Ten Year's ago...
MABILIS na tinakbo ng isang binatilyo na humihigit kinse anyos ang kahabaan ng Ramos road.Dinig niya ang malakas na ugong ng sirena mula sa 'di kalayuan. Kaya mas binilisan niya ang pagtakbo. Tuluyan na siyang lumusot sa mga makikipot na eskinita na kanyang nadadaanan.Hindi alintana ng binatilyo ang pawis na namuo sa noo niya na tumagaktak pababa hanggang sa mukha nito.Amoy na amoy niya ang pinaghalong lansa at masasangsang na amoy galing sa mga estero. Katanghalian tapat, kaya walang katao-tao.Napalunok siya ng laway, mula sa dulong bahagi ng labasan ay tumigil ang isang police patrol motor. Kaya upang matigilan siya."Shit! mga epal!"inis na anas ng binatilyo.Mabilis itong pumihit patalikod at kumaripas ng takbo, muli ay dinig na naman nito ang paparating na police patrol sa may 'di kalayuan.Kahit pagod na pagod na ay hindi siya tumigil sa matulin na pagtakbo.Hanggang sa nakakita siya ng isang bukas na bintana sa isang abandunadong gusali. Tuluyan siyang lumusot doon, sumalampak siya sa malamig na semento pagkatapos.Napangisi siya ng madinig niya ang paglagpas ng nakawangwang na police patrol mula sa labas ng tinataguan niyang lugar.Unti-unti siyang napatayo ar napasilip sa bintana. Agad niyang pinagpag ang likurang bahagi ng suot niyang maong pants. Mabilis niyang inilinga ang pansin sa buong paligid.Bagama't madilim ay nakatitiyak siyang isang abandunadong basement ng isang lumang gusali ang kanyang kinaroroonan. Base na rin sa mga sapot at nangangalawang na gamit na naroon. Maging ang amoy ng alikabok sa paligud ay langhap ng binatilyo.Ang balak niyang pag-alis ay biglang natigil. Nang makarinig siya ng mga taong nag-uusap."Ano pare, sigurado ka bang makikipagkita iyang tatay niyan?Baka naman baratin tayo niyon," sagot ni Pedro na patuloy pa rin sa pagtatali ng paa at kamay ng lubid sa batang babae na umeedad ng sampo.May busal ng tela na nakapasak sa bibig nito, habang may piring ito sa mga mata. Kahit malayo ang kinaroroonan ng binatilyo ay rinig nito ang mahihinang ungol at impit nitong pag-iyak."Oo naman hindi mo naitatanong milyonaro iyon. Saka magbibigay iyon, dahil paborito niyang anak itong nadangwit natin," eksplika naman ni Simon na kasama ni Pedro sa hostage operation na iyon.Nagtratrabaho sa isang kilalang minahan ang dalawa, naalis ang mga ito. Dahil nahuli ang mga itong kumukupit ng mga ginto na pagmamay-ari mismo ng ama ng batang babae na kinidnap ng mga ito."Bilisan mo diyan, kapag naitali mo na iyan nang maayos ay bantayan mo ang pinto." Bilin ni Simon.Matapos na maisaayos ni Pedro ang mga tali sa paa at kamay ng batang babae ay naglakad na ito paalis.Nang maisigurado ng binatilyo na tahimik na ang lugar ay nagmadali na siyang lumapit sa bata.Tila naman nagitla ito sa presensiya ng binatilyo pagkakita sa kanya. Kaya upang lalong umingay ang pag-ungol ng batang babaeng hostage."Shhh! can you be quiet for a while. Don't worry I'll help you, " anas nito.Agad niyang kinuha sa gilid ng sapatos niya ang maliit na kitchen knife na laging dala-dala niya.Kahit isang dangkal lamang ang haba nito ay napakatalas niyon. Matapos niyang malagot ang pagkakatali ng mga lubid ay isinunod naman ng binatilyo na inalis ang telang nakapasak sa bibig at ang piring ng batang babae.Agad ang pagtutok ng mga mata nito sa binatilyo ng tuluyan matanggal ang telang nakatakip sa magkabilaang mata nito.Hanggang sa makarinig sila parehas ng pagkasa ng baril sa likuran ng binatilyo."Huwag kang gagalaw, kung ayaw mong