Share

Chapter Five

Author: Babz07aziole
last update Last Updated: 2022-11-01 07:57:27

NAPAG-ALAMAN kalaunan ni Beatrice na isa sa matalik na kaibigan ng Kuya Novice niya ang tinatawag niyang "kuya Ruru".

Hindi kasi siya tumigil hangga't hindi niya ito nakikilala sa gabing iyon. Naglupasay at nag-iiyak pa nga si Beatrice ng hindi na niya makita sa kanyang party ang lalaki.

Mabuti na lang at napakalma rin siya matapos na isudgest ni Penelope na i-checked ang mga CCTV footage. Ora-orada ay dumiretso siya roon. Sumunod naman agad ang parents at Kuya Novice niya.

Tinignan nila ang kuha sa oras kung saan nasa loob pa silang tatlo nina Elisse. Nanlaki ang mata ni Beatrice at mabilis na itinuro sa screen ng monitor ang papalabas na si Rudny. Kulang na lang ay yakapin at halikan iyon ni Beatrice pero pinigilan niya lang ang sarili.

Hanggang sa ibunyag na nga Mommy at Daddy niya na kilala nila ang lalaking kinababaliwan niya. Walang iba kung 'di si Rudny Aragon, isa sa matalik na kaibigan mula highschool ng nakatatandang kapatid niya na si Novice.

Magmula noon ay parati na niyang sinusundan ang lalaki, ilang beses man siyang pagsabihan ng pamilya at mga kaibigan niya na tigilan ang kakahabol sa lalaki ay hindi siya tumatalima.

She believe one day Rudny will see her as a real woman na seseryusuhin nito.

Dahil habang patagal ng patagal ng paghahabol niya ang pagsampal sa kanya ng katotohanan na ginamit lang talaga siya ng binata para makawala sa arranged marriage nito kay Elisse magmula noon at hanggang ngayon ay lagi siyang tinatakbuhan at pinakaiwas-iwasan nito. . .

MULING bumalik ang pansin ni Beatrice sa ama ng maramdaman niya ang paghawak ng ama nito sa palad niyang nakapatong sa may lamesa.

"Sana naman iha ay mas maasahan kita. Huwag mo naman tularan ang Kuya mo na ayaw ng magkapamilya, I mean humanap ka ng lalaking maipagmamalaki mo at proud din sa'yo,"payo pa nito.

"But Dad... si Rudny lang po gusto ko. Sana maunawaan niyo iyon."

Napabuntong-hininga naman si Don Vecenti kitang-kita sa mukha nito ang resignation.

"Okay naiintindihan ko ano pa bang magagawa ko."

"Thanks Dad! saka I have an idea. I know you'll gonna like it, lalo at gustong-gusto niyo ng magka-apo. Sorry Dad gustuhin ko man pagbigyan kayo ay wala pa sa isip ko iyan. Nag-e-enjoy pa ho ako sa pagkadalaga ko, but this idea alam ko masosolusyunan ang mga iniisip niyo."Kasabay niyon ang pagbulong niya sa teynga ng ama. pansin ni Beatrice ang sunod-sunod nitong pagtango na tila nasisiyahan sa naisip niyang plano.

Maya-maya ay tuluyan na nitong kinuha ang baston na nasa gilid at naglakad papasok ng mansyon.

"Balitaan mo ako agad kapag ano ng balita okay Dad,"maarte pang pahabol ni Beatrice habang sumisimsim ng pineapple juice.

"Sure iha, thanks for the wonderful idea."Tumalikod na ito pagkatapos.

Ngiting-ngiti naman si Beatrice tuluyan niyang kinuha ang IPhone niya na nakapatong sa lamesa.

Halos magtitili siya ng makita niya ang bagong post na photo ni Rudny sa I*******m nito.

"Infairness Million na ang followers at libo-libo ang mga heart reaction ng mga post mo sweetheart. Haisst! Kailan kaya mo ako makakasama sa isang post mo, sabagay malapit na iyon... malapit na!"Isang ngisi ang pumunit sa labi ni Beatrice. Ipinagpatuloy niya ang pag-i-stalk sa binatang halos limang taon na niyang hinahabol-habol.

