Share

The Begginning of her Mission

HINDI INAKALA ni Romary na masyadong delikado ang lugar na pinasukan niya, kanina lang ay muntik na siyang galawin ng kung sinong lalaki at hindi man lang siya makalaban. Mabuti nalang at dumating ang gwapong lalaki na naglalakad sa unahan niya, natulungan man siya nito ay hindi parin siya papakampante dahil ayaw niyang malinlang ng kahit sino sa lugar na 'to.

"Primo ang pangalan mo, tama?" usisang tanong ni Romary na bahagya siyang nilingon nito nang sabayan siya nito sa paglalakad.

"Dapat ba akong matuwa na natatandaan mo ang pangalan ko, Rose?" bahagyang ngising ani ni Primo na ikinaingos ni Romary.

"Makakatrabaho kita sa pub na 'to, kaya mas mainam na kilala kita."

"Bakit ka nga ba pumasok sa pub na 'to? Ang isang tulad mong maganda ay hindi nababagay magtrabaho dito."ani na tanong ni Primo kay Romary.

“Tulad ng sabi ko kanina, nangangailangan ako ng pera. Kahit nakakatakot ang lugar na ‘to kailangan kong tiisin.”pagda-drama ni Romary upang hindi siya paghinalaan ng iba ni Primo..

“Yeah, basta pagdating sa pera kahit magiging mitsa ng kamatayan mo wala kang hindi kayang gawin.”ani ni Primo na ikinalingon ni Romary dito.

“Iyon din ang dahilan kung bakit dito ka nagtatrabaho?”

“Lahat ng narito ‘yun ang dahilan, namatay ang nanay ko dahil wala kaming pera. Money is everything, kakayan-kayanin ka pag wala kang pera.”seryosong pahayag ni Primo na bahagyang awa ang naramdaman ni Romary para dito ng siya naman ang lingunin nito.

“Nalaman ko kay Diablo na ni-recommend ka ng isang malaking tao para maging waitress dito, mukhang malakas ang kapit mo. Ang mga babaeng desperada gustong maging parte ng lugar na ito, dumadaan muna sila sa initiation kay Diablo.”ani ni Primo na ikinasalubong ng noo ni Romary.

“Initiation? Ano namang initiation ‘yun?”ani na tanong ni Romary na ikinaalis ng tingin ni Primo sa kaniya.

“Sex.”

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Romary sa sinabi ni Primo sa kaniya, hindi niya akalain na ganun ang gagawin para lang makapasok o maging isa sa lugar na kinalalagyan niya. Lihim na napamura si Romary dahil hindi niya naisip na ganito kalala ang bago niyang mission, na nakikinita niyang mahihirapan siyang mapatay ang target niya na si Mr. V.

“G-gawin ko din ba ang initiation na ‘yun?” hindi naiwasan ni Romary anng kabahan sa initiation na binanggit ni Primo sa kaniya.

Literal na bahagya siyang kinabahan, at napalunok si Romary dahil kung ano-ano na ang pumapasok sa utak niya na ayaw niyang mangyari, nang mapalingon siya kay Primo ng malakas itong tumawa.

“Ba-bakit ka natatawa diyan?”

“Nakakatawa ang reaksyon ng mukha mo, huwag kang mag-alala. Recommended ka ng isang malaking tao kaya makakalagpas ka sa initiation ni Diablo, though manghihinayang ang isang ‘yun.” Saad  ni Primo na ikinahinga ng maluwag ni Romary.

“Teka? Iyang Diablo na sinasabi mo, siya ba ang boss dito?” usisang tanong ni Romary.

Gustong masiguro ni Romary na dito niya matatagpuan ang mission niya, alam niyang gusto ng CIA na mahuli agad si Mr. V kaya gusto ni Romary na matapos niya agad ang trabaho niys, upang sunod niyang pagtuunan ng pansin ang mga nahanap na tao ni Fraeya na may kinalaman sa massacre sa bahay ampunan.

