Share

His Touch, She Froze

HATING GABI na pero mas nakita ni Romary na mas madaming VIP’s costumer ang nagdadatingan, at marami na rin sa mga ito ay naihatid niya sa bawat inn. Hindi nalang mapigilan ni Romary na mapangiwi dahil kada daan niya ay puro malalakas na ungol ang naririnig niya mula sa mga inn. Hindi alam ni Romary kung maawa ba siya sa mga kababaihang mujer na pinapagamit ang kanilang mga katawan sa mga lalaking kumukuha sa kanila, o mapapailing nalang siya dahil nakikita niya na walang angal naman ang mga ito at mukhang ag-eenjoy pa.

At dahil naging mas madami ang VIPs nila ay mas naging abala sila sa pages-serve sa mga ito, naiinis naman si Romary dahil kanina pa niya hindi nakikita si Primo sa post nito kaya mas nahihirapan sila dahil imbis na ibinibigay nalang nito ang mga orders ay sila parin ang kumukuha, dahilan upang maging doble trabaho sa kanila.

Kapapatong lang ni Romary sa tray na dala niya at malalim na nagpambunting hininga dahil sa pagod ng pabalik-balik na lakad sa pub. Hindi niya inasahan na ganito kabuhay ang pub ng gabi samantalang sa umaga ay para itong ghost town, nararamdaman na niya ang pangangawit ng kaniyang mga paa pero alam niyang wala siyang magiging pahinga ng ayos ngayong gabi dahil padagsa ng padagsa ang mga VIPs ng pub.

Inilingon naman ni Romary ang tingin niya sa may hallway na dinaanan nina Diablo kung saan naroon ngayon ang target niya na si Mr. V, at mga foreigners na kasama nito. Nasisiguro ni Romary na ang sadya ng mga foreigners na ‘yun ay may kinalaman sa mga droga na hawak ni Mr. V. Gustong pumunta ni Romary sa lugar na ‘yun pero alam niyang hindi siya basta-basta makakalapit doon lalo pa at madami silang dapat i-serve na VIPs, na muli niyang ikinabuntong hininga.

“Mahihirapan ako sa trabaho ko ngayon, hindi ako pwedeng padalos-dalos kung hindi ko pagpaplanuhang mabuti ang gagawin ko.”mahinang sambit ni Romary ng mapalingon siya sa kasamahan niyang si Rosset na nagpunta ng bar counter upang kumuha ng alak.

“Pagod ka na ba, Rose? Ganito talaga dito sa pub, gabi-gabi sobrang matrabaho ang ginagawa dito sa dami nng nagdadatigan na VIPs. Masasanay ka din.”ngiting ani ni Linda na pumasok sa bar counter upang kunin ang mga alak na kailangan nito.

“Kaya ko namang sanayin ang sarili ko, kaya lang hindi ba parang unfair dahil wala si Primo na dapat ay nakapwesto dito sa bar counter at tinutulungan tayo?”ani ni Romary na ikinalingon ni Linda sa kaniya.

“May gabi talaga na minsan nala-late ng dating si Primo sa trabaho niya, sanay na naman kami dahil sigurado kami na may pinagagawa pa si Diablo sa kaniya bago dumaretso dito sa bar counter.”sagot ni Rosset na bumalik na sa ginagawa nito.

“Hindi mo kailangan magreklamo dahil wala si Primo, gawin mo nalang ang trabaho mo.”ani naman ni Yonna na kararating lang sa bar counter na ikinalingon ni Romary dito.

“Penge akong limang bote ng rum, Linda.”saad nito kay Linda bago ito mapanuring lumingon sa kaniya.

“Huwag kang magkakamali na mag kagusto kay Primo, ayoko ng may ibang katulad ko na gusto siya.”bilin na banta ni Yonna kay Romary na bahagya nitong ikinatawa.

“Huwag kang mag-alala, Yonna, gwapo si Primo pero hindi siya ang mga tipo kong lalaki.”ngiting depensa ni Romary sa banta ni Yonna sa kaniya.

“Anong tipo ba ng lalaki ang gusto mo?”

Sabay-sabay na napalingon sina Romary kay Primo na bagong dating na inaayos ang bow tie sa may leeg nito habang naglalakad papasok sa bar counter.

“Magandang gabi Primo.”malawak na ngiting bati ni Yonna na halatang halata ni Romary ang pagkagusto nito kay Primo.

“Masyado bang mataas ang tipo mo sa isang lalaki na hindi ako papasa? Am I not that handsome in your eyes, Ms. newbie?”baling na tingin ni Primo ng tumigil ito ng tayo sa harapan ni Romary na agad ikinawalan ng ngiti ni Yonna dahil hindi siya nagawang batiin pabalik ni Primo, na ibinalik nito ang tingin kay Romary.

“Dumating ka pa? Hindi ba at bartender ka at trabaho mo na tulungan kami dito sa pages-serve sa mga VIPs, bakit ngayon ka lang dumating?”pag-iibang sermon ni Romary kay Primo na napatitig sa kaniya.

