sa katawan ay makikilala ko pa rin siya. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko. Nakaluhod siya sa aking harap. Gusto kong hawakan ang mukha niya. Baka nananaginip lang ako. O baka dahil namamalikmata na lamang ako ngayon. Ilag sa akin ang swerte kaya baka hindi ito totoo.Pero isang kabig mula sa matigas na kamay ang nagpatunay na hindi ako nananaginip. Totoong kaharap ko siya. “H-Harry...” Halos hindi ako makahinga sa higpit ng yakap niya. Tinanggal niya ang gas mask n
Bumangon ako at napasuka sa gilid ng higaan. Hindi ko magawang umalis sa higaan kaya mapipilitan akong sumuka sa tabi ng kama. “Tàngína!” Napamura si Carl nang maabutan akong kakatapos lang sumuka sa gilid ng kama.“P-Pasensiya na. Hindi ko kasi-”Natigilan ako nang dumapo sa pisngi ko ang malakas na sampal. Natumba ako dahil sa sampal na iyon. Tila nabingi ako sa malakas na sampal na iyon. At parang namamanhid ang pisngi ko. Namalayan ko na lang dumugo na rin ang ilong ko. Tumingala ako sa kalendaryo. Gusto ko sanang tiningnan ang kalendaryo pero hinila na ni Carl ang buhok ko at para idiin sa kama. Saka pinaghahampas niya ng sinturon ang binti ko. “Wala ka na ngang silbi, sakit ka pa sa ulo. Tàngína mong babae ka. Kung hindi lang dahil pinagkakakitaan ko ang mga video mo baka matagal na kitang pinatay!”singhal niya.Ilang buwan nang binubugbog ako ni Carl sa harap ng camera para sa content niya. Live iyon na pwede lang panoorin sa mga piling site. Site na pribado para sa mga psyc
“Ah, sige sige, hija. Masama ba ang pakiramdam mo?”Umiling ako. “Tinatamad lang po akong bumaba.”“Ah, okay sige. Ikaw ang bahala.” Sinabi ko na kay Ate Minda na hindi na ako bababa ngayong araw lang na ito. Gusto ko nang magkulong lang sa silid. Ayaw ko munang makaharap si Harry ngayon. Kapag maayos na ako ay lalabas din ako at makikipagplastikan sa kaniya hanggang sa pwede na akong umalis dito. Simula noong marinig ko iyon ay nagbago ang isipan ko sa pag-stay dito. Pwede ko naman sigurong pakiusapan si Hades na mamuhay ulit ako ng normal kapag lumamig na ang sitwasyon. Nakahiga lang ako hanggang tanghali. Nanood ng TV naman no'ng maghapon. Kaya lang mga bandang seven nang tumunog ang telephone malapit sa mini sala ng silid. Ngali-ngali ko iyong sinagot.“Hello? Sino po ito?”usisa ko sa kausap. “Lelane.. Lelane...” Isang mabigat na buntong hininga at tawa ang pinakawalan nito sa huli. Napakunot ang noo ko. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Hindi ko pa naman iyon nasasabi sa k
Parang isang panaginip lang ang nangyari kagabi nang magising ako kinaumagahan. Napasapo ako sa puson nang sumigid ang kirot doon. Tulala na napatitig ako sa kisame. Biglang nag-flash back ang mga nangyari kagabi.“Sorry... sorry...” Panay ang paghalik niya sa pisngi at leeg ko na parang mawawala no'n ang sakit na naramdaman ko.“H-Hindi pa ba buong nakapasok?” Reklamo kong nanginginig ang kamay.Gaano ba kalaki iyang kaniya?“It's just the tip of it. Hindi pa nangangalahati,”aniya.Kung kanina ay parang langit. Ngayon naman ay empyerno. Malala pa nga yata sa empyerno. Kung ganoon, sobrang laki nga. Hindi pa nangangalahati pero para na akong mawawarak. Nakagat ko ibabang labi at gumalaw para hindi niya na patagalin ito. Doon din naman ito patungo. “Stop doing that, baby. Please... It might hurt you a lot, ”aniya sa malambing na boses.“K-Kaya ko...” Maiiyak kong sabi. “I'm sorry. This will hurt you.” Hinalikan niya ako sa leeg. At sa isang pwersahang úlos ay nagawa niya nga kaya l