“Hindi, si Diablo ang inatasan ni Mr. V na mamahala sa pub at lugar na ‘to pag wala siya. Pero dahil recommended ka ng isang mataas na tao, baka makita mo si Mr. V ng personal, maswerte ka.”saad na sagot ni Primo na akmang magtatanong pa si Romary nanng huminto si Primo sa  tapat ng isang pintuan, na ikinatigil na rin niya.

Walang katok-katok na binuksan ni Primo ang pintuan ng kwarto na bahagyang ikinagulat ni Rommary, dahil kung bartender lang ito at ang Diablo na binabanggit nito ay matatawag niyang kanang kamay ng target niya, dapat ay kumakatok muna ito.

Nakita niyang pumasok na si Primo sa loob kaya agad niya itong sinundan at hinawakan ang laylayan ng itim na tshirt na suot nito.

“Dapat kumato---“

“Oh shit! I’m already n-near, Diablo…”

Agad na napalingon si Romary sa ungol na kaniyang narinig dahilan upang hindi niya matapos ang sasabihin niya kay Primo. Nanlaki ang mga mata niya at literal na nag jaw drop siya dahil lantarang nakikita ng kaniyang dalawang mata ang isang lalaking walang habas na naglalabas masok sa ari ng babaeng nasa ibabaw ng mesa nito, na agad ikinatago ni Romary sa malapad na likuran ni Primo.

Oh damn! Did I watch I fvcking live porn?! Gulantang na ani ni Romary sa kaniyang isipan.

“D-Damn Primo! Hi-hindi ka ba marunong kumatok!”may kalakasang sigaw na may kasamang haling-haling ng lalaking may katalik.

Agad na tinakpan ni Romary ang dalawang tenga niya dahil sa malalakas na ungol at d***g ng babae at ng lalaki na nag-eenjoy sa p********k ng mga ito.

“Pwede mo bang itigil ‘yan, dumating na ang bagong waitress.”pagbibigay alam ni Primo na rinig ni Romary na ikinamura ng lalaki at miya-miya ang angal ng babaeng katalik nito.

“Diablo! Bakit ka tumigil?! Malapit na kaya ako!”singhal  ng babae sa katalik nitong nagsisimula ng magbihis.

“Lumabas ka na at bumalik sa chamber mo, damn! Hindi lang naman ikaw ang nabitin, alis na.”

Hindi alam ni Romary kung sisilip ba siya o hindi pero miya-miya ay napalingon nalang siya sa babaeng dali-dali pero naiinis na lumabas ng kwarto na naka bra at panty lang.

“Ikaw ba si Rose Nepunan, ikaw ang babaeng recommended ni Valdemor?”rinig ni Romary na tanong ng lalaking alam niyang ito si Diablo na dahan-dahan niyang ikinalabas sa likuran ni Primo na nakatingin sa kaniya.

“A-ako nga, pa-pasensya na kung naka istorbo kami sa ginagawa mo.”ngiwing saad ni Romary nang kita niyang nakatitig ito sa kaniya.

“Gusto mo bang ikaw ang tumapos sa naistorbo niyo?”ngising saad nito na akmang sasagot si Romary ng maglakad si Primo palapit sa mesa nito.

“Alam mo ang rules pag may recommended sa pub na ‘to, hindi mo siya pwedeng galawin o hawakan Diablo.”pahayag ni Primo kay Diablo na lumingon dito.

Nagpapasalamat ni Romary na kahit papaano ay may puso si Primo.

“Nagbabakasakali lang naman, Primo, baka gusto niya din hindi ko siya tatanggihan.”ani ni Diablo.

Hindi itatanggi ni Romary na gwapo din ang Diablo na nakikita niya, matipuno din ang katawan nito at kung pagkukumparahin niya ito at si Primo, masasabi niyang hamak na malaki ang lamang sa kagwapuhan si Primo, sa pangangatawan at tindig nito.

“Pero dahil si Valdemor ang nagpasok sa kaniya dito, mukhang off limit ang isang ‘yan.”saad nito na umupo sa upuan nito kung saan si Primo ay pabagsak na umupo naman sa mahabang sofa meron sa loob ng kwarto nang lingunin siya nito at senyasan siya na magpunta sa harapan ng mesa ni Diablo.