“Bakit mo sinesermunan si Primo? Ano naman kung late siya? Bago ka palang dito marekl---“

Hindi natuloy ni Yonna ang sasabihin niya ng mapalingon sila kay Primo na biglang malakas na natawa sa kinatatayuan nito, wala naman nakapansin sa kanila dahil sa ingay na din ng pub.

“Ikaw ang kaunna-unahang nanermon sa akin dahil late ako sa trabaho ko, pasensya na. May iba pa kasi akong ginawa bago ako nagpunta dito. Can we go back to our work?”ani ni Primo na hindi talaga magets ni Romary ang ugali nito.

May oras na masungit ito, may oras na seryoso, at ngayon ay parang mabait na nakikipag biruan sa kanila.

“Hindi kita magets.”bulaslas ni Romary na dinampot ang tray nito at nagsimula ng maglakad upang puntahan ang mga bagong dating na VIPs upang kunin ang mga oorderin ng mga ito.

Nakahabol tingin lang si Primo kay Romary na bahagyang napangisi dahil sa matapang na awra na pinapakita nito sa kaniya.

“Nag-iwan ako ng mga list diyan sa mga orders ng VIPs at ang mga nasa inn.”ngiting ani ni Linda na naglakad na din paalis sa bar counter upang dalhin sa mga VIPs ang kinuha nitong mga beer.

“Hi! Primo, kailangan ko ng limang bote ng rum.”agaw pansin ni Yonna kay Primo na walang imik na kinuha ang sinabi nito at pinatong na sa tray na dala nito bago ito seryosong tiningnan ni Primo.

“Next time that you said nonsense words about you feelings to me Yonna, I won’t hesitate na patayin at itapon ang katawan mo sa dagat para ipakain sa mga pating. Ang ayoko sa lahat ‘yung inaangkin ako ng walang consent ko, ayusin mo nalang ang trabaho mo.”seryosong banta ni Primo kay Yonna na bahagyang natakot at nalungkot na umalis ng bar counter.

Nang bumalik si Romary sa bar counter para sabihin ang order ng mga bagong dating ng VIPs ng magkasalubong niya si Yonna na nag-iba ng ekspresyon ng mukha. Napakunot anng kilay ni Romary nng makalapit na siya sa bar counter.

“Sampung Jack Daniel, pakibilisan lang.”ani ni Romary kay Primo na bahagya siyang nginisian.

“Are you giving commands to me?”

“Hindi, kasi trabaho mong ibigay ang mga orders ng mga VIPs, late ka na nga parang ayaw mo pang magtrabaho.”bahagyang angal ni Romary nang sabay silang mapalingon ni Primo sa mga foreigners na mga lumabas na habang kasabay nito si Diablo pero wala si Mr. V.

Sinundan nila ng tingin ang mga ito hanggang makalabas ang mga foreigners, sa tingin ni Romary at tapos na ang transaction ng mga ito pero nagtataka si Romary kung bakit hindi kasamang lumabas ng mga ito si Mr. V.

“Baka mabali ang leeg mo kakasunod ng tingin sa mga bisita ni Diablo.”sitang puna ni Primo kay Romary na bumalik ang tingin sa kaniya.

“Kasama kasi nila kaninang pumasok sa loob si Mr. V, pero hindi nila kasama ngayon. Ibig sabihin naiwan ang boss natin sa conference room na pinasukan ng mga ito.”saad ni Romary.

“So? Anong pakialam mo kung naroon nga si Mr. V?”biglang seryosong tanong ni Primo.

“W-wala, masama bang magbigay ng sasabihin. Ibigay mo na nga ‘yung hinihingi kong alak.”saad ni Romary.

Sa tingin ni Romary ay kailangan niya ding mag-ingat sa mga ilalabas ng bibig niya, hindi niya pwedeng ipahalata kahit kanino o lalo na sa kaharap niya na interesado siya kay Mr. V dahil target niya ang mga ito.

“Bakit hindi ikaw ang kumuha.”seryosong saad ni Primo na ikinatunganga ni Romary diuto.

“Alam mo ang gulo ng attitude mo, hindi ko magets eh. Nagshi-shift ang pagsusungit mo sa minsang okay na ugali mo.”angil ni Romary na naiinis na naglakad papasok sa bar counter.

Isang araw pa lang niya nakikilala si Primo pero sumasakit na ang ulo niya sa pabago-bago ng ugali nito, anng akala niyang mabait kahit papaano dahil tinulungan siya nito ay biglang magsusungit, biglang matatawag tapos magsusungit na naman.

Hinanap ng mga mata niya kung nasaan ang alak na kailangan niya, binuksann niya ang mga cabinet sa baba at ng hindi niya makita ay mga cabinet naman sa taas ang tiningna niya na nahihirapan siyang abutin dahil sa taas ng mga ito.

