Share

First Job

BUONG ARAW ay nanatili lang at nakahiga si Romary sa kama niya sa chamber na binigay sa kaniya, hindi niya maiwasan na mainip lalo na at gusto niya ang araw niya ay productive. Pero sa sitwasyon niya, maghapon siyang mananatili sa chamber niya, hindi siya pwedeng lumabas hangga’t hindi sumasapit ang gabi.

Pakiramdam ni Romary ay nasa preso siya, hinahatiran lang siya ng pagkain na dumadaan sa isang maliit na pinto sa pintuan niya, at kailangang pagtiisan iyon ni Romary hanggang magawa na niya ang trabaho niya. At sisimulan na niya mamaya ang pagmamanman sa pub, kung anong oras o araw dumadalaw si Mr. V at para alamin ang tamang plano na gagawin niya para mapatay ito ng walang nanghihinala sa kaniya. Tulad ng lagi niyang ginagawa sa mga past mission niya, ang mahirap lang sa sitwasyon niya ngayon ay wala siyang kahit isang dalang gamit niya na mula sa organisasyon, kahit paborito niyang baril ay hindi niya dala. Hindi rin niya basta-basta mako-contact ang organisasyon, si Roman na superior niya o kahit na si Fraeya dahil kailangan niyang mag-ingat na hindi mahuli dahil maaring maging katapusan na ‘yun ng buhay niya. Kahit cellphone para paglibangan ay wala siyang dala, kaya hindi niya maiwasan na hindi mainip.

Kailangan ni Romary na matapos ang trabaho niya, at makalabas ng buhay dahil hahanapin pa niya ang nasa likod ng massacre sa bahany ampunan, ang Tahanan ng Bahaghari kung saan siya lumaki at inalagaan ng mabuti.

Malalim na nagpambuntong hininga si Romary sa pagkakahiga niya ng biglang pumasok sa isipan niya si Primo, napabangon nalang siya sa pagkakahiga niya dahil hindi niya alam kung bakit biglang sumingit ito sa isipan niya, lalo na ang ginawa nito sa kaniya kani-kanina lang. Napahawak si Romary sa kaniyang bewang na hinawakan ni Primo, bahagyang napabaling sa ang ulo niya pakaliwa dahil nagugululuhan siya kung bakit hindi man lang siya nakahuma sa ginawa ni Primo, kahit pinapakita lang nito ang mangyayari sa oras na buksan niya ang kaniyang pintuan habang may sikat pa ang araaw.

“Iba din mag demonstrate ang lalaking ‘yun, pwede naman niyang sabihin ang kung anong mangyayari sa akin sa oras na magbukas ako ng pintuan ko, bakit may pag ganun pa at paghawak sa bewang ko?”ani ni Romary na napailing upang alisin si Primo sa kaniyang isipan.

“Bakit ko ba iniisip ang lalaking ‘yun, sabihin na natin na niligtas niya ako kanina pero hindi parin siya pwedeng pagkatiwalaan dahil parte parin siya ng lugar na ‘to. Isa pa ang Diablo na ‘yun, kailangan ko ding mag-ingat sa isang ‘yun. I mean sa lahat naman pero higit sa lahat sa kanang kamay ni Mr. V.”pahayag pa ni Romary na huminga ng malalim at akmang hihiga muli ng makarinig siya ng pagkatok sa pintuan niya na agad niyang ikinabaling ng tingin doon.

Agad na nilingon ni Romary ang maliit na orasan na meron siya, napakunot ang noo niya dahil mag-a-alas singko palang ng hapon. Agad niyang naalala ang bilin ni Primo kaya i-iignora niya sana ang kung sinong kumakatok sa pintuan at akmang babalik na sa kaniyang pagkakahiga.

“Magandang practice ‘yan, akala ko hindi tatandaan ang sinabi ko sayo about sa pagkatok sa pintuan mo.”

Agad na napatayo si Romary sa kama niya ng marinig niya ang boses ni Primo at mabilis na pumunta sa pintuan at akmang bubuksan ang pintuan ng matigilan siya.