Huminga ng malalim si Romary bago naglakad papunta sa harapan ng mesa ni Diablo na deretso at alam niyang may kakaibang tingin na binibigay sa kaniya.

“Kung maari lang huwag mo akong titigan na parang hinuhubaran mo ako.”sitang saad ni Romary kay Diablo na malawak na napangisi sa sinabi niya.

“You heard her how she talked to me, Primo? What can we expect sa recommendation ni Valdemor, though gusto kong malaman kung anong koneksyon mo sa taong ‘yun?”tanong nito sa kaniya na hindi masyadong kinabahan si Romary dahil alam na niya ang isasagot dito, tulad ng sinabi ni Fraeya sa kaniya.

“Hindi ko siya kilala, nangangailangan lang ako ng pagkakakitaan ng pera. May lumapit sa akin na isang lalaki at binanggit ang tungkol sa pub na ‘to, hindi ko alam kung siya ang Valdemor na sinasabi niyo pero dahil usapang pera ay tinanggap ko. Hindi ako ang klaseng babaeng mag-iinarte kung pera ang usapan.”pahayag ni Romary na walang mababasang kaba sa mga mata ni Romary na ikinatango ni Diablo.

“Sigurado ka ba sa pinasukan mo, Ms. Beautiful? Bibigyan kita ng pagkakataon na magbago ang isipan mo, kung hindi matibay ang sikmura mo hindi ka tatagal dito. At kung pumasok kang hindi buo ang loob dito lalapain ka ng mga lobo dito.”pahayag ni Diablo na agad na ikinatango ni Romaryr.

“Sigurado ako, hinanda ko ang sarili ko kahit hindi ko masyado alam ang lugar na ‘to, na iba pala ‘to sa mga lugar na napuntahan ko.”sagot ni Romary nang sumandal si Diablo sa upuan nito.

“That’s a good attitude, maganda ‘yan. Hawakan mo ang ganiyang tapang habang naririto ka dahil hindi din mabilis umalis sa lugar na ito.”wika ni Diablo na tumayo na sa pagkaka-upo nito.

“Dadalhin na kita sa chamber na magiging silid mo.”saad pa nito ng bahagya itong matigilan at mapangiti bago muling bumalik sa upuan nito na ikinakunot ng noo ni Diablo.

“Bakit nga ba ako ang magdadala sayo gayong ako ang boss ngayon dito, Primo! Dalhin mo siya sa chamber 54.”saad ni Diablo na ikinatayo na ni Primo sa kinauupuan nito at lumapit kay Romary.

“Tara na.”

Naunang naglakad si Primo papunta sa pintuan na agad din namang sinundan ni Romary.

“Oo nga pala Ms. Beautiful, ihanda mo ang sarili mo dahil isang araw ipapatawag ka ni Mr. V para makilala ng personal.”ani ni Diablo na bahagyang ikinayuko lang ni Romary dito bago tuluyang nakalabas ng kwarto nito.

Nang makita ni Romary na dere-deretsong naglalakad si Primo ay mabilis niya itog sinundan, hindi dahil natatakot siya sa lugar dahil kaya naman niya ang sarili niya. Iniiwasan niya lang na mapalaban dahil alam niyang pwede iyon paghinalaan sa kaniya.

“Sandali lang Primo! Wala ba ngayon dito ‘yung Mr. V na boss niyo? I mean boss natin?” usisang tanong ni Romary nang makahabol siya sa paglalakad ni Primo.

“Wala siya ngayon dito, at kung may tanong ka sa kaniya kay Diablo ka magtanong dahil tayong mga nasa mababang katayuan dito ay hindi pwedeng magtanungan tungkol sa boss natin. “sagot ni Primo sa kaniya.

Sa mga sinabi lang ni Primo, masasabi ni Romary na masyadong strikto at maingat ang target niya.