pasabugin ko ang ulo mo!" sigaw ni Pedro.Dahan-dahan lumapit ang lalaki habang tutok ang baril sa nakatalikod na binatilyo, ngunit sa pagkagulantang ni Pedro ay mabilis na umikot ang katawan nito at sinipa ng binatilyo ang kamay niya upang mabitiwan niya ang sariling baril."Gotcha!" aliw na sabi ng binatilyo.Mabilis na pinulot iyon ng binatilyo at isang putok ng baril ang pinakawalan nito. Tuluyang bumagsak ang wala ng buhay na si Pedro. Matapos itong tamaan sa noo."A-anong nangyari?" tarantang sigaw naman ni Simon na agad pumasok sa pinto.Ngunit tuluyan itong natumba, matapos itong barilin ng binatilyo sa dibdib.Napatanga naman ang batang babae sa bilis ng mga pangyayari. Hindi niya aakalain na sa isang iglap ay wala ng buhay ang mga taong kumidnap sa kaniya."Tara na, saan ka ba nakatira? para maihatid na kita. . ." simpleng tanong ng binatilyo sa batang babae na napakurap-kurap pa sa harapan niya.Marahil ay nagulat ito sa mga nangyari."S-sa may Ayala Royal Subdivision,"anas nito.Pagkarinig sa nasabing lugar ay inalalayan na siya ng binatilyo.Nakaramdam naman ng kakaibang damdamin ang batang babae matapos na magdaop ang palad nila.Estranghero sa kaniya ang kaharap, pero kakatwa na magaan agad ang loob niya rito."Omo! pag-ibig na kaya ito?" pilyang kastigo nito sa sarili.Ewan niya saan niya napulot ang ideyang iyon, kumbaga musmos pa lamang ang kaniyang edad.Hanggang sa sapitin na nila ang bungad ng gate ng subdivision nila kung saan siya tumutuloy. Nagtaka ang batang babae dahil halos wala pa yatang limang minuto na naglakad sila.Bagama't naaapektuhan pa rin ito sa pagtatangka sa buhay niya ay hindi niya maiwasan na makaramdam ng kakaibang damdamin sa binatilyo na siyang nagligtas sa kaniya.Kung wala ito'y tiyak napahamak na siya, mapeperahan pa sila. Sa mga itsura ng dalawang kumidnap sa kaniya'y tiyak kung 'di siya papatayin ay pagsasamantalahan pa siya!Ganoon siya kaadvance mag-isip! Walang ligoy-ligoy.Sayang lang dahil mukhang napadali ang paghihiwalay nila ng superhero niya.Iyong tipong bitin na bitin pa siya.Pinilit huwag mangiti ng batang babae sa harapan ng binatilyo. Paano ba naman kasi ay titig na titig ito sa mukha niya!"Kikiligin na ba ako? Chuss! ang bata ko pa pero ang landi ko na. Keri lang! basta! siya ang magpapakilig sa akin," nababaliw na pakikipag-usap sa sarili ng batang babae."Ahem! Salamat pala Kuya, siya nga pala, ako po pala si Beatrice De Guzman. I-Ikaw po anong p-pangalan mo?" nauutal na tanong nito.Isang maluwang na ngiti ang ipinaskil ng binatilyo pagkatapos."You can call me Ruru at your service," kasuwal nitong sabi."Ahmmm o-okay pwedi ba kitang ayain pumasok Kuya Ruru. Para na rin maipakilala ko ang hero ko, a-ang nagligtas sa akin sa mga monster." Nagpabebe na siya at nagpuppy eyes.Napakamot naman sa ulo ang binatilyo. Nais man niyang paunlakan ang imbitasyon ni Beatrice. Ngunit gahol na siya sa oras. Tiyak kanina pa naghihintay ang ama niyang si Cardo."Sorry sweetheart pero may aasikasuhin pa ako, see you around!" Paalam nito, isang pagkindat ang iniwan niya sa natulalang batang babae.Bago pa siya mahawakan ng batang babae na mukhang anghel ay bigla na lamang may bumusina ng pagkalakas-lakas na kotse sa likuran nito.Kaya upang mapaharap ito sa may gate na ngayon ay bukas na. Dahil na kay Ruru ang buong pansin niya sa mga lumipas na sandali ay nawala siya saglit sa sarili. Ganito kalakas ang dating ng binatilyo sa kaniya."Oh! My God! Thank you Lord, sa wakas nakita rin kita iha. Paalis na ako para