“Baka naman gusto mo akong tulungan dito, asan ba kasi ‘yung Jack Daniel na ‘yun?”angal ni Romary habang pilit niyang inaabot ang isang cabinet.

Natigilan lang si Romary sa pagpipilit na maabot ang cabinet ng isang kamay ang magbukas nito, nakita niya ang ang isang matipunong braso sa gilid ng mata niya at ramdam niyang may malapit na katawan na nakatayo sa likuran niya.

“May nakikita kang Jack Daniel sa cabinet na ‘yan?”sambit na tanong ni Primo na ikinabalik ng tingin ni Romary sa cabinet kung saan ibang alak ang nakikita niya doon.

Hindi alam ni Romary kung bakit biglang kumabog ang dibdib niya dahil lang sa magkalapit sila ni Primo sa mga oras na ‘yun.

“S-saan ba kasi nakalagay ‘yung mga Jack Daniel para maibigay ko na sa mga may order na VIP natin, umalis ka nga diyan sa likuran ko.”angal ni Romary na akmang aalis pero hindi nito magawa dahil hindi naalis si Primo sa likuran niya at nakataas pa din ng braso nito.

“Ikaw ang bagong apple of the eye ng mga VIPs na hindi ka pwedeng makuha dahil employee ka dito, they’re ogling your body while walking towards here, hindi ka ba naiilang?”ani na pahayag ni Primo sa kaniya.

“Hindi ko na nga lang pinapansin ang mga malalaswang titig nila dahil tulad ng sabi mo hindi nila ako makukuha. Hanggang tingin lang naman sila, kahit hawak nila hindi nila magagawa. Kaya tingnan lang nila ng tingnan, dahil sasakit lang ang mga mat---“

Hindi natuloy ni Romary ang sasabihin niya at nahigit niya ang kaniyang paghinga ng maramdaman niya ang isang kamay ni Primo na lumusot sa loob ng damit niya dahilan upang maramdaman niya ang bawat haplos nito sa balat ng kaniyang tiyan.

“Paano kung ako ang humawak sayo, I’m not a VIP though bawal ko din itong gawin, anong gagawin mo?” buong ni Primo sa kanang tenga niya na ikinataas ng mga balahibo niya sa klase ng boses ni Primo.

Parang nakain ni Romary ang kaniyang dila dahil wala siyang mailabas na salita sa bibig niya habang nagtataasan lalo ang balahibo sa katawan niya, dahil sa mabining paghaplos ni Primo sa bandang tiyan niya. Para siyang natuod, dapat at sinisipa niya ito upang lumayo sa kaniya pero hindi niya magawang kumilos.

“Kung wala kang gagawin baka tumaas ang mga kamay ko?”ngising ani ni Primo sa mga tenga niya na ikinalunok ni Romary sa kinatatayuan niya.

“U-Um-Uma—“

Shit! Bakit nahihirapan akong magsalita, damn! Romary itulak mo kaya siya. Singhal ni Romary sa kaniyang sarili na bahagyang ikinalaki ng mga mata niiya ng maramdaman niyang dahan-dahan na tumataas ang kamay ni Primo na humahaplos sa balat niya palapit sa kaniyang dibdib.

Romary froze in Primo’s touch at hindi niya alam kung bakit hindi siya makakilos sa kinatatayuan gayong minomolestiya na siya ni Primo.

Ramdam niyang malapit ng makarating ang kamay ni Primo sa kaniyang dibdib ng mapapikit siya.

“Huwag!”tanging salitang bulaslas na lumabas sa bibig ni Romary na rinig niyang bahagyang ikinatawa ni Primo sa tapat ng kaniyang tenga.

“Akala ko wala kang gagawin, anyway, iba-iba ang attitude ko. Minsan nagiging bastos ako pero sayo ko unang ginawa ‘to, so don’t provoke me Rose.”sambit ni Primo sa niya ng ramdam niyang lumayo na ito sa kaniya.

Inalis na nito ang kamay niyang nasa loob ng damit niya at binuksan ang isang cabinet kung saan naroroon ang Jack Daniel na hanap ni Romary. Kumuha si Primo ng ilang bote na sinabi ni Romary habang hindi parin makakilos ito dahil sa ginawa ni Primo.

“I will let you rest here, ngayong gabi lang dahil pinahawak mo naman ako sa balat mo. But next time kailangan mong pumalag pag may ibang magtatangkang humawak sayo, though it will be pleasure to me kung ako lang ang hahayaan mo.”rinig niyang pahayag ni Primo ng lingunin ito ni Romary kung saan nakaalis na ito.

Pabagsak na umupo si Romary sa sahig habang ramdam niya ang pagkabog ng puso niya sa ginawa ni Primo sa kaniya. He touch her body at ang hindi malaman ni Romary ay bakit hindi siya nakapalag, wala siyang magawa sa mga haplos ni Primo sa balat niya.

“What the fvck did happen?” naguguluhang bulaslas ni Romary na parang ramdam pa niya ang kamay ni Primo na humahaplos sa kaniya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status