“Teka? Bakit ka kumakatok sa pintuan ko? Huwag mong sabihin na sinusubok mo na naman ako kung bubuksan ko o hindi ang pintuan ko.”saad na tanong ni Romary kay Primo na rinig niyang bahagyang ikinatawa nito.

“Hindi ako nagpunta sa chamber mo para makipag laro o subukan ka, buksan mo ang pintuan dahil magsisimula na ang trabaho mo.”ani nito na agad binuksan ni Romary ang pintuan at agad na tumambad ang matikas at gwapong si Primo sa kaniyang harapan.

Bad boy look na hindi alam ni Romary kung bakit pinupuri ng isipan niya ang gwapong lalaking nasa harapan niya gayong marami nakitang gwapong lalaki na isang beses niya lang purihin at hindi na nauulit pa.

“Trabaho? Pero maaga pa diba? 5pm ba ang usual na pagsisimula ng trabaho dito sa pub?”tanong ni Romary na ikinapamulsa ni Primo ng dalawang kamay niya.

“7pm ang bukas ng pub, alas siete ng gabi nagsisimula ang kalakaran dito. At dahil bago ka dito, kailangan mong makita ang bawat sulok ng lugar na ‘to. Ang trabaho mo ay hindi lang dito sa pub na ‘to, sasakop sa labas ang trabaho mo bilang waitress. Siguro naman nakita mo ang mga bahay ng pumunta ka dito.”simulang paliwanag ni Primo na ikinatango ni Romary.

“Nakita ko nga, ang dami nga pero parang walang mga taong nakatira.”

“Wala talagang nakatira sa mga bahay na ‘yun dahil inn ang bawat isa sa mga iyon, doon natuloy ang mga VIP’s costumer to relax, to have sex with women working in this pub. Bilang isang waitress, kailangan mong maging pamilyar sa lugar na ‘to. Ako ang inutusan ni Diablo na samahan ka para libutin ang buong lugar, dagdag trabaho ko pero dahil team up ang waitress at bartender dito wala akong choice.”ani ni Primo sa kaniya.

“Kaya tara na, huwag kang babagal-bagal.”ani pa ni Primo na nagsimula ng maglakad.

Agad na kumilos si Romary at sinara na ang kaniyang pintuan, mabilis siyang sumunod kay Primo. May pagkka masungit si Primo para kay Romary pero sa tingin niya ay ito lang muna ang pakikisamahan niya ng ayos lalo na at alam niyang hindi ito ganun kasama katulad ng mga unang nakilala niya sa lugar kung nasaan siya ngayon.

Isa pa, magandang opportunity para kay Romary na malibot ang buong lugar. Masasaulo niya ang bawat sulok na magiging mabilis para sa kaniyang gumawa ng plano para sa gagawin niya kay Mr. V. Though, Romary feel disgusted sa lugar dahil sa takbo meron ito, isang maduming lugar ang nakikita niya dahil sa kalakaran merin ito kaya mas naging good reason kay Romary na mapatay si Mr. V na maituturing niyang salot para sa lipunan.

“Primo, sabi ni Diablo pwedeng ipatawag ako ni Mr. V para makilala ng personal. Sa tingin mo kailan niya ako ipapatawag para makita?”usisang tanong ni Romary kay Primo ng sabayan niya ito sa paglalakad nito.

“Gusto mong makita si Mr. V? Sa tanong mo parang excited kang ipatawag ka niya, baka pagsisihan mo.”ngising ani ni Primo.

“Bakit naman?”

“Mr. V is an evil person, he do what he wants, and he get what he wanted. A dangerous man, he is an afflicted man kaya huwag kang ma excite na makita siya. Off limit ka kay Diablo, pero pagdating kay Mr. V kahit recommended ka ni Valdemor he won’t budge nor care at all. He might eat you alive.”sagot ni Primo na mapaglarong ngiting lumingon sa kaniya.