kitain ang mga taong nagsabing kinidnap ka. Pero heto ka, mabuti na lamang at hindi ako agad naniwala. . . " lintaniya ni Don Vicenti sa anak."Pero Daddy, totoo po na nakidnap ako at si Ruru ang magpapatunay." Kasabay niyon ang pagbaling niya sa kaniyang likuran.Pero sa pagtataka ni Beatrice ay tila naglahong parang bula ang binatilyo."N-nasaan na i-iyon?" litong-lito na sabi ni Bea."Pwedi ba sis, mukhang nakalog ang ulo mo. Wala ka naman kasama noong bumaba kami ni Dad ahh..."naiiling at nambubuskang saad naman ng Kuya niyang si Novice.Mabilis na inilinga ni Beatrice ang pansin sa disyeryertong kalsada."Tara na iha, maybe you have to take a rest. . ." Agaw-pansin ni Don Vicenti.Ayaw pa sana niyang sundin ito, ngunit kinabig na siya papasok sa kotse ng matanda.Nang makaalis ang itim na kotse na kinalulunanan ni Beatrice ay tuluyan nang lumabas mula sa pinagkukublihan ang binatilyo."Hanggang sa muling pagkikita sweetheart," anas niya. Nasa mga mata pa nito ang labis na panghihinayang bago tuluyan tumalikod at nagtatakbo ng mabilis...SABI nga nila nagbabago ang lahat. Katulad ng mga taong nasa paligid mo. Katulad ng inaasahan ni Beatrice at ng lahat, ikinasal ang Kuya Novice niya at Ate Shaina niya. Ngunit, iyon din ang araw na nawala ang anak ng mga ito.Ang saya ay kadalasan napapalitan ng lungkot. Kasama na iyon sa buhay ng isang tao, kaya madalas iba't ibang klase ang karanasan ng isang tao sa mundo.Magmula noon, natutunan ni Beatrice na i-appreciate ang mga taong nasa paligid niya. Madami pa ang nangyari pagkatapos noon na hindi inaasahan."Hello! Nasaan ka, nakita mo na ba si Kuya Novice. Ano! magsalita ka!" Pasigaw na turan ni Beatrice mula sa kabilang linya.Saglit na inilayo naman ni Rudny ang aparato mula sa kanyang teynga. Walang sandali na nabibingi siya sa kasisigaw nito sa kanya. Ngunit pinagtitiisan na lang niya, tutal malapit ng matapos ang lahat."Pwedi ba, papunta pa lang ako sa bahay bakasyunan ng Kuya mo. Kaso, ang lakas na bigla ng ulan, kaya bukas na lang ako tutuloy," sagot naman ni Ru
MAGMULA sa gabing nasaksihan ni Beatrice ang lahat ay muling nagbago siya."May problema ba tayo?" tanong ni Rudny na mabilis na hinawakan ito sa balikat.Nakasimangot naman itong lumingon at napatitig sa kanya."Ano magsalita ka, may nagawa ba ako kaya ka nagkakaganiyan?" Pag-uusisa ni Rudny."Wala, sige na at baka magtaka pa sina Kuya Novice at Ate Shaina kung bakit wala pa tayo roon," sagot nito.Rehearsal kasi sa kasal ng kapatid niya. Sa isang linggo na iyon, mabilisan ang pagpre-prepara dahil sa kasalukuyan estado ng pamangkin nito.Tuluyan na niyang tinabig ang kamay ng lalaki at diretsong naglakad papasok sa gate.Kahit walang nakuhang matinong sagot si Rudny ay kaagad na niyang sinundan ang babae. Ayaw na niyang kinukulit ito katulad ng dati, mas mahihirapan kasi siya kapag dumating ang araw na kailangan niyang iwanan ito.Halos lahat ay naroon na."Bakit ngayon lang kayo, start na tayo," wika ni Novice nang mapansin silang dumating.Nasa dati silang garden sa school nila