PATULOY lamang ang paglagok ni Novice sa tangan na baso. Naglalaman iyon ng isang mamahaling alak na galing Paris, pasado alas-siyete na ng gabi.

Nanatili lamang siyang nakadungaw sa madilim na labas ng D.G Empire building. Tanaw niya ang mga mumunting ilaw na galing sa mga nagliliitang sasakiyan na paroo't parito, mula sa ibaba ng building. Pagmamay-ari nila ang naturang establishment, isa ito sa successful business na hinahawakan niya sa kasalukuyan.

Nag-e-export sila sa iba't ibang panig ng Bansa ng mga mamahaling kalidad ng alahas, katulad ng emerald, gold, silver and diamond sa bansang: France, Switzerland, London at Germany.

High class jewerly store ang mga pinapatayo nila. kung saan, mga kilalang mayayaman na personalidad sa buong mundo ang tumatangkilik sa kanilang negosyo.

Sa ngayon ay kagagaling lamang niya sa isang close meeting sa Paris. Halos wala pa siyang pahinga, magmula ng umuwi siya.

Tuluyan niyang ibinaba ang hawak na baso nang makarinig siya ng sunod-sunod na pagkatakok sa nakasaradong pinto. Agad niyang inalis ang pansin mula sa bintana.

Marahan siyang naglakad palapit, ngayon dama niya ang pagtama ng iniinom niyang alak.

Agad naningkit ang mga mata ng binata ng mapagsino ang bisita.

"Hello Kuya Novice, mabuti na lamang at nakauwi ka na galing Paris. Nasaan ang pasalubong ko!"magiliw na salubong sa kaniya ni Beatrice ang nakababatang kapatid niya.

Benti-sengko anyos na ito, ngunit kung mag-isip at umakto ito'y parang disa-sais pa rin.

Magsasalita na sana si Novice ng muli ay naunahan na naman siya ni Bea. Ngali-ngali na niyang batukan ito.

"Hay naku Kuya! masiyado kang workaholic, paano mo aasikasuhin ang pag-aasawa kong hindi ka pipirmi sa isang lugar!" malakas nitong hirit.

"Pwedi ba Bea, kahit saglit. . . please, manahimik ka naman. Mind on your own life. Ikaw nga nasa tamang edad ka na para magsettle down, pero heto ka loveless."tuya niya sa kapatid na napaeye-roll saka nagpout.

Isip bata talaga!

"Hee! atleast wala pa sa katapusan ng kalendaryo ang edad ko. Eh ikaw? wake up big brother trenta anyos ka na. Kaya better na mauuna ka talagang mag-asawa. Saka hinihintay ko lang naman itong si Rudny na pikutin ako. . ." patungkol ng dalaga sa lalaking kasabay niyang dumating.

kasalukuyan itong tumutungga ng alak na nasa table ng pribadong opisina ni Novice.

"Hoy! Bek-Bek kahit kailan hindi kita papatulan! si Elisse nga hindi ko pinatos pakasalan. Ikaw pa kaya!" tukoy ni Rudny sa babaeng ipinagkasundo rito ng mga magulang. One of the best buddy ni Novice ang binata . Galing din sa isang mayamang angkan.

Pares nilang magkapatid ay nagmula rin sa isang kilala at may masasabing pamilya si Rudny Aragon.

Isang high class syndicate o mafia lord ang pinamumunuan ng Daddy niya. Nagmamay-ari ang pamilya nila ng night club, hostel and casino. kung saan laging tumatambay ang dalawa.

Nag-umpisang lumapit si Beatrice at pinagsusuntok si Rudny.

"Your so rude, Rudny!!!"tili nito. Kaya upang lalong manakit ang ulo ni Novice. Wala sa sariling napaupo sa swivel ito, marahan na minamasahe nito ang sentido.

"Halika dito!"Habol ni Beatrice.

"Ayuko nga! nek! nek! mo!"pambubuska naman ni Rudny.

Patuloy lamang sa paghahabulan ang dalawa sa loob ng opisina ng binata.

