Share

Chapter Six

SABAY na napalingon si Beatrice at Rudny sa lumabas na si Don Vecenti. Nginitian lamang ng matanda ang anak na dalaga. Habang si Rudny ay tinapik-tapik ang balikat niya.

"Please do take care my daughter iho,"bilin pa nito.

"Of course Tito, para sa akin ay nakakabatang kapatid na ang turing ko sa kanya,"taos sa puso na saad niya rito.

"Naku! hindi na ba magbabago ang tingin mo sa kanya, see! mukhang unang-unang magrerebelde ang anak ko sa sinabi mo,"natatawang ani nito. Nang lingunin nga ni Rudny si Beatrice ay nakalabi na naman ito.

Matapos na magbilin pa ang matandang lalaki ay tuluyan na itong naglakad paalis. Muli na naman itong sinundan ng mga body guards nito.

Nakita lang naman nila ang pagdating ni Lawrence Paul kasama ang kambal na anak nito kay Esteffany. Si Shin at Estellar. Nagkamustahan ang dalawang binata.

"Pasok muna ako sa loob,"wika ni Lawrence.

"Aba't sabay na tayo—"Ngunit hindi na natapos ni Rudny ang sinasabi ng maramdaman niya ang pinong kirot sa tagiliran niya mula kay Beatrice.

"Hoy! hindi pa tayo nag-uusap. Mag-explain ka muna, hindi mo na ba talaga ako magugustuhan. Ano bang gusto mo para maging tayo na Ruru it's been five years since I realized na gusto kita,"diretsang saad ni Beatrice.

"Bunganga mo may mga bata ano ka ba Bek Bek!"Sa sandaling iyon ay pinamulahan si Rudny. Ngiting-ngiti naman si Shin at Estellar.

"Alright mag-usap kayo, mauuna muna akong pumasok sa loob."Kasabay niyon ang pagbubukas nito ng pinto.

Naiwan naman silang dalawa roon, habang nagtatakbo naman ang kambal na patuloy lang sa paglalaro.

"Ano na, ganito na lang ba tayo. Please tell me what will I do para magustuhan mo ako,"desperadang wika ni Beatrice.

"You don't need to do that Bea, you know you're pretty. Nakakasiguro akong maraming lalaki ang papansin sa'yo kaysa sa akin okay hindi tayo pwedi,"pagpapalubag naman ng loob ni Rudny sa dalaga. Kahit paano ay na-guilty siya sinabi.

"Hindi iyan ang gusto kong marinig mula sa'yo Rudny!"nanggagalaiting ani ni Beatrice.

Nasapo ng binata ang noo, heto na naman sila. Halos sa tuwing nagkikita sila ay paulit-ulit na lang silang napupunta sa sitwasyon na ganoon. Hindi na tuloy niya magawang pigilan ang sarili na mapagsabihan ito ng mga salita na aminado siyang masasaktan ito. For God's sake nakababatang kapatid ito ng best friend niyang si Novice.

"Stop! alam mo the more na ipinagpililitan at isinisiksik mo ang sarili mo sa akin ay lalong hindi kita gugustuhin. So please tama na, pinakaayaw ko ay nag-iisip bata!"

Tinalikuran na ng binata ito at sinundan na nito ang mga batang nagtatakbo papasok sa loob ng opisina ni Novice. Kailangan niyang magtimpi at baka may masabi pa siyang hindi maganda rito. Kahit paano ay concern pa rin siya sa mararamdaman nito dahil kahit paano sa lumipas na taon ay naging malapit na sila. Pero hindi niya nakikita ang sarili na tugunin ang pagkagusto nito sa kanya.

NAPADAKO ang pansin ng dalawa sa may pinto. Bumukas iyon at pumasok ang kambal ni Lawrence na nagtatakbo.

"Daddy! si Shin oh, hinihila na naman niya buhok ko!"sumbong ni Estellar sa ama.

"Tama na iyan Shin, alam mo naman na ayaw ng kambal mo na pinakikialaman ang buhok niya," panunuway ni Lawrence rito.

Nagtatawa lang naman si Shin, tuluyang binuhat ni Rudny ito at kiniliti. Habang si Estellar naman ay inayusan naman ni Beatrice.

Nang tuluyan masaway ang dalawa sa kulitan ng mga ito ay muling umimik si Lawrence.

"Bagay na bagay ang kapatid mo at si Rudny, nakakapagtakang ayaw itong ligawan ng huli."

"Korek ka riyan Kuya, ewan ko ba rito sa barkada niyo. . . hirap ligawan!"nakalabing sambot ng dalaga.

"Talaga! Hindi kita papatulan, kahit ikaw na ang nag-iisang babaeng matira rito sa mundo!" naiiling na balik-sagot ni Rudny.

Naiiling na lamang sina Lawrence at Novice sa asal ng dalawa. Tila teenager kung magkantiyawan.