“So don’t anticipate of meeting him, baka pagsisihan mo.”ani ni Primo bago nito inalis ang tingin nito sa kaniya.

Sa mga narinig niya kay Primo, masasabi ni Romary na hindi basta-basta ang kaniyang target, kaya kailangan niyang pagplanuhang mabuti ang gagawin niya dahil maaring matalino ang taong dapat niyang iligpit at ibigay sa CIA.

“Paano pag pinatawag niya ako? Hindi naman siguro siya gagawa ng labag sa gusto ko hindi ba? Na he will have his way kahit ayaw ko?” ani ni Romary na nagkunwaring biglang natakot sa mga narinig niya kay Primo.

“Pag pinatawag ka ni Mr. V, magdasal ka sa kahit sinong kilala mong santo na makalabas ka sa opisina niya ng buo.”ani ni Primo nng matigilan ito sa paglalakad at lingunin si Romary na napahawak sa kanang braso nito.

“P-pwede bang pag pinatawag niya ako ay samahan mo ako, sumama ka sa akin katulad ng pag-sama mo ng dalhin mo ako sa opisina ni Diablo.”ani ni Romary na ikinatitig ni Primo sa kaniya.

“Ayoko, isang beses lang kung tumulong ako. Natulungan na kita kaya bahala ka na sa sarili mo, hindi kita obligasyon at hindi kita kargo.”ani ni Primo na tinabig ang kamay ni Romary na nakahawak sa braso niya na kita niyang bahagyang ikinasimangot ni Romary sa kaniya.

“Ibig sabihin hahayaan mo ako? Akala ko pa naman mabait ka kahit papaano, hindi pala.”reklamong ani ni Romary na seryosong ikinatitig ni Primo sa kaniya.

“Hindi ako mabait, Flaxen, lahat ng tao dito may kasamaan. Lahat ng tao dito sa impyerno ang deretso at isa ako sa mga taong huwag mong iisipin na mabait. I can kill you once you get into my nerves, kaya huwag ka nang tanong ng tanong diyan. Tandaan mo lahat ng dadaanan natin, dahil sa trabaho mo mamaya hindi pwede dito ang tatanga-tanga.”pahayag ni Primo na nagsimula ng maglakad ulit na bahagyang ikinaingos ni Romary habang nakatingin sa likuran nito.

“Sungit ah, pasalamat ka nga dumaan sa isipan ko na kahit papaano mabait ka. Ngayon, sa mga sinabi mo nawala na sa isipan ko ‘yun. Dinaig pa ang babae kung magsungit.”bulong na ani I Romary sa kaniyang sarili bago sinundan na si Primo

Sa isa’t kalahating oras na iginala siya ni Primo sa kabuuan ng pub at labas nito kung nasaan ang mga inn na tinutukoy nito, ay walang segundo na hindi siya nakakatanggap ng pagsusungit kay Primo. May pagkakataon na tinatawanan siya nito at minsan ay susungitan na naman siya, kaya nahihirapan si Romary na tantsahin ang ugali ni Primmo.

After ng paglilibot nito ay ibinalik na siya ni Primo sa chamber niya upang makapag-ready na sa unang trabaho niya sa pub. Umaasa si Romary na makikita niya si Mr. V ngayong gabi, gusto niyang makilala kung sino ang kaniyang target. Ang nasa isip ni Romary ay matanda na ito at may tungkod na dala-dala, kung saan sa isipan ni Romary ay alam niyang mabilis niyang matatapos ang misyon niya.

Nagpalit na si Romary ng uniform na susuotin niya, napangiwi nalang siya dahil sa ikli ng palda na suot niya. Kita pa ang braso niya na malayong-malayo sa itsura ng isang waitress sa isang bar. Napapailing nalang si Romary sa itsura niya na kahit ayaw niyang lumabas ng ganun kahalay ang suot ay wala siyang magagawa dahil kailangan niya itong sikmurain.