Hanggang isang katok mula sa pinto ang umagaw ng kanilang pansin. Dahil sa ingay ng dalawa ay hindi na nila namalayan ang pagbukas niyon.

Nagtagis ang mga ngipin ni Novice sa tinitimping ngitngit. Hindi niya aakalain na ganoon siya kaagang pupuntahan ng ama.

"Can you go out first Bea and Rudny. . ."utos ng matandang lalaki na halos pinapalibutan ng mga body guard.

Agad naman tumango ang dalawa, kasunod niyon ang pagpapalabas sa mga alopores nito. Matapos makalabas ang mga ito ay tuluyang isinarado ni Don Vicenti ang pinto.

Marahan itong naglakad sa maluwang at magarang opisina ng binata. lumalagatok sa marmol na sahig ang tunog ng bawat lakad ng matandang lalaki sa gamit nitong baston.

Kahit nasa katandaan na ang edad ay kakikitaan pa rin ng tikas ang tindig nito. Malakas ang dating nitong taglay na tanging sa mayayamang tao lamang nakikita.

"I'm glad your home son,"wika ng matandang lalaki.

Ngunit mapakla lamang nangiti si Novice, wala siyang pakialam sa anuman sasabihin ng kaharap.

Para sa kaniya ang lalaking kaharap ay isang diyablo na nagbalat tao!

"Pwedi ba, sabihin mo na ang ipinunta mo rito. . ." walang ganang sambit ng binata. Bigla niyang naikuyom ang kamao.

Kilalang-kilala niya ang ama, magmula pagkabata ay wala na itong ginawa kung 'di kontrolin ang buhay niya. Sa mukha pa lang nito ay tila may binabalak na naman ito para sa pansariling kapakanan at kayamanan nito. Isinusuka niyang may isa siyang klase ng ama na tanging sinasamba ay ang karanghiyaan mayroon ito!

"Ganiyan mo na ba kausapin ang ama mong nagpalaki sa 'yo?" gagad ng matandang lalaki.

"Please, stop this none sense topic! kung ang ipinunta mo rito ay para pangaralan ako. Umuwi ka na lang!" Marahas niyang ipinukpok ang kamao sa may lamesa. Halos mayanig at magsitumba ang mga baso ng alak at bote na naroon.

Tuluyan naman natahimik si Vicenti, nanatili itong nakatitig sa madilim na mukha ng binata.

Napabuntung-hininga muna ito bago muling magsalita pagkatapos.

"Novice, matanda na ako. . . kaya kinakailanganin mo na ng bagong hahalili sa 'yo rito sa kumpinya natin. Kung kaya maari'y magpakasal ka na at mag-asawa. . . bigiyan mo ako ng apo sa madaling panahon." Walang preno ang bibig na utos ng matandang lalaki.

Biglang nanlaki at halos hindi mapaniwalaan ni Novice ang sinabi ng kaharap.

Gusto niyang magtawa, ngunit nanaig ang kinikimkim niyang galit sa sariling ama! Masiyadong bilib sa sarili na akala mo'y napakadaling bagay ang pinapagawa nito.

"Sino ka para diktahan ako! wala kang karapatan!"bulyaw ng binata.

Hindi man lang nakakitaan ng kung ano man si Don Vicenti, tila lalo pa itong naaliw sa itsura niya.

"Wala kang magagawa kung hindi ang sumunod Novice, kung ayaw mong mawalan ng mana. . ."pagbabanta ng sariling ama sa binata na lalong nagpasuklam sa nararamdaman ngitngit ni Novice.

Agad ng tumalikod si Don Vicenti, nasa anyo nito ang pagwawagi ng tuluyang nawalan ng masasabi ang anak. hahawakan na sana nito ang seradura ng pinto ng muli itong humarap sa binatang napupuot sa kaniya.

"Huwag kang mag-alala, dahil nakakita na ako ng tamang babae para sa 'yo. . . maybe you'll remember her with the name, Shaina Monuz."deklara ng matandang lalaki na nagpatigalgal kay Novice sa mga sandaling lumipas. . .