"Ikaw Novice, kailan mo balak magsettle down?"si Lawrence.

"Ano ba iyan, kanina si Dad ang nangungulit sa akin na mag-asawa ako. Tapos ngayon ikaw naman, please! give me a break bro!"iiling-iling na sagot ni Novice.

Muli nitong sinalinan and baso na nasa lamesa. Nagpatuloy ito sa pagsasalita.

"Hindi ko ba alam kung saan niya nakuha ang impormasyon ng tungkol k-kay Shaina. . ."naiusal ng binata.

Pare-parehas na nagtinginan sina Lawrence at Rudny. Sa halos sa sixteen years na nakalipas ay ngayon lang muling naungkat ang isa sa mga babaeng may malaking kaugnayan sa binata.

"What about Shaina, b-bakit ano bang balak ng tatay niyo sa kanya?" tanong ni Rudny na agad na lumapit sa kanila. Sinenyasan din muna ni Novice si Bea na ilabas muna sina Shin at Estellar.

Mabilis naman nagtatakbo ang dalawang paslit, habang humahabol si Beatrice.

Nang makalabas ang mga ito ay muling tumuon ang pansin ni Novice sa dalawang kaibigan. Ayaw man niyang i-share sa dalawa ang naging usapan nila ng ama niya rito kanina pero tila iyon ang kakailanganin niyang gawin. Matapos niyang lumagok sa iniinuman na baso ay sinalaysay niya ang naging pakay ng ama.

". . . Kaya nga galit na galit ako. Mula pagkabata ay wala ng ginawa ang matandang iyon kung 'di ang pakialaman ako! he's too much!" pakli ni Novice. Naggalawan ang panga nito sa pagtatagis ng ngipin. Kulang na lang ay mabasag niya ang hawak na babasaging baso.

Napasindi naman si Rudny ng sigarilyo, agad naman binigyan nito si Novice pagkatapos.

Mabilis na napabuga ng usok mula sa hinithit na yosi si Novice. Sa sandaling iyon ay natahimik silang tatlo, nag-iisip sa maari nilang itugon sa pino-problema ng binata.

"Ano bang plano mo?"maya-maya'y nasabi ni Lawrence.

Napatutok ang pansin ng binata rito.

"Eh ano pa ba, sasakiyan ko lang naman ang trip ng magaling kong ama! pero, titiyakin kong siya ang mismong gigisahin ko sa sarili niyang laro!"Gigil na sawata ni Novice.

"Kung kailan mo ng tulong you can count on me, for old time sake! Yahoo! heto na naman tayo."napapapitik ang daliri na patianod ni Rudny.

"Hoy! magtigil nga kayo, baka dahil sa binabalak niyo may masaktan na naman huh!" nagpapaalala na saad ni Lawrence. Napailing ito matapos siyang alukin ni Rudny ng brandy. Naalala ang mga panahon na pinahihirapan ng dalawa ang pinakamamahal niyang Esteffany. Ngunit, nagsisi naman ang dalawa pagkatapos at nagsorry din ang mga ito sa mahal niya.

"Don't worry, this time mas malinis ang plinaplano namin. . ."patuloy ni Novice.

"Sinabi mo pa,"ayon naman ni Rudny. Agad nitong kinuha ang aparato na panay ang pag-vibrate nang tignan niya iyon ay nakita lang naman niya ang ama ang tumatawag sa kanya.

"Excuse me mauuna na ako, balitaan niyo na lang ako."Hindi na pinasagot ni Rudny ang dalawa. Tuluyan na siyang lumabas ng opisina.

Mula sa 'di kalayuan ay kitang-kita ni Beatrice ang pag-alis ni Rudny sa opisina ng Kuya Novice niya. Dali-dali siyang pumasok muli sa loob at ibinigay kay Lawrence Paul ang kambal.

"Hey! where are you going?"Habol na tanong ni Novice sa kapatid na babae.

"Pwedi ba bro saka na tayo mag-usap hahabulin ko pa si Ruru!"

"Tumigil ka na Bea, baka tungkol sa trabaho ang pupuntahan niya. Delikado, huwag mo na siyang sundan!"panunuway ni Novice.

Pero hindi nakinig si Beatrice dahil tuloy-tuloy ito sa paglabas. Halos pinagpawisan ang dalaga ng makarating siya sa ground floor at makita niya sa parking area ang lalaki. Nasa loob na ito ng sasakiyan nitong Lamborghini Gallardo at mukhang paalis na.

Tuluyan na rin pumasok sa sariling sasakiyan si Beatrice at mabilis na pinaandar ang sasakiyan. Buo na ang loob niyang sundan ito, sa isip niya'y baka babae lang ang pupuntahan nito.

Tuluyan niyang inilabas ang IPhone at mabilis na ini-scan ang numero ng dalawang kaibigan na kakailanganin niya sa naiisip na gagawin pagsunod kay Rudny.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status