“Sa itsura at suot ko malamang pagpyestahan ng mga manyak sa lugar na ito ang katawan ko, langya. Waitress ako hindi p****k, hindi ba uso desenteng kasuotan para sa katulad kong waitress, kahit sa damit man lang. Ano bang trip ng Mr. V na ‘yun, siguro matandang manyak ang isang ‘yun kaya ganito anng pinasusuot niya.”inis na angal ni Romary na nagpambuntong hininga nalang.

Wala ng magagawa si Romary kaya hinintay nalang niya na tumunog ang chime na sinabi ni Primo sa kaniya bago siya nito iwan, ang chime na maririnig niya ay hudyat ng paglabas niya sa chamber niya.

Hindi na din naman nagtagal ang paghihintay niya ng marinig niya ang pagtunog ng chime, huminga ng malalim si Romary at lumabas na sa kwarto niya kung saan bahagya siyang natigilan sa mga babaeng nakikitang isa-isang naglalabasan sa mga chambers. Nagugulantang si Romary sa mga babaeng mas mahalay pa ang suot sa kaniya, na kulang nalang ay maghubad ang mga ito.

“Ano bang klaseng lugar ang binuo ng Mr. V na ‘yun?”hindi makapaniwalang bulaslas ni Romary ng bahagya siyang magulat ng may tumapik sa balikat niya mula sa likuran.

Nang lingunin niya ito ay isang babaeng may kaliitan siyang nakita kung saan kaparehas niya ng suot.

“Bagong waitress ka noh? Ikaw ang pang tatlong waitress dito sa pub, anong rason ng pagpasok mo?” malawak na ngiting tanong nito sa kaniya.

“P-pera…”sagot ni Romary na bahagyang ikinahagikgik nito sa kaniya.

“Lahat naman ‘yan ang rason, ako nga pala si Linda. Ikaw anong pangalan mo?”pagpapakilala nito sa kaniya.

“Rose ang pangalan ko.”

“Ako naman si Linda.”

Sabay na napalingon sina Romary sa isang babaeng may katangkaraan naman sa kaniya na seryoso ang mukha na katulad nilang naka uniform.

“Bumaba na tayo, malalagot tayo kay Diablo pag hindi niya tayo naabutan sa baba para salubungin ang mga VIPs.””ani nito na binaling ang tingin sa kaniya bago ito naunang naglakad sa kanila.

“Halika na Rose.”ngiting ani ni Linda na ikinatango ni Romary na sabay nilang ikinalakad.

“Pagpasensyahan mo na si Yonna, nagsusungit lang ‘yan pero mabait naman siya. Mukha masungit pero ngumingiti ‘yan pag si Primo ang kaharap.”saad ni Linda.

“Bakit, may gusto ba siya kay Primo?”usisang tanong ni Romary.

“Patay na patay si Yonna kay Primo.”ngiting sagot ni Linda na ikinatango lang ni Romary

Sa gwapo ni Primo malamang na pagnasahan at magkagusto sa kaniya ang mga babae na narito. Ani ni Romary sa isipan niya ng may biglang pumasok sa isip niya.

“Linda, ‘yung mga babaeng kulang nalang ay maghubad, anong trabaho nila dito?”

‘Sila? Mujer ang tawag sa kanila, mga babaeng bayaran at nagbibigay aliw sa mga VIPs.”sagot ni Linda sa kaniya na hindi na ikinaimik ni Romary.

Nagsisimula na si Romary na kamuhian ang lugar na kinalalagyan niya, maituturing niyang katulad ng Sodom at Gomora ang lugar na yon dahil sa mga ginagawang kasalanan sa lugar na ‘yun.

Magtatanong muli sana si Romary tungkol naman kay Mr. V nang mapansin niyang nakababa na sila kung saan agad na natuon ang tingin ni Romary sa mga babaeng mujer na mga nakapwesto sa malawak na stage na parang display.

“Ladies!”

Nawala ang tingin ni Romary sa mga mujer ng lingunin niya ang bagong dating na si Diablo.