A/N

INTERESADO KA BA SA ROMANCE STORY NI NOVICE CHECK MO ANG BITTER SWEET LOVER TIMELESS SERIES 2. KUNG KAY LAWRENCE PAUL NAMAN CHECK MO NA ANG ALAALA NG KAHAPON TIMELESS SERIES 1 SALAMAT ☺️ COMPLETED NA PO MGA IYON.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mafia Boss Trapped    Epilogue

    SABI nga nila nagbabago ang lahat. Katulad ng mga taong nasa paligid mo. Katulad ng inaasahan ni Beatrice at ng lahat, ikinasal ang Kuya Novice niya at Ate Shaina niya. Ngunit, iyon din ang araw na nawala ang anak ng mga ito.Ang saya ay kadalasan napapalitan ng lungkot. Kasama na iyon sa buhay ng isang tao, kaya madalas iba't ibang klase ang karanasan ng isang tao sa mundo.Magmula noon, natutunan ni Beatrice na i-appreciate ang mga taong nasa paligid niya. Madami pa ang nangyari pagkatapos noon na hindi inaasahan."Hello! Nasaan ka, nakita mo na ba si Kuya Novice. Ano! magsalita ka!" Pasigaw na turan ni Beatrice mula sa kabilang linya.Saglit na inilayo naman ni Rudny ang aparato mula sa kanyang teynga. Walang sandali na nabibingi siya sa kasisigaw nito sa kanya. Ngunit pinagtitiisan na lang niya, tutal malapit ng matapos ang lahat."Pwedi ba, papunta pa lang ako sa bahay bakasyunan ng Kuya mo. Kaso, ang lakas na bigla ng ulan, kaya bukas na lang ako tutuloy," sagot naman ni Ru

  • Mafia Boss Trapped    Chapter Ninety One

    MAGMULA sa gabing nasaksihan ni Beatrice ang lahat ay muling nagbago siya."May problema ba tayo?" tanong ni Rudny na mabilis na hinawakan ito sa balikat.Nakasimangot naman itong lumingon at napatitig sa kanya."Ano magsalita ka, may nagawa ba ako kaya ka nagkakaganiyan?" Pag-uusisa ni Rudny."Wala, sige na at baka magtaka pa sina Kuya Novice at Ate Shaina kung bakit wala pa tayo roon," sagot nito.Rehearsal kasi sa kasal ng kapatid niya. Sa isang linggo na iyon, mabilisan ang pagpre-prepara dahil sa kasalukuyan estado ng pamangkin nito.Tuluyan na niyang tinabig ang kamay ng lalaki at diretsong naglakad papasok sa gate.Kahit walang nakuhang matinong sagot si Rudny ay kaagad na niyang sinundan ang babae. Ayaw na niyang kinukulit ito katulad ng dati, mas mahihirapan kasi siya kapag dumating ang araw na kailangan niyang iwanan ito.Halos lahat ay naroon na."Bakit ngayon lang kayo, start na tayo," wika ni Novice nang mapansin silang dumating.Nasa dati silang garden sa school nila

  • Mafia Boss Trapped    Chapter Ninety

    NANATILING lihim ang relasyon ni Beatrice at Rudny. Naging abala sila sa kanya-kanyang buhay, kaya naging madalang ang pagkikita ng dalawa."Sheena, paki-print nga ito ngayon at kailangan ko para bukas," utos niya sa kanyang secretary."Yes ma'am." Agad na inabot nito ang papel na hawak niya at nagmadaling lumabas.Muling bumalik sa kinauupuan si Beatrice habang patuloy pa rin binabasa ang dokumento na kasalakuyan niyang pinag-aaralan.Napagawi ang tingin niya sa may pinto ng bumukas iyon at iluwa si Farah."Hai Goodmorning! kumusta ka naman. Mukhang nakakulong ka na naman dito sa opisina mo huh," paunang salita ng kaibigan matapos na maiabot nito sa kanya ang dala-dalang mga papeles na kakailanganin niyang mabasa at pirmahan."Heto okay lang naman, O.A mo naman bii. Hindi naman ako workaholic katulad ng dati," iiling-iling na sabi ni Beatrice at itinuon na ang pansin sa pagbabasa.Habang ang kaibigan niya ay naglakad papunta sa coffee mixer niya upang magtimpla ng inumin na kape