Matapos daanan nina Romary ang mahabang pasilyo ay kumaliwa sila at agad na nakita ni Romary ang may kataasang hagdanan. Tumaas doon si Primo kaya sinundan niya lang ito, nang makarating sila sa  taas ay tumambad sa mga mata ni Romary ang magkakahanay na pintuan, mula kaliwa pati sa kanan at lahat ng iyon ay may number katulad ng sa mga hotel room.

“Ito lang ang masasabi ko sayo Rose, huwag na huwag kang lalabas sa chamber mo pag sapit ng umaga kung ayaw mo maulit ang nangyari sayo kanina. Sa lugar na ‘to mas active ang mga narito sa gabi at sa oras lang na ‘yun applicable na walang gagawin ang mga lalaki sa kahit sinong babae na narito lalo na kung empleyado sa pub, sa umaga pwede kang maka encounter ng katulad ni Baldo. Maswerte ka lang dahil nangialam ako, pero kahit recommended ka ng mataas na taong ‘yun kung matigas ang ulo mo at hindi ka marunong sumunod, malala ang mangyayari sayo.”pahayag na bantang paliwanag ni Primo na kailangang sundin ni Romary.

Ibig sabihin, gabi ang chance ko na mapatay ko si Mr. V at kailangan ko ‘yun pagplanuhang mabuti. Saad ni Romary sa kaniyang sarili.

“Pero bakit ‘yung babaeng katalik ni Diablo lumabas sa chamber niya?”

“Pinatawag ni Diablo ang babaeng ‘yun para bigyan siya ng aliw, utos ‘yun.”sagot ni Primo ng makarating na sila sa magiging chamber ni Romary.

Binuksan iyon ni Primo na ikinapasok ni Romary sa loob na bahagyang humanga si Romary sa ayos, ganda at kumpletong gamit meron sa kwarto na ‘yun. Hindi niya inakala na kahit papaano ay maayos siyang bibigyan ng kwarto.

“At isa pang babala ko sayo, hangga’t may araw, pag may kumatok sa pintuan mo huwag mong pagbubuksan.”dagdag na bilin ni Primo na binalik ni Romary ang tingin niya dito dahil nagtaka siya sa sinabi nito.

Nakasandal si Primo sa hamba ng pintuan na parang modelo, nagsusumigaw ang kagwapuhan nito sa mga mata niya pero pinilit iyon iginorahin ni Romary.

“Bakit naman?”tanong niya ng umalis si Primo sa pagkakasandal sa may hamba ng pintuan at sinara ang pinto.

Napakunot ang noo ni Romary sa ginawa ni Primo ng makarinig siya ng katok mula sa  labas ng pintuan niya, salubong ang kaniyang kilay na naglakad siya palapit sa pintuan at binuksan iyon nang magulat siya at hindi agad nakahuma ng hawakan siya ni Primo sa bewang niya at mabilis at walang kahirap-hirap na madala sa kama at binagsak siya pahiga doon.

Nakita nalang ni Romary na nasa ibabaw nalang niya si Primo habang hawak-hawak nito ang parehas niyang palapulsuhan sa taas ng ulunan niya gamit ang kaliwa nitong kamay lamang. Akamang papalag si Romary ng mahigit niya ang hininga niya ng maramdaman niyang dumampi ang kanang kamay ni Primo sa may bewang niya, sa mismong balat ng bewang niya.

“Ganito ang mangyayari kung hindi ka makikinig sa hindi mo dapat gawin.”sambit ni Primo na akmang titigan ni Romary ang mga mata nito ng agad itong tumayo at umalis sa ibabaw niya.

“Magpahinga ka na, kailangan mo ng maraming lakas dahil mamayang gabi ay magsisimula ka ng magtrabaho. I lock mo ang pintuan mo.”ani ni Primo na naglakad na palabas ng kwarto niya.

Agad na tumayo si Romary at sinara ang pintuan niya at mabilis iyon na ni lock.

“W-What was that?”sambit ni Romary dahil  hindi niya inasahan at napaghandaan ang ginawa ni Primo na unang beses na nagpakabog sa dibdib niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status