“Galingan niyo ang trabaho niyo ngayon, make the VIPs satisfied with your entertainment.”ani ni Diablo na narinig ni Romary na sabay-sabay na ikinasagot ng mga mujer na rinig ni Romary ang excitement sa mga boses ng mga ito.

Bumaling naman ang tingin ni Diablo sa kanila at naglakad palapit sa kinatatayuan nila.

“Galingan niyo din sa trabaho niyo, serve the VIPs very well.”ani nito na bumaling ng tingin si Diablo kay Romary.

“This is your first job, galingan mo. Hindi uso ang kapalpakan dito sa oras ng trabaho, Ms. Beautiful. Don’t worry, off limits kayo sa mga VIPs. Wala kang ibang gagawin kundi i-make sure na babalik sila. I’m sure naipakita na ni Primo sa’yo ang buong lugar, bawala ang maligaw dito naiintindihan mo, Rose?”ani na mga bilin ni Diablo na ikinatango ni Romary.

“Aayusin ko ang trabaho ko.”sagot ni Romary na bahagyang ikinangisi ni Diablo.

“That’s the spirit. Anyway, narito mamaya si Mr. V dito dahil may imi-meet siyang client, don’t make any scene. Ayaw na ayaw ni Mr. V ng palpak na trabaho.”saad ni Diablo na ikinasagot nilang tatalo.

Makikita ko ng personal si Mr. V, ngayon makikita ko na ang mukha ng target ko. Once I see his face, magsisimula na ako sa kung anong way ko siya papatayin. Saad ni Romary sa kaniyang isipan nang mapansin niyang hindi niya makita si Primo.

Agad na nilingon ni Romary ang bar counter, pero wala pa ito.

Nasaan ang masungit na ‘yun?

“Pumunta na kayo sa mga pwesto niyo, ilang minuto nalang the party will start this night.”pahayag ni Diablo bago ito sumisipol na naglakad paalis sa harapan nila.

Naghiwalay na sina Linda at Yonna upang pumwesto sa mga pupwestuhan ng mga ito, hinahanap naman ng mga mata ni Romary si Primo na hindi niya makita sa bawat sulok ng pub.

“Hindi ba siya on time pumasok?” tanong ni Romary sa kaniyang sarili.

Miya-miya pa ay nakikita ni Romary na isa-isa ng may nagdadatingan sa pub nila na sa mga kasuotan ng mga ito ay alam ni Romary na mga alta-sosyal, mayayaman, business o may katungkulan sa gobyerno. Napapailing si Romary lalo na at may nakita siyang isang major sa kapulisan na natatandaan niyang nagpalaya ng mga nagbebenta ng droga pero nakalusot ito.

“Tingnan mo nga naman, talagang naakit ng lugar na ito ang mga kalat sa lipunan.”bahagyang ngising ani ni Romary.

At dahil walang Primo ang nagtao sa bar counter ay sina Romary ang kumuha ng mga alak at nagse-serve sa mga VIPs, may ilan sa mga ito na tagusan kung tumingin sa kanila, binabalewala nalang ni Romary ang mga titig sa kaniya. Patuloy silang nagse-serve ng mga alak nang mapalingon si Romary sa major na nakita niyang nagtaaas ng kamay at pumili sa mga babaeng mujer na nasa stage.

Napakunot ang noo ni Romary habang nakatingin siya dito lalo na ng tumayo ang babaeng mujer na pinili nito at lumapit sa major. Agad itong inakbayan ng major nang mawala ang tingin niya sa mga ito ng bahagya siyang banggain ni Yonna, na ikinalingon niya dito.

“Huwag ka lang tumunganga diyan, nakapili na ang isang VIP, ihatid mo na sila sa inn.”sitang utos nito sa kaniya.

“Ihahatid ko sila?”turo ni Romary sa kaniyang sarili na ikinataas ng kilay ni Yonna.