  • Mafia Boss Trapped    Chapter Eighty Nine

    MAAGANG inihatid ni Rudny sina Beatrice, ayon na rin sa huli ay kakailanganin nilang makauwi ng maaga. Dahil sa may pasok pa ito sa kumpaniya ng ama."Hindi ka na ba papasok, dito ka na kaya mag-dinner." Paanyaya ni Beatrice sa lalaki matapos na makababa mula sa loob ng sasakiyan ng binata si Jaxx Rube at makuha ito ng Yaya."Next time na lang Bea, may importante pa kong lakad," matipid na sagot ni Rudny.Mataman naman natitigan ito ni Beatrice at matipid na nangiti."Sige mag-iingat ka," tugon niya. Agad niyang iniiwas ang pansin at nag-umpisa ng magtanggal ng seatbelt.Napabuntong-hininga naman si Rudny. Kilala niya ang babae, kapag ganitong matipid itong magsalita ay may kung anong tumatakbo sa isipan nito.At sigurado siyang hindi niya gusto kung ano man iyon."Sweetheart, may problema ba?" usisa ni Rudny.Nang hindi magsalita si Beatrice ay tuluyan na niyang pinigil ito."Your not leaving my car sweety. Hangga't hindi mo sinasabi sa akin mismo kung ano na naman tumatakbo sa utak

  • Mafia Boss Trapped    Chapter Eighty Eight

    PALABAS na si Rudny sa kanilang mansyon upang puntahan si Beatrice at Jaxx. Nang habulin siya ni Rudjun."Saan ka pupunta Kuya? Makikisabay ka na sa akin sa pagpunta sa hospital?" Sunod-sunod ang pagtatanong nito. Tinutukoy ang ama nilang itinakbo noong isang araw dahil nagkabarilan."Nope! Pero huwag kang mag-alala. Susunod ako sa iyo, puntahan ko lamang sina Bea," tugon ni Rudny. Akmang papasok ito sa loob ng sasakiyan ng pigilan siya ng binata."Teka! Bakit mo pa sila uunahin.Huwag mong sabihin mas priority mo pa sila? Unbelievable! ano ng iisipin ni Dad sa pinaggagawa mo. Kahapon ka pa niya itinatanong." Pangungulit ni Rudjun. Hindi maitangging may galit itong nararamdaman."C'mon Jun, Dad will gonna understand. Kaya sige na, susunod ako roon. Importante lang talaga ang pupuntahan namin nina Bea." Matapos sabihin iyon ay nagmadali na siyang pumasok at pinaandar ang sariling kotse.Iiling-iling naman na naiwan si Rodjun at tuluyan na rin nagmaneho papunta sa ospital kung saan naro

  • Mafia Boss Trapped    Chapter Eighty Seven

    HINDI inaasahan ni Beatrice ang sumunod na nangyari. Dahil bigla na lang bumaba ang mukha ni Rudny palapit.Imbes na iwasan ang napipintong paghalik sa kanya nito ay kusa niyang sinalubong ang labi ng lalaki."Sweetheart I miss you so much. Kung gusto mo man akong pigilan sa ngayon... please do it. Dahil hindi ko na magagawang magpigil pagtagal," anas ni Rudny sa pagitan ng pag-angkin niya sa labi ng babae.Ngunit walang sagot mula kay Beatrice. Kahit ayaw man gawin ni Rudny ay kusa niyang binitiwan ito."Bakit ka tumigil." May yamot sa tinig na bigkas ni Beatrice.Siya na ang kusang naglapit muli sa sarili sa lalaki at isang mapusok na halik ang pinagsaluhan nilang muli.Tinugon ni Rudny ang halik ni Beatrice, nilaliman na rin niya ang paghalik dito. Mas mapaghanap... mapag-angkin.Kusang humawak ang kamay ni Beatrice sa batok ng lalaki. Habang ang huli ay binuhat siya, tuluyan kumapit ang dalawang biyas niya sa beywang nito. Mabilis ang ginawa niyang paghakbang papunta sa may

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status