NANATILING lihim ang relasyon ni Beatrice at Rudny. Naging abala sila sa kanya-kanyang buhay, kaya naging madalang ang pagkikita ng dalawa."Sheena, paki-print nga ito ngayon at kailangan ko para bukas," utos niya sa kanyang secretary."Yes ma'am." Agad na inabot nito ang papel na hawak niya at nagmadaling lumabas.Muling bumalik sa kinauupuan si Beatrice habang patuloy pa rin binabasa ang dokumento na kasalakuyan niyang pinag-aaralan.Napagawi ang tingin niya sa may pinto ng bumukas iyon at iluwa si Farah."Hai Goodmorning! kumusta ka naman. Mukhang nakakulong ka na naman dito sa opisina mo huh," paunang salita ng kaibigan matapos na maiabot nito sa kanya ang dala-dalang mga papeles na kakailanganin niyang mabasa at pirmahan."Heto okay lang naman, O.A mo naman bii. Hindi naman ako workaholic katulad ng dati," iiling-iling na sabi ni Beatrice at itinuon na ang pansin sa pagbabasa.Habang ang kaibigan niya ay naglakad papunta sa coffee mixer niya upang magtimpla ng inumin na kape
MAAGANG inihatid ni Rudny sina Beatrice, ayon na rin sa huli ay kakailanganin nilang makauwi ng maaga. Dahil sa may pasok pa ito sa kumpaniya ng ama."Hindi ka na ba papasok, dito ka na kaya mag-dinner." Paanyaya ni Beatrice sa lalaki matapos na makababa mula sa loob ng sasakiyan ng binata si Jaxx Rube at makuha ito ng Yaya."Next time na lang Bea, may importante pa kong lakad," matipid na sagot ni Rudny.Mataman naman natitigan ito ni Beatrice at matipid na nangiti."Sige mag-iingat ka," tugon niya. Agad niyang iniiwas ang pansin at nag-umpisa ng magtanggal ng seatbelt.Napabuntong-hininga naman si Rudny. Kilala niya ang babae, kapag ganitong matipid itong magsalita ay may kung anong tumatakbo sa isipan nito.At sigurado siyang hindi niya gusto kung ano man iyon."Sweetheart, may problema ba?" usisa ni Rudny.Nang hindi magsalita si Beatrice ay tuluyan na niyang pinigil ito."Your not leaving my car sweety. Hangga't hindi mo sinasabi sa akin mismo kung ano na naman tumatakbo sa utak
PALABAS na si Rudny sa kanilang mansyon upang puntahan si Beatrice at Jaxx. Nang habulin siya ni Rudjun."Saan ka pupunta Kuya? Makikisabay ka na sa akin sa pagpunta sa hospital?" Sunod-sunod ang pagtatanong nito. Tinutukoy ang ama nilang itinakbo noong isang araw dahil nagkabarilan."Nope! Pero huwag kang mag-alala. Susunod ako sa iyo, puntahan ko lamang sina Bea," tugon ni Rudny. Akmang papasok ito sa loob ng sasakiyan ng pigilan siya ng binata."Teka! Bakit mo pa sila uunahin.Huwag mong sabihin mas priority mo pa sila? Unbelievable! ano ng iisipin ni Dad sa pinaggagawa mo. Kahapon ka pa niya itinatanong." Pangungulit ni Rudjun. Hindi maitangging may galit itong nararamdaman."C'mon Jun, Dad will gonna understand. Kaya sige na, susunod ako roon. Importante lang talaga ang pupuntahan namin nina Bea." Matapos sabihin iyon ay nagmadali na siyang pumasok at pinaandar ang sariling kotse.Iiling-iling naman na naiwan si Rodjun at tuluyan na rin nagmaneho papunta sa ospital kung saan naro
HINDI inaasahan ni Beatrice ang sumunod na nangyari. Dahil bigla na lang bumaba ang mukha ni Rudny palapit.Imbes na iwasan ang napipintong paghalik sa kanya nito ay kusa niyang sinalubong ang labi ng lalaki."Sweetheart I miss you so much. Kung gusto mo man akong pigilan sa ngayon... please do it. Dahil hindi ko na magagawang magpigil pagtagal," anas ni Rudny sa pagitan ng pag-angkin niya sa labi ng babae.Ngunit walang sagot mula kay Beatrice. Kahit ayaw man gawin ni Rudny ay kusa niyang binitiwan ito."Bakit ka tumigil." May yamot sa tinig na bigkas ni Beatrice.Siya na ang kusang naglapit muli sa sarili sa lalaki at isang mapusok na halik ang pinagsaluhan nilang muli.Tinugon ni Rudny ang halik ni Beatrice, nilaliman na rin niya ang paghalik dito. Mas mapaghanap... mapag-angkin.Kusang humawak ang kamay ni Beatrice sa batok ng lalaki. Habang ang huli ay binuhat siya, tuluyan kumapit ang dalawang biyas niya sa beywang nito. Mabilis ang ginawa niyang paghakbang papunta sa may