“Dahil bago ka, dapat mabinyagan ka sa ganitong trabaho. Hindi lang tayo nagse-serve ng alak sa mga VIPs dito, once na makapili na sila ng kahit sino sa mga mujer ay ihahatid natin sila sa isa sa mga inn sa labas. Kaya kumilos ka na.”singhal nito na bahagyang tinulak pa siya.

Walang nagawa si Romary kundi lapitan ang major na akbay-akbay sa malaswang haplos ang babaeng mujer na napili nito. Iginaya na niya ang dalawa palabas ng pub, nangunguna siya sa dalawa at naririnig niya ang mahalay na mga salitang binibitawan ng major sa napili nitong mujer. Gustong sapakin ni Romary ang maduming bibig ng major pero pinipigilan niya lang ang kaniyang sarili, binalewala nalang niya ang mga naririnig niya hanggang maihatid niya ang dalawa sa inn ng mga ito, na deretsong pumasok.

Nang makapasok na ang dalawa sa loob ay nakatitig lang si Romary sa tapat ng inn, hindi pa niya ikinikilios ang mga paa niya upang bumalik sa pub, nang miya-miya pa ay nakarinig na siya ng malakas na ungol ng babaeng mujer na napili ng major na bahagyang ikinatiim ng panga ni Romary.

Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad habang palayo siya ng palayo at hindi na niya naririnig ang mga halinghing at ungol ng babaeng mujer na hindi maintindihan ni Romary kung bakit pumapayag ang mga ito.

“Curse this place.”ani Romary bago siya nagmadali ng bumalik sa pub napagkapasok na pagkapasok niya ay natigilan siya sa isang naka formal suit na may pamilyar na tindig siyang nakikita dito habang nakatalikod ito sa kaniya.

May mga foreigners itong kausap gamit ang ibang lenggwahe, pamilyar din ang boses nito pero ibang pitch ito na bahagyang ikinakunot ng noo ni Romary, na sa tingin niya ay naramdaman nito na may nakatingin sa likuran nito kaya agad itong lumingon sa kaniya.

Nakamaskarang itim ang lalaking ‘yun, pamilyar ang tindig nito, ganun din sa boses nito na may ibang pitch lang siyang narinig, pero ang mga mata nitong tanging nakikita lang ni Romary sa maskara nito na tumataklob sa buong mukha nito, masasabi niyang estranghero ito.

Naalis lang ang malamig at estrangherong tingin nito sa kaniya ng dumating si Dibalo sa tabi ng mga ito.

“Mr. V, ready na ang VIP room conference niyo.”saad ni Diablo na bahagyang ikinalaki ng mga mata ni Romary ng banggitin ni Diablo ang lalaking nakamaskara na kausap nito.

Siya si Mr. V?! So hindi siya matanda? Bulaslas ni Romary sa kaniyang isipan ng makita niyang umalis na ang mga ito habang nangunguna si Diablo sa paglalakad nito.

“Bakit nakamaskara siya? Paano ko makikita ang mukha niya kung natatakpan ng maskara?” mahinang angal ni Romary ng makita niya si Yunno na masungit ang tingin na lumapit sa kaniya.

“Pwede bang huwag kang tatayo-tayo lang diyan, trabaho na.”singhal na sita nito sa kaniya na ikinatango niya dito.

Inirapan siya nito bago ito umalis sa harapan niya, ibinalik naman ni Romary ang tingin niya sa nilakaran kung saan ang isa sa mga ito ay si Mr. V.

“Akala ko magiging madali lang ‘to, mukhang matatagalan ako dito bago ko matapos ang dapat kong tapusin. Pero bakit ganun, I felt familiar yet unfamiliar presence to him. Weird.”sambit ni Romary na rinig niyang sininghalan na naman siya ni Yonna, na agad niyang ikinakilos.

Bigo si Romary na makita kunng sino si Mr. V dahil nakamaskara ito, kaya nasisiguro niya na matagal na pagtitiis ang gagawin niya habang nasa pub siya hanggang matapos ang trabaho niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status